Chapter 11

1310 Words
Isang buwan mula ng mangyari ang namagitan kay Diesel at sa babaeng hindi niya kilala, ay wala namang naghanap sa kanya. Inaasahan niyang magtatanong ito sa counter ng bar. Dahil sure niyang iniisip din ng babae na magbabayad siya doon. Pero wala namang naghanap sa kanya. Kaya naisip niyang baka naman hindi nagbunga ang isang gabi nila ng babaeng iyon. Kaya naman dahil sa walang tumawag o naghanap sa kanya ay nagpasya na muli si Diesel na bumalik ng U.S. Mas gusto pa niyang ubusin ang oras niya sa trabaho kay sa mag-isip sa kung anu-anong bagay. Kung tutuusin ay hindi pa rin nawawala ang sakit na dulot ng ginawang panloloko ni Shara at Mikel sa kanya. Pero pakiramdam niya, mas hinahanap hanap pa rin niya ang presensya ng babaeng iyon, kaysa isipin pa si Shara at Mikel. Nakakapagtaka lang, ni hindi niya maalala ang itsura nito. Pero pakiramdam niya ay nakuha ng babaeng iyon ang buong atensyon niya. Sinubukan ulit niyang pumunta sa ibang bar, at magdala ng ibang babae pero walang epekto sa kanya. Hindi man lang makapagdala ito ng kilabot sa katauhan niya. Kaya nauuwi lang sa isang sampal ang lahat. Isang sampal dahil nagagalit lang ang babaeng isinasama niya, dahil wala namang nangyayari sa kanila. Magagawa ba niyang nawawalan na siya ng gana, sa mga babaeng nakakasalamuha niya ngayon, mula ng gabing iyon. Dahil sa magulong pag-isip at pangyayari, naging routine na ni Diesel ang papasok sa trabaho, uuwi sa bahay at iinom. Paulit-ulit lang. Walang nakakaalam kung kailan ang katapusan, ng misteryo niya sa buhay, kung misteryo bang matatawag ang magulo niyang nararamdaman. Sa loob ng ilang taon, hindi na malaman ni Diesel kung gaano ng karaming alak ang naging sandigan niya, para lamang makalimot sa sakit. Pero habang tumatagal, hindi na niya malaman kung gawa pa rin ba iyon ng sakit na dulot ni Shara. O kaya naman ay ang alaala ng babaeng iyon na hindi man lang niya nakilala. Iniisip niya ang mukha ng babaeng kaniig niya noong gabing iyon. Pero wala talaga siyang maalala. Si Shara talaga ang naaalala niyang mukha. Pero dahil alam niyang imposible iyon lalo na at nagdadalang tao na ito, noon. Wala talaga siyang idea, kung sino ito. Pero masasabi niyang maganda ang hubog ng katawan ng babaeng iyon. Iyon lamang, bakit ba kasi si Shara lang nakikita niya noon. Kahit galit siya dito. Minahal naman talaga niya ito noon. Nasa opisina siya ngayon ng kumustahin niya si Lucas. "Oi kuya, napatawag ka? Miss mo na agad si Daddy? Kami ni mommy namimiss mo?" Asar na wika ni Lucas na ikinatawa naman ni Diesel. "Hindi ko kaya kayo namimiss kaya nga tumatawag ako ngayon sayo, Tss." Sagot ni Diesel na ikinatawa din ni Lucas. Madami silang napagkwentuhan, tungkol sa trabaho at business. Isang beses ding nabanggit ang tungkol kay Lyka, pero hindi nila gaanong napagtuunan ng pansin na pag-usapan. "Sa nga pala kuya, kailan ka magbabakasyon dito sa Pilipinas, may ipapakilala ako sayo." Masayang wika ni Lucas na ikinakunot naman ng noo ni Diesel. "Kung babae lang iyang ipapakilala mo. Thanks but no thanks na lang bro. Hindi ko need ng babae. Naka move on na ako. Sa nangyari dati. Okey na ako. And I'm happy being single." Wika ni Diesel na ikinatawa ni Lucas. "Kuya, mas matanda ka pa sa akin ng isang taon aba kailangan mo ng bumuo ng pamilya. Hindi ka sa pabata. Kaya sure na magugustuhan mo iyong ipapakilala ko sayo." Saad ni Lucas na seryosong ikinatingin ni Diesel sa screen ng laptop niya. "Lucas Dimitri. Aba'y kung makapagsalita ka, akala mo ay may balak ka ng mag-asawa ah. May babae na bang bumihag sa pihikan mong puso.?" Tanong ni Diesel na ikinangiti lang ni Lucas. "Aba nga naman binata ka na bro. Ayos yan. Pero iyong ipapakilala mo sa akin. Pass ako d'yan. Masaya na ako, kung ano lang ako ngayon. Single but happy." Seryosong wika ni Diesel kay Lucas, na ikinatitig lang ni Lucas dito. "Uwi ka kuya ng magkabonding naman tayong lahat. Ipapakilala ko s'ya sayo. Saka ko na sasabihin kung sino s'ya, basta umuwi ka muna. At iyong ipapakilala ko sayo. Promise baka pag nakita mo s'ya, sabihin mo naman, she's your the one na." Sambit pa ni Lucas na ikinailing pa ni Diesel. "Malalaman natin." Wika pa ni Diesel bago nag-paalam kay Lucas, dahil dumating si Mrs. Maureen at ipinaalalang may meeting pa siya. Makalipas ang mahigit isang buwan, ay ngayon lang si Diesel nakatanggap ng tawag mula sa pamilya. Alam niyang busy siya sa trabaho, kaya hindi din niya namalayan na halos mahigit isang buwan na pala niyang hindi nakakausap ang mga ito. Pagkasagot niya ng tawag, ay napansin niyang umiinom si Lucas. Napansin din niyang napapadami na ang inum nito, dahil sa pamumula ng mga mata. "Hey, bro may problema ba?" Tanong niya dito. Hindi naman umiinom si Lucas ng walang okasyon pero ngayon kahit mag-isa, tumutungga ng alak. "W-wala naman k-kuya, na m-miss lang kita. G-gusto ko sanang magbakasyon dyan saglit ng m-makasama ka naman namin ni mommy. Naiinip ka ba dyan na wala si Daddy?" Na uutal na wika ni Lucas dahil sa dami na ng nainum nito. "Okey yan bro. Kailan ba ang balak ninyong pumunta dito. Iwan n'yo na lang kasi muna saglit kay Mandy ang company. Mapagkakatiwalaan naman ang isang iyon. Pero anong problema mo? Ramdam na ramdam ang bigat ng pinuproblema mo eh? May nangyari ba? May ginawa ka bang hindi maganda? May gumawa sayo ng masama?" Tanong ni Diesel, na ikinatawa lang ni Lucas. "Tama ka kuya, mapagkakatiwalaan naman ang sekretarya ko. Sasabihin ko agad kay mommy na, magbakasyon muna kami dyan. Gusto ko talagang makasama ka naman kuya. Namimiss na kita." Sagot ni Lucas, na hindi man lang nito sinagot ang mga tanong ni Diesel, na lalong ikinaisip niya, kung ano ang nangyari sa Pilipinas. Sigurado siyang mayroong problema, lalo na at ngayon lang ito natuwa na magbakasyon. Na dati naman ay hindi nito ginawa. Dahil mas katwiran pa nitong, hindi siya yayaman kung puro bakasyon. Makalipas ang isang linggo ay dumating sina Lucas at Mommy Antonia niya. Kasama na rin ang daddy Rodrigo nila na galing sa bakasyon sa Pilipinas. Nang magkakwentuhan sila ni Lucas ay doon lang nalaman ni Diesel na kasama pala ng Daddy Rodrigo niya pagpuntang Pilipinas si Lyka Reyes, kaya pala nabanggit ito noon ni Lucas ng minsang magkausap sila. Si Lyka nag-iisang anak ni Mauricio Reyes. Nais nitong ipakasal ang anak kay Lucas. Pero ang nangyari ay ayaw talaga dito ni Lucas, kaya naman hindi natuloy ang kasal na balak sana. Nag-iinuman sila ngayon ni Lucas sa may balkonahe, ng mapansin niyang lasing na si Lucas. Ginawa na nitong tubig ang alak kaya mabilis na malasing. Tatapikin sana niya ito, dahil mukhang natutulog na. Nang sambitin nito ang pangalang Anna. Hindi naman niya pinansin, baka iyon lang ang babaeng itinatangi ng kapatid niya. Pero nang mapansing umiiyak na ito ay ginising na niya si Lucas. Hindi alam ni Diesel kung anong nangyayari lalo na at wala namang sinasabi ang mga ito sa kanya. Ayaw din naman niyang magtanong pa dahil ayaw na niyang makagulo pa sa problema. Kung nais ng mga ito na sarilihin muna kung ano man iyon. Pero kung magkaroon ng pagkakataon na gusto ng mag-open ni Lucas at ng mommy at daddy niya sa problema, ay willing naman siyang makinig at tumulong, para masulosyonan kung ano man ang pinagdadaanan ng mga ito. Pero sa dalawang buwan na kasama ang pamilya. Ay naging tahimik ang mga ito, at tuloy lang ang trabaho. Pero dahil makulit si Lucas at ayaw umuwi ng Pilipinas ay napapayag siya nito. Hindi naman nila pwedeng ipaubaya kay Mandy ang lahat, kaya naman ngayon ay inaayos niya ang mga gamit niya na pwedeng magamit, na dadalahin, pauwi ng Pilipinas. After six years makaktungtong siyang muli ng Pilipinas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD