Ang sunod naming pinuntahan ay ang Banahaw Cave. Malapit nga ito sa unang kweba na pinuntahan namin. Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa nasabing kweba. Nagpark lamang sa labas ng kalsada ang dalawang traysikel at tinuro na sa amin ang daan papunta sa loob.
Kahit medyo masukal ang daan papasok ay okay lang naman dahil mas malapad at madaling tandaan ang daan kesa do'n sa naunang kwebang pinuntahan namin.
Pagkarating namin sa loob ng kweba ay napahanga kami.
"Wow!"
"Awesome!"
"Magnificent!"
Ang ganda naman ng loob ng Banahaw Cave. May mangilan ngilang stalactites at stalagmites sa loob. Mayroon ding mga rock formations na kumikinang sa tuwing natatamaan ng flash ng aming mga cellphone kapag kinukunan ng picture at video. May ilog din sa loob nito pero mas malaki kesa sa Tagmanocan Cave.
Picture doon, picture dito ulit at panay ang pose, pose namin.
Dahil nga kweba ang aming pinasukan, expected na na may mga ligaw na hayop. Hindi namin inaasahan ang paggapang ng isang ahas malapit sa pwesto ng dalawang babaeng inimbita ni Hardy.
"Ssssssssshhhhhhhhhhhhssss.."
Mabilis lamang ang pagdaan ng hayop sa pagitan ng paanan ng isa sa dalaga dahilan para mapatili ito at naglulundag. Sa kakalundag nito ay namali ito ng apak at nalaglag ito sa may ilog.
"Help!"
"Help!"
Nang makitang nalaglag sa may ilog ang dalaga ay mabilis namang tumalon si Hardy at Peter para tulungan ito. Sabay pa talagang tumalon ang dalawa.
Nang maiahon na ang dalaga ay dali dali akong lumapit sa kanila. Basang basa ang tatlo at nangingilikig sa lamig. Mabuti na lamang talaga at may dala akong dalawang tuwalya sa aking bag. Ang problema ko ngayon ay kulang ng isa dahil tatlo silang basa. Bahala na kung sino sa kanila ang magse-share. Nilabas ko na ang dala kong tuwalya at binigay sa kanila.
"Here. I have two towels but I don't know which of you will share." iniabot ko na ang tuwalya na para talaga kay Hardy.
"Thank yo. We'll just share this. Yo can give your towel to him." sabi ni Hardy.
Sinunod ko ang sinabi ni Hardy. Binigay ko ang aking tuwalya kay Peter at silang dalawa ng babaeng nalaglag sa ilog ang nag-share doon sa kanya.
"Thank you." pasasalamat ni Peter.
"You're welcome."
Kahit natutuwa at nakatulong ako ay hindi ko maiwasang mainis sa sitwasyon. Paano naman kasi, dahil nagshare sa isang tuwalya si Hardy at ang isang dalaga ay magkayakap na ngayon silang dalawa.
Sa pagkakabasa nilang tatlo ay nagsuhestiyon nalang ako na puntahan na ang kasunod naming destinasyon - ang Cambugahay Falls. Tutal basa na silang tatlo ay maliligo na lamang kami. Pumayag naman sila kaya bumalik na ulit kami sa sasakyan.
Ilang minuto lang ang layo ng Cambugahay Falls sa Banahaw Cave kaya nakarating kami kaagad sa talon. May mga mangilan ngilan ding lokal at may ibang lahing turista na naliligo at nagpipictorial sa talon. Halatang hindi masyadong dinadayo ang lugar dahil may part pa na masukal at may mga talahib. Sa isang malaking patag na bato malapit sa talon na lamang kami pumuwesto. Napansin ko din na ang ibang mga turista ay kung saan saan lang din pumupuwesto. May dala naman akong malaking tela na nilatag ko para malinis ang aming uupuan. Para lang kaming nagpipicnic. Pagkatapos ay nilabas ko na ang mga chichiryang dala dala ko. Bumili na din ako ng ibang pagkain na nilalako ng mga tagaroon katulad ng mga kakanin at inumin para kung sakaling gutumin ang mga kasama ko ay may makain sila.
Habang naghahanda naman ako ng aming pwesto ay kaagad na lumusong na ang tatlo - si Hardy at ang dalawang babae sa talon. Tuwang tuwa talaga sila dahil napakalinis ng tubig at ang ganda ng lugar. Ang ibang mga naroroon ay hindi maiwasang mapatingin sa dalawang kasama ni Hardy dahil sa suot nilang string bikini. Halos lumuwa na ang kanilang mga kaluluwa kaya naman tuwang tuwa ang mga kalalakihan. Libre boso kumbaga.
"Busy?" nagulat pa ako ng magsalita sa tabi ko si Peter.
"Nah.. I'm just preparing our food. Why don't you join them? You're here to explore, enjoy and relax." nakangiting sabi ko sa kanya.
Nilatag ko muna sa malapad na bato ang tuwalyang ginamit kanina ni Hardy at nang kasama nitong dalaga. Sakto lang na tuyo na mamaya at magagamit na nila ulit pagkatapos nilang maligo. Tinanggal din ni Peter ang tuwalyang gamit nito at ginaya ang ginawa ko. Nang maupo ako ay naupo na din ito sa tabi ko.
"I'd rather join you here. Your boss is already with those two girls. You will be alone if I will also join them," nakatingin lamang kaming dalawa sa mga taong naliligo sa talon.
"Thanks for the company."
"Don't you want to swim?" tanong ni Peter.
"I'm going to swim later but not now. I will prepare our snacks just in case all of you will get hungry later. You should also enjoy yourself and have fun just like them. At least when you come to back America, you have stories to tell about the place you've visited here.. and also you're experienced."
"I'm going to swim later. I've decided to stay with you."
Naks! Sweet! Buti pa si Peter handang damayan ako.. I mean samahan ako. Pero ang Hardy hayun at busy sa pakikipaglampungan sa dalawang babae. Ang babata pa pero ang kikiri. Kung makipagharutan kay Hardy akala mo jowa nila si Hardy. Nakita kong may kinausap na matandang lalaki si Hardy na may sinasakyang balsa. Sumakay silang tatlo doon at pumunta sa gitna at doon panay ang dive. Ang Hardy naman tuwang tuwa kapag niyayakap siya ng dalawa atsaka sabay sabay silang sisisid sa ilalim ng tubig. Ang saya saya ni Hardy kasama ang dalawang babae samantalang kapag ako ang kasama, hindi naman siya gano'n kasaya.
Bago pa masira ang araw ko ay ibinaling ko na lamang kay Peter ang aking atensiyon.
"How sweet of you! Are you sure you want to accompany me. Maybe you have a girlfriend in America?" pasimple kong tanong. Baka mamaya may jowa pala 'to sa America.
"Let's reverse it before I answer your question. Do you have a boyfriend?" mautak si Peter. Binalik sa akin ang aking tanong.
"I ask you first. If you don't want to answer.. fine." nakalabing sabi ko. Akala siguro niya mauutakan niya ako.
"Hahhaha.." tinawanan ako nito. "Fine you win. I'll answer your question. I'm single. Now answer me, do you have boyfriend?" nakatingin na ito matiim sa akin.
"Nope."
"Maybe we're meant to be. I'm single, you're single too."
Siguro nga. Baka si Peter ang katuparan ng pantasya ko. Hindi si Hardy.
Mahabang katahimikam ulit pagkatapos no'n. Naramdaman ko na lamang na umusog pa si Peter para magdikit ang braso naming dalawa. Medyo naasiwa pa ako dahil iba't ibang eksena na ang pumapasok sa isip ko. Tumagilid ito at hinawakan nito ang aking mukha at unti unti ay lumalapit na ito sa akin.
Para akong nanigas. Hindi ko alam kung pipikit ba ako o papalisin ko ang kamay ni Peter. Alam kung hahalikan ako ni Peter.
Papayag ba ako?