Chapter 15

2431 Words
Habang tumatagal, ang paghahanap nila kay Anna, ay nahihirapan si Diesel sa sitwasyon ni Lucas. Naaawa na kasi siya dito. Lalo na at palagi nitong iniisip na kasalanan nito ang lahat ng nangyari kaya umalis si Anna. Habang si Diesel naman ay lalo namang nararamdaman kung gaano siya kaswerte dahil kay Gia siya nagkaroon ng anak. Si Gia ang naging ina ng kanyang si Gael. Napakasimple lang ni Gia. Although may pagkamataray, sa kanya lang naman. Masasabi niyang napakabuti na ina ni Gia. Sure din na kahit ang maging asawa ito. And he is looking forward for that things happened. Minsan hinahayaan niyang si Gia ang maghatid sundo kay Gael. Pero kahit naglalakad pagsundo, sumasakay naman ng tricycle pag kasama na si Gael. Wala kang maririnig na kahit na anong reklamo. Mahalaga sa kanya ay ang aming anak. Ni minsan hindi niya nakitang bumili ng gamit para sa sarili, lahat ibibigay kay Gael. Mabuti na lang talaga at lahat ng ibinibigay niya kay Gael ay hindi naman ito tinatanggihan. Maliban na lang pag sobrang mamahal na. Aawayin na naman siya nito. Tulad ngayon nakikita na naman niyang papalapit sa kanya si Gia na salubong ang kilay. "Hoy! Gasolina! Ano na naman ang ibinigay mo kay Gael. Hinahayaan na nga kitang bigyan ng kung anu-ano ang bata, wag naman iyong hindi pa magagamit, ay ibinibigay mo na." Reklamo kaagad ni Gia, pagkalapit sa kanya. "Babe, cellphone lang naman iyon, pwedeng paglaruan ni Gael. Hayaan mo na. Magagamit pa iyon sa mga research habang nag-aaral ang bata. " Malambing na wika ni Diesel na nakaumang na naman sa kanya ang kamao ni Gia. "Alam mo Gasolina, tinuturuan mo lang ang bata, na maging busayak. Research? Nasa Kindergarten pa lang si Gael hindi elementary na grade four. Anong ireresearch ni Gael. Paano gumawa ng bilog at tuwid? Anong tagalog sa kulay red? Gasolina naman. Hindi ka man lang marunong humawak ng pera, matuto ka ngang magtipid. Palaging akala mo, mabibili mo ang mundo dahil sa yaman mo. Ayaw kung dumating ang panahon, na maging maaksaya si Gael sa pera. Gusto kung maging bata siya na may pagpapahalaga, maging sa maliit man na bagay." Reklamo pa ni Gia, na ikinatitig lang ni Diesel dito. "Sorry Babe, last na iyan. Promise magagamit iyan ni Gael. Ililipat ko naman siya sa isang private school. Ganoon din ang gusto nina mommy at daddy. Pero sa ngayon hahayaan ko na munang matapos niya ang pag-aaral kung saan siya pumapasok. Please Gia, Babe. Hindi kita minamaliit bilang nanay ni Gael. Hindi ko din ipinagmamalaki ang yaman na meron ako. Dahil para sa akin, mas mahalaga kayo ni Gael higit sa ano mang yaman dito sa mundo." Masuyong wika ni Diesel na ikinatitig ni Gia dito. "Last na iyan Gasolina ha, wag mo na ulit bibilhan si Gael ng bagay na hindi naman niya kailangan. Mas ok pa rin na paghirapan muna ang isang bagay bago niya maabot. Dahil hindi din maganda ang ubos-ubos biyaya, bukas nakatingala." Wika pa ni Gia bago iniwan si Diesel na nakatingin lang sa papalayong dalaga. Masasabi niyang napakabuting babae ni Gia, kahit saan man niya tingnan. Kaya siguro, masayang masaya ang mommy Antonia niya, ng malamang siya ang daddy ni Gael. Dahil kung sa ibang babae lang. Malamang ay sobrang saya na nito at nag-aasal donya na. Dahil nagkaroon sila ng anak sa isang De La Costa. Pero si Gia, na ayaw na niyang magtrabaho, nagagalit pa sa kanya pag paninagsasabihan niya. Pagbinibigyan naman niya ng mga bagay, tulad ng mga damit. Noong unang beses naman ay tinanggap nito, dahil na rin sa pakiusap ni Gael. Pero ang sumunod, natagpuan na lang niyang nasa kwarto na niyang lahat. Mabuti na lang at pwede kay Liza, kung hindi wala ng ibang makikinabang pa noon. Kaya naman habang tumatagal lalo siyang nahuhulog sa dalaga. Iyon nga lamang, hindi niya alam, kung paano ito susuyuin. Ayaw ng bulaklak, malalanta lang daw ito. Ayaw ng materyal na bagay. Kaya hindi niya alam, kung paano niya mahuhuli ang kiliti ng puso ng dalaga. Gabi na at kauuwi lang ni Diesel, medyo nagkaroon ng problema sa mall, dahil tumanggap ng ibang delivery ang ilang clothing line sa ibang supplier, dahil mas mura ang bigay ng mga ito. Ang ending lahat ng damit ay puro class A at hindi talaga mga branded, na isa sa kanilang iniiwasan dahil maaaring masira ang pangalan ng kanilang mall dahil sa pagbebenta ng walang kalidad na produkto. Kaya naman, mabilis na pinafull out ni Diesel ang mga damit at lahat ng nakabili na ay binigyan ng full r****d, at binigay na rin nila ang mga damit. Ang mga natirang na full out ay idinonate na lang ni Diesel sa mga charity, dahil madami naman ang nangangailangan ng mga damit doon. Nagmeeting na rin sila, tungkol doon at ang pagbabawal ng biglaang pagpapalit ng supplier ng hindi niya nalalaman. Nakakapagod man ang maghapon ay naayos naman ni Diesel ang aberya. Nakaramdam na rin siya ngayon ng gutom dahil hindi pa pala siya kumakain ng lunch habang ngayon ay alas onse na ng gabi. Nahihiya naman siyang gisingin si Manang Fe, dahil alam niyang nagpapahinga na rin ito. Kaya ngayon ang ending nakaharap siya sa gas range, at hindi malaman kung paano sisimulan ang pagluluto. Napahinga na lang ng malalim si Diesel, dahil kahit anong isipin niya, wala talaga siyang alam na lutuin. Kaya ang ending ay kinuha na lang niya ang lata ng spam, iyon na lang ang ipiprito niya. Matapos maiprito ang spam, ay nagtimpla din si Diesel ng kape. "Masyadong maagap pa ang breakfast ko, eleven thirty in the evening, hindi na masama." Wika pa ni Diesel ng mapansing wala palang kanin. Na ikinahinga na naman niya ng malalim. "Sino ba kasing nagsabi kay Manang na pag seven na ng gabi at wala pa ako, malamang sa labas na ako kumain noon. Kaya wag ng ipagsama siya ng pagkain pagmagluluto. Kasalanan talaga ito ni Lucas, kung umuwi lang sana kasi siya ngayon, hindi ako mag-iisip ng kakainin ko ngayon. Any time kasi may handang pagkain kay Lucas, dahil madalang itong kumain sa labas. Ang swerte ko naman talaga." Wika ni Diesel sa sarili at kinuha na lang ang loaf bread at isa-isang isinalang sa oven toaster. 'Mas maagap na talaga breakfast ko, spam, toast bread at kape. Kain na Diesel.' Pag-aaya pa ni Diesel sa sarili. Na naiiling sa mga pinag gagagawa niya sa buhay. Naalimpungatan naman si Gia, sa pagkakatulog, dahil nakaramdam siya ng pagkauhaw. Babaliwalain na sana niya, ang uhaw na nadarama. Pero, iyon nga lang hindi naman siya makatulog dahil sa nauuhaw na talaga siya. Kaya naman napilitan siyang bumangon, para makainum. Pagdating niya malapit sa kusina, ay medyo nagulat siyang may nagsasalita, bukas pa ang mga ilaw. Hindi naman siya takot, na may nakapasok sa loob ng bahay, dahil may manloloob ba ng bahay na kay todo bukas pa ang ilaw? Ay kakaibang magnanakaw na iyon kung ganoon. Nang makapasok siya ng kusina ay doon niya naabutan si Diesel na babago pa lang uupo sa upuan. Nasa harapan nito ang isang plato na may lamang spam at toasted bread at isang tasa ng kape. Iniisip ni Gia na midnight snack. Pero bakit parang naawa siya sa itsura nito na mukhang pagod na pagod at gutom na gutom. Naputol sa ere ang pagkagat ni Diesel ng tinapay ng may magsalita sa tabi niya. "Midnight snack?" Tanong ni Gia, na ikinabaling ng tingin niya dito, na ikinailing naman ni Diesel. "Hindi pa ako nagla-lunch, bali lunch at dinner ko na ito." Nakangiting wika ni Diesel kay Gia. "Mabubusog ka na ba niyan?" Tanong ulit ni Gia. "Maybe, mas mabuti ito kay sa matulog ng walang laman ang tiyan. Sobrang busy ko kanina sa mall. Hindi na ako nakakain. Hindi ako marunong magluto, kaya pwede na ito." Sagot ni Diesel na biglang nakaramdam naman ng awa si Gia. "Kaya mo pa bang maghintay Gasolina? Ipagluluto kita ng kanin at adobong baboy, para naman magkaroon ka ng matinong pagkain. Yon ay kung okey lang ba sayo?" Nakangiting wika ni Gia, na hindi malaman ni Diesel kung bakit naexcite siyang bigla sa sinabi ni Gia. Ngayon lang ito hindi umangil sa kanya, ito pa ang nag-offer na ipagluluto siya. Sino naman siya para tumanggi.? "Talaga? Mahihintay ko pa naman. Lalo na at gusto ko talagang kumain ng kanin. Hindi lang ako marunong magluto. Thank you Babe." Tugon ni Diesel at mabilis na nagsalang si Gia ng bigas sa rice cooker. Ang karneng baboy naman ay mabilis lang madefrost dahil may isang space ang refrigerator ng mga ito, na pwedeng magpalambot ng karne, pag iluluto ng biglaan. Nakatingin lang si Diesel habang ginagayat ni Gia ang mga sangkap. Matapos magayat ang karne, sibuyas, bawang at patatas. Ay nilagay na ito ni Gia, sa isang kaserola, at nilagyan ng mga sangkap na pampalasa. Nang medyo luto na ang karne inilagay na rin ni Gia ang patatas. Pinapanood lang ni Diesel ang ginagawa ni Gia, hindi man niya aminin lalo lang siyang nahuhulog dito. Napakasarap nitong pagmasdan habang nagluluto. "Babe, tapos na akong magluto, wait ka lang dyan at ipaghahayin na kita. Hmmm." Malambing na wika ni Gia, na ikinabilis naman ng pintig ng puso ni Diesel. First time iyon na tawagin siya ni Gia na Babe, na ikinangiti naman niya. "Thank you Babe. Mukhang masarap ang luto mo. Mas gaganahan talaga akong kumain nito." Masayang sagot naman ni Diesel. Matapos maihayin ni Gia ang isang mangkok ng niluto niyang adobong baboy na may patatas, at isang bandehadong kanin ay kumuha lang ito ng isang pitchel ng malamig na tubig at naupo na ito sa tabi ni Diesel. "Kain ka na ng maayos Babe, ayaw kung nagpapalipas ka ng gutom. Baka magkasakit ka niyan. Mag-aalala talaga ako sayo. Hmmm." Malambing na wika ni Gia, at kinintalan pa ng halik si Diesel sa mga labi. Mabilis lang iyon, pero nakapagbigay ng kakaibang sensasyon sa kaibuturan ng puso ni Diesel. Dahil sa gulat ginawang paghalik ni Gia, ay bigla niya itong kinabig, at ngayon ay nakaupo na si Gia sa kanyang kandungan. "B-babe." Nauutal pang wika ni Gia, na ikinangiti lang ni Diesel. Dahan-dahan namang hinalikan ni Diesel si Gia. Hawak sa beywang, ng isang kamay at ang isang kamay, ay nasa batok ni Gia, kaya naman napalalim pa ni Diesel ang paghalik sa dalaga. Akala niya ay magagalit ito, sa ginawa niyang paghalik. Pero napangiti si Diesel ng tugunin ni Gia ang mga halik niya. "Uhmmmm." Halos impit na boses pa ang lumabas kay Gia, na ikinangiti lalo ni Diesel. Lalo namang pinag-igihan ni Diesel ang paghalik, na halos kapusin na sila pareho ng paghinga, dahil sa lalim ng halik na ipinararamdam nila sa isa't isa. Nang biglang may tumapik sa balikat ni Diesel. "Gasolina okey ka lang?" Naguguluhang tanong ni Gia kay Diesel na ikinatingin bigla ni Diesel dito. "Nakatingin ka kasi sa kawalan tapos nakanganga. Tapos na akong magluto. Ipaghahayin na kita." Wika pa ni Gia, na hindi malaman ni Diesel ang nangyari kani-kanina lang. Napatawa naman si Diesel sa sarili, dahil akala niya ay totoo ang nangyari, pero masasabi nga niyang totoo. Totoong nananaginip siya ng gising, habang naghihintay makatapos magluto si Gia. Mabuti na lang at wala siyang ibang ginagawa dahil, maaaring tawanan siya ng dalaga pag nalaman nito ang laman ng isipan niya kanina. Matapos maghayin ni Gia ay sinimulan na ni Diesel na kumain. Napangiti si Diesel dahil napakasarap ng luto ni Gia. Masasabi niyang magaling din ito sa kusina. Masarap magluto parang si Manang Fe. Kaya naman mas ginanahan siya sa pagkain. "Hindi ka ba kakain? Ang sarap ng luto mo. Pwede ka ng mag-asawa. Kaya sagutin mo na ako." Wika ni Diesel habang walang humpay sa pagsubo, na ikinailing lang ni Gia. "Kumain ka na lang kung anu-anong tinatanong mo. Kung anu-anong sinasabi mo." Asar na sagot ni Gia. "Salamat ha. Akala ko hindi ako makakakain ng masarap na dinner. Lalo na at nahihiya na akong gisingin si Manang. Pero ayaw mo talagang kumain. Ang sarap talaga ng luto mo." Dagdag pa ni Diesel habang patuloy pa rin sa pagsubo, na halata mo talagang gutom na gutom. "Hindi na, busog pa talaga ako. Mabuti naman at nagustuhan mo. Hihintayin na kitang makatapos kumain at ako na ang magliligpit niyan." Ani ni Gia. "Kaya ko na ito, matulog ka na ulit. Salamat talaga." Hindi mapigilang pasalamat ni Diesel. "Wala lang iyan, kumpara sa sayang nararamdaman ni Gael. Salamat dahil hindi mo siya itinanggi, at salamat dahil tinanggap mo si Gael. Alam kong matagal na siyang naghahanap ng ama, pero paano ko masasabi kung hindi naman kita nakikilala. Kaya thank you. Ang kasiyahan ng aking anak, ay masasabi kong kasiyahan ko na rin. Noong panahong walang wala ako, dahil itinakwil ako ng mundo. Si Gael lang ang kasama ko, kahit nasa sinapupunan ko pa lang siya noon. Kaya gagawin ko ang lahat, para sa akin anak. Thank you Diesel sa pagmamahal mo sa anak ko. Sa anak n-natin." Mahabang wika ni Gia, na pansin ni Diesel na ikinapula ng mukha nito. Alam nitong nahihiya pa rin itong sabihin na anak nila si Gael. Pero para sa kanya masayang masaya na masambit iyon ng dalaga. Nang makatapos ng kumain si Diesel ay si Gia na ang nagligpit ng pinagkainan ni Diesel pati ang pinaglutuan ni Gia. Si Diesel naman ay hinintay muna sa living room si Gia. Nang makatapos si Gia sa ginagawa nito sa kusina, ay tumayo na rin si Diesel, para tuluyang na sanang umakyat sa kanyang silid. Pero ng malapit na si Gia kay Diesel at hindi sinasadyang mapatid si Gia, at bumagsak kay Diesel. Napakurap naman si Gia, nag saktong sa mga labi ni Diesel bumagsak ang mga labi niya. Nakahiga ngayon si Diesel sa sahig, at nasa ibabaw niya si Gia. Hindi malaman ni Gia kung paano babawiin ang mga labi, kaya naman, mabilis niyang naituon ang mga kamay sa tabihan ni Diesel at ng makatayo na si Gia ay kumaripas na ito ng takbo sa kwarto nito. Nang makabawi naman si Diesel ay naupo muna ito. Napangiti naman si Diesel sa inasal ng dalaga. Hindi niya inaasahan ang pagbagsak ni Gia ay sakto sa kanya. Na ang mga labi nito ay saktong bumagsak sa mga labi niya. Na nagbigay ng kakaibang pakiramdam nabumubuhay sa kanyang pagkatao. "Hindi na masama, kanina imahinasyon ko lang pala na hinahalikan siya. Ngayon hindi man sinasadya, atleast totoo." Wika ni Diesel sa sarili at mabilis ng tumayo, mula sa pagkakaupo sa sahig, at nagtuloy na rin sa sariling kwarto, para naman makapagpahinga na rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD