I’ll do it For You
“BAKA naman mapunit na iyang mukha mo kakangiti, Jayce?” Halos makalahati na ni Ian ang mango shake na kanilang inorder at tunaw na kay Jayce. Ilang minuto na rin kuwento nang kuwento ito pero parang walang naririnig si Jayce at nagse-cellphone lang.
“Lagyan mo ng packing tape ‘pag mapunit,” sagot naman nito at hindi pa rin nilulubayan ang kanyang cellphone.
“Sino ba ka-chat mo?” tumayo kaunti si Ian para tanawin ang cellphone niya.
“Ah, si girlfriend number 17,” sumama ang tingin ni Jayce kay Ian. “Aba eh, ‘di mo naman ako masisisi. Ang dami mo nang naging girlfriend at dinala sa bahay. Nagpapa-raffle ka ba?”
“Her name is Collen. She’s…my last resort.”
“Ahhh, I know this set up,” napasandal naman si Ian sa upuan at pinatong ang isang paa sa kanyang hita.
“Para ito sa mga hopeless romantic na kagaya mo. I know that, I mean you have to learn how to love each other because you’re the last choice of each other,” pikit mata pa siyang nag-explain na para bang alam na alam niya ang lahat ng tungkol sa pag-ibig.
“Marami ako’ng option pero hindi kasi ako mahilig sa mga bata kagaya mo,” nanigas ang matamis na ngiti ni Ian na para bang tinapunan siya ng malamig na tubig ni Jayce.
“Hoy hindi bata si Noelle!” depensa naman nito.
“6 years gap kayo, ipapaalala ko lang. Nag-aaral ka na no’n kapapanganak pa lang niya,” paglilinaw pa ni Jayce kaya naman napainom lang sa kanyang shake si Ian.
“Kung makapagsalita ka naman parang hindi ka na 30 years old ah,” aniya Ian.
“Pero maiba ako,” tumikhim si Ian at sumilip uli sa cellphone niya. “Seryoso ka ba riyan? May nararamdaman ka ba sa kanya?”
“Hindi ko alam at sigurado ako’ng gano’n din siya sa akin,” sa wakas ay binitawan na nito ang cellphone niya at tinikman ang shake niyang tunaw na.
“Hindi ba ang silbi ng mga option sa buhay ay subukan? We’re trying if it will work out. If not then…we’ll set each other free. Basta ako, I’m just usual. I treat her just like how I treat my ex-girlfriends…”
“Sure ka walang iba? Like something you haven’t feel before?” tanong naman ni Ian habang hinuhuli ang mga s**o sa kanyang shake gamit ang straw niya.
“She’s chubby but she still looks hot to me,” he leaned his back with a grin on his face. “She looks older than her age”
“Grabe, lihis sa style mo. Gano’n ba talaga kapag masyado kang playboy? Magsasawa ka na sa mga sexy at magaganda?” napailing si Ian.
“She’s not ugly. Maganda naman siya kaya hindi siya lihis sa style ko,” nabulunan naman si Ian dahil bigla niyang nahigop ang s**o at dumiretso sa lalamunan niya dahil sa gulat nang biglang hinampas ni Jayce ang mesa.
“Oo na, grabe ka naman, nakakagulat ka,” reklamo naman nito at napaubo.
Nang mahimasmasan siya ay muli niyang binalikan ang kanyang shake.
“Ian! Where are you?”
“Ack,” biglang namula si Ian at napahawak sa kanyang leeg dahil muli siyang nakahigop ng s**o at dumiretso sa lalamunan niya nang marinig niya ang boses na iyon. Napatayo naman si Jayce at lumapit sa kanya dahil namumula na ito.
“Kuya? Ano ba kasi ginagawa mo diyan sa s**o, kanina ka pa!” saway nito at hinagod ang likod niya.
“What happened to him?” napakurap-kurap naman si Noelle nang makalapit siya sa kanya.
***
NAGMADALING nag-time out si Collen dahil nakatatlong message si Jayce na nasa lobby siya at hinihintay siya nito. Hindi kasi nasabihan ni Collen ito na may meeting sila one hour before ng out niya.
“Sorry, nag-meeting kasi kami,” napahawak sa tuhod si Collen nang makarating siya sa inuupuan ni Jayce. Gulat naman ang binatang sinarado ang magazine na hawak.
“You should have told me,” he looked concerned.
“So the rumors are true? You’re dating an ordinary girl,” napabalikwas ng tingin sa likod si Collen nag may biglang narinig siyang boses. The man is unfamiliar to him but when he saw Jayce’s eyes they seem to know each other.
“Caido?” matalim ang titigan nilang dalawa.
Nang humakbang palapit si Caido kay Jayce ay nakita ni Collen ang nakalagay sa jacket na suot nito.
“Violent Strikers?” binasa niya ang logo ro’n.
“It’s been a long time, bullseye shooter, Jayce Iyiger,” naglahad ng kamay si Caido sa kanya ngunit hindi iyon tinanggap ni Jayce. Mukhang may mapait na nakaraan ang dalawa base sa titigan nila.
“But I don’t believe that you are dating this fat girl here. That’s not your type,” nilingon ni Caido si Collen.
“I don’t care about you, so…” naglakad si Jayce at nilagpasan si Caido. Nang lalapitan na sana niya ang nobya ay biglang nagsalita ulit si Caido.
“Let’s do a rematch, Jayce. I want to settle our score back then. Natalo kami ng Roaring Wolves pero gusto kong malaman kung kaya mo ba ako’ng talonin sa lagay mo ngayon, Jayce?”
Napatitig si Collen kay Jayce dahil mistula itong napako sa kanyang kinatatayuan. Napansin niya rin ang kamay ni Jayce na nangingnig. Kinuyom niya ito upang pigilan ang pangingnig.
“I’m not someone who should play with you,” dahilan ni Jayce.
“At wala ako’ng balak patulan ang larong sinasabi mo,” hinigit ni Jayce ang kamay ni Collen at naglakad ng ilang hakbang pero hindi natinag si Caido.
“Sabi sa akin ni Mio, ex-girlfriend niya raw ang babaeng iyan. We happened to be close so…he sent me some good pictures of her,” nanlaki ang mga mata ni Collen nang may bigla siyang naalala.
There were times that she sent her sexy pictures with Mio. It was natural of them since Mio demanded it before.
“T-teka,” bumaling si Collen at tinangkang lapitan si Caido pero hinarang ni Jayce ang kamay sa harapan niya.
“What do you want?” nakatiim-bagang tanong ni Jayce.
“Let’s do one on one. If you beat me, I’ll delete all of this…if you can’t then…sorry but I’ll have to share these good but nasty pictures,”
***
UMAAPAW ang tension sa pagitan ni Jayce at Caido. Nagtungo sina Jayce at Collen sa isang court kung saan itinuro ni Caido. Usually dito ginaganap ang mag street basketball plays. Hindi nanakausap ni Collen si Jayce mula kanina, hindi rin siya kinibo nito. Batid niyang may galit na si Jayce sa kanyang ngayon nang dahil sa kanya.
“Nagsimula na ba? I came right away after I got your message,” napatingin naman si Collen kay Hina na kararating lang. Hindi kasi maawat ni Collen si Jayce kanina at sinubukan tinext si Hina at nagbaka sakaling makakausap niya nang maayos si Jayce.
The uneasiness won’t let her be, ngayon lang kasi niyA nakitang gano’n kagalit si Jayce at parang nagiibang tao s’ya.
“Puwede mo pa ba siyang kausapin?” tanong naman ni Collen.
“There is no way we can talk to Jayce, desidido na siyang labanan si Caido,” Hina’s staring at him thoroughly.
Tatlong taon makalipas, tinalo ng Roaring Wolves ang Violent Strikers sa isang National Tournament. Caido is the power forward of Violent Strikers and he was shut down by Jayce’s three’s
“Caido is known for his high jumping, but that isn’t a match for Jayce perfect three points. Kaya kasing taasan pa ni Jayce ang pag-shoot niya. Hindi ko nga lang alam kung kaya pa niya ngayon lalo na’t hindi na siya makapag-shoot…” bakas naman ang pag-aalala sa boses ni Hina.
For the first time in a while, Collen will be able to see Jayce in an actual play.
“Okay, Tip off!” pumito ang isang kasamahan ni Caido at hinagis ang bola bilang hudyat na pag-aagawan na nila ito. Si Caido ang nakakuha ng bola at drinible niya agad ito. Jayce made defense position to block wherever Caido is going.
Pero parang sing-bilis ng hangin ang nangyari at bigla na lang naglaho si Caido nang parang bula sa harapan ni Jayce at nakapag-three points kaagad ito.
Caido owns the first point.
“He can do three’s,” gulat na saad ni Hina. Halos hindi maipinta ang mukha nito dahil sa nangyari.
“Ano bang pustahan sa laban na ito? I take back what I said. We need to stop Jayce.”
“Ano…kasalanan ko ‘to,” napasapak si Collen sa kanyang noo.
“Ang alam lang ng karamihan ay hindi na makapag-laro si Jayce dahil sa health problems. Hindi nila alam na hindi na niya kayang mag-shoot. If Caido will know about it…magiging katatawanan na lang si Jayce sa basketball.”
She stared at Jayce who couldn’t even dribble the ball properly. He has to past Caido’s defense near the net in order to make a point.
“What are you doing? You can make a three points from there,” Caido scoffed.
“…or maybe you can’t make three points anymore,” he is trying to provoke him, napansin din ni Collen na naiinis na si Jayce at kaunti na lang ay baga bumigay na ang pasensya nito.
“Hindi na dapat siya mag-shoot,” akmang maglalakad na sana paharap si Hina nang biglang may dumating na lalaki at pinigilan siya.
“A-adler?” nanlaki ang mga mata nilang dalawa ni Collen na napatingin sa kanya. “Let him shoot even if it he misses.”
“Pero—“ sinubukang kontrahin ni Hina ito.
“Maybe that was my mistake as a coach. I never told Jayce to shoot even if he misses. Baka sakaling, kung sinanay ko siyang gano’n, baka naglalaro pa siya ngayon…” napayukong sabi nito.
Nakaramdam ng kirot si Collen sa kanyang dibdib at hindi niya maipaliwanag kung bakit.
Alam niyang sa basketball umikot ang mundo ni Jayce sa mga taong nagdaan kahit hindi sila magkasama, katulad ng pagikot ng mundo niya sa pagsusulat.
And when all of that disappeared, she was shattered into pieces and up until now, she hasn’t fixed herself yet.
And just like how his hands trembles when thinking about basketball, her hands also trembles and she stopped writing.
Then Jayce positioned his hands to shoot from the center line. This was an easy range for him.
But he missed.
Umalingawngaw ang tawa ni Caido, “Mukhang tama nga si Riko, hindi mo na raw kayang mag-shoot. Anyway…let’s stop this. Forget the bet. I won’t screw your girlfriend,” naglakad palapit si Caido kay Jayce na ngayon ay balisa. “I know you’re miserable, and I don’t want to make it worst… Kaya lang nakakahiya, Jayce. You should give up your title now,” tinapik-tapik pa nito ang balikat niya bago naglakad palayo.
The match ended with Jayce’s loss.
“Let’s go, Hina…” aniya ni Adler at napatiuna sa paglalakad.
Ilang sandaling nakipagtalo si Collen sa sarili kung lalapitan ba si Jayce. But regardless of what he’s reaction will be, she chose to walk towards him.
“J-Jayce…”
“Tch. Sorry, natalo ako,” hindi inaasahan ni Collen na ngingiti ito sa kanya. Pero hindi siya manhid para hindi mahalatang peke lang iyon.
“Ang lakas na pala ni Caido,” napakamot sa ulo si Jayce. “Pero gagawan ko ng paraan iyong pictures, puwede kong kausapin si Mio tungkol do’n”
“Hmmm,” ngumiti si Collen at napatango. She didn’t ask him anything…for now.
“Gusto mo uminom? Beer?” masiglang alok ni Collen.
“That’s really a good idea,” sumang-ayon naman si Jayce. Napatiuna siya sa paglalakad at sumunod naman sa kanya si Collen.
***
HINDI na namalayan ni Collen at Jayce na lumalim na ang gabi. Luckily there’s rooftop in Collen’s apartment. Doon nila dinala ang beers na binili. Napansin ni Collen nanapaparami ng iniinom si Jayce kaya naman hindi na gaano siya uminom. One must stay sober, that’s what she believes.
“I’m curious about something,” biglang nagsalita ang tahimik na si Jayce habang nakamasid sa ibaba.
“You never ask me about it,” sinilip ni Collen ang mukha nito. His lips are forming a thin line while his face couldn’t hide the miserable feeling he has since a while ago.
“About what?” she asked.
“Bakit hindi na ako magba-basketball at bakit hindi na ako makapag-shoot.”
“Hindi mo rin naman ako tinanong kung bakit hindi na ako nagsuusulat,” napayakap siya sa kanyang tuhod at nilapag sa sahig ang beer. Kasalakuyan silang nakaupo sa sahig dahil wala namang upuang nakahanda sa rooftop marahil wala rin kasing nagpupunta rito.
“Hindi ako nagtanong dahil baka masakit,” napatingin sa malayo si Collen.
“It’s painful,” halos paos na ang boses ni Jayce. “I’m getting worse at what I usually do the best.”
“I feel you,” aniya at nilagok ang beer na nilapag sa sahig.
“Hindi na ako makapag-shoot. I can’t play basketball anymore…”
She crumpled the canned beer and shoots it near the trash bin. “Basketball isn’t only about shooting. It’s also about defending…” ngayon ay nagtapang siyang titigan si Jayce sa kanyang tabi.
“So what if you can’t shoot? Hangga’t kaya mong makipaglaro sa teammates mo, isa ka pa ring basketball player,” his eyes widened upon hearing her words. Unti-unti siyang naglipat ng tingin sa kanya na ngayon naman ay nakatingn na sa itaas.
“Don’t mind of those people who started hating you while you’re at your worst. Think of those people who are still with you while you’re at your worst and until you’re working on to be at your best.”
Ilang imahe ng mag tao ang nagpakita sa kanyang isip. Sa dalawang taon na halos hindi na siya nakapaglaro sa court ay may ilang taong nagtiwala pa rin sa kanya at hanggang ngayon…nandiyan pa rin sila para sa kanya.
“Hindi mo naman kailangan silang i-impress dahil magaling kang shooting guard. You just have to satisfy yourself and be a good basketball player, am I wrong?” she smiled upon exchanging glares with him. Nagtagal ng ilang segundo ang titigan nilang dalawa.
“Then tell me, Collen…” napatigil siya dahil biglang nagpakawala ng seryosong boses si Jayce.
“Should I play basketball again?”
***
Kayo ano sagot niyo? Babalik na ba si Iyiger sa court? Hihihihi ikaw, kailan ka magkakajowa? Tigang you forever? Dejk. Haha