Rushing Hearts
“KUNG hindi mo hiniwalayan si Mio noon, eh ‘di sana milyonarya ka na ngayon. Dapat kasi minsan binababa mo ang pride mo, Collen kahit minsan lang.”
Ito palagi ang agahan ni Collen—kapeng mainit, pandesal at ang sermon ng kanyang Nanay, minsan sumasama rin ang kanyang Tatay sa panenermon nito.
Nasa punto na si Collen na hindi na niya iniinda ang mga salitang naririnig niya. Kung kaya pa naman ng sweldo niyang bayaran ang dati niyang renta ay hindi ito bumalik sa kanilang bahay para lang makarinig ng sermon araw-araw.
Maybe the good days of her career are done. The era for the new aspiring writers has arrived and her books have left the book shelves of bookstores.
Collen is a writer, this was her sole job. Kung hindi man siya nagsusulat ng libro ay script writer naman siya sa mga pelikula o drama sa telebisyon. Isa siya sa mga reyna ng mga authors ng erotic-romance stories. Ang mga libro niya ay nasa unahan lagi at hindi ito nagtatagal ng ilang araw bago ma-sold out.
But that was just from the past. Ngayon ay nagtratrabaho na siya bilang encoder sa isang kompanya. Halos hindi na rin tugma ang sweldo niya sa pangangailangan niya.
Now she just turned thirty this year which make sense, the good days of her 20s are gone. Umabot siya ng 30 na hindi pa nakakapag-asawa.
“Hay nako, Cora, ano pang dakdak mo d’yan hindi ka pakikinggan niyan. Mabuti pa ay hanapan mo na lang ng aasawahin sa mga kumare—”
Umalingaw-ngaw ang pagdabog ni Collen sa lamesa. Natahimik ang Nanay at Tatay niya. “Aalis ako sa bahay na ito pero huwag niyo nang pakikialaman ang buhay ko.” gulat na napatingin ang mga magulang niya sa kanya.
“Ah!” napahiyaw ito nang nilapitan siya ng kanyang Nanay at sinapak sa kanyang braso. “Ikaw lang naman iniisip namin! May gana ka pang magalit, ang tanda-tanda mo na. Kung kaolan ka tumanda saka ka nawalan ng pangarap sa buhay!”
“Ha! Bakit nakinabang naman kayo sa mga kinita ko noon ah? Aminin niyo na, Nay! Nang bumalik tayo sa kahirapan at nawala ang career ko nainis na kayo sa akin! Ang tingin n’yo ay palamunin ako! Pati pakikipag-break ko kay Mio pinapapakialaman n’yo!” hindi na nakapagpigil si Collen ng galit ngayon.
Collen could take the scolding about her career reaching its downfall. Pero ang pagpupumilit ng kanyang mga magulang na balikan niya si Mio ay hindi niya tanggap. It’s been a year since she broke up with her long-time boyfriend. Ang tingin ng mga magulang niya ay sinayang niya si Mio at siya ang may kasalanan kung bakit sila naghiwalay. But the truth is, Mio has been cheating on her. Natuklasan niya ito at alam ito ng kanyang mga barkada niya. She felt betrayed, dahil tuwing hindi niya mahagilap si Mio ay ang barkada nito ang takbuhan niya, ‘yon pala ay pinagtatakpan nila ang kaibigan. Ang mas lalo pang nakapanakit sa kanya ay no’ng gabing birthday party nito ay nagpunta siya’t nasaksihang kasama ang babae niya pati na ang pamilya nito.
She confronted Mio that night which led to a scandal. At ang isa sa dahilan ng pagbagsak ng kanyang career ay nang maghiwalay sila ni Mio. Dahil maimpluwensyang tao si Mio, kumalat ang iba’t ibang tsimis na siya ang may kasalanan ng paghihiwalay nila. Kabilang si Mio sa pamilya ng mga politicians at maganda ang image nito sa masa.
After that, no one has accepted her works. Maski ang publishing company na pinagtratrabauhan niya no’n ay tinanggal siya.
Pikit-matang nagtiis si Collen ng mahabang panahon sa relasyon nila, but holding on to Mio only ended up wounding her even more.
Collen indeed, reached the rock bottom of her life.
Since that moment of her life, she started to hate writing. Tuluyan na siyang hindi nakapagsulat.
***
HATAK-HATAK ni Collen ang kanyang maleta na pumasok sa kanilang opisina. Pinagtinginan siya ng mga office mates niya nang makarating siya sa kanyang desk.
“Naglayas ka ba?” natatawang bungad sa kanya ni Candy.
“Oo, baka matulog ako rito sa office ngayong gabi,” sagot naman nito nang makaupo siya. Pagkatingin niya sa kanyang desk ay may isang envelop siyang nakita.
“Ah, dinala ‘yan kanina no’ng mail man,” ang sabi naman ni Candy at bumalik ito sa kanyang puwesto.
Nang binasa ni Collen ang nando’n sa sulat ay pamilyar ang sender. “Patrick?” sambit nito at agad na binuksan ang envelop.
Bumungad naman sa kanya ang “Patrick & Eunice” na naka-calligraphy style pa. Unang tingin pa lang alam mo nang wedding invitation ito.
“So, finally magpapakasal na sila,” napatango ito habang binubuklat ito. She scanned the names of the sponsors written there, napakahaba ngunit karamihan ay mga batch mates nila.
She eventually remembered her high school days. Barkada niya si Patrick at Eunice noon, napansin naman niyang sponsors lahat silang magbabarkada. It’s been fifteen years and she was happy because these two remembered her even a long time have passed.
Pagpasok ni Collen sa cafeteria ay biglang naghiyawan ang mga tao sa loob habang tutok na tutok sila sa malaking flat-screen na TV. Dahil ngayon lang nagkaro’n ng TV sa cafeteria ay nanibago si Collen sa ingay. Nagkukumpulan sila sa harapan ng TV at karamihan sa kanila ay mga lalaki. Base sa naririnig ni Collen mukhang basketball ang pinapanood nila.
“De-fense! De-fense!” narinig pa niyang sigaw nila, maging ang kahera na pinagaabutan ni Collen ng bayad ay mukhang lutang at nakatingin lang sa TV.
“Ah, ngayon pala ang championship,” napatingin naman si Collen kay Candy na lumapit sa kanya.
“Mukhang matatalo pa nga sila,” umiling pa ito habang tinutusok ng straw ang yogurt na hawak niya. Nabaling din ang atensyon ni Collen sa TV.
“Hindi na kasi nakapaglaro si Iyiger, sayang, siya pa naman ang tinaguriang ‘Bull’s Eye Shooter’ ng team. Ngayon mahina na ang outside nila,” dismayadong saad pa nito.
“Sayang!” tumunog ang nakakawindang na buzzer at lahat sila ay katulad ni Candy na dismayado, ang iba pa nga ay mas malala. Hindi naman makasunod si Collen dahil hindi naman ito na nanunuod ng basketball.
“Sana maglaro na siya sa susunod na season, hindi siya naglaro ngayong taon at no’ng nakaraan kahit isang beses lang. Siya pa naman ang inaabangan ng karamihan.”
Habang nag-rereport naman ang mga host ng game ay biglang may nai-focus na lalaking nakaupo sa bench ang napansin ni Collen.
“J-Jayce?” biglang sambit niya.
“Oh, ayan si Jayce Iyiger. Siya ang isa sa pinakamagaling na shooting guard sa buong bansa pero dahil hindi na siya naglaro ngayong season, I think nakuha na ni Riko ang titulo na iyon, dahil sila ang nanalo ngayon.”
Sandaling natulala si Collen at napaisip, at sa lalim ng pag-iisip niya ay may isang alaala ang bumalik sa kanya.
“Go Go! Stallions! Go Stallion High!” maya-maya siguro ay mauubusan na ng boses ni Collen. Ngayon ang championship ng inter high at hindi puwedeng palagpasin ni Collen ang laban ni Jayce—ang ultimate crush niya mula nang siya ay freshman.
Sumunod ang tadhana naayon sa gusto niya at nakabilang siya sa Special class kung nasaan si Jayce.
“YES!” Sabay-sabay silang napatalon at napasigaw nang magawa ni Jayce ang buzzer beater na siyang nagpanalo sa kanilang team.
And the champion for this year’s inter high is Stallions!
Nagpaiwan si Collen sa labas ng gym upang abangan lang si Jayce. This is the day she’s going to confess to him. Nagbabaka sakaling tanggapin ni Jayce ang feelings niya.
“J-jayce…ano,” hinarang ni Collen ito nang namataan niyang palabas na siya. “Hmm? Baguilod?” tinawag na naman siya nito sa kanyang apilyido.
“Gusto kita! Gustong-gusto kita, baka puwedeng… maging tayo?”
Hindi nag-isip pa nang iba si Collen at binigkas ang sigaw ng kanyang dibdib. Ito lang naman ang nais niyang sabihin.
Napakurap si Jayce habang nakamasid sa kanya, hindi man mawari kung totoo ang rebelasyong kanyang narinig mula sa kanya.
“May girlfriend ako ngayon, si Kristel…” napaangat ng tingin si Collen dahil sa kanyang narinig.
“K-Kristel…” at biglang nagpakita ang imahe ng dalagang iyon sa kanyang isip. Si Kristel ang tinaguriang Beauty Queen ng Stallion High. Nanalo ito kamakailan sa pageant at noon pa man ay sikat na ito.
Ang lakas ng loob niyang naipon kanina ay naglaho sa isang iglap. If it is Kristel then she is no match. Ngunit batid naman niya ito no’ng una pa. Nagkaroon lang naman siya ng lakas ng loob lumapit kay Jayce dahil kinakausap na siya nito sa class room.
“Pero hindi ibig sabihin n’on ay wala akong balak na tanggapin ang feelings mo. Hmmm,” napakamot sa ulo si Jayce at saglit nag-isip. “Ganito na lang,” hinawakan niya ang magkabilang balikat ni Collen na ikinagulat naman nito.
“Kung hindi na ako nakatali sa ibang tao at single ka pa rin, puwede nang maging tayo…”
“A-ano…?”
“Okay, para mas malinaw,” nilubayan ni Jayce si Collen. “If we both turned 30 and we are still single then…let’s save each other’s misery!” turo ni Jayce kay Collen na para bang nanghahamon. Biglang nanumbalik ang sigla sa mukha ni Collen.
“Okay, ako ang magiging last resort mo,” sumang-ayon si Collen. Habang nagtititigan sila ay sumilay ang sinag ng araw na malapit nang bumaba sa kanilang mga mata. In that fateful afternoon, they both made a promise that might change both of their lives.
***
“KUNG hindi ka mag-lalaro, hindi ka puwedeng mag-overstay dito,” sinindian ni Adler ang ilaw sa gym at tama ang hinala niyang makikita niya si Jayce rito.
He’s just standing in the middle of the court while his head is lowered. Napansin niya ang bolang hawak niya.
“I should quit basketball,” bungad ni Jayce sa kanya.
Napahawak sa baywang si Adler at napatitig kay Jayce. Last year pa nito gustong mag-quit ngunit siya, na coach nila ang nagpumilit sa kanyang huwag muna. Kapalit no’n ay nangako siyang benchwarmer lang siya at hindi niya isasabak sa kahit ano’ng laro.
“I can’t shoot anymore…” nabitawan ni Jayce ang bola. Mahinang tinawanan ang sarili.
“Basketball isn’t only about shooting, Jayce. We lost our shooting guard…but you’re still one of my best players.”
“Nope, Adler…you don’t understand,” he shook his head in disappointment. “You don’t understand the feeling of hating something that you used to love,” he turned his back, attempting to walk away, but he glanced at the ring. “My good days are done. I think you need to start accepting that…” and then he walked away from him.
Nang makarating si Jayce sa kanyang sasakyan ay may nakita siyang nakaipit sa wind shield nito. Isang envelope na may nakasulat na pamilyar na pangalan.
“Tch. They are all getting married,” napailing ito at pumasok sa kanyang sasakyan.
For the past years, he’s been busy with his career in basketball. He might have reached the peak of his career at some point but everything started to fade away in an instant. Ang mga pinaghirapan talaga ng isang tao ay maaring mawala sa isang iglap.
Ilang araw makalipas, dumating ang araw ng kasal ng kaibigang sina Patrick at Eunice. Jayce felt bad about ditching it so he decided to attend it. Nakakailang dahil nang makarating sila sa reception ay may marami pa rin talaga ang nakakakilala sa kanya. But he avoided talking with them, instead narito lang siya sa section ng wines, nakaupo at nais tikman lahat hangga’t kaya niya.
“Roaring Wolves number 9, bulls eye shooter, Jayce Iyiger,” naudlot naman ang pagtangka ni Jayce na inumin ang kanyang alak sa basong hawak. Isang babae mukhang kasing-edad niya ang umupo sa tabi at nakasuot ng pink dress na match sa motif ng kasal. Nakatali sa kulay itim na ribbon ang kalahati ng buhok at nakalugay ito hanggang sa beywang. Medyo malapad ang pangangatawan at nakasuot ito ng makapal na salamin.
“…and who are you?” kunot’ noo’ng tanong nito sa kanya. “Collen Mitzi Baguilod,” naglahad ang babae ng kamay sa kanya ngunit ‘di niya tinanggap.
“I don’t know you,” napairap ito at tinuloy ang pag-inom ng kanyang alak.
“Are you single?” muling napatigil si Jayce dahil sa diretsahang tanong nito. “Yes I am, but that is none of your business.” Iritang saad nito.
“Then let me introduce myself again, I’m Collen, your future girlfriend.”
“You’re crazy,” nilapag nito ang baso sa counter akmang aalis ngunit pinigilan ni Collen ang kamay nitong nakalapag sa counter. “You really forgot your promise? No’ng high school tayo, nangako na kapag mag-30 years old na tayo, we will save each other’s misery,” ngayon ay matalim ang mag titig na natatangap ni Jayce sa kanya.
“Hindi ba masyado kang desperada? Fine, even if I really made that promise, talagang sisingilin mo ako ngayon? Damn, it’s been years. Did you really think that I was serious about it? Oh Come on!” tuluyang nainis si Jayce at tumayo nang padabog.
***
MATAPOS inaway ni Collen ang sarili sa banyo ay nagdesisyon itong lumabas at bumalik sa venue. It was too rush of her to talk to Jayce like that. Her aim is just to ask Jayce to pretend as her lover for tonight. Hindi naman kasi niya aasahang dadalo si Mio rito sa kasal. Sa ngayon ay ligtas pa siya dahil hindi pa siya nito nakikita ngunit ang problema ni Collen ay ang mga kaklase nitong echosera.
Bumalik siya sa upuan kung saan kasalo niya sa isang table ang mga kaklase niyang kinaiinisan niya noon pa man.
Kung hindi lang kasal ng kaibigan niya ngayon ay marahil kanina pa nagmaldita si Collen. Kaliwa’t kanan ang pambabatikos sa kanya dahil siya lang ang walang fiancé o boyfriend sa table na ito. Hindi naman niya aasahan namakaka-table pa niya ang kinamumuhiang kaklase noong sila ay high school pa.
“Balita ko, big time ‘yong boyfriend mo, sis? Bakit mo hiniwalayan?” tanong ng katabi niyang si Nadine.
Nilagok ni Collen ang isang baso ng juice dahil heto na naman ang mga katanungan tungkol kay Mio—ang long-term ex-boyfriend niya na pinagpalit siya sa isang modelo. Batid ng ibang tao na dahil anak si Mio ng isang politician ay siya ang swerte at parang jackpot sa lotto. But Collen only wasted five years of her life for Mio.
“Also, nakadagdag ang pagiging popular ng books mo dahil kay Mio ‘di ba? Sayang naman sis,” iling-iling pang sabi ni Shiela, ang kasa-kasama lagi ni Nadine no’ng sila ay highschool pa.
Shit, ayan na naman sila, puro si Mio na naman ang santo. Ako naman ang nagsulat ng mga libro ko, ah? Inis na saad nito sa isip.
***
` HABANG naglalakad si Jayce ay napansin niya ang ilang kakilala na nag-uusap habang may hawak na wine at nakatayo. Naisip niyang huwag nang tumuloy sa paglakad sa harapan nila dahil baka makita siya at kausapin.
“Ah, she’s here? She’s getting worst, Collen that woman is a piece of trash,” nagsipagtawanan naman sila. Napalingon muli si Jayce sa kanila, namataan naman niyang nakatuon sa isang direksyon ang titig nila’t nagtuturo pa.
“Dude, is she really your ex-girlfriend? Akala ko ba sa sexy ka lang pumapatol? Tignan mo nga, parang nanganak na ang hitsura.”
“She was sexy before, and kinda cute. But, I don’t know what happened to her. She’s not even worthy to be called a woman,” may bakas na pandidiri ang pagkakasabi ni Mio.
Habang nakatingin si Jayce sa direksyon kung sa’n sila nakatingin ay namukhaan niya ang babaeng nakasalamin, siya ‘yong babaeng lumapit kanina sa kanya.
Jayce might know these guys a little bit, like Mio Ocampo, his father is a senator, and Jayce’s father is the president…kaya naman namumukhaan niya ang mga ito. The other guys are also from the family of politicians but he’s not sure of their names.
“Dude, I can’t even withstand to look at her, sino naman magtatangkang jowain ‘yan? Ni hindi mo nga gugustohing halikan ‘di ba? Kaya hindi niya ako dapat sisihin kung ba’t ko siya pinalitan.”
Bukod sa ayaw talaga ni Jayce noon kay Mio, nang unang kita pa lang nila, ayaw niya rin ang tabas ng dila nito.
Humakbang si Jayce palapit sa mesa kung nasaan si Collen, ano’ng dahilan? Hindi niya mawari. All he knows is that he is disgusted by what he’s hearing.
***
“BAKIT nga ba naghiwalay kayo ni Mio, ha?” mukhang kating-kati na si Nadine sa mga katanungan niya.
“Dahil sa akin,” kamuntikan nang maibuga ni Collen ang juice na iniinom nang marinig niya ang boses na iyon.
Hindi niya ito nilingon pero naramdaman niya ang kamay nitong nakahawak sa sandalan ng upuan at ang isang kamay nito ay nakapatong sa lamesa.
“J-Jayce,” parang basang sisiw na napatingin sina Nadine sa kanya.
Kung may listahan man ng Top 10 leading man sa bansa ay naro’n si Jayce.
Jayce Iyiger, the star player of one of the most popular basketball team in the Philippines. Bukod sa guwapo, matangkad at may matipunong pangangatawan ay hinahangaan siya ng karamihan sa mga signature moves niya sa court.
“I’m so madly in love with Collen so, I seduced her. Now… she’s mine.”
Nanigas si Collen sa kanyang kinauupuan at hindi na nakagawal nang marinig niya ang huling dalawang katagang binitawan ni Jayce.
“Right, babe?” ngisi nito sa kanya, wala sa sariling napa-angat ng tingin si Collen.
“Ah—”
And in just a blink of an eye, he found her lips against Jayce’s lips. Mabuti sana kung dampi lamang ang ginawa Jayce ngunit gumalaw ang labi nito at tinagalan ang kanilang halikan sa harapan nina Nadine. If she wanted to escape, she did that even before, but Jayce blocked her only way out.
Nakaramdam ng hiya si Collen nang maghiwalay ang kanilang labi, dahil ngayon ay inuulan na siya ng pambabatikos sa utak ng mga babaing gulat na nakatingin sa kanila.
Marahil ay sinasabi nila na ano bang nakita ni Jayce sa kanya? Eh ‘di hamak na matabang losyang na ang hitsura niya? For a thirty-year old woman like her, she looks so much older than that. Samantalang sila ay maganda pa rin.
Aminado naman si Collen na napabayaan niya ang sarili at tuluyang tumaba. And maybe even if she’s Jayce’s last resort…she doesn’t deserve it.
***