Chapter 19

1838 Words
Mahigit ng isang taon ang nakakalipas mula ng umalis si Anna, sobra na ring naaawa si Diesel kay Lucas. Pero ginagawa naman nila ang lahat para mahanap nito. Ramdam rin ni Diesel ang pangungulila, pagsisisi, at pagiging miserable ni Lucas. Nakikibalita sila sa mga magulang ni Anna, na okey lang daw ito. Pero walang nakakaalam kung nasaan ito ngayon. Noong una ay kinakausap pa ni Anna ang pamilya, hanggang sa may nagpapadala na lang ng mensahe sa pamilya nito. Hindi naman nila malaman kung sino o taga saan lalo na at masyadong pribado ang taong nagpapadala ng mensahe sa pamilya ni Anna. Kaya hindi nila ito matunton. Pinapalakas na lang nila ang kalooban ni Lucas. At alam nilang babalik din si Anna. Oras na, mamiss nito ang sariling pamilya. Nasa garden si Diesel ng makatanggap ng tawag. Napangiti naman si Diesel ng makita ang pangalan ng nasa kabilang linya. "Yes! Shara." Malakas na sagot ni Diesel sa nasa kabilang linya. (Kung maka yes, Shara naman ito. Haha, tinatawanan ako ni Di, sa mga kalokohan ninyo. May pa chat-chat ka pang nalalaman na tawagan ka namin. Anong meron?) Tugon ni Shara sa kabilang linya. "Kailan ka ba uuwi ng magkita naman tayo?" Tanong ni Diesel na lalong ikinatawa ni Shara. (Di, sagutin mo itong kaibigan mo. Malapit ba sayo ang babaeng itinatangi mo? Naku sure na 100% yan. Di, nababaliw na itong kaibigan natin. Lahat gagawin mapansin lang ng love of his life n'ya.) Tanong ni Shara na ikinailing, naman ni Mikel. Habang, ikinatango ni Diesel, na wari mo ay nakikita ng kausap sa kabilang linya. "Yes, that's why I miss you." Sagot ni Diesel na ikinatawa bigla ni Mikel. (Bro, ganyan ka pala talagang mainlove, ang cheesy mo. Iba na yan. Bakit kasi hindi mo na lang sabihin ng paulit-ulit ang nararamdaman mo. Wag iyong dahil nasabi mo na. Puro ka na lang paramdam ngayon. Mahirap yan.) Wika pa ni Mikel. Pero hindi naman pinapansin ni Diesel ang sinasabi niya. "Okey. See you soon." Wika ni Diesel na ikinatawa naman ni Shara at Mikel. "F*ck you! Lopez! Kung makatawa ka naman. Ikaw din Mrs. Lopez, aba kailangan n'yo akong tulungan. Halos nasa isang taon na akong nanunuyo, pero hindi ko man lang maramdaman na talagang nahuhulog na s'ya sa akin. Ako hulog na hulog na. Pero sa ipinapakita niya sa akin mukhang hindi naman niya ako kayang saluhin." Malungkot na wika ni Diesel na rinig niya ang pagbuntong hininga ng mga kausap. (Kung hindi mo madaan sa Santong Dasalan. Daanin mo sa Santong Paspasan. Minsan hindi masama ang nagmamadali. Hulihin mo sa trap. Ikulong mo na agad sa mga bisig mo. Para wala ng kawala. Sinong babaeng hindi mahuhulog sa charm mo Bro. Kaya naman if you need help. Willing kaming mag-asawa na tumulong sayo. Kahit saan mang tingnan. Gusto pa rin naming makabawi sa lahat ng kabutihang ginawa mo sa amin.) Wika ni Mikel na ikinatango ni Diesel kahit naman hindi siya nakikita ng mga kausap. "Thank you Bro. Thanks Shara. Darating tayo dyan. Gusto ko lang ding maayos muna ang problema ni Lucas bago ko tuldukan ang sarili kong problema." Sagot ni Diesel, na ikinasang-ayon ng dalawang kausap. Ilang sandali pa silang nagkausap bago pinutol ni Shara ang tawag, dahil may imemeet daw na investor ang Daddy Rodrigo niya at kasama ang mag-asawa. Nakatingin lang si Diesel sa bungad ng pintuan ng bahay nila, ng maalala ang reaksyon ni Gia, ng marinig mula sa kanya ang pangalan ni Shara. Alam niyang alam ni Gia ang kwento, nila ni Shara dahil naikwento iyon noon ni Manang Fe, ng matanong minsan ito. Ang hindi lang nila alam ang dahilan ng paghihiwalay nila. Pati na rin ang pagpapakasal nito kay Mikel. Siguro para kay Diesel blessing in disguise na rin ang pagkakataon, na malaman iyon ni Gia. Dahil ng makwento iyon ni Manang Fe. Parang naawa sa kanya si Gia. Pero ng makausap niya si Shara about business at nakita ni Gia na si Shara ang kausap nito sa cellphone, ay nagsimula na naman itong magsungit sa kanya. Kahit sadya namang noon pa ay masungit ng talaga ito, sa kanya lang. Iyon lang ang nakikitang paraan ngayon ni Diesel, para mapaamin si Gia. Dahil hindi nito alam na kasal na si Shara kay Mikel, ay kinukuha niya ang pagkakataon na pagselosin ito sa pamamagitan ni Shara. Tuwing kausap naman no Diesel si Shara, ay palagi nitong kasama si Mikel. Para hindi na maulit ang nakaraan. Mahirap na. Hagya na silang nagkaayos, para masirang muli. Nasa garden si Gia, ng makita niya si Diesel na nakaupo sa isang bench doon. Hindi naman niya ito pinapansin dahil busy siya sa pagdidilig ng halaman. Nang mawala si Anna, ay siya na ang pumalit dito para alagaan ang mga halaman doon. Sayang naman kasi kung mapapabayaan. Natigilan siya ng biglang marinig na may tumatawag kay Diesel. Hindi naman niya na ito pinansin at baka sa opisina lang. Pero biglang pumait ang pakiramdam ni Gia ng makita ang ngiti sa mukha ni Diesel ng makita kung sino ang tumatawag. Narinig pa niya na binanggit nito ang pangalan ng ex nito na si Shara. Na ayon kay Manang Fe ay muntik ng mapangasawa iyon ni Diesel. Iyon nga lamang at sa isang dahilan ay nagkahiwalay ang dalawa. Hindi naman sinabi ni Manang Fe ang dahilan, Pero alam niyang iyong si Shara na iyon ang dahilan kung bakit nagtagpo ang landas nila ni Diesel seven years ago. Aminin man niya, o hindi, nahuhulog na ang loob niya kay Diesel, lalo na noong umamin ito noon sa kanya na mahal siya nito. Pero dahil naging duwag siya noon, ay napalampas niya ang pagkakataon. Pero noong handa na siya. Doon naman bumalik ang ex nito na si Shara. Madalas niyang naaabutan itong kausap ni Diesel. Na maririnig mo sa boses ni Diesel ang sobrang lambing sa babaeng kausap. Aminin man niya na nagseselos siya, kahit wala naman siyang karapatan ay hindi niya mapigilan. Pero sinasarili na lang niya lahat ng kanyang nararamdaman, lalo na at parang wala na silang pag-asa. Dahil bumalik na ang ex nito. Nang marinig ni Gia ang pangalan ni Shara na binanggit ni Diesel ay binaliwala lang niya ito. Pero ng marinig niyang namimiss nito ang dating girlfriend ay walang pag-aalinlangan na iniwana ni Gia ang ginagawang pagdidilig ng halaman at pumasok na lang ng bahay. Tuloy-tuloy lang ng paglalakad si Gia, hanggang sa makarating siya sa likod bahay, kung saan nakatambay si Liza, na naghihintay matapos umikot ang nilalabhan nito sa automatic washing machine. "Problema mo, Gia Babe?" Tanong ni Liza ng maupo siya sa tabi nito. "Wala naman." Mahinanong wika ni Gia, pero sa loob loob niya ay gusto na niyang tirisin si Diesel. "Mukhang si Sir Diesel ang problema mo sa lagay mong iyan. Sabi ko naman sayo, tanggapin mo na kasi si Sir Diesel noon. Sa mga pinagdaan niya sa buhay pag-ibig masasabi kong hindi ka noon sasaktan. Pero Gia Babe, napapagod din iyong tao. Paano kung dahil napagod ay sumuko na. At pagdating ng araw si Gael na lang ang priority niya. Sa halip na kayo, ay si Gael na lang. Gia, hindi masamang sumubok magmahal. Masaya din at masarap sa pakiramdam. Wag kang matakot. Pamilya mo kami dito oh. Hindi ka naman namin pababayaan." Mahabang paliwanag ni Liza na kahit papano ay naisip ni Gia na tama ito. "Pero paano kung huli na nga ang lahat? Anong gagawin ko?" Malungkot na wika ni Gia. "Kung huli na ang lahat, ibig sabihin hindi talaga kayo ang meant to be. Dahil kung kayo, ang nakatadhana. Kayo talaga. Pero kung hindi, kahit anong pilit ninyo para maging kayo, paghihiwalayin at paglalayuin kayo ng tadhana sa kahit na anong paraan. Maniwala ka sa destiny. Minsan kasi nasa harap mo na hindi mo pa nakikita. Tulad ng humanap ka na ng humanap, nasa tabi mo lang pala. Kung mahal mo iparamdam mo. Ikulong mo sayo. Wag mong itaboy. Need din niyan ng lambing. Isipin mo. Matagal na dito si Sir Diesel. Pero hindi naman naghanap ng iba. Mula ng malaman niya na anak niya si Gael sayo." Paliwanag muli ni Liza na ikiaisip ni Gia. "Bakit ang dami mong alam? Nainlove ka na ba Liza?" Tanong ni Gia na ikinaisip nito. "Sabihin na nating oo, nagmahal na ako dati, kaso maling pagkakataon. First time kong magkagusto ako noon, at isa pa ako lang ang naman ang nagmamahal noon. Puppy love ba. Buhat naman noon hindi na ako nakaramdam na magmahal ulit. Kaya nag-eenjoy lang ako dito. Willing ding tumandang dalaga kung walang magkamali." Wika ni Liza, na ikinalungkot naman ni Gia. "Unrequited love lang ang peg natin noon?" Biro pa ni Gia kay Liza. "Maybe. Hindi naman niya ako kilala, nakikita ko lang naman siya, noong nakapagtrabaho nga ako noon sa may terminal sa probinsya. Halos tatlong taon din. Bago kami napunta dito sa Maynila, at naging katulong ako dito." Nakangiting wika ni Liza na ikinatango ni Gia. "Pwede ko bang malaman kung anong pangalan niya?" Curious na tanong ni Gia na ikinaisip ni Liza. "Hindi ko alam eh, nakikita ko lang naman siya malimit sa may terminal ng bus. Kung saan ako namamasukan ng pagtitinda. At may babae siyang sinusundo. Ganoon lang. Naging crush or na inlove lang ako sa kanya ng ganoon." Paliwanag ni Liza na ikinalaki ng mata ni Gia. "Grabeng pagmamahal iyon. Malala sa unrequited love iyon ha. Akalain kong hindi mo kilala si Mr. Nice Guy. Tapos na inlove ka na. Sino kaya iyon. Mukhang gwapo ha." Pang-aasar pa ni Gia na kiniliti pa si Liza. "Naku! Ako'y tigilan mo Gia. Ikaw ang topic ngayon hindi ako. Sasabihin ko kay Sir Diesel na mahal mo na s'ya. Na ayaw mo lang umamin kasi natatakot ka. Sige ka." Banta ni Liza na ikinatahimik ni Gia. "Hindi na nga kita bibiruin. Wag mo lang iyong sasabihin kay Gasolina. Ha.. Liza.... Silent lang tayo... Hmmmm... Please..." Pagmamakaawa pa ni Gia na niyakap pa si Liza. "Hay naku naman Gia Babe. Bilis bilisan mo ang pag-amin ha. Madaming may gustong pumalit sa pwesto mo, para magustuhan ni Sir Diesel. Kaya kung mahal mo umamin ka na. Wag ng mag-isip pa. Sure akong hindi naman kayo pababayaan ni Sir Diesel. Mahal ka nun. Maniwala ka." Wika pa ni Liza na ikinatango naman ni Gia. Sabagay, ano ba ang dapat niyang ikatakot. Kung mahal naman talaga siya ni Diesel, why not na subukan niya di ba? Kailangan na niyang umamin bago pa mahuli ang lahat. Na sa halip magkaroon ng masaya at buong pamilya si Gael, ay lalo pang masira, kahit wala pa namang nabubuo. Need lang ngayon ni Gia ay lakas ng loob. Sasabihin at aaminin din niya ng nararamdaman niya kay Diesel. Hahanap lang siya ng magandang pagkakataon. Ayaw naman niyang sabayan ang problema ni Sir Lucas. Sana makita na ng mga ito si Anna. Pag wala ng problema si Sir Lucas, na iniisip din palagi ni Diesel. Ay aaminin na rin ni Gia ang nararamdaman niya para sa kanyang si Gasolina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD