Prologue

1235 Words
Masaya at puno ng pagmamahalan ang pamilya ni Leon. Mahal na mahal siya ng mommy Sophia at ng kanyang daddy Rodel. Sa nakalipas nga na mga taon niya ay nagplano ang mag-asawa ng ikalawa nilang honeymoon. Nagsabi ito sa kapatid para naman may mapag-iwanan kay Leon. Para hindi naman ganoong kabiglaan, ay gaganapin ito pag nakalipas na nga ang birthday niya. Sabi nga nalaki na si Leon, kaya pwede ng magkaroon ng kapatid. Masaya namang nagpaalam ang mag-asawa, ng maihatid nito sa bahay ni Rodrigo si Leon. Kitang-kita nila na kasundo kaagad nito si Lucas na tatlong taon pa lang noon at apat na taon na si Leon. Pero isang oras pa lang ang nakakalipas, ng mapabalita ang pag crashed ng eroplano patungong Hawaii. Ang flight na iyon ang sinasakyan ng magulang ni Leon. Walang nakaligtas sa pagbagsak ng eroplano. Lalo na at bumagsak ito sa dagat. Ayon sa imbestigasyon, ay nagkaproblema ang makina nito. Kaya ng biglang pumalya ang makina nito ay bigla itong bumulusok pababa. Nang makuha ang katawan ng kapatid at hipag ay ipina cremate nila kaagad ito. Lalo na at hindi na talaga halos makilala ang mga ito. At dinala na sa huling hantungan. Mula ng mamatay ang mga magulang ni Diesel gawa ng plane crashed na patungong Hawaii sana. Ay naiwan siya sa pangangalaga ng nag-iisang tiyuhin niya. Masakit kay Rodrigo ang nangyari sa kapatid, kaya naman ipinasya niyang kupkopin ang nag-iisang anak ng mga ito at ituring na tunay na anak. Lumaki si Leon sa poder ng pamilya ng kapatid ng daddy Rodel niya. Habang lumalaki siya ay nararamdaman niya ang pangungulila sa tunay na mga magulang. Pero wala naman siyang magawa, lalo na maaga itong kinuha sa kanya. Mabait ang mag-asawang Rodrigo at Antonia. Hindi man lang niya naramdaman na hindi siya anak ng mga ito. Kahit ang nag-iisang anak ng mga ito ay itinuring siyang Kuya. Kulang man sa pagmamahal ng tunay na magulang. Busog naman siya sa pagmamahal ng pamilya ng kumupkop sa kanya. Kaagapay din ng mga ito, ang naging pangalawa pa nilang ina ni Lucas si Manang Fe. Walang pamilya si Manang Fe, hindi na rin ito nag-asawa. Kaya naman mahal na mahal ni Manang Fe silang dalawa ni Lucas. Mga pamangkin lamang din nito ang itinuring na anak. Kaya naman pag may pagkakataon ay madalas nitong tawagan ang mga ito. Naging masaya ang buhay ni Diesel kasama ang mga ito. Lalo na sa U.S. na hinangad ng kinilala niyang ama na doon na tumira. Magaling maghandle ng kompanya ang daddy Rodrigo niya, kaya naman napalago nito at nagkaroon ng isa pang branch sa Pilipinas. Nang matapos ipatayo ang De La Costa Shipping Lines sa Pilipinas ay napilitang umuwi ang asawa nito, na si mommy Antonia, kasama ang tunay na anak na si Lucas. Nalungkot siya sa pag-alis ng mga ito. Pero wala siyang magawa. Lalo na at kasama din ni Mommy Antonia si Manang Fe. Dahil hindi naman niya pwedeng iwan ang kanyang daddy Rodrigo niya. Ay nanatili siya sa tabi nito. Na kahit nag-aaral pa lang siya ay, nagsisimula na rin siyang pag-aralan ang pamamahala ng kanilang kompanya. Habang nag-aral na siya ng mabuti. Ay tinuturuan na rin siya ng daddy niya ng mga dapat gawin. Para naman masuklian ang kabutihang ipinakita ng pamilya nito sa kanya, ay nag-aral siya ng mabuti. Alam niyang sa kanya din mapupunta ang company nilang ito dito sa U.S. lalo na at may balak ding umuwi ang daddy niya sa Pilipinas. Palagi naman silang nagtatawagan ng kinilalang kapatid na si Lucas. Makulit ito, minsan suplado pero masasabi niyang napakaswerte pa rin niya at napunta siya sa mga ito at hindi siya pinabayaan. Minsan ay tinatawagan din siya ng mommy Antonia niya lalo na pag namimiss daw siya nito. Umuuwi naman sila minsan ng daddy niya sa Pilipinas para makasama ang mommy at kapatid niya. Iyon nga laman ay tamang bakasyon lang lalo na at nag-aaral pa siya. Ganoon din si Lucas. Kaya tulad din niya hindi din ito makatagal ng bakasyon sa U.S. minsan lang talaga pag may pagkakataon. Naunang maka graduate si Diesel, lalo na at matanda siya ng isang taon kay Lucas. Pagka graduate ay isinubok na kaagad siya ng daddy niya sa paghahawak ng kompanya. Pero kahit ganoon ay nagsimula muna siya, mula sa pinakamababa, bago pa niya marating ang itaas. Sa ilang buwang pag-aaral para mapatakbo ang kompanya nila ay nakita niya ang isa nilang empleyado na hindi niya malaman kung bakit napapabilis nito ang t***k ng kanyang puso. Hindi pa niya ito nakakausap, pero talagang, iba ang dating ng babae sa kanya. Bagong empleyado lang ito ng kanilang kompanya, galing Pilipinas. Mga trainee na ipinadala ng mommy Antonia niya. Lalo na at gusto ng mag-asawa na mga Pinoy ang magtrabaho doon, para na rin makatulong sa kapwa Pilipino, na nais magkaroon ng maayos at magandang trabaho. Sa isang linggong pagiging stalker ng babae ay nalaman niya ang pangalan nito. Si Shara Mendez. Hindi naman gaanong hirap ang mga ito sa buhay, kung baga ay may kaya, pero hindi niya alam kung bakit ninais lang nitong magtrabaho sa kanilang kompanya. Pero sabagay, wala namang tinitingnang katayuan sa buhay ang company nila. Bagkus ay pantay-pantay, mahirap man, may kaya sa buhay o mayaman, mahalaga ay mapagkakatiwalaan ka, masipag at maaasahan. Sa nakalipas ng ilang buwan na nagkakilala siya ng babae, ay pinayagan siya nitong manligaw. Para siyang nasa alapaap habang kasama ito. Wala na siyang mahihiling pa, basta kasama niya ang babaeng mahal na mahal niya. Sa tagal ng panahon, ng panliligaw ay sinagot siya ng babaeng minamahal. Hindi niya alam na ganoon pa lang kasaya, ang magkaroon ng karapatan sa babaeng minamahal. Tinawagan niya ang mommy Antonia niya, dahil sa magandang balita. Masayang-masaya din naman ang kapatid niya para sa kanya. Kahit ang daddy Rodrigo niya ay hindi mapigilan ang saya, lalo na at kitang-kita sa mga mata niya ang sobrang kasiyahan. "Ilang taon na rin kayo anak ni Shara, may balak na ba kayong bigyan ako ng apo?" Tanong ng daddy Rodrigo niya. "Darating tayo dyan daddy, at meron mo pala akong gustong sabihin." Biglang lumungkot ang boses ni Diesel na ipinagtaka ng daddy n'ya. "Is there any problem son? Tell me. Ayaw kong kinikimkim mo ang problema, oo nga at hindi ka nanggaling sa amin ng mommy Antonia mo. Pero palagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin, pati ng kapatid mong si Dimitri." Wika ng daddy niya. "Dad." Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Diesel bago muling humarap sa daddy niya. "Dad, we're engaged. We're getting married soon dad. She said yes! To my proposal. So, yeah! Malapit na kaming ikasal. Aayusin na lang namin ang date, venue at mga guest." Masayang wika ni Diesel, na hindi agad makaapuhap ang daddy niya dahil sa kunwari ay nalukungkot s'ya. "Ikaw talagang bata ka. Bigla akong kinabahan sayo, akala ko kung anong nangyari sa inyo ni Shara. Iyon naman pala. Congratulations anak. I'm so proud of you. Masaya akong mag-aasawa ka na. Ito na lang si Dimitri ang problema." Wika ng daddy niya na sobrang saya sa ibinalita niya dito. "Wag kang mag-alala dad. Hindi pa lang siguro talaga dumarating ang Ms. Right para kay Lucas. Pero wag kang mainip. Darating din iyon soon." Nakangiting sambit ni Diesel, habang masayang nakikipag-usap sa daddy niya. At tinawagan na rin nila ang mommy niya via video call, para sabihin ang napakagandang balita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD