Maagang umalis ng bahay si Diesel dahil nais sana niyang bumisita sa loob ng mall. Tulad din ng ginagawa ni Lucas noon na surprise visit. Nagtungo muna siya sa opisina lalo na at masyado pa namang maaga. Bumili na lang din siya ng pang breakfast niya sa isang fastfood na maagang nagbubukas na nadito lang din sa mall.
May pintuan kasi ito sa labas. Pero naka lock ang pintuan papasok ng mall. Hindi iyon nagbubukas hanggat sarado pa ang pinaka mall. Kaya pagkabili niya, umikot pa siya sa labas. Kahit sabihing sa kanila ang mall. Sumusunod pa rin siya sa batas. Para hind tularan ng iba na pasaway.
Kalahating oras na mula ng magbukas ang mall ay nagsimula ng maglibot si Diesel. Hindi naman niya kailangang mag facemask tulad ni Lucas, dahil hindi pa talaga siya gaanong kilala ng mga empleyado ng mall. Lalo na at wala siyang balak magpakilala sa mga ito.
Maayos naman ang mga nadadaanan niya. Meron pang nakikipagbiruan na sales lady sa mga customer, na mas mabuti kay sa mga nang mamata ng customer.
Pagliko ni Diesel ay hindi niya napansin ang isang babae na may akay-akay na bata kaya naman nagkabungguan sila nito at napaupo ang babae. Ang anak naman nito ay nakatayo lamang. Kaya sure siyang hindi naman ito nasaktan.
"Sorry Miss, hindi kita napansin." Wika ni Diesel sabay abot ng mga kamay dito. Para matulungan itong makatayo.
Nagtaas naman ng tingin ang babae, at nagulat naman si Diesel ng mapansin ang maamo, at magandang mukha ng babae. Halos naestatwa naman si Diesel ng makita ang babaeng halos nasa pitong taon na ng huli niyang makita.
"S-shara?!" Nauutal na sambit ni Diesel na kahit naiilang ay, hinawakan niya ang mga kamay nito para maitayo.
Nang makatayo naman si Shara, ay tila napansin ni Diesel na nahihiya ito. Pero agad ding nangsalita.
"Salamat. And Sorry din. Hindi kasi kita agad napansin Ahmm-." Wika ni Shara, na parang may sasabihin pa ito.
"What is it?" Tanong ni Diesel, habang nakatingin sa mga mata ni Shara.
"Ahmmm. Can we talk?" Wika ni Shara na ikinatitig lang ni Diesel dito.
"Okey lang kung hindi ka pa pwede. Sana may time na magkausap tayo next time. Sige aalis na kami." Dagdag pang sambit ni Shara, at nilampasan si Diesel, ng biglang hawakan ni Diesel ang kamay nito.
"Okey lang naman sa akin. Nabigla lang ako, kasi sa loob ng halos seven years, ngayon lang ulit kita nakita. How about Mikel?" Biglang tanong ni Diesel.
"Ahmm, nandoon sa isang boutique. Iniwan lang muna namin ni Misha, kasi sinamahan ko lang itong bata na ito sa banyo." Wika ni Shara, na pansin pa rin ni Diesel na nahihiya ito sa kanya.
"Hi, baby. I'm Tito Diesel. We owned this mall. Gusto mo bang uliin ito mamaya?." Masayang wika ni Diesel na ikinatango naman ni Misha.
"Talaga po? Sa inyo po ito? Ang galing naman po ninyo. Ang ganda po nitong mall, at ang laki. Busy po kasi si mommy at daddy, kaya minsan lang po nila akong mailabas. Ngayon lang po ulit. Pero pauwi na rin po kami mamaya eh. Sayang naman po" Malungkot na wika ni Misha na ikinaharap naman ni Diesel kay Shara.
"Gusto n'yo bang tumuloy muna sa opisina? Para magkausap na rin tayo. Tulad ng sinabi mo kanina?" Tanong ni Diesel ng biglang may magsalita sa kanyang likuran.
"Mi, bakit ang tagal n'yo ni Misha. Kaya sinundan ko na kayo. May problema ba?" Mahinahong tanong ni Mikel, na ikinaharap dito ni Diesel.
Nagulat naman si Mikel ng makita si Diesel. Matagal din silang naging magkaibigan, pero nasira ang lahat dahil sa kanilang kapusukan ni Shara. Alam niyang nasaktan nila si Diesel. Kaya naman ngayon, hindi malaman ni Mikel kung paano makikipag-usap sa dating kaibigan.
Dahil hindi na rin nakapagsalita si Mikel ay si Diesel na ang bumasag ng katahimikan na meron sa kanilang tatlo.
"Sa office tayo. Mahirap mag-usap dito sa hallway." Maawtoridad na wika ni Diesel at nagsimula ng maglakad. Walang anu-ano, ay sumunod na lang ang dalawa. Si Misha naman ay binuhat ni Mikel.
"Daddy, kilala mo po ba si Tito Diesel? Kanila daw po itong mall. Nakakatuwa lang po, ang ganda po kasi ng mall nila." Masayang wika ni Misha, na ikinatango naman ni Mikel.
"Ikaw talaga anak." Wika pa ni Mikel na ikinatawa naman ni Misha.
Nang makarating sila sa opisina ni Diesel ay naupo sila sa isang mahabang couch. Napaggigitnaan ng mag-asawa ang kanilang anak.
"Gusto n'yo bang meryenda, magpapadeliver lang ako." Mahinahong wika ni Diesel, na ikinapigil naman ni Mikel.
"Hindi na, okey na kami." Sagot ni Mikel na ikinatango lang ni Diesel.
"Matagal ko na kayong gustong makausap. Gusto ko na ring tapusin ang dapat matapos, kahit naman wala ng babalikan. So baka may gusto muna kayong sabihin na dalawa total naman nandito na tayo." Wika ni Diesel sa mahinanong boses. Hindi tuloy malaman ng dalawa kung galit ba ito. Pero wala ka talagang mababakas na galit sa boses ni Diesel.
Napatingin naman si Shara kay Mikel at hinawakan ang kamay ng asawa at bago muling tumingin kay Diesel.
"I'm sorry Diesel sa lahat ng mga pagkakamali ko. Sorry sa kasalanang nagawa ko sayo. Alam kung mali na mahulog ako kay Mikel. Pero hindi ko napigilan. Lalo na noong nawalan ka ng oras sa akin. Hindi naman kita sinisisi. Alam kong higit sa lahat. Kasalanan ko iyon. Pero hindi ko kayang ipaako sayo ang magiging anak namin. Sorry kasi pinagtaksilan kita. Sorry kasi, hindi ako nakontento sa pagmamahal mo. Sorry sa lahat-lahat. Sa lahat ng kasalanang nagawa ko sayo. Isa lang ang hindi ko pinagsisihan, ng mabuo si Misha. Kahit nahirapan kaming makabangon ni Mikel ng magtungo kami sa California. Ang anak namin ang naging lakas naming dalawa. Kaya kahit papano. Heto nakakaraos na kami. Dahil kahit papano, wala na kaming binabayaran ngayon." Wika ni Shara kahit kitang-kita sa mata nito ang lungkot, at ang sinseridad ng paghingi ng tawad.
"Sorry Diesel, hindi lang naman si Shara ang may mali. Alam kong kasalanan ko din. Pinigilan ko naman eh. Pinigil ko sa abot ng aking makakaya. Pero nadarang ding ako at nasugba sa maling pagkakataon ng pagmamahal. Masasabi kong mali dahil inagaw ko siya sayo. Pero hindi ko pinagsisihan na nagkaanak kami. Sa mali mang pagkakataon nabuo ang pagmamahalan na meron kami. Pero hindi ko pinagsisihan. Ang pinagsisihan ko lang ang nasirang pagkakaibigan natin na alam kung hindi na maibabalik pa. Dahil kasalanan ko naman. Nanghihinayang ako. Pero kahit anong gawin ko. Nagawa ko na ang pagkakamali ko. Kaya alam kung pagsisihan ko man ang lahat, wala na akong magagawa. Sana mapatawad mo kami. Sana mapatawad mo ako sa pangtatraydor ko sayo. Sabihin ko mang hindi ko sinasadya. Mali pa rin ko. Kasi hindi ko pinigilan. Nagtraydor pa rin ako sayo." Wika ni Mikel na kita ni Diesel ang pagpatak ng luhang pinipigilan nito.
Napansin naman ni Diesel na naguguluhan si Misha, sa mga sinasabi ng mga magulang nito lalo na at hindi na mapigilan ang pag-iyak ng kanyang ina. Pero kahit umiiyak si Shara, ay may ibinulong ito sa kanyang anak. Na ikinatango nito. Na wari mo ay naiintindihan ang nangyayari. Kaya naman si Diesel na rin muli ang nagsalita.
"Maniniwala ba kayong matagal ko na kayong napatawad? Gusto ko mang magalit sa inyo, pero ngayon wala na talaga ang galit na nararamdaman ko. Gusto ko lang din naman ay humingi kayo ng tawad sa akin, at willing akong magbigay ng kapatawaran. Sa halos seven years, iyon ang una kung pinag-aralan. Ang magpatawad. Ang patawarin kayo. Oo hindi na katulad ng dati na sobrang sanggang dikit. Pero pwede pa rin naman tayong maging magkaibigan. Kung okey lang sa inyo." Wika ni Diesel na ikinagulat ni Shara at Mikel.
Sa sinabi ni Diesel ay hindi naman napigilan ni Shara ang mapatayo at biglang niyakap si Diesel.
"Thank you Diesel, salamat sa lahat. Kung tutuusin, hindi ako gaanong pinapatulog ng konsensya ko lalo na at alam kung nasaktan kita. Alam kong galit ka. Pero sa sinabi mo. Salamat Diesel kasi napatawad mo na kami. Salamat talaga." Masayang wika ni Shara ng sabay tumikhim si Diesel at Mikel.
"Bitaw na Shara, babago pa lang tayong nagkakaayos nina Lopez, baka naman mamaya ako ang bugbugin ng asawa mo. Mahirap na." Natatawang wika ni Diesel na biglang ikinabitaw ni Shara.
"Sorry, na carried away lang ako." Wika ni Shara na naka peace sign pa.
"Bro." Wika ni Diesel na iniabot ang kamay kay Mikel. Hindi naman napigilan ni Mikel ang sarili at niyakap din si Diesel.
"Thanks Bro. Salamat kasi pinatawad mo na kami. Sobrang salamat talaga." Masayang sambit ni Mikel na ikinatapik pa ni Diesel ng balikat dito.
"Nga pala, di ba may nabanggit si Shara na nahirapan kayo ng umalis kayo ng company at lumipat ng California. Anong nangyari sa inyo?" Curious na tanong ni Diesel, na ikinabuntong hiniga ni Mikel at Shara.
"Care to share. Gusto ko lang malaman." Seryosong wika ni Diesel na ikinasalita ni Mikel.
"Noong umalis kami sa Shipping Lines, at nakuha ang back pay namin. Nag start kami ng maliit na business, kaso dahil hindi naman ako kilala sa business world kaya niloko kami. Naloko kami ng mga taong nilapitan namin at itinakbo ang perang pang simula sana namin. Namasukan din kami ni Shara bilang katulong sa isang mayamang Chinese na nakilala namin sa California. Dahil wala na rin naman kaming pera noon. At nagdadalangtao pa si Shara. Noong una ay okey naman. Kaso noong namatay ang Chinese na pinaglilingkuran namin. Hindi na kami pinasahod ng babaeng kinakasama nito, at hindi na rin kami pinapakain. Kaya napilitan na kaming tumakas. Dumating pa sa point na, dalawang buwan na lang noon at manganganak na si Shara, pero wala kaming pera. Hanggang sa may isang doktor na nakita kami at tinulungan kami ni Shara. Lahat ng naging utang namin sa ospital ay binayaran namin ng halos five years. Napasok ako sa maintenance ng ospital, habang sa billing si Shara. Para lang makabayad kami sa ospital. Nagkaroon kasi ng komplikasyon noon si Misha, noon maipanganak ni Shara, dahil kulang pa sa buwan, nagtagal ng siyam na buwan si Misha sa ospital. Kaya tumagal pagbabayad namin. Ngayon naman nakakaraos na kami. After naming matapos bayaran ang utang sa ospital. Umuwi kami dito." Nakangiting sambit ni Mikel, kahit kita niya ang hirap na pinagdaanan nito. Habang si Diesel naman ay biglang naawa sa sinapit ng dating kasintahan at ng kaibigan.
"May maayos na ba kayong trabaho ngayon." Wala anu-ano ay tanong bigla ni Diesel. Na ikinailing ni Shara.
"Nag-aaply lang kaming muli, kaya ngayon lang namin nabigyan ng oras si Misha. Pero wag kang mag-alala. Deserve naming lahat iyong dinanas namin. Karma namin iyon. Alam naming malaki ang naging kasalanan namin sayo. Kulang pa iyon sa lahat ng pasakit na binigay at pinaramdam namin sayo." Naluluhang wika ni Shara. Na hindi naman mapigilan ni Diesel ang hindi maawa dito.
Oo nga at malaki ang kasalanan ng dalawa sa kanya. Pero deserve din ng mga ito ang mabuhay ng maayos at masaya. Hindi deserve ng pamilya ni Mikel na mahirapan dahil lang na tinanggap ng mga ito na karma nila iyon sa buhay.
"Hindi ako papayag na ganun na lang, ang iisipin ninyo. Deserve n'yo din ang maging masaya, magkaroon ng maayos na pamumuhay, at hindi iniisip na baka bukas wala kayong kakainin, dahil wala kayong maayos na trabahong dalawa. Bumalik kayo ng U.S. Itatawag ko na lang kay Daddy at Mommy. Wag kayong mag-alala ako na ang magpapaliwanag sa kanilang lahat. Open ang company para sa inyong dalawa. Hindi maiiwan si Misha kasi pwede n'yo siyang isama." Masayang wika ni Diesel na ikinaluhod bigla ni Mikel sa kanyang harapan.
"Hindi namin matatanggap." Naluluhang wika ni Mikel.
"Tatanggapin ninyong dalawa ang offer ko. O magagalit ako?" Wika ni Diesel na ikinaawang ng labi ni Shara. Wala na ring nagawa si Mikel kundi tumango, at magpasalamat.
"Thanks Bro. Hindi ko alam kung paano magpapasalamat sayo. Hindi ko alam na sa kabila ng kag*guhang ginawa ko sayo. Ganito pa rin ang ipapakita mo sa akin, sa amin. Nahihiya ako sayo. Sa totoo lang. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Pero sobra akong nagpapasalamat." Umiiyak na wika ni Mikel. Kung kabaklaan man ang pag-iyak walang pakialam si Mikel. Masaya lang siya, dahil sa kabila ng lahat. Naging mabait pa rin ang Panginoon sa kanila ni Shara. Dahil pinatawad sila ni Diesel, at ibinalik pa sila ng kompanya sa U.S.
"Tumayo ka na dyan. Aba Lopez! Baka mamaya ay kung ano ang isipin ng anak mo. Baka akala niya ang inaaway ko ang daddy niya. Gayong wala naman akong ginagawa. Tayo na. Aba!" Natatawang wika ni Diesel na ikinatawa na lang din ni Shara.
Tumayo naman si Mikel at muling niyakap si Diesel.
"Salamat sa lahat Bro." Nakayukong wika ni Mikel na ikinatapik ni Diesel sa balikat nito.
Madami pa silang napag-usapan. At habang nasa opisina ay nagpadeliver na rin ng pagkain si Diesel dahil kahit siya ay nagutom sa pag-uusap nila nina Mikel.
Tinawagan na rin ni Diesel ang mga magulang niya via video call para na rin masabi ang balak niya. Kahit papano ay natuwa ang mag-asawa. Dahil okey na si Diesel at ang dating kasintahan, at ang kaibigan nitong si Mikel. Kung hindi na galit si Diesel. Wala silang karapatang magalit sa mga ito. Kaya naman tinanggap nila ng buong puso ang mag-asawa. At pinababalik na nila sa kompanya. Hindi man si Diesel at Shara ang nagkatuluyan, ang mahalaga sa kanila ay wala na ang galit na meron sa puso nilang tatlo, at ngayon ay mayroon na muling bagong yugto sa kanilang buhay. Ang maging bagong magkakaibigan muli.
Ngayon dalawa na lang ang problema ng mag-asawang De La Costa. Ang mahanap ni Lucas si Anna at si Diesel na sana ay makuha na ang puso ni Gia.
Alam nilang mahal na ng panganay nila si Gia. pero masyadong matigas si Gia. Hindi naman nila ito masisi. Dahil mahirap naman talagang magkaanak sa murang edad. Tapos wala pang umaagapay sayo. Sa panahong, kailangang kailangan mo ng pagmamahal, kalinga at pag-aaruga.