Chapter 1

1325 Words
Magaang pumasok si Diesel ng opisina dahil biglang tumawag ang mommy Antonia niya na darating ang mga bagong empleyado galing Pilipinas. Biglaan lang talaga iyon at nakalimutan siyang iinform. Ang daddy naman niya ang namamahala talaga noon. Nagkaroon lang ito ng out of town kaya siya muna ang pinamahala ng mommy niya. Nasa tatlumpong empleyado ang darating sa ngayon. Ang iba ay may kaya sa buhay ang iba naman ay katamtaman lang. Walang pili ang kanilang kompanya. Mahalaga ay masipag ka. Hindi mo din kailangan na sobrang talino iyong halos, magkadakuba ka na sa pag-aaral ng English. Dahil halos naman lahat ng empleyado nila ay Pinoy hindi ka ma out of place. Marami ang naghangad na makapasok sa kanilang kompanya, ma pa Pilipinas man or dito sa U.S. Kahit ang Mall na nasa Pilipinas ay hinahangad ding makapagtrabaho ng iba. Ang pinaka requirements lang na pinakamahalaga is magkaroon ka ng good moral and right conduct. Bawal ang mapangmatang empleyado. Last day mo na pag nahuli ka ng boss mo. Maliban na lang kung makakapagpaliwanag ka ng maayos. At talagang mali din naman ang mga customer. Nakaupo sa swivel chair sa harap ng table niya si Diesel ng makarinig siya ng tatlong katok sa labas ng pintuan. "Come in." Wika niya at pumasok ang isang gwapong lalaki. Si Mikel ang bestfriend niya at sekretarya niya. Si Mikel lang ang nag-iisa niyang mapagkakatiwalaan sa lahat ng bagay. Maliban sa kinalakhan niyang kapatid na si Lucas. Na ngayon ay nasa Pilipinas at nag-aaral pa. Matanda siya ng isang taon kay Lucas, at mas matanda ang daddy niya kaysa sa daddy Rodrigo niya, kaya naman Kuya ang tawag sa kanya ni Lucas. Mula ng umalis ng U.S. ang mommy niya at nagtungo ng Pilipinas ay nakasama nito si Lucas at ang itinuring na nilang pangalawang ina na si Manang Fe. Si Manang Fe ang nanging kaagapay ng Mommy Antonia niya sa pag-aalaga sa kanila ni Lucas noong mawala ang mga magulang niya. "What do you need a*shole?" Bati niya sa kaibigan na ikinabato naman sa kanya ng hawak nitong ballpen, ngunit nasalo naman niya. "Pirmahan mo ito boss, at ng maipadala ko na sa HR department ang mga bagong dating. Nasa lobby na sila ng company, nakakaawa naman at mukhang mga pagod na." Nakangising wika ni Mikel, sabay abot ng papel na dapat niyang pirmahan. "Sira! Ikaw kaya ang magbyahe sa eroplano ng twelve hours, ng walang stop over, pagkarating ng airport ay dito na agad dinala ng company van. Hindi man lang dinala muna sa kanilang bahay na tutuluyan. Tss." Wika ni Diesel na ikinatawa naman ng kaharap. "Oi, boss. Hindi ko kasalanan iyon ha. Si Tito Rodrigo naman ang haharap dapat sa kanila. Kaso may biglaang out of town. Tapos biglaan nga ang dating nila. Kaya naman hindi pa napapalinis ang titirahan nila. Kaya dito sila pinatuloy." Sagot naman ni Mikel na ikinakunot ng noo ni Diesel. "So kasalanan ni Daddy?" Tanong pa niya dito na ikinailing ni Mikel. "Hindi din. Gawa ng sekretarya ni Tito. Noong isang araw pa daw naitawag iyon ni Tita Antonia. Ang problema lang, nagkasakit ang anak ni Mrs. Maureen, kaya nakalimutang sabihin kay Tito. Tapos kaya naman sayo na tumawag si Tita, dahil nga hindi pwedeng icancel ang lakad ni Tito. Partnership iyon kay Mr. Reyes." Paliwanag ni Mikel, na ikinatango lang ni Diesel. Matapos makapirma ni Diesel ay mabilis ng lumabas si Mikel. Hindi na naman daw nito kailangan pang pumunta ng H.R dahil iyong pirma lang niya ang kailangan at ito na nga bahala. Tinawagan naman niya ang mag-aayos ng titirhan ng mga empleyado. Nang makausap niya ito, ay nakahinga naman siya ng maluwag, dahil patapos na daw sila. Na bago daw dumating doon ang mga empleyado ay malinis at maayos na ang titirahan ng mga ito. Ang bahay na tutuluyan ng mga ito ay halos tatlong street lang ang layo mula sa company nila. Mas malayo ang pwesto ng bahay ng ibang mas naunang empleyado, pero dahil nabili na rin ng company nila iyong mas malapit kaya pinagawan na agad nila ng tirahan, para sa mga bagong darating galing Pilipinas. Isa iyong apartment unit type na may tig walong kwarto, sa taas at sa baba. Ang bawat kwarto ay kasya ang lima na empleyado. Sa bawat kwarto na iyon ay may tig dalawang c.r. Sa labas ng bawat kwarto na iyon, ay may malawak na living room na kahit papano ay may kompletong gamit. Napakalawak din ng kusina, dahil sa dami ng pwedeng tumira sa doon. Mayroon itong anim na lutuan, pag hindi maiiwasang magsabay sabay sila sa pagluluto. At apat na sink, para naman hindi na sila mahirapan pag nagkasabay-sabay ang mag empleyado nila. Matapos makausap ng H.R. ang mga bagong dating na empleyado ay dinala naman ni Mikel ang mga requirements ng mga ito. Siya na kasi ang magdadala noon sa daddy niya, para ito na ang magtalaga kung saang department qualified ang mga pinadala ng mommy niya. Halos gabi na rin ng makauwi ng bahay si Diesel. Tinawagan muna niya si Lucas para kumustahin sa pag-aaral nito. Tulad pa rin ng dati, napakabait na bata ni Lucas. School at bahay lang talaga. Hindi man lang ito, natukso na magbar tulad ng ibang kabataan. Noong nasa college siya ay sinubukan niyang sumama sa mga kinilala niyang mga kaibigan niya. Ayaw sana niyang uminom pero pinilit siya ng mga ito. Pero ang hindi niya inaasahan ay may ipinainum sa kanya ang mga ito, at may babaeng muntik ng pumikot sa kanya. Doon niya nakilala si Mikel, kaya labis niya itong pinagkatiwalaan. Nang makita siya ni Mikel noon na ipinapasok ng mga kalalakihan sa isang kwarto at pilit siyang hinuhubadan na may kasamang babae na bayaran, ay nagtawag na agad ito ng guard. Dahil sa dr*gs na ipinainom sa kanya ay hindi mawala ang sobrang init sa katawan niya, na halos lamunin siya ng apoy ng makamundong pagnanasa. Nagising na lang siya sa loob ng vip room ng bar na nasa loob ng c.r. nakatali ang mga kamay at paa sa isang matibay na upuan, habang tumutulo pa ang mahinang tubig na galing sa shower. Kung titingnan siyang mabuti ay nakakaawa siya dahil para siyang basang sisiw na walang magawa dahil nakatali ang sarili. "What the f*ck! Anong nangyari!" Malakas niyang sigaw sa lalaking nakita niyang natutulog sa couch, na nakaharap sa kanya, habang bukas ang pintuan ng c.r. mumukat mukat pa ito ng mapansin siya. "Hi! Mr. De La Costa, pasensya na sa ginawa kong pagpapatali sayo sa mga guard kagabi. Mas mabuti ng itali kita kaysa pagsisihan mo ang lahat ngayong umaga." Seryosong wika ng lalaki sa aking harapan. "Kaibigan mo ba iyong mga kasama mo kagabi? May inilagay silang sa inumin mo. Kaya naman biglang tumaas ang l****o mo. Dahil hindi mo iyon mapipigilan, may dinala din silang babaeng bayaran dito. Kaya naman noong nakita kita. Na alam kong nasa impluwensya ka na ng makamundong pagnanasa. Ipinatali na kita sa mga gwardya at itinapat sa shower. So ngayon nasa sayo na kung magagalit ka sa ginawa ko. O magpapasalamat." Mahabang wika ng lalaking nakikita niya sa school pero hindi niya kilala. "By the way, I'm Mikel Lopez." Pakilala pa nito sa kanya. "Need ko na bang umalis at pakalagan na lang kita sa mga guard, baka bugbugin mo pa ako. O ako nakakalag sayo?" Lakas loob pa nitong tanong, habang nakatingin kay Diesel. "Salamat sa ginawa mo. Pero pwede bang kalagan mo na ako. Nakakangalay din dito at may extra ka bang damit. Ang hirap umuwi ng basa." Natatawang wika ni Diesel na ikinatawa ng kaharap. Mabilis namang kinalagan ni Mikel si Diesel at kinuha ang extrang damit na dala nito, na nakapatong sa table. Pagkaabot kay Diesel ay mabilis na rin naman itong naligo. Iyon ang dahilan kung bakit hindi na nagtiwala sa iba si Diesel. Maliban kay Lucas at kay Mikel na ngayon ay sekretarya na nga niya at pinaka matalik na kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD