Chapter 16

2227 Words
Pagkapasok pa lang ni Gia ng kwarto nila ni Gael, ay para tuloy siyang hinahabol ng pitong kabayo. Abot-abot ang kaba na kanyang nadarama, dahil sa hindi sinasadyang pagkakatisod niya ay kay Diesel siya bumagsak. Ang malala pa ay nahalikan niya ito. Mabilis lang iyon, pero para naman siyang napaso, dahil sa kuryenteng dumaloy sa kanyang mga labi, patungo sa kanyang puso ng maglapat ang kanilang mga labi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin makontrol ni Gia ang sobrang bilis ng pagtibok ng kanyang puso. Naalimpungatan naman si Gael, dahil sa lagapak ng pintuan, dahil sa bigla niyang pagkakasara dito. "Nanay, ano pong nangyari? Bakit po may bumagsak? At bakit po gising pa po kayo?" Tanong ni Gael sa kanya na mumukat-mukat pa. "Wala iyon anak, tulog ka lang ulit. Sorry kong nagising kita. Uminom ng tubig si nanay, pero pagpasok ko dito, nabitawan ko ang pinto. Kaya malakas ang pagkakasara. Tulog ka na ulit." Sagot ni Gia na ikinatango naman ni Gael, at nahiga na ulit para makatulog. Tumabi naman si Gia ng paghiga kay Gael, pero hindi naman siya makatulog. Hindi mawala sa isip niya ang aksidenteng nahalikan niya si Diesel. Buhat ng malaman niyang ito ang nakabuntis sa kanya noon, ay ito ang first time na mahalikan niya ito ng hindi sinasadya. Kinabukasan ay maagang nagising si Gia, kahit naman hindi na siya gaanong nakatulog mula ng bumalik siya sa kwarto. Naabutan niya sa kusina si Manang Fe at naghahanda na ng pang-almusal. "Good morning Manang Fe, ang aga po ninyo, ah." Bati ni Gia dito. "Good morning din Gia. Ikaw nakatulog ka ba? Bakit mukhang magaap ka ding nagising ngayon. Ako kasi ay naalala ko si Sir Diesel, baka maagang kakain lalo na at hindi iyon dito kumain kagabi." Sagot naman ni Manang Fe na ikinangiti ni Gia. "Kumain po dito kagabi si Gasolina. Naabutan ko po siya kagabi na nagluto ng spam at nag toast ng tinapay. Wala pa daw po siyang lunch. Kaya ipinagluto ko po ng kanin at adobo." Wika ni Gia na ikinatuwa naman ni Manang Fe. "Talaga? Salamat naman Gia. Mabuti na lang at napakain mo ng ayos ang batang iyon. Dahil kung ano na lang makita na pagkain iyon na lang ang kakainin. Kahit pwede naman akong gisingin." Pasalamat ni Manang Fe habang si Gia ay nagtuloy sa pagtitimpla ng kape. "Wala iyon Manang, hindi naman po kaya ng konsensya ko, na nandito po kami ni Gael, at maayos ang trato niyong lahat sa amin. Tapos ang ipagluto lang si Gasolina hindi ko pa gagawin. Kaya wala po iyon. Masaya po akong, nakakain si Gasolina lalo na at pansin kung gutom na gutom ang isang iyon kagabi." Wika ni Gia, na pati si Manang Fe ay ipinagtimpla na rin niya ng kape. "Manang Fe, maiba po ako. Pwede po ba naming dalawin ni Nanay Tessie, after ko pong maglinis mamaya. Alam ko pong nalulungkot si nanay noong umalis po kami sa apartment niya. Matandang dalaga po kasi iyon, at siya po ang nag-aalaga kay Gael pag pumapasok po ako sa trabaho." Pagpapaalam ni Gia. "Ikaw na bata ka, ay oo naman. Pati bakit ba kailangan mo pang maglinis, di ba, sabi naman sayo ni Sir Diesel wag ka ng gumawa dito sa bahay. Pero hindi ka naman mapigilan. Pinalilipat ka na rin niya sa guest room ayaw mo pa rin." Wika ni Manang Fe na ikinailing ni Gia. "Manang, si Gael po ay anak ni Gasolina, alam ko po iyon, pero wala po kaming relasyon. Ayaw ko pong tumanggap ng pera mula kay Gasolina ng hindi ko pinaghihirapan. Masaya po akong makilala ang tatay ni Gael. Pero hindi ko po kayang pati po mga personal kung pangangailangan ay basta na lang niya ibibigay sa akin, ng hindi ko pinaghihirapan. Masaya na po akong maging magaan trabaho ko. Kasama pa ni Gael ang tatay niya. Okey na po ako sa ganoon." Sagot ni Gia na wala ng nagawa si Manang Fe. Alam niyang hindi pa open si Gia sa pakikipagrelasyon, pero alam niyang, pag naging handa na ito, at tanggapin ni Gia si Diesel ay magiging masaya ang kanyang alaga, lalo na at umamin si Diesel, sa kanya, na nahuhulog na talaga ito ng tuluyan sa dalaga. Mabait si Gia, kaya naman, gustong-gusto nila ito para kay Diesel. Kahit na si Ginoong Rodrigo at Ginang Antonia. Isa na lang ang inaalala nila, sana naman ay makita na nila si Anna, sa ilang buwan paghahanap ay hindi pa rin nila nakikita ito. Naaawa din sila kay Lucas, na pagkakabalik ng bahay, galing ng San Miguel ay umiinom ito. Titigil lang pag babalik ulit ng San Miguel para makibalita tungkol kay Anna. Alas dyiz na ng bumaba si Diesel sa kusina. Nandoon si Manang at nagliligpit. "Magandang umaga Manang. Nakita po ba ninyo ang mag-ina ko.?" Baliwalang tanong ni Diesel na ikinatawa naman ni Liza na babagong pasok lang din sa loob ng kusina. Galing sa labas. "Good morning Sir Diesel. Hinahanap mo ang mag-ina 'Mo'?" Ipinagdiinan pa ni Liza ang salitang mo, na ikinatawa ni Diesel. "Oo sana." Sagot ni Diesel na ikinakamot pa nito ng ulo. "Nasa may dating bodega po si Gael, at nanonood ng t.v. si Gia naman po ay nagbibihis na at aalis daw po ang mag-ina." Sagot ni Liza. "Oo, nagpaalam sa akin si Gia, bibisitahin daw niya ang nanay Tessie niya. Iyong nag-alaga sa mag-ina, noong umalis sa kanila si Gia. Doon napunta si Gia. Gustong dalawin ni Gia ngayon." Sambit naman ni Manang Fe. "Ganoon po ba sige po sasama po ako sa mag-ina. Higit sa lahat ako dapat ang bumawi kay Nanay Tessie nila, dahil kung hindi dahil sa kanya, baka kung ano ng nangyari sa aking mag-ina." Nakangiting wika ni Diesel. "Sir, inangkin mo na rin talaga si Gia ah." Asar na turan ni Liza kay Diesel. "Okey lang naman di ba? Mas okey na iyong angkinin ko na agad ang akin, kay sa naman maunahan pa ako ng iba." Wika ni Diesel na ikinatawa naman ni Manang Fe. "Ikaw talagang bata ka. Pero masaya ako para sa inyo ni Gia pag nagkataon. Pero teka, hindi ka ba muna kakain?" Biglang tanong ni Manang Fe. "Hindi na Manang, baka makaalis ang mag-ina, hindi pa ako isama. Hindi man lang nagpapaalam sa akin si Gia." Nagmamadaling wika ni Diesel at nagtuloy na sa kwarto, para makapaggayak na rin. Plano niyang samahan ang mag-ina niya pagdalaw sa taong umaruga sa mga ito. Paglabas ni Gia ng kwarto, ay napansin agad niya ang bihis na bihis na si Diesel at katabi na nito si Gael, sa may living room. "May lakad ka Gasolina?" Tanong niya dito. "Yes! Sasama ako kung saan kayo pupunta, nasabi na sa akin ni Manang Fe. Tapos na kwento na rin sa akin ni Gael, na pupunta kayo kay nanay Tessie. Kung gusto mong dumalaw, gusto ko ding sumama, para magpasalamat. Wag mo akong kontrahin Babe. Higit sa lahat ako ang unang dapat magpasalamat kay nanay Tessie dahil hindi niya kayo pinabayaan, noong panahon na wala pa kayo sa akin. Ngayon hayaan mo akong bumawi sa matanda. Hmmm." Malambing na wika ni Diesel na wala namang nagawa si Gia. Kundi sumang-ayon sa nais nito. Lulan ng sasakyan, ay nasa back seat si Gael, habang si Gia ay nasa passenger seat katabi ni Diesel. "Babe, gusto mo bang maggrocery muna tayo, para naman may madala tayong pasalubong kay nanay Tessie?" Tanong ni Diesel na ikinalingon ni Gia dito. Iyon nga sana ang balak nilang mag-ina. Pero dahil nahihiya si Gia dito, hindi na lang niya nabanggit na nais sana nilang dumaan ng supermarket. "Ah. Iyon nga sana ang balak ko kanina, kaso nahiya naman akong magsabi sa iyo." Nahihiyang wika ni Gia na ikinatango naman ni Diesel. "Hindi mo naman kailangang mahiya, daan tayo ng supermarket." Matapos mag u-turn, ay tumuloy na sila ng supermarket. Medyo nakalampas kasi sila sa nadaanan nila kanina. Habang tulak-tulak ni Diesel ang push cart, at buhat si Gael si Gia naman ang kumukuha ng mga pwede niyang dalahin kay nanay Tessie. Mahilig ang matanda sa plain biscuit na lagi nitong ibinibigay kay Gael, pag iniiwan niya ito doon noon. Kaya kumuha siya ng ilang balot, at chocolate powder. Kumuha na rin si Gia ng ilang mga delata na alam niyang gusto ni nanay Tessie at ilang chocolate. Dark chocolate para hindi gaanong matamis. Napansin naman ni Gia na nagpababa si Gael mula sa pagkakabuhat ng ama nito at kumuha ng isang malaking balot ng marshmallow na ikinataka ni Gia. "Gusto mo ba iyan anak? Mauubos mo ba iyan? Ang dami niyan ah." Tanong ni Gia na ikinatango naman nito. "Paborito po namin ito ni lola Tessie, habang nanonood po kami, bago matulog. Palaging naglalabas si lola Tessie ng marshmallow tapos isasawsaw po namin sa tinitimpla po niyang hot chocolate. Palagi po naming ginagawa iyon, bago matulog. Pagpunta po natin kay lola Tessie sasabihin ko pong ipaggawa po niya ako noon. Namimiss ko po kasi iyon." Masayang wika ni Gael. Nagkatinginan naman ang dalawa, at nangiti sa asal ng anak. Matapos mamili ay si Diesel na ang nangbayad. Ayaw sana ni Gia, pero hindi naman makontra si Diesel kaya hinayaan na lang niya. Nang makarating sila sa bahay ni nanay Tessie, ay napansin nilang hindi ito nag-iisa. Nandoon ang pamangkin nito. Nakita na niya ito noon kaya kilala niya. Masaya siyang kahit papano ay may sumasama pa rin sa matanda. Pagkatigil ng sasakyan ay hindi na nila naabutan pa si Gael, dahil mabilis itong nakababa ng kotse at tumakbo papasok sa loob ng bahay. Nailing na lang silang dalawa. Lalo na sure na miss na miss na ni Gael si Nanay Tessie. Narinig nilang nagpaalam ang pamangkin ni nanay Tessie at may pupuntahan pa daw ito. Ngumiti naman ito sa kanila ng madaanan ang tapat nila. "Magandang tanghali po Nay, kumusta na po kayo?" Bati ni Gia na ikinatuwa lalo ng matanda. "Naku Gia, masaya akong madalaw kayo ni Gael dito. Ay sino ba iyang gwapong kasama mo? Boyfriend mo? Naku bata ka. Mabuti naman at nakahanap ka na ng love life. Wag kang tutulad sa akin. Mahirap ang mag-isa. Ikaw ba hijo ay tanggap mo itong si Gael, ay kung hindi din lang naman. Ay iwan mo na agad si Gia. Ayaw kong masasaktan itong si Gia, at si Gael. Dahil kahit hindi ko sila kadugo, ay itinuring nila akong hindi iba. Kaya anak at apo na ang turing ko kay Gia at Gael." Paliwanag ni nanay Tessie na ikinaharap nito agad kay Diesel. "Wag po kayong mag-alala Nay. Malaki po ang kasalanan ko sa mag-ina. Sa totoo po ako po ang daddy ni Gael. Ako po pala si Leon Diesel De La Costa. Kaya po nagpapasalamat po ako, na kinupkop ninyo ang aking mag-ina. Salamat po sa pag-aaruga at pagmamahal. Wag po kayong mag-alala dahil mahal ko po silang dalawa ni Gael." Paliwanag ni Diesel na ikinairap naman ni Gia sa kanya. Na ikinatawa naman pati ni nanay Tessie. "Nay, hindi ko po boyfriend itong Gasolina na ito. Pero siya po talaga ang tatay ni Gael." Pagsusungit pa ni Gia. "Nay Tessie, si Gia lang naman po ang ayaw pa akong tanggapin eh." Wika ni Diesel na inikutan lang ng mata ni Gia. "Nay, tinanggap ko na ngang siya ang ama ni Gael, dahil siya naman talaga. Pero ang daming demand, nakakabanas po ba." Inis na tugon ni Gia na ikinatawa naman ni Diesel na wari mo ay nang-aasar. "Babe naman. Hindi naman pagdedemand iyon. Panunuyo iyon. Ikaw lang itong ayaw akong paniwalaan." Dagdag pa ni Diesel at sinamaan ito ng tingin ni Gia. Si Gael naman ay napahawak sa kamay ng matanda, na wari mo ay may sasabihin. Kaya naman tiningnan ni Nanay Tessie si Gael. "May sasabihin ka apo?" Tanong ng matanda na ikinatango naman ni Gael, na ikinatigil ng dalawang nagbabangayan. "Lola Tessie may dala po kami ni nanay ng chocolate powder iyong pang hot chocolate mo po at marshmallow. Gawa po tayo noong iniinum natin pag iniiwan po ako dito ni nanay. Namimiss ko po ang timpla ninyo. Ipatikim din po natin kay daddy at nanay. Dahil masarap po iyon. Doon po tayo sa kusina. Iwan na po muna natin ang mga magulang ko pong parang baby kung mag-away. Akala yata po ni nanay at daddy three years old pa lang po sila. Tara na po." Inosenteng wika ni Gael, na ikinatawa naman ng matanda. Bago sila magkahawak ang kamay na hinayon ang kusina. Si Diesel naman at si Gia ay nagkatinginan, dahil sa sinabi ng kanilang anak. Five years old pa lang si Gael, pero masasabi talaga nilang matalino itong bata, at parang matanda kung mag-isip at magsalita. Natawa naman pareho si Diesel at Gia, ng mawala na sa paningin nila si Gael at nanay Tessie na ngayon ay naririnig nila ang kalampag ng tasa at kutsara, pati na rin ang pagkaltis ng kalan. Nakikita pala sila ng kanilang anak na nagtatalo. Pero alam nila at masasabi nilang hindi naman masakit sa mata ang bagay na iyon kahit makita ng bata. "Kasalanan mo ito Gasolina na eh." Reklamo pa ni Gia na ikinatawa na lang lalo ni Diesel. Nagtungo na lang si Gia sa pang isahang upuan at sinundan na lang din ni Diesel at naupo din, habang hinihintay ang paglabas ni Gael at Nanay Tessie galing kusina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD