BBC Chapter 17

1130 Words
"Urgghhhh....." Nagsusuka na ang Hardy. Hindi siguro sanay sa tuba ang tiyan niya kaya nagsusuka na ito. "H-hardy are you okay?" nag-aalala na ako ngayon kung paano ko siya dadalhin sa banyo. Nasa labas pa man din ang banyo. "S-shhh******t...." mura nito bago tuluyang humilik. Lungayngay na ang ulo. Ang Hardy hindi kinaya ang tuba. Hinayaan ko na lamang siyang sa sahig matulog. Sa tingin ko ay malinis naman ang tiles na sahig nila Mayor kaya okay lang na humiga muna saglit do'n si Hardy. Hindi ko siya kayang dalhin sa kama sa bigat ng katawan niya. Puno na ng suka ang suot nito. Pati tuloy ako ay nasukahan din sa pag-alalay ko sa kanya. Kumuha muna ako ng unan at nilagay sa kanyang ulo para hindi niya malunok ang kanyang suka. Pagkatapos ay tinanggal ko na ang suot kong pajama set. Nagbihis na lang ako ng sando at short. Ginamit kong pampunas ng suka ni Hardy ang hinubad kong pajama. "Hmp! Amoy tuba!" Nang medyo natanggal ko na ang suka ni Hardy ay lumabas na ako ng kwarto at pumasok sa banyo. Ang banyo ay kaharap lamang ng aming kwarto. Dinala ko ang aking pajama atsaka nilabhan. May nakita akong balde at 'yon ang nilagyan ko ng tubig para ipanlinis sa katawan ni Hardy. Pagkatapos ay bumalik ulit ako sa aming kwarto. Sarap ng tulog ni Hardy ah. Naghihilik pa ang n***rong 'to. Nilapag ko na ang baldeng may lamang tubig sa tabi ni Hardy. Ang nilabhan kong pajama ay sinampay ko sa dalawang plastic na upuan malapit sa kama. Mabuti at bumili ako ng towelette kaya may gagamitin akong pampunas kay Hardy. Kumuha na rin ako ng tuwalya sa kanyang luggage at panibagong sando, short at brief. Wait... ibinalik ko ang brief kasi gabi naman kaya hindi na kailangan pang mag brief ni Hardy. Tumayo na ako sa gilid ng nakahigang si Hardy. Tinitingnan ko kung ano ang uunahin kong tanggalin sa kanya. "Alam mo Hardy, kung ayaw mo sa akin gagawa pa din ako ng paraan para magustuhan mo ako. Mabuti na lamang at mahilig kang uminom. Sinadya ko talaga kanina na sa tuwing titingin ka sa TV at napapapikit ka ay kaagad kong sinasalinan ang baso mo para laging puno at malasing ka. Hahaha!" Para akong sira na kinakausap si Hardy sa kasarapan ng hilik nito. "May pa I don't like you, I don't like you ka pa noong nakaraan... Hmp.. Porke ba maliit ang puwet kaya ayaw mo sa akin.. Aba kahit naman maliit ang puwet ko kaya ko namang mag exercise para sa'--" Napatigil ako sa kakasalita ng biglang bumiling ang mukha nito. Akala ko ay magigising siya. Hindi naman pala. Kinabahan ako do'n ah. Lumuhod na ako at saka unang tinanggal ang kanyang sando. Grabe kamay pa lang ni Hardy ang hirap ng iangat. Parang bakal sa tigas at bigat ang mga braso nito. Pinagpawisan kaagad ako ah. Saka ko sinunod na tinanggal ang kanyang short. Habang binababa ko ang kanyang short ay hindi ko maiwasang tingnan ang kanyang bukol. Alam kong tulog pa ang kanyang alaga pero pakiwari ko ay inanyayahan niya akong hawakan iyon para magising. Debbie gising. Namamanyak ka na naman eh. . Ang kj talaga ng aking isip! Nahimasmasan naman ako at kaagad na iwinaksi ang nararamdamang pagnanasa na unti unting lumulukob sa aking katawan. Nililis ko na ang short ni Hardy. Saktong pagdating sa harapan nito banda ay ayaw bumaba dahil malaki ang puwet nito at ang bukol nito sa harap. Sa kakapilit kong tanggalin ang kanyang short... "Ay! Itlog sang kabayo!" napasubsob talaga ako sa bukol ni Hardy. "Patawad po Mama Mary. Hindi ko po sinasadya." umalis kaagad ako sa pagkakasubsob sa bukol ni Hardy. Napakislot naman ang bukol ni Hardy dulo't ng pagkakasubsob ko. Para itong may sariling isip na tuwang tuwa nang masagi ko. Tiningnan ko kung magigising si Hardy. Hindi naman ito nagising. Hay salamat! Sa sobrang kalasingan nito ay hindi na niya naramdaman na sumubsob ako sa kanya. May kapilyahang pumasok sa utak ko. Pumuwesto na ako sa may paanan ni Hardy at paunti unti ay sabay kong hinila ang kanyang suot na short. Nang tuluyan ko nang mahubad ang kanyang short ay pinasadahan kong muli ang kanyang katawan. Tanging boxer na lamang ang suot nito. Binasa ko na ang towelette atsaka pinunasan ang buong katawan ni Hardy para matanggal ang kanyang suka. Inamoy ko pa siya kung amoy suka pa. Hindi na. Nang masigurong malinis na ang kanyang katawan ay inayos ko ang kanyang pagkakahiga. Mabuti na lamang at kahit maitim si Hardy ay makinis at pantay naman ang kanyang balat. Kahit nga ang tattoo nito sa katawan ay bagay din sa kanya. Kinuha ko ang aking cellphone at kinunan ng picture ang natutulog na si Hardy. Click! Click! Click! Bawal 'yan Debbie. Saway sa akin ng aking isip. "Ako lang naman ang nakakakita nito. Kapag nagsawa na ako ay ededelete ko din." bulong ko sa aking sarili. Ibabalik ko na sana ang aking cellphone sa aking bag ng may pumasok na namang kabulastugan sa isip ko. Hoy, Debbie umayos ka. Tama na yang kahibangan mo. Kapag talaga nagising 'yan sa pinaggagawa mo baka masakal ka niyan ng wala sa oras. Hindi ko na pinakinggan ang saway ng aking isip. Last na talaga 'to tapos hindi na ako gagawa ng kagagahan. Isa isa kong hinubad ang aking suot at itinira na lang ang aking panty. Humiga ako at tumabi sa hubad ding katawan ni Hardy. Inilapit ko ang aking mukha sa natutulog na si Hardy at dinampian ng halik ang kanyang pisngi. Click! Click! Siniguro kong nakatingin ako sa aking cellphone habang nakalapat ang aking labi sa pisngi ni Hardy. Debbie patay ka talagang bata ka! Nabuang ka na! Wala nang nagawa ang aking inner self. Nag-iba na naman ako ng posisyon. Ibiniling ko ang mukha ni Hardy paharap sa akin. Hinalikan ko ito sa labi at pumikit din ako. Click! Click! Tama na 'yon. Tinago ko na ang aking cellphone. Sinuot ko ulit ang aking damit at sinuotan na din ng sando at short si Hardy. Hindi ko na hinubad pa ang boxer niya kasi hindi naman nasukahan 'yon. Nilatag ko ang dapat sanang kumot namin sa sahig at inusog si Hardy para doon siya matulog at hindi siya magkasakit. Pinatay ko na ang ilaw at pumuwesto sa kama para matulog. Makalipas ang ilang minuto ay hindi pa rin ako makatulog. Pabiling biling lang ako sa kama. Sinusulsulan na naman ako ng masamang espiritu. Kung ano ano ang pumapasok sa utak ko. Kahit na anong pikit ko ay ang katawan at bukol ni Hardy ang nasa isip ko. Maya maya ay nakapagpasya na ako. Debbie Lyn, huwag kang makinig sa masamang espiritu. Makinig ka sa akin... Mapapahamak ka talaga..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD