Kabanata 5

2353 Words
Traffic and Other Things NAPAHALAKHAK na lang si Collen pagkatapos ng warm up. May ilang middle age woman siyang kasama, siya lang ‘ata ang walang asawa’t anak. “Warm up lang ‘to? Ba’t parang na-work out na ako,” napailing na saad ni Collen. Napatingin si Collen sa babaeng kakapasok lamang. Naka-leggings ito ng hanggang tuhod at naka sports bra. Sexy ang katawan at may kaputian, mukhang sanay na sanay sa work out. “Ba’t pa siya nagwo-work out eh payat na siya?” biglang nabigkas ni Collen ang naiisip. “Because working out isn’t just about being sexy, it’s also about being healthy…” lumapit naman sa kanya si Hina, ang instructor nila. Mistulang napako naman sa kanyang kinatatayuan si Collen nang may grupo ng lalaking pumasok lamang. Lahat sila ay nakasando at shorts. Halatang magaganda ang pangangatawan at hindi rin maitatanggi ang kaguwapuhan ng hitsura. “Oh? What’s with you guys?” kung hindi pa nagsalita si Hina at magtatagal pa ang pagpapantasya ni Collen sa mga lalaking kararating lang. “Coach!” maligayang bati ng isang lalaki at lumapit kay Hina. “May try out kayo bukas ‘di ba? Bakit kayo magji-gym?” “Kaya nga po kami magwowork out para mas lumakas ang katawan namin.” “Ah, these are my players. Hindi ko pala nabanggit na coach ako ng isang basketball team but I am just the tactician. Nag-a-assist lang ako kay head coach,” pahayag naman ni Hina kay Collen dahil nakatitig lang siya sa kanila. “You know them?” umiling si Collen sa tanong ni Hina. Bahagyang nagulat naman ang dalawa’t nagtinginan. “Here we are, walking around like we’re heartthrobs,” nagkibit balikat ang lalaki. “I’m Owen, ako ang captain ng Roaring wolves,” hindi naman inaakala ni Collen na maglalahad pa ito ng kamay sa kanya, at napaisip siya sa pangalan ng kanilang team. It’s the same team where Jayce belongs. Muli niyang binaling ang tingin sa natitirang dalawang lalaki kung saan iniwan ni Owen ang kasamahan. There’s number 2, 6-footer at half-chinese na si Yuan, ang center ng team. Katabi nito ang kanilang power forward na laging nagpapasikat sa court—si Andre kayumanggi ang balat at naka-undercut. At sa pagkakaalam ni Collen ay si Owen na nasa harapan niya ay ang kanilang point guard. Usap-usaping siya ang isa sa strong core ng team dahil sa kanyang unbeatable passes. He synchronizes with Jayce—the shooting guard who never misses. “Sige, baka nakakaistorbo na ako,” paalam naman nito at tumakbo pabalik sa kanilang pwesto. “Owen is the mental core of the team. He’s got good vision and perception to his members. I miss seeing him play with Jayce, kaso mukhang malabo nang mangyari ‘yon.” Napabuntong hininga naman si Hina habang nakatingin sa kanila. “Have you tried convincing your boyfriend?” “Hmmm, parang wala na sa isip niya ang maglaro—” nanlaki ang mga mata ni Collen at napatingin kay Hina. “B-boyfriend…” nautal siya. “Hindi ba boyfriend mo si Jayce? Kinausap niya ako kahapon tungkol sa pagpalit ng instructor mo. Initially, kay Ariel ka sana pero nilipat ka ni Jayce sa akin. Masyadong seloso talaga ang kumag na ‘yon,” napailing na lang si Hina at naglakad upang lampasan si Collen dahil magsisimula na ulit sila. *** ITO na siguro ang pinakabagal na lakad ni Collen. Ilang minuto matapos niyang makapag-ayos pagtakatpos ng kanilang workout ay hindi pa rin siya nakakalabas ng building. “Grabe, ang sakit!” napapikit siya’t napahaplos sa kanyang tuhod habang hawak ang kanyang bag. Nasiyahan siya nang makalabas siya sa main entrance. Now she just needs to go take a ride to her home. “Ba’t naglalakad ka na parang mabibitay ka na?” tumambad sa kanyang harapan si Jayce kaya naman napatigil siya. “Parang hihiwalay na ang mga binti ko sa katawan ko,” ani naman ni Collen. Narinig niya ang pagtawa ni Jayce. “Good job, fatso…keep it up,” tinapik nit Jayce ang kanyang balikat. “Oh,” napawi ang ngiti ni Jayce nang marinig nila ang boses na iyon. Paglingon ni Collen ay nakita niya sina Owen. Oo nga pala at halos kasabayan niya lang lumabas ang mga ito kanina. “Owen…” bigkas nito sa pangalan niya. Umatras si Collen at nagtungo sa gilid ni Jayce dahil nakaramdam siya ng kakaibang katahimikan nang magtagpo ang magkaka-team mates na ito. “Dadalawin mo ba si Coach?” tanong naman ni Owen. “Hindi, sinundo ko lang girlfriend ko,” turo naman Jayce kay Collen. Nanlaki ang mga mata ni Collen lalo na’t mukhang ikinagulat din ng mga kaibigan niya ang pahayag niya. Sabay ang kanilang mga matang tumingin sa kanyang hanggang sa kanyang paa. Naulit pa ito ng dalawang beses. “Akala ko ate mo s’ya,” komento naman ni Andre na hanggang ngayon ay nakatitig pa rin kay Collen. “’Kala ko tiyahin niya, eh,” singit naman ni Yuan na katabi ni Andre. Napaigting ang panga ni Collen at nagpwersa ng isang ngiti pero sa kaloob-looban niya’y kanina pa sana niya nasapak ang mga ito. “Girlfriend mo pala siya, nakita ko siya sa loob, Collen right?” nginitian naman siya ni Owen. “Pero, nakakapanibago lang, hindi ba petite ang mga hilig mo, Jayce? Triple petite na ‘ata ngayon?” naglaho ulit ang ngiti ni Collen kanina na binuo ni Owen dahil muling nagsalita si Andre. “’Oy, sabihan mo ‘yang kaibigan mo na ayusin niya ‘yang tabas ng dila niya baka hampasin ko ‘yan sa puyo,” siniko ni Collen si Jayce kaya napayuko ito at dininig ang bulong ni Collen. “Why petite though?” napaisip si Yuan. “Para puwede mong ihampas sa kama, p’re. Ano ka ba? Slow mo naman,” bulong lang iyon ngunit rinig na rinig ni Collen at Jayce. Si Owen naman ay ngumit na lamang nang pilit. “Eh ‘di ‘pag mataba ‘di puwede ihampas?” ang sabi naman ni Yuan. “Eh kung ihampas ko ‘tong bag ko sa mukha puwede pa!” Naalarma naman sina Jayce at Owen nang biglang pumaharap si Collen at hinampas ang kanyang bag pero hindi naman niya naabot ang dalawang gulat sa kanya dahil maagap siyang nahawakan ni Jayce. “Relax, ‘uy,” kalmadaong saad ni Jayce habang mahigpit na hawak niya ang braso ni Collen. “Nangigigil din ako sa ‘yong intsik ka. Tanda mo kung ‘di ka pa naging maputi mukhang tuyong galunggong ka,” iritang saad ni Collen sa kanila. Nagtago naman sina Andre at Yuan sa likod ni Owen. “Hey, stop it…” nagpipigil naman ng tawa si Jayce habang nakatitig sa inis na inis na si Collen. “Isa ka pa,” kumalas naman si Collen “Girlfriend? Ni ‘di mo ako maipagtanggol.” “Sige, Jayce…mauuna na kami,” nakahanap naman ng tyempo si Owen na magpaalam at dali-dali silang naglakad palayo. “Sa’n tayo kakain niyan?” napatanong naman si Jayce nang maiwan silang dalawa. “Kumain ka mag-isa mo,” napasimangot lang si Collen at napatiuna sa paglalakad. “Nagtampo ba iyon? First time ko ‘ata magkaro’n ng girlfriend na nagtatampo sa akin,” mahinang napatawa si Jayce at pinagmasdan lang si Collen na naglalakad. *** HINDI na na-excite si Collen ngayong lunch time. Hindi na siya bibili ng pagkain sa cafeteria at sinusunod niya ang diet plan na binigay ni Jayce. Takam na takam siyang napapatingin kay Candy na kumakain ng kanin. “Oo nga pala, hindi ba maglalaro si Jayce sa summer cup? May usap-usapan na nag-quit na raw siya,” tanong naman bigla ni Candy habang napapatingin sa screen. Nasa commercial kasi ang maikling flashback sa basketball games no’ng nakaraang taon. Ngayon ang unang beses na magkakaroon ng summer cup. “Mukhang hindi na siya maglalaro.” “Sayang naman. Masyado pang maaga para mag-retire siya, bilang girlfriend niya hindi mo ba kukumbinsihin?” Napatigil si Collen sa sinabi ni Candy. Maybe it’s safe to think that they are official right now. Jayce has been a good boy since day one. At hindi siya gano’n kamanhid na hindi mahalatang may pinagdadaanan ito. If she’s right, it had something to do with him, playing basketball. “Hindi ko siya pipiliting maglaro kung ayaw na niya. Dahil…alam ko ‘yung pakiramdam na magpanggap na okay lang sa ‘yo gawin ang isang bagay na mabigat na sa ‘yo…” “Mahal mo nga siya,” napatango-tango si Candy. “Ano’ng mahal? Hindi ah!” pagtatanggi ni Collen. ‘Di hamak na temporary lang naman kung ano’ng meron sila at maaring hindi totoo ang lahat ng nararamdaman ng isa’t isa. What they have may end anytime. Natapos na naman ang isang araw ni Collen. Akala niya ay makakauwi na siya ngunit ipinaalam sa kanilang wala nang bus at jeep na dumadaan sa station malapit sa kanilang building. Dahil nag-cutting trip na silang lahat. “Grabe namang mga jeep ‘yan! Kung kailan mo kailangan saka nawawala!” nainis na napahalukipkip si Candy sa kanyang tabi dahil magdadalawang oras na silang naghihintay at nagkukumpulan na sila rito sa waiting shed. Kaya namang tiisin ni Collen ang tagal ng paghihintay basta wala siyang naririnig. Hindi kasi nakakailag sa kanyang pandinig ang mahihinang bulungan ng taga ibang department tungkol sa kanya. Batid niyang si Myra at Kris ulit ang nag-umpisa nito. Hindi naman niya inaasahang marami rin silang mahihikayat. “Well, nagpunta ako sa book signing ni Miss Satella, I could see the difference. Parang celebrity siya at kayang-kaya niyang iakto ang mga characters ng kuwento niya.” “Hay nako, mismo! ‘di tulad ng isa sa kilala ko, laos na nga desperada pa. Aba ay kakapit pa sa taong sikat?” alam niyang boses ito ni Myra. Marahil ang tinutukoy niya ay ang nobyo niyang si Jayce. “Uwing-uwi na ako!” sunod-sunod na reklamo ng ilang kasamahan niya. “Bakit pati taxi? o grab wala? Nagka-cancel ang grab! Kainis!” rinig niyang reklamo ng ilang empleyado sa likuran niya. “Angkas na lang ang meron,” napatingin si Candy at Collen sa ilang motor na tumitigil sa harapan nila. Kaso hindi iyon sapat para maubos ang tao sa shed. Napakarami pa. “Hindi ako puwede sa angkas,” napayuko si Collen. May experience na kasi siya sa pagmomotor. Dinoble-doble noon ang kanyang pamasahe dahil may kabigatan siya. “Kris baka naman puwede tayong makisakay sa boyfriend mo? Saan ba siya galing?” gumilid si Collen nang marinig niya iyon. “Tsk. Pinagyayabang na naman ba niya iyong boyfriend niya? Palibhasa papalit palit eh,” mukhang pati si Candy din ay narinig ang pagmamayabang nito. “Kris! Iyan na ba iyong boyfriend mo! Ang gara naman ng kotse!” Napatingin silang lahat sa kotseng pumarada sa harap. Ilang segundo na ang nakalipas wala pa ring lumalabas sa kotse. “H-hindi…ano wait girls tatawagan ko siya,” muling napasulyap si Collen kay Kris. “Babe!” napapitlag si Collen at napatingin mula sa harapan nang umalingawngaw ang boses na iyon. “Let’s go,” napaawang ang bibig niya nang makita niya Jayce na lumabas sa kotse at nagtungo palapit sa kanya. Kinuha pa nito ang bitbit niyang bag ng laptop. “Hindi ba si Jayce Iyiger iyan? Wow!” may tiliang naganap sa likuran. Napansin naman ni Collen sa gilid ng kanyang mga mata ang matatalim na titig ng grupo ni Kris. “Sige na, Collen. May susundo rin sa akin,” ngumiting tinanguan naman siya ni Candy. Pakiramdam niya ay naligtas uli siya ngayon gayong hindi naman siya naharap sa panganib. Maybe the feeling of being lift up by someone is something she’s been wanting. Puro na lang kasi pambabatikos ang naririnig niya sa ibang tao. Kakarampot na lamang ang taong naniniwala sa kanya. And who would have thought that a promise from fifteen years ago will save her on times like this… Pinagbuksan ni Jayce ng kotse si Collen bago ito umikot papunta sa driver’s seat. Mula sa bintana ay sinilip niya ang mga taong nakasama niya sa shed na marahil inggit sa kanya ngayon dahil makakauwi na siya. “Sarap magkaro’n ng boyfriend ‘no? May tagasundo ka,” nabulabog ang kanyang pag-iisip nang magsalita si Jayce at nagsimulang mag-drive. “Ikaw nasasarapan ka ba sa akin?” she spilled the words before realizing she asked the wrong way. “We’ll have to see that when we do it,” he smirked. “No. Sorry, mali ako ng natanong,” paumanhin nito at nagiwas ng tingin. “Girls are all girls to me. Kahit sabihin mong hindi ka sexy, nililibugan pa rin ako sa ‘yo,” namilog ang mga mata ni Collen sa kanyang narinig. “Wala naman sigurong masama ro’n ‘di ba? Miss Writer? You can always fantasize of having s*x with your girlfriend,” then she twitched. The last line came from one of the characters of the story she wrote. “I hate the way you are informative.” She frankly said. “Why? What’s wrong? I’m just curious of what’s on your mind. The more I read about your stories, the more I slowly see your fantasies.” Tumigil ang sasakyan dahil sa traffic. Natanaw ni Collen ang haba nito. Ito siguro ang dahilan kung ba’t walang masakyan. “Mahaba-haba pa ‘to.” Napatingin sa kanyang orasan si Jayce. “Ba’t ‘di ka naka-seatbelt? Baka mahuli tayo niyan,” napansin naman ni Collen na hindi nga siya nag-seatbelt. “Oo nga—” “Wait, I’ll do it.” Inalis naman ni Jayce ang kanyang seat belt at umangat nang kaunti. Napako sa kanyang posisyin si Collen nang magkalapit ang mukha nila dahil inabot ni Jayce ang seatbelt. “This the proper way of putting your seatbelt…” nangutog ang mga binti niya nang maramdaman niya ang init ng hininga ni Jayce. Dahil sa sobrang lapit ng kanilang mukha ay ‘di makagalaw si Collen sa pangangambang baka magdikit ang kanilang mga labi. Hinatak ni Jayce ang seatbelt. Bahagyang lumuwag ang nararamdaman ni Collen dahil lulubayan na siya nito. Pero bago pa man mai-lock ni Jayce ang seatbelt, at nang huminga siya nang malaya ay sinunggban nito ang kanyang labi nang walang paalam. Sino nga ba ang nagpapaalam para humalik? “Hmmm,” humawak si Collen sa balikat ni Jayce para sana itulak siya pero napasandal lang ang ulo niya sa headboard nang diniin ni Jayce ang labi niya sa kanya. Hindi siya makasunod sa bawat paggalaw ng labi ni Jayce dahil para siyang yelo nanigas sa kinauupuan. Narinig niya ang lock ng seatbelt at naging hudyat na rin iyon upang matigil ang halikan nila sa kalagitnaan ng traffic. “Don’t forget your seatbelt…” his voice is calm when he got back to his seat. Ni hindi makahinga nang maayos si Collen dahil sa katatapos lamang ng biglaang halikan nila. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD