Kabanata 4

2139 Words
Fatso is the New Babe PASADO alas-dyes na ng gabi nang bumangon ulit si Collen dahil hindi siya makatulog. Inalis ang blindfold at tinalian ang buhok. Nagsuot din siya ng jacket nang lumabas ito ng unit niya. Balak nitong magtungo sa convenient store malapit sa kanilang building. Ilang sandali nang paglalakad ay may namataan si Collen na isnag bulto ng lalaking tumatakbo. “J-jayce?” napahinto silang pareho nang magkasalubong sila. Nakasuot ng rubber shoes si Jayce, naka jacket din ito gaya niya at naka-shorts lang. “Where are you going?” inalis nito ang hood. “I can’t sleep,” napangusong sagot ni Collen. “Gusto mong pumunta sa unit ko?” alok nito. Saglit na napaisip si Collen. Bukod kay Mio noon wala na siyang ibang lalaking pinupuntahan ang bahay. Kaya parang tagilid siyang magdesisyon kung papaunlakan niya ang alok ni Jayce. “Ano’ng gagawin ko ro’n? she sounded awkward. “Iinom? May beer ako sa ref, of course may pulutan din ako,” sabay kindat pa nito. Nang makapasok si Collen sa unit ni Jayce ay napatingin siya sa mga trophy na naka-display. Marami na talagang award si Jayce bilang basketball player. Dumiretso siya ro’n kung sa’n niya rin nakita ang mga gintong medals nito. “You can look around and eat anything in my fridge. Maliligo lang ako,” narinig ni Collen na sigaw ni Jayce nang pumasok ito sa silid. “Oh?” nanlaki ang mga mata ni Collen nang makita niya ang isang lumang litrato. It’s a picture of Jayce with his team mates during the inter high of Stallion High. Hindi niya inaasahang naitatago pa ito ni Jayce at naalala niya rin na no’ng kinuha ang larawan na ito ay ‘yon din ang araw kung kailan siya nagtapat ng feelings kay Jayce. “Ang payat ko naman dito,” naaliw na saad pa nito nang makita ang sarili sa likuran. Nasa likuran kasi ang buong klase na nakasuporta noon sa team nina Jayce. Nagtungo naman si Collen sa may couch, akmang uupo na sana siya nang biglang mayro’n siyang naapakang bukas na libro sa sahig. Pinulot niya ito at pinagpag. Sa ‘di inaasahan ay nakita niya ang cover ng book. “Teacher, take me please…” the she realized she was holding a hentai manga book. Hindi na siya nagsalita at nilagay na lang sa lamesa ang libro. She pretended like she didn’t see anything. Jayce’s house is simple. Puti at gray ang combination ng interior walls. He’s got a huge flat TV screen, may lumang bola ng basketball with signature ang isang divider. Everything in this room is almost all about basketball. “Babe?” Napalingon si Collen sa boses ni Jayce, pero pinagsisihan niya ito. Bigla kasing lumabas si Jayce nang nakatwalya lang sa ibabang parte ng katawan nito. Mukhang tapos na siyang maligo. Napako ang mga mata ni Collen sa dibdib ni Jayce kung sa’n tumutulo pa ang tubig ro’n pababa sa kanyang six-pack abs Ngayon lamang niya napagtanto na may kalakihan pala ang katawan ni Jayce. Hulmang-hulma ang muscles nito at an gang bs niya, marahil dahil sa work out at sa pagiging basketball player niya. “You can come here, you can also touch it…” kung ‘di pa nagsalita si Jayce ay mas lalong tumagal ang pagtitig ni Collen sa kanyang katawan. Inayos nito ang salamin at nilipat ang titig sa ibang direksyon. “Magsusuot lang ako ng shorts,” paalam naman nito at muling pumasok sa kuwarto. “T-shirt din, please,” bulong naman ni Collen. Naisipan niyang hintayin na lang si Jayce. Ilang sandali lang naman ang tinagal nito at lumabas din uli siya ng kuwarto. This time he’s wearing black shorts and white v-neck shorts. Napatong naman ang isnag towel na maliit sa batok nito. “Okay lang ba ang beer sa ‘yo?” aniya nang magtungo sa kusina at binuksan ang ref. “Yes!” excited na sagot ni Collen. Tuwang – tuwa naman siya nang maglapag si Jayce nang maraming canned beer sa center table. Binalikan naman nito ang isang malaking bowl ng popcorn at chips sa kusina. “Woah!” aliw na aliw na binuksan ni Collen ang isang canned beer. Saglit siyang napatigil dahil napansin niyang nakatitig lang si Jayce sa kanya. “Bakit? May dumi ba sa mukha ko?” tanong niya. Mahinang napatawa lang si Jayce at hindi sinagot si Collen. Samantala inabala rin niya ang sarili sa pag-inom ng beer. “Kailan ka huling nagkajowa?” pambasag ni Collen sa katahimikan at nilantakan ang popcorn. “Six months ago?” napaisip si Jayce. “But it wasn’t serious.” “Mayro’n ba talagang babaeng sineseryoso at mayro’n ba'ng hindi? Kung mayro'n, saan ako ro’n?” napangalumbaba si Collen sa mesa, napatingin si Jayce sa tatlong canned beer na nainom na niya. Hanggang ngayon ay nagugulat pa rin talaga siya sa kakayahan niyang uminom. “Dahil pangit ako, siguro ako ‘yong babaeng hindi sineseryoso, hindi ba?” nakipag-cheers pa ito kay Jayce na isa pa lang ang nabubuksang beer. “Hindi ibig sabihin na niloko ka na ng isang lalaki ay pangit ka na,” wika naman ni Jayce at saka nilagok ang natitira sa canned beer nito. “Eh ano ‘yon? Ba’t ako pinagpalit?” she scoffed, napabangon siya’t napatingin kay Jayce. “Baka hindi na siya masaya…sa ‘yo,” tulalang saad ni Jayce. Biglang may imahe ng isang babae ang lumitas isipan. Minsan ding binigay niya ang lahat ng mayro’n siya ngunit hindi naging sapat upang manatiling ang babaeng minahal. “Tsk. Ganyan naman kayong mga lalaki, sa una lang magaling,” napailing siya at nagbukas ng panibagong canned beer. “Lalaki ako pero hindi ako kagaya ng lahat,” biglang naging seryoso ang boses ni Jayce. “Papatunayan ko sa ‘yong may lalaki pang sukdulan kung magmahal,” nilapag ni Collen ang kanyang beer sa mesa at sinalubong ang mga titig ni Jayce na para bang nanghahamon. “Sabihin mo ‘yan pagkatapos mo ako’ng makitang hubad,” napahagikgik bigla si Collen. She stood up without breaking her glares to him. Slowly, she unzipped her jacket. Sumunod nitong hinubad ang kanyang T-shirt hanggang sa lumantad ang kulay itim na bra nito. “I’ve got stretch marks everywhere. See this?” sabay hawak sa kanyang tyan na naiipit lamang ng kanayng leggings. Jayce was lost of words. He never expected Collen to do that in front of him. Marahil dahil na rin sa impluwensya ng alak kaya mas naging matapang ito. “I get what you want to say. So put some clothes on, malamig na ‘yung aircon,” mahinahong sabi naman ni Jayce. “No No, you have to see me down there,” pangiti-ngiting saad pa nito, mukhang nalasing na nga siya nang tuluyan. Tumayo si Jayce dahil mukhang ‘di na siya mapipigilan kung hindi pa pwepwersahin. He walked towards her and held her both hands. “Damn, you shouldn’t drink with other guy,” saway nito at kinuha ang jacket. Sapilitan niyang sinuto ito sa kanya. “Sabi nang—” nagulat na lang si Jayce nang biglang bumagsak si Collen sa kanya na sanhi ng pagkabagsak nilang dalawa sa sahig. Napapikit si Jayce dahil naramdaman niya ang sakit sa likod niya na tumama sa sahig. “You should…really lose weight you know…I-I can’t breathe.” *** NAPA-stretch ng kamay si Collen nang matapos ang lahat ng kanyang ini-encode. It’s Friday at nag-over time siya ngayon dahil hindi na siya papasok ng Saturday. Naisipan muna ni Collen na dumaan sa isnag coffee shop bago umuwi. Pumila siya sa Take out area. “Ano raw kay Miss Gee? Cappuccino sa akin,” napalingon si Collen sa kanyang likuran nang makarinig siya ng mga pamilyar na boses. Katulad ng kanyang inaasahan, kilala niya nga ang mga taong kararating lang. “C-Collen?” gulat na tawag sa kanya ni Kalil, ang isa sa mga kasabayan niyang manunulat noon. Kasama nito ang dalawang babaeng naging editor niya noon, at ang mga tumanggi sa kanyang manuscript nang siya ay nagpapasa. “Guys, start na raw ‘yung event, nandiyan na si Miss Satella,” napalingon naman sila sa isang lalaking kararating lang. That’s Ken, her manager before. Napagtanto ni Collen na tuloy pa rin ang usual nilang trabaho, mukhang siya lang ang nawala sa industriya ng publishing. Siya langa ng nalaos. Ngumiting pilit si Collen at umalis ng shop. Hindi na lang siya bibili ng kape. Habang palakad siya palayo ay namataan niya ang isang puting van. May ilang tao ang naka-abang rito. Lumabas ang isang dalagang maiksi at kulot ang buhok. It must be a book signing event. Minsan na rin siyang nagkaroon ng event sa isang arena. Ngunit hindi na iyon nasundan. Bigla siyang napaisip, kung ano ang amoy ng isang libro? Ano ba ang pakiramdam ng may pinipirmahang libro? But she shook her head, this isn’t the time for her to even dream about that. The reality of life has slapped her that being an author doesn’t make you survive life. Patong-patong pa ang bills na kanyang babayaran, she’s living on her own at maswerte kung kasya pa ang sweldo niya sa katapusan ng buwan. Iyon na dapat ang kanyang iniisip, kung paano makakaraos sa bawat araw hindi ang pangarap niyang wala nang saysay. Nagtungo sa waiting shed si Collen, dito na siya maghihintay ng bus o jeep na sasakyan. Natapat siya sa isang building na may malaking screen. Isang commercial ng babae ang napapanood. She looked up and smile “Buti ka pa, hindi ka nalalaos,” komento niya habang naka-focus ang commercial sa mukha niyang napakaputi at napakaganda. Hindi halata sa edad, at balingkinitan pa rin ang katawan. “Only Zelo cares for my skin,” lintanya ng babae sa screen sa huli ng commercial. Nasa gilid din ang signature at pangalan nito. “Kristel,” pagbasa niya rito. Napukaw naman kaagad ang kanyang atensyon nang may bumusinang jeep. *** NABULABOG ang maagang umaga ni Collen dahil sa sunod-sunod na doorbell na kanyang narinig. Kamot-kamot ang ulo, nagtungo ito sa pintuan. “Good morning babefatso,” masayang bati ni Jayce pero sinarado lang ulit ito ni Collen at napailing. Pero muli siyang nakarinig ng sunod-sunod na pag-doorbell. “Ang aga-aga,” reklamo nito nang mabuksan niya ulit. “Go and change your clothes. Magja-jogging tayo,” aniya at tuloy-tuloy na pumasok. “Ha? Pupunta ako’ng gym—” “Yeah, you have schedule to the gym at 6pm, right? But jogging in the morning is good, lalo na kapag hindi ka pa kumakain, excuse me, bubuksan ko ang ref mo,” napaawang ang bibig ni Collen na sinundan si Jayce sa kusina. “Wait, saan mo dadalhin ang mga iyan?” “I’ll take it away, no carbs for you,” kumindat pa ito. “Wait! Stop! Huwag ang koko crunch ko!” nakipagagawan si Collen kay Jayce. “You can have corn flakes, pero not this one. Masyadong matamis ‘to.” “’Wag ang potato chips ‘ko. Hindi ako makakapagtrabaho kapag kinuha mo ito!” pagmamakaawa nito. “These are fatty foods, bawal ‘to,” mariing sabi ni Jayce. “Magbihis ka na nga muna nang hindi mo makita ang mga pagkain mo,” pinatalikod siya ni Jayce sabay sarado ng ref. Mangiyak-iyak si Collen na nagtungo sa kuwarto niya. “Teka lang, hindi ko na kaya,” binagalan ni Jayce ang pagtakbo at binalikan kung sa’n niya iniwan si Collen. Wala pang sampung minute ang tinagal nila sa pagtakbo pero naghihingalo na si Collen. “Don’t stop, just tone down then keep up with me.” “Ano kamo? keep up with you? Hindi ko nga mahabol hininga ko ikaw pa kaya,” hinihingal na saad ni Collen at napahawak sa kanyang tuhod. “Fine, kapag hindi mo ako mahabol, hihipuan kita sa parteng gusto ko.” Napaayos ng tayo si Collen at tinitigan si Jayce. “Hoy—” “Come on, chase me…” naudlot ang sasabihin sana niya nang biglang tumayo si Jayce. “I was thinking about your sexy butt, they’d fit in my palm.” Halos magsalubong ang kilay ni Collen sa inis na nararamdaman kay Jayce. “Bwisit ka talaga!” napahiyaw si Collen at napatakbo upang habulin si Jayce. “Here,” kaagad na tinanggap ni Collen ang tubig na nilahad ni Jayce sa kanya. This is so far the farthest distance she ran kahit ang inabot niya lang ang 2km. “Payat na ba ako? Tignan mo nga baka puwedeng huling beses ko na itong mag-jogging,” tanong naman ni Collen nang makainom ng tubig. “You have to do it every day,” ang sagot naman ni Jayce at tumabi sa kanya. “That’s how you achieve the body figure you like…you have to be consistent.” “Joke lang pala, okay lang kahit ‘di na ako sexy.” “Nasimulan mo na, ituloy mo na. You’ll make it this time…you have me.” Hindi sinasadyang nagtama ang mga mata nilang dalawa. Biglang humina ang mga tunog nanarinig ni Collen sa kanyang paligid at umapaw ang ingay ng kanyang dibdib. “Come on, let’s go to the mart. Palitan natin iyong mga inalis kong pagkain mo sa ref,” jayce stood up. Naiwan naman siyang tahimik at tulala. “Magta-taxi ba tayo?” tanong ni Collen. “Nope, we’ll walk,” bumagsak ang balikat ni Collen nang napatiunang maglakad si Jayce. Mahirap pala talagang magkaroon ng boyfriend na sporty, tapos ikaw ay ubod ng tamad. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD