Chapter 4

1137 Words
Mula ng niligawan ni Diesel si Shara ay mas lalong naging pursigido si Diesel para matutunan ang paghahandle ng company. Para sa kanya, nais niyang mabigyan ng magandang buhay si Shara, na karapat-dapat dito. At sa pamilyang bubuoin nila. Pero ng naging girlfriend ni Diesel si Shara, ay mas lalong naging busy naman si Diesel sa paghawak ng kompanya. Sabi nga dahil sa napakagandang inspiration ay mabilis siyang nakarating sa tuktok ng tagumpay. Sa ilang taon ng pagiging empleyado sa kanilang kompanya, ay napatunayan niyang malayo ang mararating ng kompanya kung siya na ang hahawak nito. Napag-usapan na rin ng mag-asawang Rodrigo ang kanilang balak. Kasama ang miyembro ng board member ng company. Itinayo si Diesel na CEO ng daddy Rodrigo niya sa De La Costa Shipping Lines. Aayaw pa sana siya, pero magtatampo daw ito. Lalo na at si Lucas na rin ang humahawak ng Shipping Lines sa Pilipinas. Nakaupo lang si Diesel sa kanyang swivel chair at busy sa pagpirma ng mga documents na kailangan ng approval niya. Sa labas ng opisina niya, ay busy sa pagtitipa sa kanyang computer si Mikel, ng may marinig na isang tikhim. Na nag-paangat ng kanyang paningin. Doo ay nakita niya ang napakagandang si Shara. "Hi, Ms. Mendez." Magalang na bati ni Mikel. "Hello, Mr. Lopez. Mukhang busy na naman ang boss mo ah? Ilang beses ng hindi natuloy ang date namin." Reklamo ni Shara na ikinatawa naman ni Mikel. Binigyan na rin niya ito ng upuan, na ikinaupo naman nito ng pabagsak. Na lalong ikinatawa ni Mikel. "Gusto mo bang ipagpaalam ko kay boss na may bisita s'ya. Na may magandang babae ditong nagtatampo sa tabi ko." Wika ni Mikel na lalong ikinguso ni Shara. "Sa totoo, nagleave ako ngayong araw, sabi n'ya kasi, babawi s'ya sa akin. Pero sa totoo lang duda talaga ako. Kanina pa kasi ako sa baba. Sabi niya ay dadaan lang daw siya dito hanggang nine ng umaga. Kaya umakyat na rin ako kasi tingnan mo naman ang oras." Wika ni Shara na ikinaharap ni Mikel sa wall clock na nakasabit sa pader ng opisinang iyon. Halos mag-aalas dose na rin kasi ng tanghali. Napailing na rin naman kasi si Mikel, dahil buhat ng naging CEO si Diesel ay hindi na gaanong nagkaroon ng oras sa sarili at kahit sa girlfriend nito, na naging kaibigan na rin niya. Akmang tatayo si Mikel, ng pigilan siya ni Shara. Na ikinapagtaka niya. Umiling naman ito kay Mikel. "Wag mo ng tawagan. Ayaw ko namang, ako ang maging dahilan para hindi maging maayos ang trabaho niya. Alam kong mahalaga itong company nila, lalo na at dito din ako nagtatrabaho. Kaya okey lang." Nakangiting wika ni Shara na kita naman ni Mikel na hindi man lang umabot sa mata. Nang mag-alas dose na ng tanghali ay pinuntahan na ni Mikel si Diesel para ayaing kumain. Nakita nilang busy pa rin ito. Pero si Shara na ang nagsalita na nakaagaw ng pansin nito. "Honey." Wika ni Shara na ikinaangat ng ulo ni Diesel. "Oh! Sh*t! Honey, I'm sorry. Need kasi ni Daddy itong mga documents na ito kaya hindi ko magawang baliwalain. Sorry talaga. Kasalanan ko. Nawala sa isip ko na tawagan ka. Hindi ko sinasadya." Sambit ni Diesel na ikinatayo nito bigla at lumapit kay Shara. Niyakap ito ni Diesel at binigyan ng isang halik sa noon. "Okey lang naman, aayain sana kita. Kahit kumain na lang tayo ng sabay ngayon." Malungkot na wika ni Shara na ikinatingin naman ni Diesel sa suot nitong relo. Na ikinabuntong hininga nito. "I'm sorry Honey, I can't. Need ni Daddy ito ng one o'clock. Promise babawi ako sayo sa susunod. Mikel, pwede bang samahan mong kumain si Shara. My treat, here's my card. Kahit saang restaurant. Hmmmmm." Wika ni Diesel na ikinabuntong hininga naman ni Shara, at napakamot naman ng ulo si Mikel. "Kung hindi ko lang talaga kayong kaibigan na dalawa. Pero salamat dito sa treat ha. Two and half hours break. Hindi na masama. Anong pagkain ang gusto mo. Ibibili na rin kita. Gamit ang pera mo." Nakangising wika ni Mikel na ikinatawa naman ni Diesel. Kahit masama ang loob ni Shara ay natawa na rin siya sa dalawa. "Basta bumawi ka ha. Nagleave ako ngayon para sayo. Tapos ganito. Ni ang makasabay ka sa pagkain, hindi man lang nangyari. Bakit kaya ang unfair naman ng Mr. CEO na ito. Napakadaya." Nagtatampong wika ni Shara, na ikinatawa naman ng dalawa. "Sorry talaga Honey. Hmmm. Leave with pay for you Honey. Treat yourself, and you too Mikel. Wala namang limit yan. Enjoy lang kayo. Babawi ako sa sunod Honey. Please...... Promise." Masuyong wika ni Diesel kay Shara, na ikinatango na lang nito at ng balingan niya ng tingin si Mikel ay nakasaludo pa ito sa kanya na ikinatawa niya. Inalalayan naman ni Mikel palabas si Shara. Nagpaalam pang muli si Mikel, bago isinara ang pinto ng opisina niya. Si Diesel naman ay bumalik sa pagkakaupo sa harapan ng table niya. Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng katok at pumasok naman ang secretary ng daddy niya na si Mrs. Maureen at may dala na naman itong mga folder na dapat niyang basahin at pirmahan. "Hi, Sir. Diesel alam kong sobrang busy at madaming trabaho, kaso need po ito ng daddy ninyo." Wika ni Mrs. Maureen na ikinabuntong hininga niya. "Walang problema Mrs. Maureen kailangan nating ayusin trabaho natin, hindi lang para sa amin kundi para sa ating lahat. Hindi lang naman po ako ang napapagod pati na rin po kayong lahat. Kaya naman po tumatag ang kompanyang ito at dahil po sa pagtutulungan nating lahat, at hindi po dahil sa iisang tao lang. Salamat po." Magalang na wika dito ni Diesel na ikinagiti naman ng kaharap. Matapos ilagay ni Mrs. Maureen ang mga dala niyang folder ay lumabas na rin ito ng opisina niya lalo na at lunch break na rin. Sa dami ng trabahong nakatambak sa lamesa ni Diesel ni ang magutom ay hindi na niya maramdaman. Habang nasa labas naman si Mikel at Shara, ay hindi nila napapansin ang pagiging malapit nila sa isa't isa. Sa mga panahong walang oras si Diesel sa girlfriend niya, ay siya naman ikinabubukas ng pintuan ng pagkakalapit nito kay Mikel. Single naman si Mikel at wala namang problema sa kanya kung palaging samahan si Shara. Wala ding malisya para kay Mikel ang lahat ng ipinapakita niyang kabaitan sa dalaga, lalo na at kaibigan na rin naman niya ito. Pero sa kanilang sitwasyon, hindi malaman ni Shara kung bakit biglang nagkakaroon siya ng kakaibang damdamin para sa kaibigan ng boyfriend niya na hindi niya maipaliwanag. Alam niyang mali at pinipigilan naman niya ito hanggat makakaya. Hindi siya gagawa ng hakbang para lang magulo ang sitwasyon nilang tatlo. Ayaw naman niyang maging dahilan siya para masira ang pagkakaibigan na mayroon ang mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD