Kabanata 7

2071 Words
Stuck With You UMALINGAWNGAW ang tawanan sa buong studio. “You’re a very charming person talaga, Miss Kristel. This isn’t the first time that I was able to interview you, no’ng una palang talaga ay nakakatuwa na ang personalidad ninyo,” walang tigil na papuri ni Karen, ang host ng morning TV Show kung sa’n ang schedule ngayon ni Kristel. “Thank you so much,” nahihiyang saad naman ni Kristel. Nagtapos ang maikling interview matapos ang ilang minuto. Pagkalabas ng studio at pinasalamatan siya ng mga staffs dahil sa breakfast na dala niya kanina. She thought of treating them since they are up earlier than her. “Miss Kristel, nasa dressing room niyo po si Riko,” napahinto siya sa sinabi ng kanyang Manager. Malapit na siyang makarating sa tapat ng kanyang dressing room. Gusto niyang tumalikod at maglakad na lang palayo. “What do you want?” in the end, she decided to open the door to meet Riko who is now sitting on her chair in front of the mirror. “Visiting my girlfriend,” kibit balikat itong tumayo at naglakad palapit kay Kristel. Kamuntikan na siyang umatras pero hinawakan siya nito sa kanyang braso. “Ilang beses ko na bang sasabihin sa ‘yo, na wala na tayo,” napaigting panga si Kristel. “Huh? I don’t hear you,” patay malisyang saad nito at hinaplos ang pisngi niya. “Tandaan mo, Kristel…If it wasn’t for my Dad you aren’t in your spot now. Will you abandon our 5-year relationship?” “Tama na, Riko… Ayoko na!” kumalas si Kristel at bahagyang napaatras. “Fine, but I know you’ll come back to me pretty soon,” matalim ang titig nito sa kanya bago ito umalis ng silid. Inis na napaupo si Kristel sa kanyang upuan at napatingin sa sarili sa salamin. She’s a beauty. She looked good in that clothes she’s wearing. Her make up makes her more stunning but behind those is a miserable woman she wanted to throw away long time ago. Lumandas ang luha sa kanyang pisngi. “Miss Kristel, ready na po tayo for encore!” Nang marinig niya ang boses ng kanyang manager ay agad siyang kumuha ng tissue at dinampi ito sa kanyang pisngi at mata. When her manager opened the door with her stylist, she puts on a smile. Because the show must go on…no matter how miserable she is. *** MAY kumpulan ulit ng mga tao sa harapan ng malaking TV nang makapaosk si Collen sa cafeteria. Sumilip siya sa TV, ang pinapalabas ay ang teaser ng nalalapit na Summer Cup. “Grabe mukhang ‘di biro ang basketball na tournament na ito,” aniya Candy na nakasunod sa kanya at nakatingin din sa TV. Nakahanap naman sila ng table malapit sa bintana kung sa’n makikita pa rin nila ang palabas sa TV. Binuksan ni Collen ang baonan niyang naglalaman ng apple at vegetable salad na wala man lang dressing. “Hi Collen! Puwede ba kaming maki-table?” Gulat na nagtinginan si Candy at Collen nang tumabi sa kanila ang dalawang babaeng taga-marketing department na ni minsan ay hindi naman sila kinausap. “Writer ka pala! I read some of your works. Nakakainlove iyong Mafias Series mo,” may pakilig pa sa mukha ang sabi ng katabi niyang babae. “Ah, Salamat. Pero si Miss Maria Elena ang may gawa no’n hindi po ako,” napatawa na lang nang mahina si Collen at inayos ang salamin. “Anyway, maiba ako. Hindi ba si Jayce Iyiger iyong nagsundo sa ‘yo no’ng nakaraan, hindi mo naman sinabi sa amin na boyfriend mo siya,” may pahampas pa sa kanyang brasong nalalaman ang isang kasamahan ng katabi niyang babae na nakaupo sa tabi ni Candy. “Gaano na kayo katagal? Saka how is he as a boyfriend? Balita ko mga model or business woman ang nagiging girlfriend niya dati. Kaya nagulat ako nang malaman naming girlfriend ka pala niya…” sabi naman ng katabi niya. “Ano…naman ang nakakagulat doon?” her smile stiffened. Nakaramdam ng pag-aalala si Candy nang mapansin niyang nagiiba na ang ekpresyon sa mukha ni Collen. “Ah, it’s very unsual of him to date ordinary girls kasi eh,” sagot naman ng babaeng katabi ni Candy. “Maybe he’s just being considerate,” nalaman kaagad ni Collen kung kanino ang boses na iyon. Tumingin siya sa likod at nakita niya si Kris at Myra sa tabing table. “Jayce’s family is very respectable. He’s also nice. Imposibleng hindi niya alam mamili ng babaeng magiging parte ng pamilya nila.” “Hindi ba masyado kang pakialamera?” Napatayo si Collen, pinigilan siya ni Candy pero hindi ito nagtagumpay. “Bakit? Does it hurt?” napatayo rin si Kris. Noon pa man hindi maintindihan ni Collen kung ano ang naging atraso niya sa babaeng ito. Lalong umusbong ang galit nito sa kanya kamakailan at minsan ay sumusobra na. “Sinuka ka nga ng pamilya ni Mio, ‘di ba?” Hindi na nakapagpigil si Collen at nasabunutan niya si Kris. Kung kanina ay nasa TV ang atensyon nila, ngayon ay nasa kanilang dalawa na nagsasabunutan. “Collen!” hiyaw ni Candy at sinubukang awatin ang kaibigan pero parehas silang nagmatigas. *** “LAGI na lang umuulan~” nagulat naman ang ilang mga taong palabas ng apartment nang makita nila ang lasing na si Collen na may bitbit pang supot ng beer sa isnag kamay at isang canned beer naman sa kanyang isang kamay nito. Bahagya silang lumayo dahil pagewang-gewang itong maglakad. “Galing ko kumanta ‘no,” hinawakan pa niya sa balikat ang isang binatang papasok ng apartment. Bigla naman itong natakot dahil hindi niya kilala si Collen. “Wow! Ref ba ‘to? Automatic!” napaawang ang bibig niya nang makarating siya sa tapat ng elevator at bumukas ito bigla. Pumasok siya ro’n at naupo sa sahig. “Ba’t parang ‘di malamig?” muli siyang tumayo at nagpindot ng kung ano’ng number sa pindutan ng floors. “’Yan, lalamig na kayo lalo,” aniya at umupo ulit. Nilabas naman niya ang canned beers at hinilera sa gilid. Nang biglang bumukas ang elevator ay napasimangot siya. “Ba’t mo binuksan!” sigaw niya sa isang babaeng nakaambang na sasakay sa elevator. Tumakbo naman ito palayo at ilang segundo pa ay nagsarado ulit ito. “Pero bakit gumagalaw ang ref na ‘to?” napakunot noo siya. “Medyo nahihilo na ako, pwede bang sumuka sa ref?” “Pwede, hehehehe” sabay sapak sa dibdib. “’Di mapapanis ang suka ko kapag sa ref ako sumuka, hehehe—” at buong puso niyang nilabas ang kanyang suka sa sahig elevator. *** KUNG ‘di pa nabuksan ang kurtina ay hindi pa ito magigising. Ramdam niya agad ang bigat nang ulo nang magmulat ito ng mata. “Are you sober now?” kinusot nito ang mata hanggang sa unti-unting luminaw ang paningin at nakita si Jayce na nakayuko sa kanya kaya naman kaagad siyang napabalikwas ng bangon. It is always her fantasy to wake up seeing such handsome face but not in her current state. Inamoy niya ang sarili. The smell of beer and her p**e lingers all over her body. “Nasa unit kita, wala ka sa bahay mo,” maagap na saad ni Jayce at naglakad palabas ng kuwarto niya nang mapansin niyang lumilinga sa paligid si Collen. “Wait, b-bakit ako nandito,” dahan-dahan siyang tumayo at sinundan si Jayce. “You’re too drunk to press your password,” nagulat siya nang biglang binaba nang pagkalakas-lakas ni Jayce ang pitcher ng tubig sa mesa. Napansin niyang parang galit ito. “Naalala mo ba lahat ng nangyari?” tanong nito. Sinimulan ni Collen alalahanin ang mga alala niya kagabi mula pagpasok niya sa Apartment. Nanag madako ang isip niya sa elevator ay napapikit siya. Sumobra na naman siya ng ininom kaya nawala na naman siya sa sarili. Naalala niya rin ang pagsuka niya ro’n at paghiyaw ng mga sasakay sana sa elevator. Maging ang pagpunta ni Jayce sa front desk para sunduin siya ay naalala niya. Not only that… Jayce even gave her a piggy back ride when they came here. What an adventurous life she has as a 30-year old woman. “Kumusta…likod mo?” napayukong tanong nito. “I’m fine,” tipid na sagot nito. “Why didn’t you call me yesterday?” Nanatiling tahimik si Collen. Hindi lamang ang paglalasing niya ang naalala niya, pati na rin ang eskandalong nangyari sa opisina nila. Hindi niya alam kung may mukha pa siyang ihaharap. Sa ngayon maaring siya ang laman ng chismisan ng mag empleyado. “Kung kailan ako naging thirty saka ako nagkakaroon ng problema sa trabaho,” bigla naman niyang naibigkas ang naiisip. “Ah, nag-away kayo no’ng Kris?” wika naman ni Jayce at napaupo nang matapos niyang i-handa ang breakfast. “Tell me something more about it while we eat,” she blinked her eyes upon hearing him say it. Hindi naman gaano ka-espesyal ang mga salitang iyon pero unang beses niyang naranasang mayro’ng taong nais makinig sa kanyang kapalpakan. “A-Ano’ng iku-kwento ko?” “Like how exactly you grab her hair?” Hindi naman inaasahan ni Collen na matapos niyang maikuwento ang nangyari ay magpapakawala lamang ng tawa si Jayce habang kumakain. “Ano’ng nakakatawa?” “I like the way you grab her hair. I mean, sino’ng makakatakas do’n kung pati bangs ay hawak mo?” Napahinga na lang si Collen nang malalim at nilantakan ang toast na hinanda niya para sa kanya. “Kung si Mama at Papa ang nakarinig niyan paniguradong sermon aabutin ko.” “Yeah, I know they’ll do that. And you don’t need any more of that so I’m not doing it,” he shook his head. “I’d do the same thing if I was you. You might be wrong but you’re not the only one who’ll do that,” he tried to cheer him up but that doesn’t work easily. “…and I’m not breaking up with you,” namilog ang mga matani Collen sa narinig at nahulog niya ang toast na hawak sa pinggan. “You keep mumbling last night. Ayoko makipag-break.” Dagdag pa nito. “Aren’t you taking it too seriously?” she asked, straightforwardly. “Oh, aren’t you the one who ask for this first, babe? Don’t tell me you take back your words,” bigla na lang tumayo si Jayce at hinawakan sa baba si Collen. “We’re not breaking up,” he leaned down and whispered on her ears. “You’re stuck with me because I am your last…resort,” isang beses lang naman siya napakurap ngunit pagbukas ng mata ay nakadampi na ang labi nila sa isa’t isa… Nanlaki ang pagkakabukas ng mata niya nang maalala niyang kagigising lang niya. “I’ll take a shower first,” aniya ni Jayce at napatiuna sa paglalakad papuntang CR na parang walang nangyari. Habang siya’y nanigas sa kinauupuan. Napailing-iling siya bago pa siya atakihin ng malaswa niyang pagiisip. *** ISANG lalaking nanlaki ang titig sa kanya ang nakasalubong ni Jayce pagpasok niya sa gym. Kung hindi pa hinatak nito ang glass door ay mananatili na lamang siyang nakahawak doon. Bitbit ang bag na lalagyan ng kanyang mga damit pamalit ay dumiretso siya sa loob hanggang sa natanaw niya ang court. Naro’n sa gilid si Adler at Hina na nag-uusap. Napansin din ni Jayce ang dami ng mga players na nagwa-warm up. “Ohh!” napasigaw si Hina at tinuro siya nang namataan siya nitong palapit. “Ano ka ba! Nakakagulat ka!” sinapak ni Adler ang braso ni Hina dahil sa biglaang pagsigaw nito. “Ba’t ka nandito?” hindi makapaniwalang tanong ni Hina habang nakatingin sa kanya mula ulo hanggang paa. “P-practice?” sagot naman ni Jayce at napatingin sa court. “Hindi ba ngayon ang try out ng mga bagong players?” tanong pa niya. “Hmmm, oo ngayon nga. Don’t tell me you intent to train with them?” Hindi sinagot ni Jayce si Adler at umupo sa bench. Nilapag nito ang bag at inayos ang pagkakasintas ng sapatos. “He’s creepy,” siniko ni Hina si Adler. “J-Jayce…what is this? Are you coming back?” nagtungo si Adler sa kanyang harapan. “Ilang weeks pa ba bago ang Summer Cup? Do you think I can make it?” Adler and Hina stared at each other, still in shock. “You can still make it if you start the training…” si Hina naman ang sumagot. “I’ll train with the new players for now…I can’t still make a good shot but I can probably make a good pass and defense.” Napatango naman si Adler, for once he thought that maybe the old Jayce is back. “I can only play basketball again if I abandon my old style, Adler… If you can still accept me, I’ll never forget about it,” tumayo siya at nginitian si Adler. Adler’s heart is like melting. “Ano ka ba, wala namang perpektong player…” napatango siya. “Besides, I felt bad losing in front of her…my pride hurts,” he laughed softly but disappointedly. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD