Maaga pa lang ay sinundo na ni Diesel si Lucas ng airport dahil, kumuha kaagad ito ng pinakamabilis na flight patungong Pilipinas. Una nilang pinuntahan ang lugar kung saan nakatira sina Anna. Pero ang sabi sa kanila ng mga naging kapitbahay ng mga ito ay lumipat na sa ibang lugar ang pamilya ni Anna. Habang si Anna ay kasama ng isa nitong kaibigan na taga Maynila.
Ang kapatid naman ng tatay ni Anna na si Aling Belen, ay kinuha na ng nag-iisa nitong anak na nasa ibang bansa, kaya naman wala na doong natitirang kamag-anak sina Anna.
Lalo namang nanlumo si Diesel para kay Lucas. Gusto man niya itong tulungan pero hindi nila alam kung saan magsisimula. Nakita naman ni Diesel ang kaibigan ni Lucas na si Andrew.
Kita niya ang galit ng kaibigan nito sa kapatid niya. Wala naman siyang magawa, lalo na at malaki naman talaga ang kasalanan nito kay Anna. Alam ni Andrew kung saan nakatira ang pamilya ni Anna kaya naman kahit galit si Andrew kay Lucas ay sinamahan sila nito. Kinabukasan ay nagtungo sila ng San Miguel.
Pero bigo silang makita si Anna. Kahit ang pamilya nito ay nagulat na nawawala si Anna. Dahil ang alam nga ng mga ito kasama ito ni Andrew. Pero ang paalam ni Anna kay Andrew ay babalik na ito ng San Miguel.
Galit man si Andrew kay Lucas, ay mas matibay pa rin ang pagkakaibigan na natayo ng dalawa. Kaya kahit nagkaroon ng samaan ng loob ang dalawa ay mas naging okey na ang pakikitungo ng dalawa sa isa't isa para mahanap na si Anna.
Mula ng makarating si Lucas kina Anna ay ilang beses ng sinamahan ito ni Diesel para humingi ng tawad sa pamilya ni Anna, at nag confess na rin si Lucas ng lahat ng mga kasalanan niya dito. Pero ngayong sa tingin niya ay magaan na ang turing ng pamilya ni Anna ay Lucas ay hinayaan na muna niya ito.
Mabait ang pamilya ni Anna, kaya naman masisigurado niyang walang masamang mangyayari kay Lucas. Ang inaalala na lang nila ngayon ay kung saan nila mahahanap si Anna. Para na rin sa ikapapanatag ng kalooban ni Lucas.
Pagpasok ni Diesel, sa loob ng bahay ay nakita niya si Gael, na patungong kusina. Sinundan niya ito pero nakita niyang kumuha lang ito ng maliit na balot ng cookies at tumuloy sa labas ng kusina. Nagtataka man ay sinundan niya ito, hanggang sa makarating ito sa dating bodega.
Pipigilan sana niya ito dahil, alam niyang makalat ang loob ng bodega, pero ng pagbukas ni Gael ay nakita ni Diesel na malinis na iyon. Isasara sana ni Gael ang pintuan ng iharang ni Diesel ang kamay kaya naman hindi natuloy ni Gael ang pagsara.
"Daddy?" Masayang wika ni Gael na ikinangiti niya. Yes, alam na ni Gael na siya ang Daddy nito. Nalaman nito ng siya ang sumunod noon kay Gael ng may pasa ang mukha.
"Tito Diesel nasaan po si nanay? Bakit po ikaw ang nagsundo sa akin? At bakit ka po may pasa sa mukha?" Inosenteng tanong ni Gael kay Diesel na ikinatawa niya.
"Natatandaan mo ba ang sinabi ng nanay mo sayo, na sekreto ninyo pagnakilala ng nanay mo ang tatay mo?" Tugon ni Diesel kay Gael na ikinatango nito.
"Bibigyan daw po niya ang tatay ko ng dalawang upper cut. Welcome gift." Inosenteng sagot ni Gael.
"I already received that gift." Sagot ni Diesel na ikinalaki ng mata ni Gael.
"Ibig sabihin kayo po ang tatay ko?!" Masayang wika ni Gael, na ikinatango naman ni Diesel.
Hindi naman napigilan ni Gael na mapaiyak sa sobrang saya, dahil hindi lang siya nagsasabi sa nanay niya, pero gustong-gusto din niyang maramdaman kung ano ang pakiramdam ng buo ang pamilya. Kung ano ang pakiramdam kung may tatay siya. Ngayon matutupad na niya ang pangarap niya noon pa. Ang makasama ang tatay niya.
Yakap-yakap ni Diesel si Gael habang umiiyak. "Pwede ko po ba kayong tawaging daddy? Hindi na po ba kayo aalis? Hindi n'yo na po ba kami iiwan ni nanay? Mabubuo na po ba tayo?" Mga tanong ni Gael kay Diesel na hindi malaman ni Diesel ang isasagot lalo na at hindi pa rin mapigil ni Gael ang pag-iyak.
"Hindi na ako aalis, pangako. At magpapakaama ako sayo, pangako. At paano tayo mabubuo, ayon ay kung tutulungan mo ako sa nanay mo. Hindi naman siya galit, pero alam kong masama ang loob ng nanay mo sa akin. Pero pangako hindi ko kayo pababayaan." Nakangiting wika ni Diesel na ikinayakap pang muli ni Gael sa kanya. Bago niya tuluyang binuhay ang sasakyan, at umalis ng parking lot, para naman makauwi na ng bahay.
"Sinong naglinis nito? Dito ka ba pumupunta para mag-aral." Tanong ni Diesel kay Gael.
"Opo, pagkakauwi po namin ni nanay, matapos pong kumain ay dito po ako nagtutuloy. Nilinis daw po ito ni tita Anna noon. Namimiss ko na po siya. Sana po ay mahanap na ni tito Lucas si Tita Anna." Malungkot na wika ni Gael na ikinalapit ni Diesel sa anak.
"Yaan mo mahahanap din ni Tito Lucas si Tita Anna at babalik dito si Tita Anna mo. Pero madami ka bang assignment?" Tanong bigla ni Diesel.
"Kaunti lang po, magkukulay lang po ako. Tapos sabi po ni nanay, pwede na daw po akong manood ng t.v. after ko pong matapos ang dapat kung gawin." Nakangiting wika ni Gael kay Diesel.
"Nasaan ba nanay mo?" Tanong pa niya sa anak.
"Naglilinis na po ng mga kwarto po. Trabaho daw po niya iyon. At madali lang naman daw po. Nag-eenjoy din po si nanay. Kaya masaya daw po siya sa ginagawa niya." Wika ni Gael. Naikinabuntong hininga naman ni Diesel.
Palagi na niyang sinasabihan si Gia, buhat ng malaman niya ang pinagdaan nito ay wag ng magtrabaho, pero napakatigas ng ulo. Mas ok pang tumanggap ng sweldo, kahit kaya ko naman silang buhayin na mag-ina.
Matapos gawin ni Gael ang assignment niya ay si Diesel na ang nagbuhay ng t.v. nakahiga sila sa carpeted floor habang nanonood ng spongebob si Gael. Simpleng buhay, pero masayang masaya na si Gael. Bagay na nakakapagpasaya sa puso ni Diesel. Hindi kailangan ni Gael ng mamahaling bagay para sumaya. Sabi kasi nito. Makasama lang daw silang dalawa ng nanay niya ay masayang masaya na ito. Kaya naman lalo niyang minamahal ang anak. Pati na rin ang nanay nito, na napalaki si Gael ng maayos, at mabait na bata.
Matapos malinis ni Gia, lahat ng kwarto sa loob ng bahay, ay bumaba na ito patungo sa dating bodega, alam niyang nandoon si Gael at nanonood ng t.v.
Pagbukas niya ng pintuan ng bodega ay parang hinaplos ang puso ni Gia, ng makita ang kanyang anak na nakaunan sa braso ng ama nito, at parehong natutulog, habang nakabukas ang t.v.
Nilapitan ni Gia ang dalawa. Pinatay muna ni Gia ang t.v. Ayaw man sana niyang gising si Diesel pero alam niyang mananakit ang katawan nito. Lalo na at hindi naman ito sanay matulog sa matigas na sahig, kahit pa sabihing carpeted ang sahig.
"Gasolina. Mangangalay ka dyan. Gising na." Wika ni Gia habang marahang tinatapik si Diesel.
"B-babe." Nauutal pang wika ni Diesel habang nakatingin kay Gia.
"Wag mo akong matawag tawag na ganoon Gasolina. Hinayaan kitang maging ama kay Gael, pero hindi ako kasali doon. Maliwanag." Mariing wika ni Gia, pero hindi naman niya nilalaksan ang boses dahil baka magising si Gael.
"You give me a name Gasolina, tapos ako bawal. Boss mo pa rin naman ako ah. Ako naman ang daddy ni Gael. Kahit saan mo daanin, may karapatan ako. Hmmmm. So wala kang karapatang pagbawalan ako, kung saan ako komportable sa itatawag ko sayo. Hmmm. Komportable ako na tawagin kang Babe. Kaya ang gusto ko ang itawag sayo ay Babe. Malinaw? Babe?" Malambing na wika ni Diesel na lalong ikinainis ni Gia.
"Ewan ko sayong Gasolina ka. Matigas ang ulo mo. Lipat mo si Gael sa kwarto namin ha. Dyan ka na. Tutulungan ko na sina Manang Fe at Liza sa kusina. Hindi naman daw uuwi si Sir Lucas." Inis na wika ni Gia, na ikinatawa ni Diesel.
"Yes naman, Babe. Kaya nga may Gael na tayo. Kasi nga matigas ang ulo ko. At oo, lipat ko na mamaya baby natin." Masayang wika ni Diesel, at sinamaan lang siya ng tingin ni Gia na ikinatawa lang lalo niya.
"Bastos kang lalaki ka!" Singhal pa ni Gia, bago tuluyang iniwan si Diesel na hindi mapigilan ang pagtawa. Habang natutulog pa rin si Gael na nakaunan sa braso nito.
Nang malaman ni Gia na siya ang lalaking nakasama nito noon sa Phoenix ay nag-iba na ito sa kanya. Hindi na ito ang mabait na Gia, na nahihiya sa kanya. Tinawag na siya nitong Gasolina, higit sa lahat, ang tapang pala ng ina ng anak niya. Hindi naman siya na turn off dito. Lalo ngang nadagdagan ang ang determinasyon niyang mapalapit dito. Dahil habang itinataboy siya nito. Lalo namang nagpupumilit ang puso niyang makamtan ito.
Mula ng malaman nilang lahat na si Gia nga ang babaeng nakasama ni Diesel ng gabing iyon sa Phoenix, ay naging masaya na rin ang mommy Antonia niya at Daddy Rodrigo niya para sa kanila ni Gia. Kahit si Lucas na may sariling problema ay masaya din para sa kanya.
Alam nila ang hirap na pinagdaanan ni Gia, kaya naman hindi niya ito minamadali sa lahat ng bagay. Naghintay nga siya ng ilang taong, parang wala lang ang buhay niya, ngayon pa ba siya susuko, ngayong may magandang dahilan na.
Kahit matagal, basta alam niya sa sariling hindi siya susuko. Hindi niya susukuan si Gia, hanggat hindi niya nakukuha ang puso ng ina ng kanyang anak.