Kabanata 8

3116 Words
Tipsy Kiss ALAM naman ni Collen na pagpasok niya sa opisina ay hindi na gaya ng dati ang magiging trato ng iba sa kanya. Tama nga siya ro’n. Pagpasok palang sa elevator ay may nakasabayan na siyang office mates niya. Dinig na dinig niya ang bulongan nila tungkol sa kanya at kay Kris. Ang masahol pa ro’n ay nag-iiba ang takbo ng kuwentong naipapasa sa bawat empleyado. Kung dati ay maganda pa ang tingin nila sa kanya dahil sa pagkakaroon ng isang boyfriend na kagaya ni Jayce, ngayon ay hindi na. Maski ang nakaraan niya kay Mio ay naungkat. Rumor says that she’s a slut and a delusional woman whose target are men like Mio and Jayce. At Dahil siya’y mukhang losyang na, nadawit pa ang kanyang pisikal na anyo. “Lumala yata ang chismisan, nagpaawa effect kasi itong si Kris,” iritang saad ni Candy nang makalapit siya rito. Nagkataon kasing nagkasabayan sila sa pagta-time in. “Sabihan na niya rin ‘yung kasama niya na magkalat na rin,” napailing na lang si Collen habang patungo sa kanyang opisina. Kung kailan pa siya nagtatagal na sa kanyang trabaho ay saka siya nagkaroon ng eskandalo. Pagkarating sa kanyang table ay binuksan niya ang PC at inatupag ang kanyang email, nagbabakasakaling may mga nag-respond sa job application niya. Pero sa mahigit benteng kompanyang pinagpasahan niya ay ni isa, walang sumagot. “Kumusta ang job hunting mo? tanong naman ni Candy at nilapit ang kanyang swivel chair kay Collen. “Ayon, dedma pa rin. Wala naman ‘atang may gusto sa akin dahil wala ako’ng experience sa mga ina-applyan ko bukod sa pag-e-encode. ‘Di ko naman puwedeng sabihin na nagsusulat ako. Wala naman silang pakialam do’n,” sunod-sunod ang malalim na hiningang pinakawalan nito. “Sana huwag mo itong masamain,” hinawakan siya sa kamay ni Candy at pinaharap. “Nag-text ulit sa akin si Dred. Pinapatanong kung ayaw mo ba talagang sumali sa project nila ulit? Sa tingin ko, okay lang naman na subukan mo ulit, Collen. Lalo na’t balak mong mag-resign.” “Salamat, Candy. Alam ko namang gusto mo ako’ng tulongan pero, tapos na ang pagiging writer ko. Gusto ko lang makahanap ng stable na trabaho dahil iyon ang kailangan ko,” kalmadong saad naman ni Collen sa kanya. “Pero kasi…hindi ka naman masaya. Naisip ko lang na baka hindi naman ito ang gusto mong gawin.” Napaisip siya bigla. The more she thinks of her life right now, it made her realize that nothing is working out. No matter how much she tried to have a better life. Something will always happen to make her fall down. That triggers her to think how unfair life is. Kasi kung paramihan lang naman ng kamalasan sa buhay ang basehan siguro ay namumuro na siya ro’n. It’s not her passion that was only lost but also her future. And so, she stopped fighting for it. People were there during her glorious days but when she started losing it all, no one believed her even her family. She lost her dream in an instant and the man she loved betrayed her. At the age of thirty, she is still broke and hopeless. *** LUNCH time. Kung ‘di sana galit ang kapalaran sa kanya ay hindi sana katabi ng table nina Kris ang natatanging bakanteng table rito sa cafeteria. Hindi pa man din siya nagsisimulang kumain ay nahagip na ng kanyang pandinig ang chismisan sa kabilang table sa pangunguna ni Kris. “Shocks! Yuck!” nainis siya nang marinig niya iyon. ‘Di man sigurado sa pinaguusapan pero alam niyang siya iyon. “Balita ko nagpu-pull out na ng libro ang Ilang bookstores na alam ko. Siguro mga libro ng mga laos iyon?” napalakas ang boses ni Kris. Alam niyang siya ang pinaparinggan nito. “Mga lame bed scenes and all, tsk. Sayang ang papel, sayang ang ink.” Napahigpit siya sa pagkakahawak ng kanyang tinidor. Ni hindi niya naituloy buksan ang kanyang baonan. “C-Collen,” tawag sa kanya ni Candy. “Sayang ang investment. Lugi ang mag publishers sa mga walang kwentang story lines ng mga author na—“ “Collen!” napabalikwas ng tayo si Candy at nilapitan si Collen. Bigla na lang kasi itong tumayo at mabilis na nakalapit kay Kris upang sampalin kaya natahimik ito. “What the hell did you just do!?” napatayo si Kris at napasigaw. Nakuha na naman nilang dalawa ang atensyon ng lahat ng tao sa cafeteria. “Sino ka para sabihing lame ang mga sinulat ko? Araw-araw, gabi-gabi kong pinagiisipan ang lahat ng iyon tapos sasabihan mo lang ng laos? Lame? Sayang ang ink? Ang papel!” napabitaw si Candy ng hawak kay Collen nang makita niya ang luhang lumandas sa kanyang mga mata. “Wala kang karapatan para sabihan ang mga libro ko ng walang kwenta dahil wala kang iniambag kahit isang letra!” “Kung magaling ka,” napahiyaw ang ilan sa kasamahan ni Kris dahil bigla siyang hinigit ni Collen nang malakas sa kanyang kwenlyo. “Tapatan mo lahat ng librong sinulat ko. Kaya mo bang mag-publish kaagad nang gano’ng karami? Sige, gawin mo. Isampal mo pa sa mukha ko,” at malakas na tinulak ni Collen si Kris na sanhi nang pagkaupo nito sa sahig. Lalabanan sana niya si Collen pero pinigilan siya ng mga kaibigan. Sa bungad ng cafeteria ay nagtago siya habang hawak ang dalawang lemonade juice na kanyang tinake out. A thin line formed in his lips as he listened to those words. Then he chose to walk away upon hearing footsteps coming closer to where he is standing. Nagtago siya sa gilid at naghintay ng ilang segundo para makalakad si Collen palayo. Napatingin siya sa direksyon kung sa’n siya naglakad palayo. Napabuntong hininga siya’t napatingin sa hawak. “Jayce,” gulat na tawag sa kanya ni Candy nang namataan siya nito. “Hmmm nakita mo si Collen?” “Oo, pero huwag mo munang lapitan. It’s always good to let her cry alone…” tinapik naman ni Jayce ang balikat ni Candy at naglakad ito patungo sa cafeteria. Sandaling napaisip si Candy, kung bakit siya nakapasok sa office nila at bakit siya pupuntang cafeteria. Then she craned her back, Jayce indeed entered the cafeteria. Napabalikwas siya ng takbo at sinundan siya. Pero nadatnan niya si Jayce na nakaupo sa silya ni Collen at umiinom ng lemonade na hawak nito. Lahat ng empleyado ro’n ay nakatingin lang sa kanya. Ang mga kalalakihan at gulat na nakamasid sa kanya. May ilan ding kumuha ng litrato niya. “Nasa’n na ba siya, lagot ako nito—Oh Candy!” nabaling ang atensyon niya kay Sassy, ang kanilang boss. “Nakita mo ba si Mr. Iyiger. Iyong basketball player? May meeting kasi ako at ngayon pala siya dadalaw, nakalimutan ko matagal na siguro siyang naghihintay—” Natulala silang pareho nang mapatingin sila sa direksyon kung saan nakaupo lang si Jayce at umiinom ng lemonade na para bang wala lang ito sa kanya. “Good Day, Mr. Iyiger, pasensya na po. May meeting kasi ako. Shall we go to the conference hall?” nilapitan naman ni Sassy ito pero parang wala lang sa kanya ang pagbati niya’t napapikit pa habang umiinom ng lemonade. “We can talk here,” saad naman ni Jayce. “Busy si Mommy, ako ang pinakiusapan niyang mag-inspect sa building. Kumusta naman ang office ninyo, Miss Sassy.” “Ah, as you can see uhm…” na-intimidate naman siya dahil lahat ng atensyon ng mga empleyado ay nasa kanila. “Anyway, just do your thing. Nagpunta lang naman ako rito kasi nandito ‘yong girlfriend ko. Hindi ko na dinalaw ‘yong ibang offices. Wala naman ako’ng paki,” napanguso pa ito at uminom ulit sa kanyang lemonade. Nahagip ng gilid ng kanyang mga mata si Kris na tahimik tumayo at maglalakad n asana palayo. “Wait,” nabulabog ang buong café dahil sa lakas ng boses niya. Dahan-dahang lumingon si Kris sa kanya. “Take this. I can’t drink it anymore…” nilahad ni Jayce ang isang lemonade na para sana kay Collen. “A-Ahh…” wala namang ibang nagawa si Kris kundi kuhanin ito. “Mr. Iyiger…about Miss Baguilod…I’m—” Napatikom ang bibig niya nang tinignan siya ng matalim ni Jayce. “Drink it, habang malamig pa,” ang sabi lang naman nito. Napansin ni Sassy na parang nanginginig ang kamay ni Kris na nakahawak sa lemonade. *** PALABAS na si Collen ng office nang biglang nakita niya si Jayce na nakasandal sa kanyang kotse. “Hina told me to bring you. Birthday niya kasi ngayon ay nag-rent siya ng Samgyup Restaurant.” Tahimik naman na napatango si Collen. “Sabi nila nasa office ka raw kanina,” nag-iwas si Collen ng titig. Nakaramdam siya ng hiya sa palaispan niyang nakita siya ni Jayce kanina. “Ah, nagbisita ako ng offices. Mga kumara kasi ni Mommy ang ilan sa mga nag-rerent ng offices sa building na ‘to. Nagdala ako no’ng niluto niya,” napatawa nang mahina si Jayce. “Let’s Go. I’ll let you eat anything tonight…” unti-unti namang nagliwanag ang mukha ni Collen sa sinabi ni Jayce. Katulad ng sinabi ni Jayce ay nagpunta sila ni Collen sa isang Korean BBQ House. “Jayce,” tawag ni Owen sa kanya. Nagtungo naman si Jayce sa table kung nasaan sina Owen. Pinauna niyang umupo si Collen pagkatapos ay tumabi siya rito. Naningkit ang mga mata ni Collen nang makatapat niya sa mesa sina Yuan at Andre. Tanda niya pa ang hindi magandang unang pagkikita nila. “I heard you started training? That’s good news. Angs ay ako nang marinig ko ‘yon,” hindi naman maitago ang galak sa mukha ni Owen. Pansin din ni Collen siya ang pinakamabait sa buong team at pinaka mahinahon. “Oo pero, pasensya na capt. Hindi ko pa kayang mag-shoot ng perfect three,” napakamot naman sa ulo si Jayce. “Ha? Paano ‘yan? Sasali ka naman sa Summerp Cup ‘di ba?” ani Andre. “It would be good to see your three points again, Jayce. I think that was really your role on our team. At walang makakapalit no’n,” dagdag naman ni Yuan. “Ba’t ano problema kung hindi siya makapag-shoot ng three points?” Collen chimed in, crossing her hands in front of chest. “I mean, that is what a shooting guard is supposed to do. Dapat perfect three, hindi ba?” kibit-balikat pang sabi ni Yuan. “Ah, ‘pag nag-grill ‘yang karne mamaya i-three points ko sa bunganga mo mangigil talaga ako sayo—” napigilan naman ni Jayce ang kamay ni Collen nang hawakan niya ang tong at akmang kukuha ng karne sa grill kahit ‘di pa luto. “Relax…that was true though…” he laughed softly as he felt embarrassed in front of them. “Shooting guard o point guard o kahit ano pang posisyon. Wala namang perpekto pagdating sa anumang bagay. Kahit gaano ka pa kagaling kung wala kang tiwala sa team mates mo, walang silbi,” bigla namang naging seryoso ang boses ni Collen nang nilantakan niya ang salad na nasa harapan niya. “Jayce might be the shooting guard but that doesn’t mean he has to do the shots always. He can also pass,” the she smiled gently. It was then Jayce realized he’s been staring at her for too long. “At hindi lang bola ang puwede mong i-shoot, Jayce. Puwede mo ring i-shoot ‘tong intsik mong kaibigan na ‘to.” “’Oy, Oy,” napailag si Yuan at Andre nang itinutok ni Collena ang chopstick sa kanila. Napansin kasi ni Collen na pangisi-ngisi sila habang siya’y nagsasalita. “Tama na nga ‘yan. Kumain na tayo,” saway naman ni Jayce sa kanila. Hindi pa man nagsisimula ang party kanina ay nakainom na si Hina, kaya ngayon ay sinosolo na niya ang videoke. Kanina pa sila naririndi sa kanyang pagkanta at inaawat siya ni Adler. Samantala ay abala pa rin si Collen sa pagkain. Punong puno ang kanyang bibig ng pagkain at napapangiti na lang ito habang ninanamnam ang karneng ilang araw na niyang hindi natitikman. “Ba’t pakiramdam ko, lalaki tayong lahat sa table na ‘to?” bulong ni Andre kay Yuan. “Oo nga eh, babae ba siya—Aray oho, lord god,” napasapo agad sa dibdib si Yuan dahil sa gulat nang hinampas ni Collen ang lamesa. Mukhang narinig niya ang bulungan nilang dalawa. Napatingin sa kabilang table si Collen kung sa’n may ilang babae rin. Napansin niyang halos ‘di nila ginalaw ang mag pagkain nila at mas maraming pa-cute sa mga lalaking nasa harapan. “Jayce? Puwede bang magpa-picture,” natigil siya sa pag-nguya nang marinig niya iyon. Hindi lang isang babae ang nakipagpicture kay Jayce at sa buong team. Natulak pa siya ng mga babaeng gustong sumingit sa tabi ni Jayce. Ang gaganda at mestisa ng mga babaeng lumapit kaya naman tuwang-tuwa si Andre at Yuan. May ka-guwapuhan din naman kasi ang mga kasamahan ni Jayce. Para silang celebrity star player, isa pa, malakas ang datingan ng mga basketball player na katulad nila. “Puwede ba kami maki-table?” tanong pa ng dalawang babaeng nagpaiwan. Katabi ni Jayce ang dalawang babae dahil naro’n ang bakanteng upuan. Hindi ito natanggihan ni Andre at Yuan. Naging maingay ang kanilang table nang sila ay naki-table. “Ah, I won’t eat meat. Magiging bloated kasi mukha ko sa umaga niyan,” isusubo na sana ni Collen ang karneng katatapos niya lang ihipan nang magsalita ang katabi niya. “True. I should look out for my body too,” sabi rin ng kasamahan nito. Syempre ay bawat kibo nila’y nakakatuwa sa kanila. Even Owen’s attention is on them. Jayce on the other hand is just eating silently. “Jayce, I made you a wrap. Say, Ah…” tumaas ang isang kilay ni Collen at sinilip ang isang babae. Medyo nakaramdam ng hiya si Jayce kaya tinanggap niya ang nilahad nito. Gano’n din ang ginawa nila kina Yuan. “Hays, hindi mo man lang ba gagawan ng wrap si Jayce? Tignan mo sinusubuan siya ng ga chix,” bigla namang bumulong sa kanya si Andre. “Subo ko ‘tong gunting sa ‘yo, gusto mo?” mataray namang sabi ni Collen kaya natahimik ito. Tila nakaramdam siya ng init sa pisngi. The thought of giving him a wrap is a thing that only people in a relationship should do. Pero official naman na ang kanilang relasyon, but she finds it hard to be sweet on him. After all, hindi naman talaga niya nature ang pagiging sweet. “Miss Collen, I also made a wrap for you,” napabaling ang tingin ni Collen kay owen nang nilahad niya ang karneng na-wrap sa lettuce at may kasamang side dishes, nakita niya ring binigyan niya sina Jayce kanina. He’s really kind. Na-touch ang damdamin niya kaya naman tumayo siya at ibubuka na sana ang bibig nang bigla naman siyang inunahan ni Jayce sa pagsubo. Nginuya naman nito ang nilahad ni Owen para sana kay Collen habang nakatitig lang sa kanya. “Akin lang ang isusubo mo,” aniya nang malunok ang kinakain. Napaawang ang bibig ni Collen dahil…may pangalawang kahulugan ang mga salitang iyon sa kaibuturan ng isipan niya. “She’s eating a lot, napansin ko kanina pa,” wika naman ng babaeng katabi ni Jayce. “She’s a good eater,” ang sabi ng isang babaeng katabi. Bahagyang napayuko naman si Collen. Napansin niay ang side dishes sa harapan niyang kanina pa niya pinapa-refill. It’s true that she ate the most in this table. “You…too, Jayce,” hindi naman makapaniwala ang dalawang babae nang kinargahan ni Jayce ng maraming karne ang plato saka binuksan ang kanin na kanina ay hindi niya balak sanang galawin. “I’m so hungry,” he started eating like he’s starved. Nabaling ang atensyon ng dalawang babae kay Jayce. Sa hindi malamang rason ay napangiti si Collen habang kumakain. *** “NABUSOG ka naman ba?” napalingon si Collen kay Jayce na kalalabas lang ng restaurant. Nauna kasi siyang lumabas kanina at nagpahangin, nagpaalam pa si Jayce sa mga kaibigan niya kaya nahuli ito. “Oo, parang wala na ulit ‘yong na-burn ko last week,” she chuckled as she fixed his glasses. “We can always burn that,” anito at naglakad palapit kay Collen. “Have you seen me on court before? Bukod sa mga laro ko no’ng high school?” Napailing naman si Collen. “Huling nood ko ng basketball, high school pa ako.” “You should see me when I play. I’m really handsome…” she couldn’t believe the confidence but that was the truth. Sumunod siya kay Jayce nang mapatiuna itong maglakad. “…and when I make that perfect three points, you’ll fall for me.” “Tch. Hindi lang ikaw ang guwapong basket player ‘no. Dami kaya diyan,” nakapamulsang saad naman ni Collen nang masabayan niya itong maglakad. Napahinto naman sila nang makarating sila sa tapat mismong ng sasakyan ni Jayce. He suddenly turned to her that caused her to take a step back. She stopped when she realized she reached the window beside the driver’s seat. Napahawak naman si Jayce sa bubong ng kotse at kinulong si Collen sa kanyang bisig. Maigi niyang sinuri ang mukha nito. Walang ibang magawa si Collen kundi ayusin nang ayusin ang kanyang salamin upang iwasan ang mga titig nito. “Walang dessert, kainis. Ang dami ko pa man ding kinain,” at bumaba ang tingin nito sa kanyang labi. Wala sa isip na tinakpan ni Collen ang labi niya gamit ang dalawang kamay niya. Napapikit siya nang mapagtanto ang kanyang ginawa. “Tanggalin mo ‘yang kamay ko,” utos naman ni Jayce. Pero hindi niya ito sinunod. “Isa…” nakaramdam ito ng takot nang magsimula siyang magbilang. “Dalawa…” “Hays! Tsk!” padabog na inalis ni Collen ang kamay niya sa labi. Pero kinagat naman niya ito. “What are you doing?” he arc his brow and damn…he looked hot. “Ah makati, kinakamot ko gamit ngipin ko,” pagdadahilan naman nito. She panicked when he attempted to kiss her neck so he grabbed his collar and tried to push him away but that didn’t worked. Inamoy ni Jayce ang kanyang leeg at muling nag-angat ito ng tingin. “Your neck or your lips?” then a grin is drawn in his face. PIkit matang inalis niya ang pagkakagat sa labi. Wala pang isang segundo ay sinunggaban siya agad ni Jayce nang napakapusok na halik. She even forgot to breathe heavily before it. His kiss is breathtakingly, her grip on her collar is getting loose and when her hand is about to let go, Jayce’s hand took her hands and wrapped it around his neck. He held onto her waist, pushing it closer to his body as he started moving his lips to savor every bit of her lips. “How can you get over of my kiss?” he asked while panting when their lips got separated. “I—I…” she keeps stuttering until she couldn’t find the words to say… “Your lips made me tipsy but I want more…” muling nasundan ang unang halik nilang pinagsaluhan. Ngayon ay nakasabay si Collen sa paggalaw ng labi ni Jayce. It’s been a long time since she was able to taste a real kiss from a man. And she guessed that her body is longing for it. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD