Chapter 2

1508 Words
Kinabukasan sa opisina, ay nadatnan na niya ang kanyang daddy Rodrigo. Mukha itong pagod, pero enjoy na enjoy pa rin sa trabaho. "Good morning dad. Nga pala, ipapakuha ko lang kay Mikel ang mga requirements ng mga pinadala ni mommy na empleyado galing Pilipinas. Hindi ko na lang tiningnan isa isa. Lalo na at si mommy ang pumili noon." Wika ni Diesel na ikinatango ng daddy niya. "No, problem son. Alam mo naman ang taste ng mommy mo, sa empleyado. Ako na lang bahala kong saang department sila ilalagay." Tugon ng daddy niya na ikinatango ni Diesel. Tinawagan din nito ang sekretarya nitong si Mrs. Maureen para magpatimpla ng tatlong kape. Habang nag-uusap sila sa nangyaring partnership kay Mr. Reyes ay natutuwa naman ang daddy niya, lalo na at kilalang tao si Mr. Reyes at isa din sa pinakamayamang tao sa U.S. Mr. Reyes is a pure Pilipino, na nakapangasawa ng half American at half Pinay na si Liara Washington. Noong una ay naging investor lang ang mga ito ng De La Costa Shipping Lines. Pero dahil nakita nila ang potential ng company, ay nakipag partnership pa ang mga ito. Na ikinatuwa ng daddy niya. Lalo na at magiging mas kilala ang kanilang kompanya sa buong U.S. Dumating si Mrs. Maureen na may dalang kape. Pagkatapos ilapag ang tatlong kape sa mesa ay, kasunod na rin nitong dumating ang sekretarya niyang ni Mikel. Alam din ng daddy niya na si Mikel ang nag-iisang kaibigan ni Diesel kaya naman hindi na ito iba sa kanya. "Kumusta Mikel? Maupo ka muna." Wika naman ng daddy niya sa kaibigan niya. "Thank you po Sir. Kaso madaming ipinagagawa si Boss. Busy ako." Wika ni Mikel na ikinakunot ng noo ni Diesel. "Aba. Mikel Lopez. Hati tayo sa trabaho na iyon. Tapos inako mo. Sabi mo ay magpahinga muna ako. Ikaw itong. Aba?" Reklamo ni Diesel na ikinatawa ng kanyang daddy. "Kayo talagang dalawa, sa trabaho lang kayo seryoso, pero may pagkamakulit talaga kayo. Magkape ka muna, masyado pang maaga para sa trabaho. Alas syete pa lang naman. Maaga ako dahil hindi na ako nakauwi sa bahay kagabi. Dito na ako nagtuloy at natulog." Natatawang wika pa rin ng daddy Rodrigo niya. Matapos ang kanilang pagkakape ay sabay ng lumabas si Mikel at Diesel. Nakita pa nila si Mrs. Maureen na nakaupo sa table nito kaya nagpaalam na rin sila. Mag-aalas otso na noon ng umaga, ng makita nila ang papasok na mga bagong dating na empleyado galing Pilipinas. Doon napansin ni Diesel ang isang napakagandang babae sa paningin niya. Simple lang ito sa suot nitong white polo, black coat, black slacks at three inches high black heels. Pero napakagandang tingnan. Pakiramdam ni Diesel ay biglang bumilis ang pintig ng kanyang puso, ng bigla siya nitong ngitian. Hindi niya inaasahan ang ngiting iyon. Pero ng magtama ang kanilang mga mata, hindi mapigilan ni Diesel ang puso niya, na sa tingin niya ay maririnig na ng kasama niyang si Mikel. Nalampasan na sila ng mga bagong empleyado. Pero nakatulala pa rin si Diesel, na parang dinuduyan pa rin sa ulam. Isang tapik ang nagpagising sa natutulog ng katinuan ni Diesel. "Bakit?" Biglang sambit niya kay Mikel ng mapansin niyang nakangisi ito sa kanya. "Anong bakit? Ikaw itong, anong nangyari sayo? Nakita mo lang ang mga bagong dating na empleyado, natulala ka na. May nakakuha na ba ng atensyon mo?" Wika ni Mikel na ikinatawa naman ni Diesel. "Wala ah. Tayo na nga sa opisina. Alam kong madami ka na namang tinambak na pipirmahan ko." Wika ni Diesel na ikinatawa ni Mikel. "So ako pa ngayon? Mabuti nga at nasort ko na iyong pwede para hindi ka na mahirapang basahin lahat tapos ibabalik mo din sa akin. Kaya ako na ang nagkukusa. Dapat nga doble na ang sahod ko ngayon eh." Natatawang wika ni Mikel na napailing na lang si Diesel. "Thank you ha. Libre na lang mamaya kita doon sa paborito mong resto. Nahiya naman ako sayo sa part na iyon." Tugon naman ni Diesel na sabay nilang ikinatawa. Masaya sila sa isa't isa bilang magkaibigan. Alam din ni Diesel na masaya si Lucas, na nakatagpo siya ng kaibigan na hindi siya iiwan sa ere. Lalo na magkalayo sila ngayon. Nasa Pilipinas si Lucas at siya nasa U.S. kasama ng daddy nila. Naunang umabas si Diesel ng opisina, lalo na at wala ng trabaho. Naiwan naman si Mikel dahil nagsosort na naman ito ng mga pipirmahan niya bukas. Iiling iling naman na natatawa si Mikel ng makita siya nitong palabas. Wala naman itong magawa dahil siya ang boss. Pagdating ni Diesel malapit sa may lobby ng company ay nakita na naman niya ang magandang babae, na nakita niya kanina. Sinundan niya ito papasok sa cafeteria. Natutuwa talaga siya sa ganda nito. Napakasimple, pero ang dating sa kanya kakaiba. Hindi mo rin makikita sa itsura nito na flirt ito. Kaya siguro ay nahulog kaagad ang loob niya dito. Pagpasok niya ng cafeteria ay hinanap na niya kaagad ang pwesto nito. Pinagtitinginan din siya ng mga empleyado lalo na at hindi naman siya nalalagi sa lugar na iyon sa mga oras na ito. Ngayon lang. Nang makita niya na may bakante malapit sa upuan nito ay mabilis siyang nag-order ng black coffee at naupo sa malapit dito. Gusto sana niyang malaman kung ano ang pangalan nito. Kaso nahihiya naman siyang itanong sa daddy niya. Kaya ngayon ang lagay ay para siyang stalker nito. Ayaw din naman niyang itanong kay Mikel, sure na uulanan siya ng kantiyaw ng kaibigan. Bakit ba naman kasi, hindi niya tiningnan ang mga requirements noon ng mga ito ng nasa kanya pa. Kaya naman ayon, ngayon ay sinusubukan niyang alamin ang pangalan nito. Sa pamamagitan ng pagsunod. Ilang araw na ring ginagawa ni Diesel ang pagsunod niya sa magandang dalaga na nakita niya. Pero hindi siya makahanap ng tyempo. Ngayon ay naglalakad na ito at nag-iisa pabalik ng bahay nito. Alam niyang hindi siya nito napapansin. Dahil madami naman silang kasabayin na naglalakad din. Tatawid sana ang babae ng hindi nito napansin ang mabilis na kotse na paparating. Walang ano ano ay nahablot ni Diesel ang babae kaya ngayon ay magkayakap silang bumagsak sa semento. Malakas na sigawan ang kanilang narinig. Pero ng mapagtantong ayos naman sila, ay dahan-dahan silang naupo. "Okey ka lang?" Tanong ni Diesel na bigla namang ikinatangon ng babae. "Salamat sa pagliligtas mo. Hindi ko talaga napansin iyong sasakyan." Sagot ng magandang babae sa kanya, na ikinangiti niya. Napansin naman ng babae ang gasgas sa kamay nito. Malamang ay tumama iyon sa semento. Lalo na at naramdaman niya kanina ang kamay nito na sumuporta sa ulo niya. Kaya hindi siya gaanong nasaktan. "Dumudugo ang kamay mo." Wika nito na ikinatingin ni Diesel sa kamay niya. Nakaupo na sila ngayon sa bench malayo sa daan. Pero safe naman ang pwesto. "Wala ito. Ang mahalaga ay okey ka. Hindi pala ako nakapagkilala sayo. I'm Leon Diesel De La Costa." Nakangiting wika ni Diesel na ikinatakip ng bibig ng kaharap dahil sa gulat. "Hala! Sir! Hindi kita nakilala. Sorry po. At thank you po, sa pagliligtas sa akin. Kung hindi po sa kapabayaan ko hindi po kayo masasaktan. Sorry po talaga." Nahihiyang wika ng magandang babae habang nakatungong nakikipag-usap sa kanya. "Chin up Miss. Okey lang iyon. Wag kang mahiya. Sabihin mo ang pangalan mo at bawi ka na, sa akin sa pagliligtas ko sayo. Hmmmm." Wika ni Diesel na ikinangiti naman ng kaharap. "I'm Shara Mendez Sir. Para po hindi na ako sobrang maguilty sa ginawa ninyong pagliligtas sa akin. Sumama po kayo sa akin. Ipagluluto ko po kayo." Nakangiting wika ni Shara, na tunay namang nakapagpapabilis na naman ng pintig ng puso ni Diesel. "Pero don't call me Sir. Just Leon or Diesel." Nakangiting wika ni Diesel. "Pero. Sir---." Sasagot pa sana si Shara ng unahan siya si Diesel. "No buts. Okey." Wala ng nagawa si Shara at hindi niya akalain na napakakulit pala ng boss niya. Naglakad na lang sila papunta sa tinutuluyan niyang bahay. Natuwa naman si Diesel dahil maayos naman pala talaga ang lugar na iyon. Maayos at maaliwalas. Hindi masasabing tinipid nila ang mga empleyado. Habang tumatagal, ay hindi na mapigilan ni Shara na mahulog ang loob sa kanyang boss lalo na at napaka sweet at caring nito. Hindi lang ito sa kanya mabait, kaya naman kinaiinggitan siya ng iba nilang katrabaho. Masaya din si Diesel ng payagan siya ni Shara sa panliligaw niya dito. Kaya naman buhat ng araw na iyon. Ay talagang nagpursige siyang makuha ang puso ng dalaga. Sa ilang buwan ng panliligaw ni Diesel kay Shara. Dumating na ang pinakahihintay niyang araw. Ang sagutin ni Shara ang isa sa pinakamasayang araw sa buhay ni Diesel. Hiniling man niyang sana ay kasama pa niya ang mga magulang niya sa araw na iyon. Pero alam niyang hindi mangyayari. Kaya naman kahit ang daddy Rodrigo lang niya ang kasama niya ngayon. Ay masayang masaya din si Lucas at mommy Antonia niya, sa ibinalita niya. Dahil ngayon ay mayroon ng babae na magpapasaya sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD