Loser’s Match
NAPAAWANG ang bibig ni Collen nang maghiwalay ang kanilang mga labi. “Ex mo ba ‘yong lalaking parang asong nakatingin sa atin?” at unti-unting sumilay ang nakakalokong ngisi sa labi nito. Saglit na sumilip si Collen sa likuran at nakita niya si Mio na nakatingin sa kanila. Hindi lang naman ang atensyon nito ang nakuha nila, maging ang karamihan sa mga bisita.
“If you want show him you’re still alluring then kiss me back,” mahinang saad nito. Napakagat sa labi si Collen at naKaramdam ng hiya at kaba. Hindi pa rin umaalis si Jayce sa pwesto niya at nakakulong pa rin siya sa bisig nito.
Ilang segundo pa siyang napaisip, inisip niya ang sakit na dulot at iniwan ni Mio sa kanya.
Sapat na pinanggalingan ng lakas ng loob niyang sunggaban muli ng halik si Jayce. Tumugon ang binata sa kanyang halik.
At ngayon niya muling natamasa ang pakiramdam ng makatikim ng halik sa isang lalaki. The feeling is different, it was like all of her senses are being magnified, hindi naman sa walang ideya ngunit para bang ngayon lang siya ulit nakaramdam ng ganitong init at kapusukan.
Ah…she’s thirty and she almost forgot the feeling… and his kiss is a good appetizer.
***
HINDI maalis ang ngiti sa mukha ni Collen tuwing maiisip niya ang reaksyon ni Mio kagabi sa party. Gano’n na lang siguro ang kagustuhan ni Collen na ibalik ang sakit na naranasan niya sa kanya pero sa totoo lang, hindi pa iyon sapat.
It wasn’t just her heart that was ruined, it was also her career. Sa isang iglap, nasira ang career niya bilang manunulat nang dahil sa tsimis at pictures ng pag-e-eskandalo niya sa party nito. Sapat na dahilan upang kalimutan siya ng lahat.
Bukod sa reaksyon ni Mio ay naalala rin ni Collen na si Jayce nga pala ang hinalikan niya kagabi. Bigla siyang napaalis ng sandal sa kanyang upuan.
Bigla siyang nakaramdam ng hiya, at parang nag-init ang kanyang pisngi.
Samantala naisip niyang mag-youtube dahil break nila at wala naman ang ibang mga kasama niya dahil nagpunta sila sa cafeteria.
Sinearch ni Collen ang game highlights ni Jayce. Matagal na rin kasing hindi niya ito napapanood. Ang huling game ni Jayce na napanood niya ay no’ng highschool pa sila. Nang magkolehiyo siya ay tuluyang nag-iba ang mundo niya.
Ilang videos ang napanood ni Collen kung saan nagshu-shoot si Jayce ng half-court, perfect three points at mas malayo pang range. Doon niya napagtanto na lalo pang gumaling si Jayce sa basketball.
And the more she watches his videos, the more she realizes why there are a lot of girls who are crazy over him. He shines bright in the court. The look on his face with full of determination to win the game can’t beat with just pure handsome face. Hindi lang siya guwapo dahil likas na guwapo siya kundi…guwapo siyang matatawag dahil sa kakayahan niya.
“Kung iisipin mo nga naman, gustong-gusto ko talaga siya n’on,” napabulong na lang si Collen nang pinause niya ang video kung saan na-focus ang mukha ni Jayce.
“’Oy,” agad na clinose ni Collen ang tab ng youtube nang marinig niya ang boses ni Candy na palapit sa kanya.
“Kunin mo na ‘yung mga gamit mo mamaya, kinausap ako ni Manager, hindi ka na raw pwedeng matulog dito sa office,” aniya at umupo sa silya.
“Ba’t ‘di ako ang kinausap niya?” tanong ni Collen.
“Nahihiya lang siguro siya i-prangka sa ‘yo,” sagot naman ni Candy.
“Anyway, may bakanteng condo ako, papaupahan ko sana kaso ‘di pa tapos ang interior at na-short ako sa budget pero okay na ang paint ng loob. Mga designs na lang. Pero kung gusto mo namang doon ka na muna, babaan ko lang ang upa mo,” nilapit pa nito ang swivel chair kay Collen.
“’Kala ko libre,” napanguso si Collen, mahinang hinampas naman ni Candy ang braso nito. “Babaan na nga ng rent fee eh.”
“Okay, sige. Kaya ko pa naman mag-upa.”
“Hmmm ayaw mo bang tumanggap ng side lines? Gaya no’ng inaalok ni Dred sa ‘yo sa isang project?” napatigil si Collen at saglit na inalala ang tinutukoy ni Candy.
“Ah, iyong project ng aspiring writers? Hindi na ako puwede ro’n,” nag-iwas ng tingin si Collen. “Hindi na ako nagsusulat ‘di ba?” bahagyang humina ang boses nito.
“Kahit ano’ng gawin ko, hindi na ako makapag-sulat nang maayos,” napatingin si Collen sa mga palad niya. “…and this is the worst feeling I’ve ever had.”
“Iyong bagay na gustong-gusto kong gawin noon, ngayon kinamumuhian ko na.”
“Aray!” napahiyaw naman si Collen nang hinampas siya ni Candy sa kanyang likuran. “Magtrabaho ka na nga, hayaan mo, magba-bar tayo mamayang gabi. Treat ko!”
***
“SANDALI lang, Jayce!” hininingal na pakiusap ni Adler nang makapasok ito ng silid.
“Hindi siya aalis ng team,” mariing saad din nito kay Mr. Yukizawa, ang manager ng kanilang team.
“If he is to remain in our team, he has to play for this coming summer cup,” ma-awtoridad na saad ni Yukizawa. Sa tingin pa lang ni Jayce na nakaupo sa couch ay mukhang hindi na ito interesado.
“I’ll make him play soon but not this summer cup,” ang sabi ni Adler.
“It’s fine, Adler. Nandito rin ako para sabihin na magku-quit na ako sa basketball. I believe I told you that before,” napatayo si Jayce. Nang akmain niyang maglakad upang lagpasan si Adler ay hinigit siya nito sa kanyang braso.
“Gano’n mo na lang kabilis bibitawan ang paglalaro mo?” nakaigting pangang saad nito. Kumalas si Jayce nang walang pinapakitang emosyon. Hindi na hinabol ni Adler ito dahil mukhang nakapagdesisyon na nga siya.
Napag-isipan ni Jayce na dumiretso sa bar at dito magpalipas ng ilang oras. Kararating lang niya ay dalawang baso ng whisky kaagad ang nainom niya.
“I heard you quit,” he suddenly stopped when he heard that familiar voice. Nagdilim ang mga mata nitong napatingin sa tabi niya at nakita si Mio na kararating lang.
“Since when did we become close to talk?” iritang bungad ni Jayce sa kanya.
“Ano ka ba, Jayce? Parang hindi naman magkakilala ang pamilya natin?” he just rolled his eyes to what he said. Batid naman nitong nagpapasipsip lang ang pamilya nila sa Daddy niya dahil sa pulitika.
“But what I didn’t expect is that you…hitting on that woman. Malakas ang kutob kong it was just a show up. Come on, you don’t have to hide if from me,” he said confidently.
“You know what Mio, I was a good shooting guard,” napahinto naman si Mio nang biglang nag-iba ang sinabi ni Jayce. “I still have one ice in my glass. I can shoot it directly in your mouth,” pagbabanta naman ni Jayce.
“Hahaha you’re kidd—” naudlot ang sasabihin sana ni Mio nang bigla niyang maramdaman ang isnag ice cube na kamuntikan na niyang malunok. Agad niyang binuga ito at tumingin nang masama kay Jayce.
“See? That shoot was worth three points,” napangisi pa ito nang tumayo. Tinapik ang balikat ni Mio bago tuluyang naglakad palayo sa kanya.
Naisipan ni Jayce na sumama sa dance floor. Marami yatang tao sa bar ngayon, karamihan din ng tao sa dance floor ay mga babae. Naglakad-lakad lang siya habang naghahanap ng perfect spot kung saan siya makikipagsayawan sa mga babae. Ngunit biglang may humatak sa kanya. Isang babaeng naka tube ng itim na makinang na dress hanggang taas ng tuhod.
He was allured by her sexy slender body. Usually he’s fond of petite girls. Halos lahat ng mga naging girlfriend na niya ay petite.
“Are you free after this?” lumawak ang ngiti ni Jayce nang bumulong ang babae sa kanyang tenga. “You want to go party somewhere else?” tanong naman ni Jayce.
“Hmmm, probably your condo…” napakagat labi pa ito. Gumiling ang babae sa harapan niya, hindi niya maalis ang malagkit na tingin sa katawan nitong napaka sexy. Pinahintulan siya ng babae na humawak sa kanyang pang-upo…and that feels heaven. Lalo pang umusbong ang nararamdamang pagnanasa niya nang idinikit ng babae ang dibdib nito sa kanyang katawan.
“Wow, you’re sexy,” his voice is excited.
“Ahh!” nahinto ang music nang biglang may sigawan silang narinig, bahagya ding naitulak si Jayce at ng babaeng kasama niyang sumasayaw. Paglingon ay nakita niya ang ilang babaeng napaupo sa sahig, isa ro’n ay pamilyar sa kanya.
“Pwede ba! Tignan mo naman ‘yang pinagsasayawan mo! Kung ganyan ka kataba sana huwag ka nang magsayaw sa dancefloor!” reklamo nang isa nang makatayo at pinagpag ang sarili.
“Eh?” napaawang ang bibig ni Jayce nang makita niya si Collen na hirap tumayo at parang lasing. Bigla namang may lalaking pumaharap at tinulak nang walang pag-aalinlangan si Collen.
“Inaano mo ba ang girlfriend ko, ha!”
Hindi naman makapaniwala si Jayce na ginawa iyon ng isang lalaki sa isang babae.
“Hayaan mo na, mukhang manang na eh, baka wala sa katinuan,” inawat naman no’ng babae ang lalaki.
“Alis!” sabi ng ilang kababaihan at para siyang tinataboy. Napaisip si Jayce kung ba’t gano’n na lang nila ituring ang babaeng ito?
Then he looked around…she’s quite different. Mula ulo hanggang paa. She’s not even close to simple. He’s really outdated with her styles.
Namataan ni Jayce ang isang babaeng may hawak ng cocktail drink at tatangkahin na niya sanang ibuhos ito sa kanya pero maagap niyang pinigilan ito. “Aren’t you going too far?” napaigting ang panga ni Jayce na tumingin sa kanya. Mukhang namukhaan siya ng babae at umatras agad ito.
Nilapitan naman ni Jayce si Collen na pagewang-gewang at para bang walang alam sa nangyayari. Hinila niya ito palabas ng bar.
“Siraulo ka ba? Bawal ang mga manang do’n!” saway ni Jayce nang makalabas sila ng bar. Nagulat naman ito nang biglang tumuwid ng tayo si Collen at tumingin nang diretso sa kanya.
“What the, you’re pretending to be drunk!?” hindi makapaniwalang saad ni Jayce.
“Sino’ng manang ang tinatawag mo? Suntukan na lang oh?” kinuyom pa nito ang kamo.
“Kahit sino naman paghihinalaang kang nanganank na ng tatlo,” napasimangot si Jayce at huminga nang malalim. Medyo napagod kasi siya sa paghila sa kanya.
“Huh, what a joke,” nabulabog naman silang dalawa dahil sa isang tawa. Lumingon sila sa likod at nakita nila si Mio na palabas din ng bar. “So you’re really together? Sabagay, pareho kayong failure,” napahalakhak pa ito.
“One who’s given up basketball at isang laos na writer,” pumalakpak pa ito habang palapit sa kanilang dalawa.
“Gago ka talaga—” akmang haharapin sana ni Collen si Mio dahil nainis ito sa kanyang pinagsasasabi pero hinarang ni Jayce ang kamay niya.
“Kanina ko pa iniisip ba’t lapit ka nang lapit. Kay Collen ka ba may gusto o sa akin?” naningkit ang mga mata ni Collen sa sinabi ni Jayce.
“What the f—” napamura si Mio at tangkang susuntokin na sana niya si Jayce pero biglang ngumiti ito.
“I’m with this girl, you’ve got a problem?” pinagtaasan ng kilay ni Jayce ito sabay akbay kay Collen.
Nagtatagisan ng titig si Mio at Collen naman ngayon.
***
NANG makaupo si Jayce dala ang noodles na mainit ay namataan niyang dalawang canned beer na agad ang naubos ni Collen. Unfortunately, pinagpatuloy nila ang pag-iinom dito sa convenience store.
“Ba’t ka nagnu-noodles? Ang init ng panahon,” sita ni Collen sa kanya.
“Wala lang, gusto ko lang paghiwalayin ‘tong chopstick,” determinatong saad naman ni Jayce habang mausisang tinitignan ang pagitan ng chopstick. Gusto kasi nitong mapaghiwalay niya nang maayos.
“Ikaw ba’t ka naglalasing?”
“Wala ako’ng jowa, eh,” mataray na sagot ni Collen habang tinataktak sa bibig ang canned beer na wala nang laman.
“Biro lang, yinaya ako ng office mate ko,” maagadp namang paglilinaw ni Collen. “Tapos nagsayaw lang naman ako, parang bawal na. Para bang kasalanan maging pangit.”
Nainis naman si Jayce nang pinaghiwalay niya ang chopstick at hindi na naman perpekto ang pagkakahiwalay.
“Sa’n ang pangit?” patay malisya naman ito nang binuksan ang noodles at hinalo ito.
“Ito,” hinawakan ni Collen sa panga ni Jayce at pinaharap sa kanyang mukha. “Hindi naman pangit. Ang nakikita ko lang isang Auntie—Ahh!” kumalas si Jayce nang hinigpitan ni Collen ang pagkakahawak niya sa panga niya.
“Gago,” inis na saad nito at nagbukas muli ng canned beer.
“Jojowain mo ba ako o hindi? Huwag mo ako’ng sabayang uminom ‘pag hindi,” diretsang wika ni Collen. Hindi na nga siya nagpaligoy-ligoy pa at mas matapang na siya ngayon.
“Kung last option natin ang isa’t isa, ano pa nga ba?” nagkibit-balikat si Jayce at nilantakan ang noodles nito.
Napatngin sila pareho sa glass windows ng store, tila tahimik ang kalsada at mukhang wala nang katao-tao.
“Fine…let’s save each other’s misery,” napasinghap si Jayce at nang tinignan niya si Collen ay nakatulog na ito sa mesa at natumba pa niya ang hawak-hawak na beer kaya napatayo siya dahil tumutulo na ito sa sahig.
“Ahh, ano ba ‘yan!” nainis na napatingin na lang si Jayce kay Collen nang matapunan ng beer ang damit niya hanggang sa pants niya.
***
“HOY, Candy, hinay-hinay lang naman, ikaw ba ang maglilipat-bahay?” napakamot na lang sa ulo si Collen habang tulak-tulak nito ang cart at napasunod kay Candy. Ngayong araw siya lilipat sa condo ni Candy. Naisipan niyang bumili ng ilang kakailanganing gamit at pagkain. Pero kanina pa kuha nang kuha si Candy.
“Huwag ka mag-alala, credit card naman gagamitin mo, eh saka mo na isipin pambayad mo,” tinapik naman nito ang balikat niya.
Mas mukhang excited pa kasi si Candy kaysa sa kanya.
Hindi na tumawag si Collen sa bahay nila, hindi na rin siya kinamusta ng mga magulang niya. Hindi naman unang beses na nawalay siya sa kanila dahil no’ng sila ni Mio ay nakabukod siya. Medyo nakakatampo lang dahil parang wala silang pakialam sa paglalayas niya.
“’Wag na ‘yan. Hindi na ako kakain ng kahit na ano’ng pasta,” umiling si Collen nang akamain ni Candy na maglagay ng spaghetti promo pack.
“Ang taba-taba ko na talaga, hindi na nakakatuwa,” binalik naman niya ito sa rack.
“Aba, himala, nako-conscious ka na ba sa katawan mo? Ngayon pa na edad trenta ka na?”
“Bakit? May i-gaganda pa naman ako, ah,” sabay hawi ng buhok sa balikat.
“Naghahanap nga ako ng diet clinic o ‘di kaya malapit na gym sa condo mo. Seseryosohin ko na ang magpapayat,” aniya at napadako sila sa mga cereals.
“Hmm kung sa condo, may gym ako’ng alam. Maganda ro’n dahil maraming athlete ang nagwowork out do’n o ‘di kaya nagpra-practice. Pwede kita i-recommend sa kakilala ko.”
“Talaga ba? Sige!” hinawakan ni Collen ang dalawang kamay ni Candy. “Ito na ang pagkakataon ko para ibalik ang kagandahan ko!”
“Katawan lang hindi ganda,” agad na binawi naman nito ang sinabi.
Ilang oras pa nakalipas, nakarating din sila sa condo ni Candy. Napukaw ang atensyon ni Collen sa basketball court na nasa likod nito nang dumungaw siya sa bintana. Parang Apartment style na hanggang 15th floor lang ang kinabibilangan ng condo ni Candy but she is loving the ambiance. Hindi kasi gaano polluted ang village at maraming puno sa paligid. May ilang apartment din katabi ang building nila.
“Ipagluluto sana kita bago ako umalis pero mayro’n pala kaming Family dinner nina Lance, babawi na lang ako sa ‘yo.”
“Ano ka ba? Malaking bagay na ‘yung pagsama mo sa akin ngayon na maglipat, total maayos naman na ang lahat dahil wala naman ako’ng gamit. Mauna ka na,” tinanguan lang naman ni Candy si Collen bago ito umalis ng kayang condo.
Ilang sandali pa ng pagmumuni-muni ni Collen sa bintana habang nakamasid sa buwan ay nabulabog siya nang huni ng isang bolang tumatalbog. Dumungaw siya sa court na nakikita niya mula rito ang isang lalaking may hawak na bola at nagdi-dribble.
“Oh?” she furrowed her brows as soon as she recognized the man.
Hindi niya alam ano naisip nang bumaba. Nagmadali siyang nagpunta sa court ngunit hindi siya lumapit agad. She watched him from a distance when he positioned his self at the center for shooting. Pinanuod ni Collen ito nang maigi nang ibinato na niya ang bola ngunit sa hindi niya inaasahan ay hindi ito na-shoot.
It was very unusual to see him missed a shot.
***