Chapter 12

2035 Words
Sa dalawang buwan na inilagi ng pamilya sa U.S. ay naging maayos naman si Lucas. Kahit papano ay naging masaya ang bonding nila ng magkakasama. Kahit alam niyang may problema si Lucas. Hindi na rin siya nagtanong pa. Ngayon ay nasa labas na si Diesel ng airport at dinadama ang mainit, na simoy ng hangin ng Maynila. Dalawang buwan din ng si Mandy ang humawak ng kompanya, pati ang mall kaya naman napilitan siyang umuwi. Dahil parang bata si Lucas, na ayaw bumalik ng Pilipinas. Pero sa bagay, pabor na rin sa kanya ang nangyari. Hindi niya akalaing mas mapapadali ang pag-uwi niya ng Pilipinas dahil lang sa pangungulit ni Lucas na magpalit daw sila. Hanggang ngayon kasi minumulto pa rin siya ng gabing iyon. After six years, wala pa ring nagbabago. Maliban sa, wala na ang sakit na dulot ni Shara at Mikel. Sa totoo lang, handa na siyang magpatawad kung lalapitan lang siya ng mga ito. Pero ang pakiramdam ng presensya ng babaeng iyon, sa tagal ng panahon na lumipas, hinahanap hanap pa rin niya. Nagpabook na lang ng taxi si Diesel pauwi ng bahay. Iba talaga ang pakiramdam niya, sa klima. Mag-aalasais pa lang pero mainit talaga ang hangin para sa kanya. Saktong alas sais ng umaga ng dumating siya ng bahay. Hindi pa niya nakikita ang ibang katulong. Nang makita niya si Manang Fe. Nakakamiss naman talaga si Manang Fe, matagal na rin ng huli niya itong nakasama. Noong pinabalik pa siya ng mommy Antonia niya, six years ago. Nagkakwentuhan pa sila ni Manang Fe ng pumasok sa kusina ang dalawang babaeng katulong, natatandaan niya ang isa si Liza. Dahil nakilala na niya ito ng minsang tumawag siya. Pero ang isang may buhat na bata ay ngayon lang niya nakita. Hindi alam ni Diesel kung bakit ganoon na lang kabilis ang pintig ng kanyang puso. Noong una ay hindi niya maalis ang tingin sa napakagandang mukha ng babae. Simple lang ito, pero ang puso niya hindi mapigilan ang mabilis na pagtibok nito. Hanggang sa mapadako ang kanyang paningin sa batang buhat-buhat nito. Dahil para lang siyang nananalamin noong panahon na kasing edad niya ito. Sa tingin ni Diesel nasa limang taon lang ang bata, na lalong nakapagpabilis ng t***k ng puso niya. May kung ano sa puso niya ang nararamdaman niyang iyon na hindi maipaliwanag. May part na parang gusto niyang yakapin ang bata, sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. Napabaling lang kay Liza ang tingin ni Diesel ng tawagin siya nito. Natawa naman siya sa reaksyon ni Liza ng banggitin niya ang tunay nitong pangalan. Pero nagulat siya ng sabihin nito ang pangalan na Anna, na minsan ng nabanggit din ni Lucas sa kanya. Nakilala din niya ang mag-ina, si Gia at Gael. Hindi niya alam pero, may kung anong bumabalik sa puso niya na gustong-gusto niyang maalala. Sabay-sabay silang kumain, at doon niya nalaman ang kaunting kwento about kay Anna, na ito ay unang minahal ng kapatid niya, pero ang problema hindi pa rin talaga niya malaman. Habang papasok sila ni Liza ng kusina, ay naririnig nilang may kausap si Manang Fe. Pero ang hindi malaman ni Gia, ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Hindi naman siya kinakabahan pero ang puso niya, hindi niya mapigilan. Nangmakapasok na sila sa kusina, ay doon lang niya nakita ang isang napakagwapong lalaki. Hindi lang niya maalala, pero parang nakita na niya ito. Napansin niyang nakatingin ito sa kanila, pero mas natuon ang pansin niya ng titig na titig ito kay Gael. Nang makilala niyang si Sir Diesel ito ay, hindi malaman ni Gia, kung bakit parang, pamilyar sa kanya ang presensya ng lalaki. Pero kahit halukayin niya sa isipan niya kung saan niya ito nakita, ay hindi niya maalala talaga. Sabay-sabay silang kumain, madami itong naging tanong tungkol kay Anna, siguro ay gawa na rin ng nangyari kay Sir Lucas. Magtatanghali na ng makita niya itong nasa labas ng bahay. Umalis si Manang Fe at Liza para mamalengke. Siya naman ay papunta ngayon sa school para sunduin na si Gael. "Nanay, sino po iyong lalaki kanina?" Inosente tanong ni Gael, habang naglalakad na silang mag-ina pauwi. "Boss natin anak. Bali boss ni nanay, anak din ni Maam Antonia. Kapatid na rin ni Sir Lucas. Bakit mo natanong anak?" Wika ni Gia na ikinatango ni Gael. "Bali, dalawa na po ang tito ko? Di ba po, si Tito Lucas, tapos po si Tito Boss." Tugon ni Gael na ikinatawa ni Gia. "Hindi anak, kung papayag siya, itanong mo kung papayag na Tito Diesel ang itawag mo sa kanya, tulad ni Tito Lucas. Kasi Diesel po ang pangalan niya." Malambing na wika ni Gia, na ikinatawa naman ni Gael. "Itatanong ko po sa kanya nanay. Mukha din naman po siyang mabait, parang si Tito Lucas." Nakangiting wika ni Gael, na ikinatawa ni Gia. Hindi muna sila umuwi kaagad, dahil alam niyang nasa palengke pa sina Manang Fe, kaya nag-ice cream muna sila ni Gael. Alas tres na ng hapon ng dumating si Gia. Kitang kita ni Diesel mula sa kinauupuan niya kung gaano kasaya ang mag-ina, habang nagkukwentuhan papasok ng gate. Hindi maiwasan ni Diesel na mapangiti. Nakita naman ni Gia si Diesel na nakatingin sa kanilang mag-ina. Kaya kahit naiilang ay lumapit sila dito. "Magandang hapon Sir Diesel, may gusto po kayong ipag-utos? Nakita ko po kasi kayong nakatingin sa aming mag-ina, baka po may ipag-uutos kayo." Simpleng wika ni Gia, na medyo ikinatulala ni Diesel. Hindi talaga malaman ni Diesel kung ano ang meron sa babaeng ito bakit, kakaiba ang dating sa kanya. "Pwede mo ba akong dalahan ng juice, at cookies. Kaming dalawa." Sagot ni Diesel na ikinanganga ni Gia. 'Alam kong wala akong third eye. May multo bang kasama si Sir Diesel ngayon?' Tanong pa ni Gia sa sarili, habang hindi pa rin inaalis ang pagkakatitig kay Diesel. Nag-aalangan man ay nagtanong na rin si Gia. "Para po kanino ang isa Sir?" Tanong ni Gia. "Kay Gael." Mabilis na sagot nito. "Huh?" Naguguluhang tanong ni Gia. "Magmemeryenda ako, kasama ni Gael, may problema ba? Hindi ba pwede?" Tanong ni Diesel na ikinatawa ni Gia. "Akala ko po kasi may kasama kayong hindi ko nakikita. Hindi ko naman po akalaing si Gael po pala ang tinutukoy ninyo." Natatawa pa ring wika ni Gia at napakamot pa sa ulo. "Talaga po? Magmemeryenda po kayo na kasama ako? Mabait din po pala kayo tulad ni Tito Lucas?" Sabat ni Gael, na hindi na mapigilan dahil natuwa ito ng sobra sa narinig. "Hmmm, sa mabait? Depende sayo kung ganoon ang tingin mo sa akin. Hindi ko kasi masasabi na mabait akong tao. Magbihis ka na. Tapos balik ka dito ha." Wika pa ni Diesel at mabilis na tumakbo papasok ng bahay si Gael na ikinasunod naman ni Gia dito. Ilang sandali lang ang nakakalipas ng bumalik si Gael, naka simpleng sando lang ito, at short. Mas natuwa talaga siya sa batang ito, dahil hindi niya alam kung bakit nakikita niya ang sarili niya dito. Naupo kaagad si Gael sa kanyang tabi, nakangiti nito sa kanya at parang sabik na sabik na may makilalang ibang tao. "Kumusta ang school?" Pangungumusta agad ni Diesel dito ng makaupo sa tapat niya si Gael. "Okey lang naman po. Madami po akong nakuhang star. Sabi po ni teacher, very good daw po ako sa mga activity namin." Masayang pagkukwento ni Gael. Madami na ring natanong si Diesel about sa mga ginagawa ni Gael sa school ng dumating si Gia at may dalang meryenda. "Pasensya ka na Sir kung medyo madaldal si Gael, natutuwa lang po talaga iyang may makilalang iba. Nakukulitan na po ba kayo?" Tanong ni Gia dito. "Hindi naman, nag-eenjoy nga akong makausap si Gael wag kang mag-alala." Sagot ni Diesel na ikinangiti naman ni Gia. Bumalik na rin si Gia sa kusina dahil dumating na rin si Manang Fe at Liza galing sa pamimili. Habang nagkukwentuhan ay bigla na lang naisip ni Diesel na itanong kay Gael ang bagay na iyon. "Gael may tanong pa ako, nasaan ang tatay mo? Bakit kayong dalawa ng nanay mo ang nandito, at si nanay mo ang nagtatrabaho." Tanong ni Diesel na ikinatigil ni Gael sa pagsubo ng cookies. Uminom muna ito ng juice bago nagsalita. "Hindi ko po alam. Wala naman po akong tatay na nakilala. Sabi po ni nanay, isang pagkakamali daw ang nangyari noon at naging anak daw po niya ako. Pero sabi po ni nanay, pagkakamali naman daw pong matatawag iyon, ay mahal na mahal naman po ako ni nanay. Masaya po akong si nanay ay magsilbi ko din pong tatay. Hindi po ipinaramdam ni nanay sa akin na pagkakamali po ang pagdating ko. Kasi regalo daw po ako sa kanya." Sagot ni Gael ng biglang parang may tumusok sa puso ni Diesel. "Ay ang mga lolo at lola mo? Nasaan sila?" Tanong pa ni Diesel. "Nasa bahay daw po. Hindi ko po sila nakilala. Sabi po ni nanay, nagalit daw po si lolo at lola sa kanya, ng ipagbuntis po ako ni nanay. Kaya naman po pinalayas po nila si nanay. Kami lang po ni nanay ang magkasama hanggang sa lumaki ako. Tinulungan po si nanay ni Lola Tessie, doon po kami nakatira noon. Noong hindi pa po namin nakikilala si Tito Lucas." Mahabang sagot ni Gael. "Kung makikilala mo ang tatay mo, magagalit ka ba sa kanya?" Hindi malaman ni Diesel kung bakit interesado siyang malaman ang mga ganoong bagay kay Gael. Pero tuloy-tuloy lang talaga siya ng pagtatanong. "Hmmmm. Magtatampo po siguro. Pero hindi po ang magalit. Dahil ramdam na ramdam ko po ang hirap ni nanay, noong nandoon pa po kami sa bahay ni Lola Tessie, nakikita ko pong umiiyak si nanay, alam ko pong nahihirapan na siya, pero kinakaya niya ang lahat para lang po sa akin. Kung nandito lang po sana ang tatay ko, hindi na mahihirapan si nanay, dahil kahit kay nanay may magki-care na din hindi lang po ako. Pero hindi po ako magagalit sa tatay ko. Si nanay nga po sabi niya, wag daw po akong magagalit kay tatay, dahil sabi po niya, kung alam ng tatay ko, na anak niya ako ay sure daw si nanay mahal na mahal daw po ako ni tatay. Pero may sekreto po kami ni nanay." Wika ni Gael, kung bakit hindi malaman ni Diesel na parang sapul sa puso niya lahat ng binitawang salita ni Gael. "Ang swerte ng tatay mo, pag nagkataon. Kasi napakabait mong bata." Sagot ni Diesel na ikinabalik na ni Gael sa pagkain ng cookies habang pinagmamasdan ni Diesel, ng maalala ang huling sinabi ni Gael. "Anong sekreto ninyo ni nanay mo? Promise wala akong pagsasabihan. Kung isi-share mo kay Tito Diesel." Tanong pa ni Diesel na ikinapag-isip pa ni Gael at tumingin sa paligid. "Sekreto lang po natin ha." Wika ni Gael, na ikinataas pa ng kamay ni Diesel na parang nanunumpa. "Sabi po ni nanay, makilala lang daw niya ang tatay ko, hindi naman daw po siya galit, pero bibigyan daw po siya ni nanay ng dalawang upper cut, welcome gift. Maganda po ba iyon?" Inosenteng wika ni Gael na ikinangiwi naman ni Diesel. Sa isipan ni Diesel ay bakit parang siya ang masasaktan. "Hindi ba kilala ng nanay mo ang tatay mo?" Balik tanong ni Diesel. "Gwapo daw po ang tatay ko, pero sabi ni nanay hindi naman daw niya gaanong nakita ang mukha ng tatay ko dahil hindi daw po maliwanag ang ilaw, kahit pinagmasdan niya ng ilang beses daw po ang tatay ko. Kaya pwede daw pong kung magkita silang muli, hindi din niya makikilala. Maliban na lang daw po kung hahanapin daw siya ng tatay ko." Paliwanag pa ni Gael. Na kita ni Diesel na ikinalungkot ng bata. Buhat ng makita niya ang mag-ina ay nagkaroon siya ng pakiramdam na kakaiba. May part sa puso ni Diesel na nasasaktan siya sa nangyari sa mag-ina. At may part din sa puso niyang hindi niya maipaliwanag kung bakit parang sa lahat ng sinabi ni Gael ay guilty siya. Ipinagsawalang bahala na muna niya ang kanyang iniisip ng tawagin na sila ni Gia para sa hapunan. Sa tagal nilang nagkakwentuhan ni Gael, inabot na sila ng takip silim ng hindi nila namamalayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD