Umpisa pa lang ng umaga, pero naisipan ng tawagan agad ni Diesel si Lucas. Wala naman siyang napagsabihan na may babaeng pumunta doon na nagngangalang Anna at nagpaabot ng bayad daw sa utang nito sa pamilya niya. Mag-isa lang siya ng dumating ito kahapon. Nang dumating naman ang mag-ina ni Gia at Gael ay nakaalis na ito.
Masasabi niyang, maganda ang babae, pero naaawa siya sa kalagayan nito. Wala man lang mababakas na masaya ang babae kahit ngumiti. Wala kang mabasang expression ng nararamdaman. Masasabi mong buhay dahil naglalakad, nakakausap mo at humihinga. Pero kung pagmamasdan ang kalooban. Walang kabuhay-buhay.
Nangsagutin ni Lucas ang tawag niya ay lasing na naman ito. Nakita din niya ang mommy at daddy niya. Nagkakumustahan, hanggang sa dumating sa puntong, sinabi niya ang tungkol sa perang ang alam ni Anna ay magandang loob na ipinahiram sa kanya. Samantalang ang dating sa pamilya niya ay ninakaw nito.
Doon nabuo kay Diesel ang isa isang piraso ng puzzle tungkol sa problema ng pamilya nila. Ang walang muwang na si Anna ay siniraan ng husto ni Lyka sa pamilya niya para magmukhang magnanakaw, para magalit ang pamilya niya, at hindi na ito gustuhin ni Lucas.
Naawa lalo tuloy siya dito, ng malaman ni Diesel ang ginawa ni Lucas dito. Kung alam lang niya ang buong pangyayari, baka kahapon pa lang hindi na, niya ito pinaalis ng bahay nila para magkausap naman si Lucas at Anna ng matapos na ang problema.
Sa ngayon, hihintayin muna niya ang pagbalik ni Lucas, para naman, mapuntahan nila ang pamilya nito ng magkausap at magkaayos na ang dalawa. Sana naman ay mapatawad agad ni Anna ang kapatid niya.
Pagkababa ni Diesel ng hagdanan, ay nakita niya kaagad si Gia na akay-akay si Gael. Nakauniform na ito at halatang papasok. Natutuwa talaga si Diesel ng hindi niya maipaliwanang sa mag-ina. Lalo na kay Gael na para ding siya, noong panahong inaabyad siya ng mommy Antonia niya at ni Manang Fe.
Sinundan niya ang mag-ina sa kusina. Nandoon na rin si Manang Fe, at Liza na nagkakape habang magkakatulong na nagluluto. Si Gia naman ay inaasikaso si Gael, ng mapansin siya ni Gia.
"Sir gusto mong kape?" Tanong ni Gia sa kanya, na hindi niya malaman kung bakit, parang ang lambing sa pandinig niya.
"Yeah, sure. Black coffee with a little bit sugar." Nakangiting tugon ni Diesel, habang nagpatuloy naman si Gia sa pagtitimpla.
"Sir, paluto na rin itong sinangag, at ang niluluto ni Manang na itlog at longganisa, mag breakfast ka na rin." Wika naman ni Liza.
"Sure. Sasabayan n'yo ba ako?" Tanong di Diesel na ikina thumbs up naman ni Liza.
"Ikaw Gia?" Baling nito kay Gia, ng mapansing kape lang talaga iniinum nito at patapos ng mag-almusal ni Gael.
"Mamaya na siguro Sir. Baka malate si Gael. Nilalakad lang namin mula dito hanggang labasan, ay baka malate si Gael." Tugon ni Gia, na ikinakunot ng noon ni Diesel.
"Kape lang ang inilaman mo sa tyan mo? Tapos pagbalik mo saka ka pa kakain? Ihahatid ko kayo ni Gael. Maaga pa naman, kumain ka na muna. Patapos na namang magluto si Manang at Liza." Seryosong wika ni Diesel.
"Pero Sir okey lang nam-." Aangal pa sana si Gia ng magsalita si Diesel.
"Walang pero-pero kumain ka. Ireready ko lang ang kotse ko. Nang maihatid ko kayo." Wika ni Diesel na mabilis nitong ikinaalis ng kusina, at nagtungo ng kwarto para kunin ang susi ng kotse niya.
Nagkatinginan naman si Gia, Liza at Manang Fe. Nang biglang tumawa si Liza at si Manang Fe naman ay nangiti.
"Anong nangyari doon?" Tanong bigla ni Gia.
"Bakit kasi ang ganda mo Gia, noong una, si Sir Lucas lang kay Anna girl. Ngayon pati si Sir Diesel, dumadamoves ng hindi halata." Wika ni Liza na ikinahagikhik pa nito.
"Ha?" Naguguluhang wika ni Gia, ng dumating na si Diesel muli sa kusina. Tapos na ring magluto si Manang Fe, at nakapaghayin na naman si Liza. Si Gael naman ay umiinum na lang ng gatas at kumakain ng cookies.
Nagkatinginan pa ang tatlo, ng walang anu-ano'y, si Diesel ang nagsandok ng pagkain ni Gia, nilagyan nito ng sinangag, itlog at longganisa ang plato nito. Nakatingin lang naman si Gia, dahil akala niya ay para mismo kay Diesel ang pagkaing kinukuha nito. Pero ng ilagay sa tapat niya, at kinuha ang plato sa tapat niya, ay hindi na nakaimik si Gia.
"Kain na, hindi ka mabubusog, kung tititigan mo lang ang pagkain." Wika ni Diesel na ikinakuha ni Gia ng kutsara at sumubo na rin.
Si Liza naman at si Manang Fe ay tahimik lang, pero nakikita nilang may kakaiba sa amo nila, mula ng makita nito si Gia, mula ng dumating ito.
Mabilis namang natapos kumain si Gia, at ganoon din si Diesel ng may pagmamadali. Bitbit ni Diesel ang gamit ni Gael. Nagpaalam muna si Gia kay Manang Fe na pag balik niya siya babawi sa mga gawain na nakatoka sa kanya. Na ikinangiting ikinang-ayon naman ni Manang Fe.
Nang makarating sila sa school kung saan pumapasok si Gael, ay hindi na sumama sa loob si Diesel. Akala naman ni Gia ay umalis na ito, pagkahatid sa kanilang mag-ina. Pero nagulat si Gia ng makita niya si Diesel na nakatayo sa labas ng kotse nito at mukhang nag-eenjoy pa sa ginagawang paghihintay.
"Sir, akala ko umuwi na kayo kanina pagkahatid ninyo sa amin ni Gael." Sambit ni Gia dito ng makalapit sa tabi ni Diesel.
"Sure namang lalakadin mo din naman mula dito hanggang sa bahay, kasi sa isip mo mag-isa ka na lang naman. Kaya hinintay na kita. Napakalayo nito sa bahay pero nilalakad mong mag-isa. Kaya hinintay na kita." Nakangiting tugon ni Diesel, na hindi malaman ni Gia kung bakit biglang kumabog ang puso niya. Huminga lang si Gia ng ilang beses, ng mapakalma ang puso niya.
Nang makasakay sila ay tahimik lang si Gia. Si Diesel na rin ang bumasag sa katahimikang meron sila.
"Pwedeng magtanong?" Wika ni Diesel na ikinatango ni Gia.
"Wag ka sanang magagalit. Nasaan ang tatay ni Gael?" Tanong ni Diesel na ikinabuntong hininga ni Gia.
"Wag mo na lang sagutin kung aya-." Hindi na natapos ni Diesel ang sasabihin ng magsalita si Gia.
"Hindi naman po importante dahil hindi ko alam. Nasa Mars po yata. Baka astronaut. Baka po alien? Hindi po ako sure. Nagtree planting lang naman po iyon, pero nakalimutang may tinaniman, so ayon hindi naman naghanap, kaya wala akong alam." Seryosong wika ni Gia, na si Diesel naman ay gulong-gulo sa sinabi ni Gia.
"Huh? Pwedeng mas malinaw? Pwede ka namang mag-share sa akin. Total naman, na ka-close kayo nina mommy ako lang ang walang alam tungkol sa inyo. Dahil matagal akong wala. Pero siguro wala kayong tiwala sa akin dahil inampon lang naman nila ako ng mawala ang mga magulang ko." Nakangiting wika ni Diesel pero kitang kita ni Gia, na nasasaktan si Diesel. Siguro namimiss nito ang magulang. Sabagay mahirap din naman na hindi ka pinagkakatiwalaan.
Huminga muna si Gia ng malalim bago tiningnan si Diesel.
"Ganito kasi yan Sir. Sana po hindi po magbago ang tingin ninyo sa akin, dahil hindi naman po talaga ako masamang babae." Wika ni Gia at tumango lang si Diesel, para maipagpatuloy ni Gia ang ikukwento niya.
"Nagtatrabaho po ako sa Phoenix bilang waitress." Panimula ni Gia ng biglang mapatingin si Diesel sa kanya na wari mo ay gulat na gulat. Pero bigla ding ibinalik sa daan ang mata. Kaya nagpatuloy na si Gia, sa pagsasalita.
"Isang beses po may tinulungan akong lalaking lasing, na hindi ko malaman kung saan ko po dadalahin. Wala naman po akong matawagan dahil, low battery as in dead battery po pala, ang cellphone niya. Kaya po dinala ko na lang sa VIP room ng Phoenix. Kaso noong paalis na ako ng kwartong iyon. Nanaginip po yata, kaya binalikan ko. Hanggang sa hinalikan po ako. At nangyari ang hindi dapat nangyari. Dahil pakiramdam ko po. Hindi naman po talaga ako ang nakikita ng lalaking iyon, dahil ibang pangalan ang tinatawag niya. Girlfriend po yata or asawa. Lalo na at hindi naman po niya ako kilala." Kwento ni Gia na ikinalunok naman ni Diesel.
Pansin din ni Gia ang pamumuo ng pawis ni Diesel sa noo nito. Kahit may kalakasan naman ng aircon ng kotse nito.
"Sir okey ka lang?" Tanong ni Gia na ikinatango naman ni Diesel.
"Hindi mo man lang ba hinanap ang lalaking iyon? Lalo na at nabuntis ka naman pala niya." Wika ni Diesel na sa tingin ni Gia ay medyo naiinis.
"Saan ko po iyon hahanapin, ako nga pong kanyang nakuha, hindi niya hinanap, ako pa maghanap sa kanya." Tugon ni Gia.
"Pati baka po may pamilya na iyon at may-asawa. Ayaw kung makagulo sa buhay niya. Masaya na naman po kahit kami lang ni Gael kahit kami lang." Wika ni Gia na ikinabuntong hininga ni Diesel.
"Hindi mo man lang ba siya natatandaan? Ang Itsura ng lalaking iyon?" Tanong pa ni Diesel.
"Tiningnan ko ang mukha niya at masasabi ko pong gwapo. Kaso dahil dim light naman po sa room ng Phoenix hindi ko din gaanong matandaan na ang itsura niya. Lalo na at nasa six years na rin ang nakakalipas. Pero sure po akong gwapo, wala man lang pong nakuha sa akin si Gael. Malamang po sa tatay niya. " Wika ni Gia, na mas naging tensyonado ang pagmamaneho ni Diesel.
"Okey ka lang ba talaga Sir?. Malapit na tayo sa bahay." Nag-aalalang wika ni Gia.
"Ilang taon na noong nagtatrabaho ka sa Phoenix, nang mabuntis ka?" Walang paligoy-ligoy na tanong ni Diesel.
"Twenty, Sir. Twenty five na po ako ngayon." Wika ni Gia na ikinapreno bigla ni Diesel.
"What! The? F*ck!!!" Sigaw ni Diesel na ikinagulat naman ni Gia. Nasa tapat na naman sila ng gate ng bahay, pero hindi pa sila nakakapasok ng biglang sumigaw nga si Diesel. Mabuti na lang at nakaseatbelt si Gia. Kung hindi pwede talagang mabukulan siya sa ginawa ni Diesel.
"Ano po bang nangyayari sa inyo?" Naguguluhang tanong na ni Gia.
"Wala ka bang palatandaan sa lalaking nakasama mo ng gabing iyon?" Tanong muli ni Diesel ng makabawi sa pagkagulat.
"Meron po. Meron po siyang birthmark na korteng puso sa katapat ng dibdib niya, sa tapat mismo ng puso niya. Hindi po iyon literal na heart shape. Korte po siya mismo ng puso natin." Wika ni Gia, na gulat na ikinahubad ni Diesel ng damit niya, na ikinatitig dito ni Gia.
"Ganito ba?" Tanong ni Diesel, kay Gia na ikinagulat naman ni Gia, habang nakatingin sa birthmark, na korteng puso, na nasa tapat ng mismong puso ni Diesel. Kitang-kita kasi iyon lalo na at maputi si Diesel tulad ni Lucas.
Naubusan naman si Gia ng sasabihin at medyo naguguluhan sa nangyayari. Kaya naman, biglang bumaba ng sasakyan si Gia, at tumakbo patungong kusina.
Si Diesel naman ay naiwang nakaawang ang labi, sa ikinilos ni Gia. Ngayon alam na niya ang dahilan kung bakit, kakaiba si Gia ng makita niya at kung bakit nakikita niya ang sarili niya kay Gael. Dahil siya ang ama ni Gael. Ngayong naiisip niyang may anak na siya, parang lalong ginanahan si Diesel sa buhay.
Isipin niyang ilang taon siyang nagmukmok sa America pagbalik niya tatay na siya. Nanay na lang ng anak niya ang kailangan niyang siyuin. Alam niya sa sarili niyang, madaling mahalin si Gia, lalo na at nakikita niya kung gaano nito kamahal ang kanyang anak.
'Aking anak.' Nakangiting sambit ni Diesel na parang idinuduyan pa siya sa alapaap. Nagbihis si Diesel at mabilis na lumabas ng kotse, matapos niyang madala iyon sa car port ng bahay.
Nang makalabas siya ay napansin kaagad niya si Gia, na kasama si Manang Fe at Liza na wari mo ay naguguluhan kay Gia.
Nakangiti ito sa kanya, at sobrang hinhin ng paglalakad. Parang nag slow mo pa si Gia sa paningin niya, dahil biglang bumilis ang pintig ng puso niya. Hindi niya alam kung bakit ganoong kabilis ang pangyayari, na masasabi niyang, attracted talaga siya sa ina ng kanyang anak.
Nang magkaharap na sila ni Gia ay binigyan siya nito ng napakatamis na ngiti, na siya namang ikinangiti ng husto ni Diesel. Akmang magsasalita si Diesel ng biglang, lumapat ang kamao ni Gia sa mukha ni Diesel na dahilan upang mawalan ito ng balanse na ikinasigaw naman ni Manang Fe at Liza.
Tatayo sana si Diesel ng sa kabilang part naman ng mukha ni Diesel tumama ang isa pang kamao ni Gia. Wala ng nagawa si Diesel kundi mapahiga na lang, dahil nabigla talaga siya sa ginawa ni Gia.
Umalis naman si Gia, sa harap nila kaya dinaluhan na ni Manang Fe si Diesel at tinulungang makaupo.
"Okey ka lang ba hijo? Ano bang nangyari sa inyong dalawa ni Gia? Mabait na bata si Gia, pero ang bigyan ka ng dalawang magkasunod na suntok sa mukha ay ikinagulat kong talaga." Nag-aalalang wika ni Manang na ikinatawa naman ng malakas ni Diesel.
"I deserve this Manang. Kulang pa nga. Welcome gift ko iyon. Pero masayang masaya ako Manang Fe. Liza. Tatay na ako.!" Masayang pahayag ni Diesel. Habang si Manang Fe at Liza ay naguguluhan sa ikinikilos niya.
"Ano bang nangyayari sa inyo ni Gia.?" Tanong ulit ni Manang.
"Ipapaliwanag ko din mamaya Manang, basta masaya po akong, nandito ako ngayon kasama ninyo." Wika ni Diesel na kahit may pasa ang mukha dahil sa ginawang pagsuntok ni Gia at sobrang saya naman ang makikita, nagniningning pa ang mga mata. Tumayo si Diesel at naglakad papalayo sa kanilang dalawa. Sumisipol pa ito bakas ang labis na kasiyahan.
Nagkatinginan na lang si Manang Fe at Liza na naguguluhan sa ikinikilos ni Diesel at Gia, na ikinatawa na lang nilang dalawa.
"Sa palagay mo Manang anong nangyari?" Tanong ni Liza.
"Hindi ko alam, pero pakiramdam ko may magandang nangyari. Hintayin na lang nating magkwento ang dalawa." Natatawang wika ni Manang Fe, na ikinakilos na nila at nagtungo na muli sa kusina, para naman gawin na nila ang mga dapat nilang gawin.