Chapter 17

1418 Words
Naging masaya ang pagdalaw nila sa bahay ni nanay Tessie. Ramdam ni Gia ang saya ni Gael. Lalo na ngayon at inabot na sila ng gabi. Nagpapasalamat rin naman si Gia kay Diesel dahil kung hindi nila kasama ang binata baka mabilis lang sila. Lalo na at ayaw ni Gia na magbyahe ng commute paggabi pag kasama si Gael. Napatingin naman si Gia sa backseat ng kotse at nakitang natutulog na si Gael. Masaya itong nagkwento kay nanay Tessie tungkol sa pagpasok niya sa school, mga ginagawa nito, ang ilang nangyari noong umalis sila at sumama kay Sir Lucas. Nakwento rin nila kung paano ni Gia nakilala si Diesel bilang ama ni Gael na ikinatawa naman ng matanda. Tuwang-tuwa ito sa kakulitan ni Diesel na sigurado daw sila kung saan namana ni Gael ang pagiging mabait pero makulit. Nasa byahe pa rin sila ng biglang basagin ni Diesel ang kanilang katahimikan. "Babe, kailan mo balak bisitahin ang mga magulang mo.?" Nag-aalangang tanong ni Diesel na ikinatitig naman ni Gia dito. "Galit ka ba sa akin dahil sa nangyari sa atin? Hanggang sa dumating ang point na palayasin ka na ng magulang mo?" Dagdag na tanong pa ni Diesel na hindi maiwasan ni Gia na malungkot. "Wala naman akong karapatan na magalit sayo. Alam kung lasing ka noon, at ako ay hindi. Pero hindi ko din napigilan ang sarili ko na madarang sa apoy na sinimulan mo. Pero kung tutuusin bata pa ako noon, kaya hindi ko alam, kung tama pa ba? Although alam kung mali pero sumigi pa rin ako. Isa pa, wag kang maguilty. Ang laki-laki na ni Gael. Ngayon pa ba ako magsisisi? Hindi ko nga maramdaman ang pagsisisi noong bumigay ako sayo. Lalo na noong nalaman kung nagdadalangtao na pala ako. Oo mahirap ang pinagdaanan ko noon. Pero noong narinig ko ang unang iyak ni Gael. Sinabi ko sa sarili kong kakayanin ko ang lahat para sa kanya." Mahabang wika ni Gia na ikinatango ni Diesel. Lalo lamang siyang nahuhulog kay Gia. Hindi man siya paniwalaan ni Gia. Pero totoong mahal na niya ang dalaga. Sa mga simpleng sinasabi ni Gia, lalo lamang niyang, nararamdaman na napakaswerte niya kay Gia. Sana dumating din ang panahon na isipin din ni Gia, na maswerte ito sa kanya. "Balik tayo sa mga magulang mo? Kailan mo sila balak dalawin? Sasama ako Babe, ako ang haharap sa pamilya mo. Sana pagbigyan mo ako ng pagkakataon." Panunuyo pa ni Diesel na ikinabuntong hininga ni Gia. "Siguro hindi pa ngayon. Siguro may tampo ako. Pero mali din naman talaga ako. Noong panahon na kailangan ko sila, ipinagtabuyan nila ako. Noong panahong kailangan ko ng karamay, pero tinalikuran nila ako. Hindi naman ako galit. Gusto ko lang pag balik ko sa kanila. Wala na akong nararamdamang tampo o hinananakit." Wika ni Gia ng bigla siyang matigilan dahil sa paghawak ni Diesel sa kanyang kamay. "Babe, alam kung hindi tayo nagsimula sa maganda. Nahirapan ka, nag-isa. Pero Babe nandito na ako. Hindi ko kayo pababayaan ni Gael sana naman bigyan mo ako ng chance na maging parte ng buhay ninyong mag-ina. Handa akong magpaka ama, and hopefully maging mabuting asawa sayo. Kung bibigyan mo ako ng pagkakataon." Sinserong wika ni Diesel na ikinatitig naman ni Gia dito. Alam naman ni Gia na, na seryoso si Diesel sa mga sinasabi nito. Iyon nga lang ay may takot ang puso niya na baka kung sakaling buksan niya ang kanyang puso kay Diesel, ay saka naman siya muling masaktan at mag-isa. Hindi naranasan ni Gia na magkaroon ng boyfriend noon. Tapos sa unang pangyayari pa sa buhay niya, ay nabuntis siya ng hindi kilala ang ama ng anak niya. Pinalayas siya ng pamilya niya. Nagtatrabaho kahit naglilihi. Nang makapanganak, napilitang ihabilin ang anak sa iba, para lang mabuhay silang mag-ina. Para sa batang ina na tulad niya. Napakahirap ng buhay na dinanas niya. Kaya naman nandoon ang takot na sumubok siyang magmahal. Pero sana kung darating ang panahon na handa na siyang buksan ang puso niya kay Diesel. Sana naman ay nandoon pa rin si Diesel sa tabi niya at hindi pa rin siya sinusukuan, kahit natatarayan niya ito madalas. "Mahihintay mo ba ako?" Walang kemeng tanong ni Gia dito. "Naghihintay nga ako noon sa wala. Ngayon pang alam kung may-aasahan ako sa dulo. Wag kang matakot na mahulog Gia. Dahil nandito ako, handang saluhin ka. Siguro sa tingin mo masyadong mabilis. Pero sasabihin ko sayong, sa maikling panahon na nakasama kita minahal kita. Kahit pa isipin mong puro pagtataray lang ang ipinapakita mo sa akin. Sigurado ako sa nararamdaman kong minahal na kita ng ganoong kabilis. Hihintayin ko ang panahon na ready ka na. Ready ka na para sa atin. Ready ka ng buoin ang pamilya natin. Ako, ikaw at si Gael." Nakangiting wika ni Diesel, na kinuha pa ang kamay ni Gia na hawak niya, at inilapat pa sa kanyang mga labi. Bago muling ibinalik ang mga kamay ni Gia sa pagkakapatong nito sa kandungan ni Gia. Matapos ay nagfocus na ulit si Diesel sa pagmamaneho. "Thank you Gasolina, aasahan kong nandyan ka pa rin sa tabi ko pag ready na ako." Sagot ni Gia, na ikinalawak naman ng ngiti ni Diesel. Hindi inaasahan ni Diesel na ang simple lang niyang pagtatanong ay mauuwi sa maayos na usapan nila ni Gia. Akala niya ay wala ng pagkakataon para umayos ang kanilang usapan lalo na at palagi itong galit sa kanya. Pero ngayon, masasabi ni Diesel na, ibang-ibang Gia ang kasama niya ngayon. Matured at mapang-unawa. Basta sa kapakanan ng anak. Gagawin ang lahat. Nang makarating sila ng bahay, ay si Diesel na ang nagbuhat sa natutulog na si Gael. Hindi na nila ito ginising lalo na at kumain muna sila sa bahay ni nanay Tessie bago sila umalis. Ayaw pa rin naman ni Gia na lumipat ng kwarto, kaya sa maids quarter pa rin natuloy ang mag-ina mabuti na lang at maayos ang kwartong iyon at malawak. "Salamat Gasolina." Nakangiting wika ni Gia pagkababa ni Diesel kay Gael sa kama. "Ako dapat ang magpasalamat sayo sa araw na ito. Masaya akong makasama kayong dalawa ni Gael. Masaya akong sa simpleng pagsama ko sa inyo, napasaya ko kayo. Thank you so much Babe." Nakangiting wika ni Diesel na ikinangiti din naman ni Gia. "Good night Babe. Magpahinga ka na rin. I love you." Wika ni Diesel na ikinabilis ng pagtibok ng puso ni Gia. Hindi malaman ni Gia kung bakit ganoon ang puso niya ng sabihan siya ni Diesel na mahal siya nito. Inamin naman ni Diesel na nahuhulog na ito sa kanya. Pero iba pa ring marinig ang magic word na 'I love you' mula kay Diesel. Dahil sa pagkatulala sa sinabi ni Diesel ay kinuha ni Diesel ang pagkakataon at bigla nitong halikan si Gia sa labi. Hindi naman inaasahan ni Gia na gagawin ni Diesel ang paghalik sa kanya, kaya naman, halos ilang segundo ding magkahugpong ang kanilang mga labi. Itutulak na sana ni Gia si Diesel ng kabigin siyang lalo ni Diesel para mas lalong mapalalim pa ang halik na kanilang pinagsasaluhan. Hindi malaman ni Gia ang reaksyon ng kanyang katawan kaya naman hindi din niya inaasahan na tugunin ang mga halik nito. Nang matauhan si Gia ay mabilis niyang itinulak si Diesel at hinila palabas ng kwarto, at isinara ang pinto. "Ikaw Gasolina ha! Umaabuso ka na! Nakakarami ka na!. Nakakahalata na ako sayo. Nagpapakabait na nga ako, sayo abuso ka naman.! Talagang inuubos mo ang pasensya kong Gasolina ka. May ibibigay ako sayo. Para makatulog ka ng maayos." Nakangising wika ni Gia, ng biglang kabahan si Diesel. Sa bilis ng pangyayari ay hindi man lang napansin ni Diesel ang kamao ni Gia na tumama sa may panga niya. Kaya ngayon ay nakaupo siya sa sahig, habang si Gia ay nagpapagpag, ng kanyang mga kamay. "Ang sakit nun Babe ha. Hindi ako kaagad nakareact." Wika ni Diesel habang hinihilot-hilot ang sariling panga. "Good night Gasolina. Sweet dreams." Malambing na na wika ni Gia, na ikinailing na lang ni Diesel. Napatawa na lang si Diesel sa inasal ni Gia. Akala niya ay nawala na ang amazonang Gia na nakilala niya. Iyon naman pala ay bumait lang talaga ito kanina. Pero hindi nawawala ang ugali nitong nanununtok ng walang pakundangan. Na patatlong beses na niya ngayong naranasan. Mabilis namang tumayo si Diesel at hinayon ang patungong kwarto. Kailangan niyang malagyan ng yelo ang panga, baka mamaya ay pumasa na naman ito. Tulad noong unang pagkakataon na dalawang beses siyang sinuntok ni Gia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD