Chapter 6

1247 Words
Nasa loob ng opisina si Diesel at hindi mawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Ngayon niya balak alukin ng kasal ang nobya. Nagpareserve na siya isang sikat na hotel, para doon idaos ang proposal niya sa dalaga. Mahal na mahal niya si Shara higit pa sa alam nito. Ang buhay niya ngayon ay umiikot lamang sa pamilya niya at sa babaeng mahal na mahal niya. Sa ilang taong, naging magkasintahan si Diesel at Shara ay, nakita talaga ni Diesel ang future niya kasama ang dalaga. Ang mangarap na nakatira sila sa iisang bahay, kasama ang kanilang mga magiging anak. Kahit sabihing sobrang busy niya sa trabaho, at madalang talaga siyang makabawi sa kasintahan na madalas ay ikinatatampo nito ay hindi man lang siya nito inaway o ano man. Bagkus ay palagi na lang siya nitong iniintindi. Napakalaki ng pang-unawa ng kasintahan, sa kanya. Kaya naman labis labis niya itong minamahal. Buhat ng makilala niya si Shara ni minsan ay hindi na siya tumingin sa iba. Ni minsan ay hindi niya ito naisip lokohin. Kahit pa minsan pag nakikihalubilo siya sa mga empleyado at binibiro siya sa iba, ay tinatawanan lang niya ito. Busy lang siya para sa future nila ni Shara. Pero mahal na mahal niya ito. Iyon ang katwiran niya. Habang nakatingin sa kalawakan ng labas ng opisina niya ay hindi niya napansin ang pagpasok ng kaibigan niya. Isang tikhim ang nakaagaw ng kanyang atensyon. "Parang ang saya natin ngayon boss ah." Wika ng isang tinig sa kanyang likuran. "Halata ba masyado?" Wika ni Diesel na napahawak pa sa sariling batok, bago humarap kay Mikel. "Yes, boss. Pag masaya ka kasi palagi kang nakatayo dyan sa pwesto na iyan. Pero pag problemado ka alak ang hawak mo." Nakangising wika ni Mikel, na wala talaga siyang maiitago sa bestfriend niya. "Wala talaga akong maiilihim sayo. Pero masaya talaga ako ngayon. Balak ko na sanang alukin ng kasal si Shara. Alam mo naman kung gaano ko siya kamahal at sa kanya lang umiikot ang buhay ko. Pakiramdam ko nga siya ang aking mundo." Nakangiting wika ni Diesel. Corny man sa pandinig ng iba. Pero sa tulad niyang nagmamahal, walang korni na salita para sa kanya. Hindi naman makapagsalita si Mikel. Hindi niya alam kung anong problema. O kaya naman ay kung may problema sa sinabi niya. "May problema ba? Hindi ka ba masaya sa plano ko?" Nagtatakang tanong ni Diesel kay Mikel. "Umm. Wala naman. Masaya ako sa desisyon mo. Good luck." Nakangiting wika ni Mikel pero hindi naman umabot sa mata. Ilang sandali pa ay nagpaalam na ito at may gagawin pa daw ito. Hindi na lang niya pinansin ang naging reaksyon ng kaibigan. Siguro ay pagod din ito, lalo na at halos sunod-sunod ang trabaho nito. Kasama pa ang ilang beses niyang pagpapasama kay Shara pag busy siyang talaga. Samantalang si Shara naman ay nakatanggap ng isang tawag mula sa unknown number. Tinitigan pa niya itong mabuti. Wala sana siyang balak sagutin ito, pero received call ang napindot niya. Wala siyang nagawa kundi itapat sa may tenga niya ang cellphone niya. Hindi pa siya nakakapagsalita ng marinig ang boses ng nasa kabilang linya. 'Kailangan mong pumunta sa New York Hotel. Seven in the evening. Kung hindi ka pupunta, may mangyayaring hindi maganda. Room 724. Kailangan mo ding isuot ang damit na ipapadala ko sayo.' Hindi man lang siya pinasagot ng kausap ng biglang may kumatok sa pinto ng opisina nila, at bumukas ang pinto. Ang pwesto niya ay ikatlong table mula sa pinto. "Delivery package for Ms. Shara Mendez." Magalang na wika ng delivery boy. "Yes. I'm Shara Mendez." Wika niya sa delivery boy, na ikinalapit nito sa kanya. Dala ang hindi namang kalakihang kahon, at isang paper bag, na naglalaman ng isang kahon ng sapatos. Alam niyang mamahalin iyon at sikat. Pinagtinginan na lang siya ng mga kasama niya. Alam nilang girlfriend siya ng boss nila. Kaya naman ang lahat ay mabait kay Shara. At pati na ang secretary nito ay kaibigan niya. "Please sign here Ma'am." Pinirmahan na lang niya ang itinuro ng delivery boy, bago ito umalis at nagpasalamat sa kanya. Hindi naman nagtanong ang iba lalo na at alam ng mga ito ay galing iyon sa boss nila. Pero hanggang ngayon ay napapaisip pa rin siya kung sino ang mystery caller niya. Para papuntahin siya ng hotel at pinadalhan pa siya ng damit. Ipinagpatuloy na lang niya ang trabaho dahil alas sinko naman ay out na siya may oras pa siyang makarating sa hotel na sinabi ng caller sa tamang oras. At may oras pa din siya para makapag-ayos ng sarili. Pagdating ni Shara sa may hotel ay agad naman siyang nagpakilala sa may information desk. Agad naman siyang sinamahan ng staff ng hotel sa room kung saan sinabi ng caller. Nagtataka man siya bakit parang VIP ang turing sa kanya ng mga ito, at inalalayan pa talaga siya ng babaeng staff. Dahil parang ayaw siyang lapitan ng mga lalaki dito. Mas ok na rin kasi hindi siya maiilang. Kumatok muna ang babaeng staff sa room, 724 bago nito iyon binuksan. Tumambad sa kanya ang sobrang dilim na paligid. Medyo natatakot pa siya. Lalo na ng papasukin siya ng babaeng staff. Aalma na sana siya dahil kinakabahan siyang talaga ng ngumiti ito sa kanya at nagsalita. "Don't be afraid maam just enjoy the moment. And good luck." Malambing na wika ng staff, at tuluyan ng sumara ang pintuan, at naiwan siya sa madilim na kwarto na iyon. Unti-unti man siyang kinakain ng kaba, pero biglang dahan-dahan na lumiliwanag ang paligid. Nabubuhay ang maliliit na ilaw at nakikita niya ngayon ang kabuoan ng kwarto. Mula sa mga pula at puting kurtina ay nagkalat din sa sahig ang mga pulaat puting rose petals. Nagkaroon din ng sindi ang mga electric candle na lalong nagbigay ganda sa loob ng hotel room. Napansin din niya ang isang table for two, na pinasadya para sa isang romantic dinner date, nasa may balkonahe iyon ng hotel room. Nagawi ang mata niya sa may kama, na may nakaayos na rose petals na pa heart at ang nakasulat sa loob nito na 'WILL YOU MARRY ME HONEY? MY SHARA.' Kasama ang isang diamond ring na nakalagay pa sa isang kaheta. Hindi malaman ni Shara ang nararamdaman niya. Masaya dapat siya ng mga oras na iyon. Pero mukha siyang naguhuluhan. Mula sa kanyang tabihan ay nakita niya si Diesel na naka three piece suit at sobrang gwapo nito. Wala siyang tulak kabigin. Napakagawapo ng boyfriend niya lalo na sa suot nito. Gwapo naman talaga ito. Pero ngayon. Sobra talaga. Inalalayan siya ni Diesel palapit sa may kama. Kinuha nito ang kaheta at lumuhod sa harapan niya. "Honey alam kong marami akong pagkukulang sayo, oras, panahon at lahat lahat na. Pero sana ay tanggapin mo ako bilang iyong kabiyak. Bilang iyong asawa. Shara, Honey. Will you marry me.?" Masayang wika ni Diesel kay Shara, na hanggang ngayon ay nakaluhod sa harapan ng kanyang nobya. Hindi malaman ni Shara kung ano ba talaga ang nararamdaman niya ngayon. Pero bago pa mawala ang masayang ngiti ng kanyang nobyo ay sinagot na niya ito. "Yes! Honey. I will marry you." Wika ni Shara na kahit naguguluhan siya alam niyang magiging masaya sila ni Diesel habang buhay. Lalo na at matagal na rin naman na naging sila. En-enjoy nila ang buong sandali sa loob ng hotel room. Sinulit nila ang bawat oras na nandoon sila. Kung may nangyari sa kanila? Wala syempre, gentleman si Diesel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD