After ng proposal na iyon ni Diesel kay Shara ay ibinalita agad nito sa mommy at daddy niya ang nangyari. Pati na rin kay Lucas, na masayang masaya para sa kanya. Ang pamilya niya higit sa lahat ang alam niyang unang matutuwa sa pangyayaring iyon. Lalo na at ilang taon na lang mawawala na ang edad ni Diesel sa kalendaryo. Pinipilit din nila si Lucas na maghanap na ng babaeng makakasama sa buhay pero itong anak nila. Wala man lang daw magustuhan. Palagi trabaho at bahay lang. Lumalabas pero si Andrew lang ang malimit kasama.
Napagdesisyunan din nila ang kasal sa lalong madaling panahon. Hindi naman makakarating ang pamilya ni Shara, lalo na at may maliit na business ang mga ito. Pero ang pangako nilang pag ikinasal silang dalawa sa Pilipinas ay sisiguraduhin nilang lahat ng kamag-anak ng pamilya ni Shara ay makakapunta.
Sa Judge muna nila napagdesisyonang ikasal. Wala namang reklamo si Shara. Ilang araw na rin niya itong napapansin na matamlay. Pagtinatanong naman niya kung kumusta ang pakiramdam nito. Palagi nitong isinasagot ay 'okey lang.' Nag-aalala din naman siya sa kalagayan ng dalaga. Pero hindi naman ito magsabi kung may problema ba? O kaya ay kung may sakit itong nararamdaman.
Isang beses na pinuntahan niya ito sa bahay na tinutuluyan nito ay nakita pa niyang nagsusuka si Shara, na labis niyang ipinag-alala. Gusto sana niya itong dalahin sa ospital pero tumanggi ito at may nakain lang daw itong hindi maganda noong nagdaang gabi. Kahit ilang pilit niyang uminom ito ng gamot ay ayaw naman. Kaya inalagaan na lang niya si Shara, hanggang sa bumuti ang pakiramdam nito.
Malapit na ang kasal nila at nais sanang puntahan ni Diesel ang nobya. Binilhan pa niya ito ng chocolate at bulaklak na paborito nito. Kahit naman ikakasal na sila, gusto pa ring iparamdam ni Diesel kung gaano niya ito kamahal. Ang panliligaw sa araw-araw ay hindi masama. Mahal niya naman kasi ng totoo.
Bababa na sana siya ng sasakyan, nang mapansing pumara ito ng taxi. Wala namang sinabing lakad si Shara sa kanya, kaya hindi niya alam kung ano ang dahilan niya, at ngayon ay nakasunod na siya sa taxi na sinakyan ng kasintahan. Hindi naman siya napapansin na sumusunod lalo na at malayo ang pagitan niya sa taxi.
Nangunot ang noo ni Diesel ng tumigil ang kotseng sinakyan ni Shara sa tapat ng condo kung saan nakatira si Mikel. Lingid sa kaalaman ng dalaga, na sinusundan na siya ni Diesel.
Pagkapasok ng building ni Shara hindi naman ito hinarang ng mga gwardiya, malamang ay kilala na ito ng mga ito. Siya man ay hindi na rin pinigil dahil kilala na siya at may access siya doon galing kay Mikel.
Naunang pumasok si Shara sa elevator. Walang ibang sakay. At nakita niya ang floor na pinindot nito ay ang floor kung saan nakatira si Mikel. Ayaw niyang mag-isip ng hindi maganda. Kaya kahit kinakabahan si Diesel ay pinilit niyang pakalmahin ang sarili. Sumakay siya sa isa pang elevator, at pinindot ang floor kung nasaan ang unit ni Mikel.
Pagkarating niya sa tapat ng unit nito. Magdoorbell sana siya ng marinig ang boses ni Shara na umiiyak, lalo na at may maliit na awang, at kitang kita ang dalawa na magkayakap. Kahit gusto na niyang pasukin ang unit ni Mikel ay pinigilan niya ang kanyang sarili.
"Shara, calm down. Alam kong mali ang namagitan sa atin noon. Lasing ako." Dinig ni Diesel na sinabi ni Mikel.
"Pero Mikel, nag-enjoy ka din naman noon di ba? Ilang beses nating inulit iyon. Hindi kaya ng konsensya kong si Diesel ang umako ng kasalanan ko. Minahal ko si Diesel. Pero hindi ko na kayang dagdagan pa ang kasalan ko." Wika ni Shara na ikinatikom ng kamao ni Diesel.
"Kaya kitang panagutan. Minahal kita kahit mali, nahulog din talaga ang loob ko sayo. Pero hindi ko kayang saktan si Diesel. Kaibigan ko iyon. Pero dahil sa isang gabi na iyon, ako din ang sumira ng lahat." Dagdag pang sambit ni Mikel, na mas ikinatindi ng galit ni Diesel.
"Buntis ako Mikel. Six weeks. Hindi ko alam na buntis na ako, bago pa ang proposal ni Diesel. Kung alam ko lang sana hindi ko tinanggap. Matagal ding naging kami. Minahal ko s'ya, totoo iyon. Pero hindi ko napigilan ang damdamin kung umuusbong tuwing kasama kita at si Diesel na walang oras sa akin." Umiiyak na wika ni Shara, na ikinayakap ni Mikel dito at ikinahalik sa may noo.
Kitang-kita ni Diesel ang care ni Mikel kay Shara. Malaki ang kasalanang ginawa ng dalawa sa kanya. Napansin din niya ang mga titig ni Shara sa kaibigan niya noon pero hindi niya nabigyan ng pangit na kahulugan, lalo na at akala niya kaibigan lang din ang tingin dito ni Shara.
'Ganoon bang kalaki ang pagkakamali ko para g*aguhin nila akong dalawa ng harap-harapan. Kaya nila ako napagtaksilan?!. Para sa future namin ang pagsisikap ko. Iginalang ko s'ya. Pero mas ginusto na niyang magpabuntis sa iba. Sa kaibigan ko pa. Tss.' Wika ni Diesel sa sarili, ng bigla niyang itulak ang pintuan ng condo unit ni Mikel.
Gulat naman ang mukhang, bumalatay sa dalawa. Lalo na at magkayakap pa si Mikel at Shara ng mga oras na iyon.
"H-honey." Nauutal na sambit ni Shara.
"Tss! Honey? Natawag mo pa talaga akong ganyan, sa kabila ng panlolokong ginagawa ninyong dalawa. Sana man lang sinabi ninyo kaagad. Para hindi naman ako nagmukhang tanga.!" Mapait na wika ni Diesel na ikinaharap kay Mikel.
"Akala ko kaibigan kita. Iyon naman pala, ikaw pa ang ahas, na gagapang sa babaeng iyan.!" Mariing sambit ni Diesel na ikinaturo kay Shara.
"At ikaw naman. Iginalang kita. Sa ilang taong naging tayo. Minahal kita. Tapos noong araw ng tinanong kita kung pwede kitang pakasalan, sana noon pa lang sinabi mo nang may nangyari na sa inyo ng ahas kong kaibigan!. Pinagkatiwalaan ko kayo, pero ano itong ginawa ninyo. Sana sinabi mo man lang na ayaw mo na. Hindi iyong pagmumukhain ninyo akong tanga! Pero mabuti na rin na nalaman ko kaagad ang katarantaduhang ginawa ninyo sa akin. Mas masakit iyong ikasal ako sayo, saka ko pa malalaman na g*nago n'yo pala akong pareho.!" Mariing wika ni Diesel, na hindi na ikinaimik ng dalawa.
Napaupo na lang si Shara sa sahig habang umiiyak. Malaki ang kasalanan niya kay Diesel. Alam naman niya iyon. Ganoon din si Mikel. Alam niya sa sariling mali ang ginawa nila sa kaibigan niya. Pero nagmahal lang din naman siya. Mali man ang pamamaraan niya. Pero sana dumating ang panahon na mapatawad sila nito. Silang dalawa ni Shara.
Pagkaalis ni Diesel ng condo unit ni Mikel ay nagtuloy agad siya sa bahay nila. Pinuntahan niya kaagad ang bar station na nandoon lang sa loob ng bahay nila. Uminom lang siya ng uminom hanggang sa malasing ng lubusan.
Kinabukasan ay kinompronta kaagad siya ng kanyang daddy Rodrigo kung ano ang nangyari. Doon na niya simulang ikwento ang panggag*go ng bestfriend niya at ng nobya niya.
Tinawagan din nito ang asawa para naman, mapaliwanagan ang anak nila ngayong nilulunod ang sarili sa alak. Ipinakausap din ng mga ito si Diesel kay Lucas. Pero parang wala itong pakialam.
Isang linggo mula ang nalaman ni Diesel ang panggag*gong ginawa ni Shara at Mikel ay nagpasa na ng resignation letter ang dalawa. Nabalitaan din niyang nagpakasal agad sa huwes ang dalawa at lumipad patungong California.
Halos tumira din si Diesel sa mga night club at ilang beses na nilang nanghuli na may kasamang iba't ibang babae. Hindi ganoon si Diesel. Kaya naalarma sila sa pwedeng kahinatnan nito. Kaya nagpasa sila na kausapin ito ng masinsinan.
Sa sobrang sakit na nararamdaman, ay pinagbakasyon muna siya ng daddy Rodrigo niya sa Pilipinas. Ayaw naman niya sana, pero pinilit na rin muna siya ng mommy Antonia niya at ni Lucas. Mas makakatulong daw sa pagmomove on ang ibang ambiance, at hindi ang alak at iba't ibang babae ang kasagutan.