Kabanata 3

2605 Words
Someone’s Girl “SHOULD I play with you?” naglakad palapit si Collen at kinuha ang bola sa malapit sa ring. Nagulat naman si Jayce nang makita niya ito. “What would a woman like you, knows a about basketball?” he said in disbelief. “I can play a simple defense then you’ll shoot,” pinasan naman niya ang bola kay Jayce. Matagal itong tumitig lang sa bola at natahimik. “I can’t shoot it,” bakas ang pagkadismaya sa boses nito. “Eh ‘di tumakbo ka rito, i-shoot mo sa malapitan.” “It’s not worth three points,” he shook his head. Napabuntong hininga naman si Collen. “Dunks are worth three points too. Wala nga lang sa rule pero ‘di ibig sabihin hindi sila worth three points.” She spreads her arms under the net. Bumwelo si Jayce at drinible ang bola. Tumakbo ito palapit sa kanya ngunit bigla siyang napahinto nang magtama ang tingin nila ni Collen. Ilang segundo pa ay tuluyan siyang napaupo sa sahig na nabitawan ang bola. “Was that an ankle break?” gulat na napatingin si Collen sa kanya. “I can’t even pass your simple defense,” napailing na tumawa si Jayce nang makatayo ulit ito. Doon napagtanto ni Collen. The missed shots, being a benchwarmer, all of it made her think that Jayce might have also reach a point where he’s about to give up his career. Somehow she saw herself in him the moment she started losing it all… “At least nahahawakan mo pa ang bola,” she smiled. “As long as you can still dribble it, that means you still love playing basketball.” “You know what, you can be sexy sometimes,” napawi ang ngiti nito nang mapagtanto niyang nakangiti si Jayce habang nakatingin sa kanya. Napatakip siya sa katawan kahit aminadong ‘di ito ka-aya-aya. Ngayon lang naalala na naka nighties lang pala siya. “Yuck! Kadiri ka! Ano’ng sexy!” “Why? I like busty woman,” lalo siyang hindi naging komportable sa mga ngiti ni Jayce. Naglakad pa ito palapit, ‘di siya nakagalaw o makaatras man lang. “Why? What’s wrong about complementing my girlfriend?” he sounded teasingly. “Wow tayo na pala? ‘Di ko man lang alam?” “You were too drunk to hear my answer you, fatso!” pinitik naman nito ang noo niya kaya parang nagising si Collen. “F-Fatso!?” nanlaki ang kanyang mga mata. “Let’s call it a night for now, Ano oras pasok mo bukas? 7am? 8am? Sa’n ka nakatira?” “Ha? Bakit Ano’ng gagawin mo?” gumilid siya habang tinatakpan pa rin ang katawan. “Susunduin? Hahatid? Gano’n ako sa mga naging girlfriend ko dati, gagawin ko rin sa ‘yo, ano?” Napanguso si Collen at parang nag-init ang pisngi sa sinabi. “Diyan lang oh, 7am pasok ko,” nahihiyang saad nito. “Okay, fatso, see you tomorrow,” aniya bago tuluyang naglakad palayo. “F-fatso!? Hoy!” napasigaw siya nang tuluyan dahil sa inis. *** Pa’no ba magkaro’n ng jowa ulit? Paulit-ulit na tanong ni Collen sa sarili habang nag-lalagay ng lipstick sa kanyang labi. Hindi naman siya usually nag-me-makeup, ‘di dahil hindi siya marunong kundi lagi siyang gahol sa oras at madalas ay tinatamad talaga siya. Pero ang ideyang susunduin siya ni Jayce ay sapat na dahilan upang mag-make up siya. Nilugay niya ang buhok hanggang sa kanyang baywang at sinuot ang makapal niyang salamin na noon pa man ay ‘di pa niya napapalitan. Kinuha niya ang sling bag at tumingin muli sa salamin. Sinubukan niyang magpigil ng hininga para hindi mahalata ang kanyang bilbil, dahil naka corporate skirt ito at white long sleeve na blouse. Ito kasi ang dress code sa kanila tuwing free day, kailangang mag-mini skirt kaya sobra na lang siyang naiinis dahil mabilis siyang pagpawisan sa kanyang mga hita. ‘Pag labas ni Collen sa building ay napangiti siya nang madatnan niya sa labas si Jayce na naghihintay. Hindi maitangging nakaramdam ito ng kilig. “On time ka ha?” napahalukipkip si Collen at pinawi ang ngit nang malapitan niya ito. Saglit namang napatingin si Jayce sa kanya mula ula hanggang paa. “Diyan lang ako sa kabilang building, magkapit-bahay lang tayo,” sagot naman nito. Oh my gee, eh ‘di ibig sabihin puwede kaming mag-date anytime? Kinagat ang labi upang mapigilan ang ngiti. “Tara na,” aniya at napatiuna sa paglalakad. Malayang nakakangiti si Collen habang sila ay naglalakad dahil nasa unahan si Jayce. Mas guwapo talaga ito sa malapitan kaysa sa TV o picture. Formal naman ang suot niya, naka-pants ito at nakasuot ng itim na polo shirt at naka-rubber shoes. “Teka, sa’n ang kotse mo?” napahinto si Collen nang mapagtanto niyang nakalabas na sila ng gate sa village. “Ano’ng kotse?” patay malisyang tanong nito. “’Di ba tayo sasakay sa kotse mo? ‘Di ba ihahatid mo ako?” “Ah? Wala ‘yung kotse ko, magji-jeep tayo,” tugon naman nito sabay nilahad ang kamay upang senyasan ang jeep na parating. Napaawang ang bibig ni Collen habang nakatitig sa jeep na tumigil sa harapan nila. Akala pa man din niya ay magkokotse sila kaya pinaghandaan niya ang make up. Dahil isa sa dahil kung ba’t ayaw niya mag-makeup ay dahil sa traffic. “Dalawa pa sa kanan! Makikiurong lang po!” sumilip si Collen at Jayce sa loob ng jeep. Napasimangot si Collen dahil pang-isahan na lang talaga ‘yung sa kanan. Pinauna ni Jayce si Collen na sumakay at wala talagang umurong para luwangan ang espasyo na uupuan niya kaya kalahating pang-upo niya lang ang nagkasya. Nang pumasok si Jayce ay todo urong ang kababaihan sa kabila kaya naman nagkaroon pa ng isang upuan para sa isang tao ro’n. Ilang sandali pa mula nang umandar ang jeep huminto ulit ito at may pinapasok na isang babaeng office girl na may kasexyhan. Nainis naman si Collen nang biglang umurong mga katabi niya na sanhi nang pagkaipit niya. Pang-isahan na lang ‘yung inupuan niya kanina pero nagdagdag pa ang driver. Napatingin naman si Collen kay Jayce na parang sinesenyasan siyang lumipat sa inuupuan niya. Bigla namang tumayo si Jayce at nagpunta sa bungad, kaya naman nakipagunahan si Collen do’n sa upuan ni Jayce…at mas maluwang nga kaysa sa inupuan niya. Napatingin si Collen muli kay Jace na nakaupo lang sa bungad nang walang ka-arte arte. Anak mayaman ba talaga siya? Napabulong na lang siya. Nang huminto ang jeep sa babaan ay hindi inaasahan ni Collen na maraming ding bababa. Marami ding sumingit at kamuntikan na siyang ma-out balance nang makarating siya sa bungad ng jeep pero may isang kamay ang humawak sa kamay niya. Nag-angat siya ng tingin ay nakita niya si Jayce na naka-abang sa kanya. Kumapit siya sa kanya at nakababa naman siya nang maayos sa jeep. “Taray, mukhang pagod na ako, ‘di pa ako nagta-time in,” napasinghap si Collen at inayos ang kanyang buhok. “12 pm sakto ang Lunch mo?” napabaling ang tingin ni Jayce sa kanyang relo. “Ha? B-Bakit?” gulat na napatingin si Collen sa kanya. “Hintayin kita, bakit?” “Bakit mo ako hihintayin?” may pag-aalinlangan ang boses ni Collen. “Girlfriend kita, ano’ng masama ro’n?” nag-iwas siya ng tingin dahil naramdaman niya ang pisngi na nag-init. “C-Collen,” napabalikwas ng tingin sa likuran si Collen nang marinig niya ang boses ni Candy. “Halla, tama nga ako, ikaw si Jayce? Kahit sa malayuan pa lang talaga, nakilala na kita,” nanlaki ang mag mata ni Candy na napatingin kay Jayce. “Wow, hindi ako makapaniwala, nakikita kita sa personal…Ang shooting guard ng Roaring Wolves!” “Y-yeah, but I’m here as her boyfriend…so I’m nothing special…” naramdaman ni Collen na nailang si Jayce sa sinabi ni Candy. Batid niyang may kinalaman ito sa pagku-quit niya sa basketball. “Ah okay—what!?” napasigaw si Candy sa kay Collen. Inayos lang niya ang salamin at napalunok. Hindi pa niya kasi ito nasasabi kay Candy, isa pa…biglaan lang naman ang lahat. Papaano niya ipapaliwanag na agreement lang nila ang relasyon nila ngayon? *** “HOY!” napahinto sa paglalakad si Jayce sa kahabaan ng Aldina, ang isa sa sikat na business district sa Serina. “Kuya?” “Ano’ng ginagawa mo rito? Ba’t ka mamamasyal mag-isa?” tila hindi makapaniwala si Ian nang lapitan niya si Jayce. “Ah, naghahanap ng puwedeng kainan, bakit ba?” “Sasamahan sana kita pero, may kasama ako,” napalingon silang pareho sa likuran kung saan nakita ni Jayce ang isang babaeng parang modelo ang tindig at pananamit na nakatayo at naka-shades pa ito. “Ah, is that your fiancé?” “Oo, pero nabalitaan kong nag-quit ka na sa team? Pag-uusapan natin ito sa susunod, sana,” tinapik ni Ian ang balikat nito. “Bakit ba parang kaduda-duda na nag-quit na ako? Nagsasawa na ako’ng marinig ‘yan,” napailing na lang si Jayce. “It’s really unusual because your life if basketball, you moron,” saway naman ni Ian sa kanya. “If this is still about the accident last year… do you think he’ll be happy about it?” “Ian!” naudlot ang usapan nila nang tinawag siya ng babaeng kasama. “I’ll see you next time,” wika naman ni Ian bago ito naglakad palayo. Naiwan si Jayce sa kinatatayuan na tulala dahil sa mga katagang binitawan ni Ian. He looked at his hands that are starting to shake because he remembered that incident last year. Kinuyom ni Jayce ang palad at nilabanan ang umuusbong takot sa dibdib. Samantala nang magpatuloy siya sa paglalakad ay napatingin siya sa isang malaking screen. He stopped for a while as he finds himself immersed to the commercial. Tungkol sa isang beauty soap ang commercial, and the beautiful woman in it is Kristel Fallerton. Bukod sa beauty queen ito dati, ngayon ay successful actress na siya at nakatanggap ng samu’t saring award. Sa pagkakaalala ni Jayce ay si Kristel ang kanyang first love at pinakaunang longterm girlfriend. Bago siya magtapos ng kolehiyo ay naghiwalay na sila. Gano’n pa man bilang basketball player ay naging lapitin pa rin siya ng mga babae at marami na rin siya naging nobya. Pero hindi nagtagal kagaya ng kay Kristel. Just like what almost everyone believes…first love can be the sweetest yet the most painful one. *** “ANG galing talaga ni Miss Satella mag-sulat, newbie lang siya last year, sunod-sunod ang librong nai-release niya!” ito kaagad ang naabutan ni Collen pagpasok niya ng elevator. Actually, ang dalawang ito talaga na nasa marketing department ang ayaw na ayaw niyang nakakasabay sa elevator o kahit saan. Wala kasing ibang bukambibig ang dalawang ito kundi tsismis sa social media at kung ano-ano pang hindi naman importante. “Tama ka diyan, Myra, ‘di katulad ng iba diyan, laos na,” kahit nakatalikod si Collen ay alam niyang tumataas ang kilay ni Kris sa kanya, ang babaeng nagsalita ngayon lang. “Anyway, fresh ideas si Miss Satella. Sa tingin ko, hinding-hindi na siya malalaos. Let’s stan her, kaysa ‘yung mga eskandalosang pa-fame diyan,” mariing napapikit si Collen sa narinig. Unang-una sa lahat hindi kasi niya puwede itong sabunutan dahil nasa office sila, pangalawa kung papatulan man niya ang dalawang ito, maaring dadagdag lang sa eskandalong nakaukit na sa isip ng maraming tao. Pero minsan ay naiisip niyang siya naman ang naagrabyado dahil wala naman silang karapatang pagsabihan siya ng gano’ng bagay dahil hindi nila alam ang tunay na nangyari. “Maybe she’s just a slut who hunts for rich and popular guy…” she clenched her fists. She was just holding it in just fine until Myra said the word. Bumaling siya at akmang sasampalin sana silang dalawa pero biglang bumukas ang elevator. “Oh? I was about to call you,” napako sa kanyang kinatatayuan si Collen nang makita niay sa harapan ng elevator si Jayce na may hawak na paperbag at hawak niya rin ang phone niya. “I brought lunch!” ngumiti itong pumasok sa elevator. Napansin ni Collen na natahimik ang dalawang babae na nasa likod niya, alam niyang nakatuon ang atensyon nila kay Jayce. If Jayce didn’t appear then she’s could’ve made another scandal. Laking pasalamat niya nanapigilan pa ang sarili. “E-excuse me…you’re Jayce right?” napalingon naman si Collen sa likod ni Jayce, ‘di niya namalayang nakalapit na ang dalawang babae sa kanya. “I’m a fan…I’ve been watching all your games. You’re so cool!” halos mapatalon pa si Kris sa kilig nang makita si Jayce. As usual, Collen noticed that Jayce can’t handle his fans. He always looks awkward in front of the. Bihira din siyang makipag-eye contact sa kanila gaya na lang kay Candy kanina. “Bakit ka nga pala nandito? It’s very unsual! You have a lot of fans in our office!” sumingit naman si Myra. “I’m here for my girlfriend…” he simply said. Napabaling ang tingin ni Kris at Myra kay Collen dahil sa kanya nakatuon ang titig ni Jayce. “Let’s go,” and when the elevator opened, he held her hand as they walked away from them. “Dito ba ‘yon? Ah! This way,” hatak-hatak ni Jayce si Collen na nagtungo sa isang hallway at may nakita silang pintuan do’n. Binuksan nila at bumungad sa kanila ang isang mini Garden sa rooftop. “N-nakarating pala tayo ng 21st floor?” balisang saad ni Collen at inayos ang kanyang salamin. “How did you know this place?” “My mom owns this building, I should know…” he smirked. Umupo sa isang bench si Jayce at nilabas ang sushi na tinake out nito. “Oh,” napalunok si Collen dahil natakam siya. “Ito sana balak kong kainin,” she was lured to sit beside him as she stared at the varieties of sushi he bought. “Yeah, that’s why I bought it. Kita ko sa twitter mo. #CravingforSushi.” “Wait, alam mo twitter ko?” “Bakit? Hindi ko ba dapat alam? I followed you already, check it out,” anito at inabutan siya ng chopstick. “No! Huwag mo ako’ng i-follow!” nataranta si Collen nang makita nga niya sa cellphone niyang naka-follow si Jayce at ang verified account pa nito ang gamit. “Also, are we serious about this?” sinubukang huliin ni Collen ang titig ni Jayce dahil abala na ito sa pagkain. “Why not? I don’t know if I’m better than the men in your books but…I’ll do my best,” nag-iwas ng tingin si Collen nang mag-angat ito ng titig at tinaas-taas pa ang kilay nito para bang may ibang balak gawin. “I help you achieve your fantasies…that’s what a boyfriend should do, right? So tell me, what do you want to do?” Dahil hindi komportable si Collen at nagsimula siyang magsubo ng sushi, pinuno niya ang bibig hanggang sa hindi ito makapagsalita. “It says here…itinali niya ang kamay ko gamit ang necktie niya’t hinalikan ang leeg ko pababa sa—” Walang naintindihan si Jayce sa sinabi ni Collen nang inagaw nito ang kanyang phone. “You purchasesd my e-books?” gulat na tanong niya nang manguya nang mabuti ang kinakain. “What the…you bought all of them?” ini-scroll nito ang library niya. “That’s my way of knowing you,” napairap naman si Jayce at inagaw muli ang phone niya sa kanya. “Hahaha! Ano hindi talaga ako ‘yan, I mean kathang-isip lang ‘yan,” pagdadahilan ni Collen. “Paano naging kathang-isip ang s*x? It was always true to our minds. These are your thoughts, don’t deny it. Come on, babe, its fine…” there goes his playful smile. Natahimik na kumain na lang si Collen. Siguro nga ay hindi pa siya ulit sanay na magkaroon ng nobyo. But Jayce is just…a big tease to her. “But you know, you’re really a good writer. I think you should write more…” bahagyang napahinto si Collen. It was the first time in long time that someone has commended her. Mula nang umalis siya sa publishing industry ay tuluyan na ring nabaon sa limot ang lahat ng kanyang ginawa. Kung maalala man siya ay pawing panlalait lamang ang tinatamo. “I’m not a book lover but your stories made me horny,” nabitawan ni Collen ang hawak niyang chopstick. One thing that slipped on her mind is that Jayce is reading her stories and Jayce…is a man. “Want to see my skills?” and she couldn’t move a bit when Jayce was able to lock his eyes on hers. His stares are…quite different just now…. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD