Habang naglalaro ang si Gia, kasama ang kaibigan nitong si Love ay tinawag sila ng kuya nitong si Dimitri.
"Why kuya? Bakit mo kami tinawag ni Gia. Uuwi na ba sila nina Manang Gina?" Inosenteng tanong ni Love sa kuya niyang kalalapit lang.
"Oo Love. Aalis na rin kasi sila dito sa atin." Wika naman ni Dimitri na ikinatingin ni Gia.
"Ha? Iiwan mo na ako dito Gia? Akala ko sabay tayong magtatapos ng pag-aaral? bakit biglaan naman?" Malungkot na tanong ni Love, na kahit si Dimitri at nalukungkot sa pag-alis ng pamilya ni Gia.
"Pasensya ka na Love, hindi ko nasabi sayo. Ngayon ang huling araw ng pagtatrabaho ni nanay dito sa bahay ninyo. Nagkaroon ng kontrata sa malaking building ang foreman ni tatay. Kaya naman lilipat kami ng Maynila, doon na rin daw ako mag-aaral sa public school doon." Malungkot na wika ni Gia na ikinayakap naman ni Love dito.
"Sana magkita pa tayo Gia. Alam mo namang ikaw lang ang kaibigan. Pag doon na ako nag-aral ng kolehiyo magkita tayo ha." Masayang wika ni Love, kahit alam nilang nalulungkot ito sa pag-alis nina Gia.
Humarap naman si Gia kay Dimitri. Nakangiti lang ito sa kanya, at sure na mamimiss ni Gia ang magkapatid.
"Dimi mamimiss kita, kayo ni Love. Kayo lang ang hindi nangmaliit sa akin, sa pamilya ko kahit na mahirap lang kami. Hindi ninyo kami itinuring na iba. Kayo lang ni Love ang nakipagkaibigan sa akin, kahit malayong malayo ang agwat ng pamumuhay namin sa inyo." Naluluhang wika ni Gia.
"Ito namang si Gia, di ba parang kapatid na rin ang turing ko sayo. Wala namang ibang magtutulungan kundi tayu-tayo lang. At isa pa, alam mo namang ang mahalaga kay Love ay mahalaga din sa akin. Sana ay hindi ka makalimot sa pag-alis mo dito. Sana naman pag nagkita tayo ay kilala o pa rin ako. Kami ni Love." Masayang wika ni Dimitri na ikinayakap ni Gia dito.
"Bakit kayo lang magkayakap. Isama n'yo naman ako." Nakangusong wika ni Love at pareho silang niyakap ni Dimitri.
Sabay-sabay silang nagtungo sa kusina dahil nandoon ang nanay Gina ni Gia. Nandoon na rin ang tatay Gary nito, na mukhang kadarating lang.
"Sir Dimitri, aalis na po kami. Salamat po sa ilang taon naming paninilbihan dito ay hindi ninyo kami itinuring na iba. Salamat din Ms. Love dahil napakabait mo sa aming anak na si Gia. Kahit na kay Glenda. Hindi lang po iyon nakasama dito at siya ang nag-aayos ng mga gamit namin pagluwas ng Maynila. Masaya po kaming manilbihan sa inyo." Malungkot na sambit ni nanay Gina sa dalawang amo.
Wala ang magulang ng dalawa, hindi din nila alam kong nasaan ang mga ito. Basta ang alam nila ay nasa ibang bansa. Dahil may negosyo ang mga ito doon. Lumaki ang dalawang bata sa pangangalaga ng mga lolo at lola nito. Pero ng pumanaw ng mga iyon, noong isang taon dahil sa katandaan, ay silang mag-anak na ang nakasama ng mga ito.
Stay out sila sa bahay ng mga Sandoval. Nasa halos apat na kilometro kasi ang layo ng bahay ng mga ito sa may bungad. Nag-iisa lang kasi ang bahay ng mga Sandoval malapit sa may bundok. Maganda ang paligid ng bahay at sobrang alaga.
Dahil malaki na rin naman si Dimitri ito na lang ang namamahala sa sakahan ng mga ito, na nasa may bundok. Hindi naman niya kailangang pumunta o mag-ani dahil ang pinagkakatiwalaan ng mga lolo at lola lang nito ang namamahala noon.
Bumibisita lang talaga si Dimitri pagminsan at pagpinapatawag ito ng kanilang taong pinagkakatiwalaan.
Hindi naman sila pwedeng mag stay in doon sa bahay, lalo na at napakalayo noon kung saan pumapasok si Gia at Glenda. Lalakadin lang ni Gia ang school kung saan ito nag-aaral si Love naman ay palaging hinahatid ng kuya nito.
Magkaklase din si Love at Gia, dahil sinagot ni Dimitri ang tuition fee nito para lang may makasama si Love. Dahil ayaw ni Love na mapalayo kay Gia.
Pero ngayong aalis na sina Gia. Naiiyak na naman si Love dahil aalis na ang bestfriend niya.
"Nanay Gina, hindi na po ba talaga kayo mapipigilan? Hindi na po ba magbabago ang isip ninyo ni Tatay Gary? Aalis na talaga kayo kasama si Glenda at Gia." Iyak na sambit ni Love na ikinatawa naman ng dalawang matanda
"Itong batang ito talaga, dadalaw kami pag may pagkakataon. Talaga lamang kailangan naming lumipat. Pag hindi kami susunod kay foreman mawawalan ako ng trabaho." Wika ni Tatay Gary na ikinatango naman ni Love.
"Gia wag mo akong kalilimutan ha. Ikaw pa rin ang nag-iisang kaibigan ko. Ang nag-iisang bestfriend ko." Wika ni Love na ikinayakap naman ni Gia kay Love.
Halos nasa tatlumpong minuto pa ding nagpaalaman ang mga ito, bago sumakay sa tricycle na hiniram pa ni Mang Gary sa kapitbahay ng mga ito.
Malungkot man, ay kailangan ni Gia na harapin ang bagong kapalaran na naghihintay sa kanila sa Maynila.
Pagdating nila ng Maynila ay tumambad kay Gia ang isang maingay na lugar, puno ng usok ang paligid gawa ng iba't ibang uri ng sasakyan. Hindi siya sanay sa ganoong lugar, pero wala naman siyang magagawa.
Mukhang meron na rin silang matitirahan dito, kaya namang sumunod lang siya sa kanyang mga magulang sa paglalakad ng mga ito, habang hawak hawak niya sa kamay ang bunsong kapatid na si Glenda.
Nakarating sila sa isang simpleng bahay. Mas maliit kay sa sa bahay na tinitirahan nila sa probinsya ng San Diego, pero masasabi nilang maayos naman.
Matapos niyang maayos ang gamit nila, ay nagtungo naman sila sa paaralan na kanilang lilipatan. Siguro dahil na rin sa naiisama ng foreman minsan ang tatay Gary nila ay alam na nito ang pasikot sikot sa lugar na iyon.
Malaki ang public school na pinuntahan nila. Kaya naman napakadaming estudyante. Hindi tulad ng sa probinsya na kakaunti ang mag-aaral at magagalang ang mga tao. Dito ay kakaiba. Tingin sa kanila ay hindi maganda. At sa tingin nila ay wala namang gustong makipagkaibigan sa kanila. Pero sabi nga tuloy lang ang buhay. Kung panghihinaan ka ngayon, paano ka na bukas.
Halos nasa ilang taon na ring nasa Maynila ang pamilya ni Gia. Hindi nila lubos akalain na ganoong kahirap ang buhay, kinukulang sila sa panggastos, lalo na at hindi ganoong kalaki ang kita ng kanyang itay sa construction.
Pinatigil din muna siya ng kanyang nanay noong second year high school na siya. Dahil eighteen na naman siya, ay napilitan siyang maghanap ng trabaho.
Wala namang tumanggap sa kanya, dahil ni high school ay hindi siya nakatapos. Habang namamahinga sa isang bench ay may tumabi sa kanya na isang magandang babae. Lalo ng nakapagpalabas ng ganda nito ang simpleng make up at hindi kakapalan.
"Hi, I'm Cara. Mukhang pagod na pagod ka?Halata kasi sa paghinga mo." Wika nito na ikinatingin niya dito.
"Hello, I'm Gia, naghahanap ako ng trabaho. Kaso wala man lang akong mahanap. Hindi din ako matanggap kasi second year high school lang ang natapos ko." Malungkot na saad ni Gia dito.
"Oi Gia girl, gusto mo bang trabaho? Marangal, sa akin lang ang hindi." Wika ni Cara sa kanya.
"Need namin ng waitress sa club. Ako na magsasabi kay Mama Cleng na ganoon lang ang magiging trabaho mo. Unang kita ko pa lang kasi sa iyo. Hindi mo gagawin ang trabaho ko." Dagdag pa ni Cara kay Gia na ikinatitig niya dito.
"Ano bang trabaho mo?" Inosenteng tanong ni Gia.
"Babaeng bayaran. Pero kung ayaw mo. Ikaw ang bahala. Hindi mo naman ako kailangang gayahin. Choice ko ito dahil sa hirap ng buhay. Pero kung may magagawa lang sana ako. Hindi ko ito gagawin." Nakangiting wika ni Cara, na ikinatitig muli ni Gia dito.
Hindi siya lumaking mapanghusga sa kapwa, kaya naiintindihan niya si Cara. Kung pwedeng maging waitress lang siya. Bakit hindi? Pagkakataon na rin niya para makatulong sa pamilya niya.
Hindi masamang trabaho ang maging waitress sa isang bar, o isang club. Ang masama ay ang mga isip ng mga taong mapanghusga.
"Ano go ka ba? O ayaw mo na, kasi maduming babae din ang tingin mo sa akin. Hay." Wika ni Cara na ikinabuntong hininga nito. Na ikinangiti naman niya dito.
"Oo naman, gusto ko ng trabaho. Wala namang problema sa akin. Hindi ako maselan. Mahalaga ay magkaroon ako ng trabaho, na alam ko sa sarili kong kaya ko. Hindi masama ang maging waitress. Ang masama ang mga taong mapanghusga. Hindi din ako nanghuhusga sa trabaho mo. Mahalaga wala tayong inaapakan na mga tao sa paligid natin." Wika ni Gia na ikinatawa ni Cara.
"Iyon oh. Salamat sa hindi panghuhusga. So sasama ka na sa akin?" Tanong ni Cara sa kanya, na ikinatango naman niya.
"Tara na nga. Para maipakilala kita kay Mama Cleng. Pero sabihin mo na kaagad ang ayaw mo ha. Na pagiging waitress lang ang tatanggapin mo. Para walang makapilit sa ayaw mo. Okey." Wika ni Cara sa kanya, na ikinatango naman niya.
Ilang sandali pa ang kanilang pinalipas at sabay na silang naglakad paalis sa bench na kanilang inupuan. Pumara sila ng tricycle, at doon sumakay at nagpahatid sila sa club kung saan si Cara nagtatrabaho.