Namangha si Gia sa ganda ng club na kanilang pinuntahan. Semi bar and club daw ito sabi ni Cara. Bar na pwede kang uminom at mag relax habang nag-eenjoy sa pakikinig sa mga banda na kumakanta. Pwede ka ding mag request ng kanta pag gusto mo. Madami ding mayayaman na nagtutungo doon para uminom lang or manood sa mga taong nagpeperform na kumanta. Pero sa pinakadulong pasilyo ng club na iyon, doon mismo nagtatrabaho si Cara.
Nandoon ang pina club ng lugar. May mga sumasayaw sa saliw ng malalamyos na kanta. Pero ang waitress, lahat maiikot daw, ang lugar. Mapabar man or mapaclub ng establishment na iyon. Kaya mas nakakapagod kumpara sa nagtatrabaho sa mismong bar, o kaya naman ay sa sumasayaw at nagbibigay ng panandaliang aliw sa club.
Napakalaki nito lalo na ng makita niya. Hindi niya akalaing sobrang laki ng lugar na iyon. Sabagay, magkahiwalay pa naman sa mismong bar ang pinakaclub nito. Napansin din niya ang pangalan ng club. 'PHOENIX.' Sambit ni Gia sa sarili.
Nang isama ni Cara si Gia sa loob ng club kung saan ito nagtatrabaho ay inioffer kaagad ni Mama Cleng dito ang trabaho na katulad ng kay Cara. Pero mariin niya itong tinanggihan. Ni sa hinagap ay hindi niya kayang gawin iyon, kahit pa sabihin niyang naiintindihan niya si Cara.
"Mas mahirap ang magiging trabaho mo Gia pag naging waitress ka lang. Dahil pwede kang dalahin sa mismong bar or mismong club." Wika naman ni Mama Cleng.
"Mas okey na po ang mahirap hindi ko lang po talaga kaya." Nahihiyang wika ni Gia.
"Sa lagay na iyan ay wala akong magagawa lalo na at napakabata mo pa naman pala talaga. Hindi lang mahahalata sa ganda ng hubog ng iyong katawan. Para ka ng nasa twenty pataas. Pero kung titingnan sa mukha mo. Baby ka pa ngang talaga. Ay s'ya kahit kailan mo gusto pwede ka ng magsimula. Isasabak muna kita sa club. Mas mahirap doon ang trabaho. Mas gusto kung isabak ka muna sa mahirap. Kasi pag sa bar, baka umayaw ka ng agad sa club. Syempre palitan din kasi ang mga nagtatrabaho dito." Wika sa kanya ni Mama Cleng na, naiintindihan naman niya.
Nag-usap pa sila sa ilang bagay, aayaw pa sana siya pero mas ok na rin iyon. Mahalaga ay walang mangyari sa kanyang masama. Lalo na at marami namang pwedeng tumulong sa kanya once na may mambastos sa kanya doon.
Nanghihinayang man si Mama Cleng sa desisyon niya ay wala itong nagawa. May isa lang hiniling si Mama Cleng, na kung may magrequest na magtable sa kanya ay dapat pumayag siya. Ang kundisyon lang naman sa pagtatable ay, uupo sa tabi ng customer. Pwede ang akbay, pero hindi pwede ang halik. Pinapayagan din ang hawak sa braso, at beywang, bawal ang sa hita.
Sinigurado din naman ni Mama Cleng sa kanya, basta wag lang siyang mananakit ng customer pag binastos siya, ay siya pa rin ang papanigan nito lalo na at kung lampas sa nagpag-usapan ng ginawa ng customer sa kanya.
Kahit alam niyang nakakailang ay pumayag na rin siya. Hindi na rin daw masama at malaki namang magtip ang mga customer nila. Kung dumating ang time naman na may mambastos kay Gia, ay may nakaaabang naman na bouncer para hindi mapahamak si Gia.
Ipinakilala na rin si Gia sa mga tauhan ng bar na iyon, kaya kahit papaano ay hindi na siya naiilang, pag nagsimula na siyang magtrabaho.
Inihatid naman siya noon ni Cara sa may sakayan. Kailangan niyang magpaalam sa magulang dahil stay in naman ang pagtatrabaho niya. Meron kasing space talaga doon para tirahan ng mga empleyado.
Pagkarating ni Gia sa bahay ay ipinaalam na kaagad niya sa kanyang nanay at tatay ang nangyari sa paghahanap niya ng trabaho.
"Gia naman, alam naming nahihirapan ka dahil hindi ka namin kayang pag-aralin kaya si Glenda na muna ang pinauna namin. Pero anak, kahit ganitong kahirap ang buhay natin, alam namin na hindi maganda ang magtrabaho sa club. Baka mamaya niyan ay mabuntis ka Gia, napakabata mo pa." Nag-aalalang wika ng kanyang nanay.
"Nay, hindi naman po ganoon ang trabaho ko. Waitress lang po ako doon nay." Wika ni Gia na ikinaharap naman ng tatay niya.
"Gia, hindi ka man naming pag-aralin sa ngayon, intindihin mo kami anak. Marami kaming pangarap para sayo, pero anak naman, hindi magandang trabaho ang meron sa club. Pwedeng maging waitress ka ngayon. Paano sa susunod? Gia makinig ka sa nanay mo." May diing wika ng kanyang tatay.
"Nay, Tay makakapag-aral po ako sa umaga, lalo na at isang sakay mula doon ang eskwelahan, sasamahan po ako ng kaibigan ko para makapag-enroll doon. Payagan ninyo na po ako." Pamimilit ng ni Gia sa magulang niya.
"Bahala ka, nagpaalala kami sa iyo Gia, pag may nangyaring hindi maganda sa iyo ay wag mo kaming sisisihin na hindi ka namin pinaalalahanan." Wika ng kanyang ina, na umalis na sa kanyang harapan at sinundan ang kanyang itay.
Napabuntong hininga na lang si Gia, ng makita ang bunsong kapatid na papasok ng kanilang bahay, galing ito ng eskwelahan ng mga oras na iyon.
Sinabi din nito dito ang kanyang pag-alis sa bahay na kanilang tinutuluyan. Tumulong na rin ito sa pag-aayos ng kaniyang mga gamit.
Kinaumagahan ay wala pa ring imik ang kanyang nanay at tatay. Alam niyang masama ang loob ng mga ito, lalo na at hindi niya pinakinggan ang bilin ng mga ito. Wala namang masama sa pagiging waitress lalo na at pwede pa siyang mag-aral sa umaga. Iyon ang hindi maunawaan ng mga magulang ni Gia. Masama man ang loob ay nagpatuloy na lang si Gia sa pag-aalmusal.
Nang makatapos ang kanyang nanay at tatay ay lumabas ang mga ito ng bahay at naupo sa silyang nanduroon.
Makatapos mag-ayos ni Gia ng sarili, bitbit ang may kalakihang bag ay nagpaalam siyang muli sa mga magulang.
"Nanay, Tatay sorry po. Sana po maintindihan po ninyo ako." Malungkot na wika ni Gia, ng kabigin siya ng nanay niya para yakapin.
"Nag-aalala lang kami anak ng tatay mo sayo. Pasensya ka na kung hindi namin kaya na pag-aralin ka kaagad. Pero sana palagi kang mag-iingat. Hindi tulad ng mga lalaki sa probinsya ang mga lalaki dito. Hindi katulad ni Dimitri na kahit yakapin mo, parang kapatid lang ang tingin sayo. Sana ay maunawaan mo anak. Nag-aalala lang kami sayo." Wika ng kanyang nanay na ikinayakap din ng kanyang itay sa kanya.
"Salamat po nanay, tatay, pangako po mag-iingat po akong mabuti. Hindi ko po pababayaan ang sarili ko. Kayo din po mag-ingat dito, pati na rin po si Glenda." Wika ni Gia, na ikinayakap pang muli ng mga magulang niya, pati na rin ni Glenda na kagigising lang.
Ang tatay na rin niya ang nag-abang ng sasakyan niyang tricycle patungong Phoenix.