Mula ng malaman ng pamilya ni Gia ang kalagayan niya ay hindi na siya muling bumalik ng bahay nila. Alam niya ang galit ng mga ito sa kanya, kaya ayaw na muna niyang dagdagan pa.
Nagtagal pa siya ng ilang buwan sa Phoenix bilang waitress pero wala namang lalaking bumalik para hanapin siya. Nakakatawa man. Ano nga bang iisipin ng lalaking iyon. Nagtatrabaho siya sa bar, malamang iisa lang ang tingin sa kanila nito, ay mga mabababang uri. Mga babaeng bayaran.
Dahil sa pagkakaroon ng kaunting laman, dahil tumataba na si Gia, dala ng kanyang pagdadalangtao, ay napilitan si Gia na umalis ng Phoenix. Dinahilan lang niya, kay Mama Cleng na medyo mahirap na pagsabayin ang pagiging waitress at graduating na siya. Naiintindihan naman iyon ni Mama Cleng kaya naman pinayagan na siya nito.
Pero sa totoo, hindi na niya nagawang pumasok pa sa school, buhat ng magdalang tao siya. Dahil hindi na kayanin ng katawan niya, ang pagod after ng magdamag na trabaho. Nakakapanghinayang man. Wala na rin siyang nagawa.
Si Cara lang ang tunay na nakakaalam ng sitwasyon niya. Si Cara din ang tumulong kay Gia, para naman makahanap ng malilipatan at mura lang ang renta. May naipon naman siyang pera, sa ilang buwan pa niyang itinagal sa Phoenix. Pwede na rin iyong pang simula, para makahanap ulit ng ibang trabaho.
Natanggap si Gia sa isang fastfood kahit na nahahalata na ang kanyang tiyan. Hindi iyon naging hadlang para hindi siya tanggapin. Naawa kasi ang manager ng fastfood kay Gia. Kaya sinabi din nito na pagnanganak si Gia, ay pwede pa rin itong bumalik sa trabaho, na lalo namang ikinatuwa ni Gia.
"Nay Tessie, sayo ko po muna ulit iiwan si Gael ha. Papasok na po ulit ako sa trabaho." Sambit ni Gia, matapos tumawag sa nakasaradong pintuan sa tapat ng bahay na tinutuluyan nila ni Gael.
Bigla namang bumukas ang pintuan, at lumabas ang matandang dalaga na palaging pinag-iiwanan ni Gia kay Gael. Mabait si Nanay Tessie. Ito ang naging sandalan niya noong panahong, umalis na siya sa club. Ito din ang naging katulong niya kay Gael, pag nasa trabaho siya.
"Ikaw talagang bata ka. Ay syempre naman. Napakabait pa naman nitong si Gael. Pag oras na ng pagtulog abay hindi mo na kailangang pagsabihan nagkukusa na. Kaya wag kang mag-alala. Willing akong alagaan itong bata na ito." Wika naman ni Nanay Tessie sa kanya.
"Sabi ko sayo nanay di ba po? Mabait po ako kay Lola Tessie." Nakangiting sambit ni Gael na ikinatawa naman ni Gia.
"Oo na nga po. Ikaw po ang pinakamabait at pinakagwapo kung anak. Ganoon din si nanay Tessie ikaw ang pinakagwapo at pinaka mabait niyang apo. Hmmm." Malambing na wika ni Gia na ikinanguso naman ni Gael.
"Bakit naman pogi naming baby?" Dagdag na tanong ni Gia.
"Paano pong hindi ako ang magiging pinaka mabait at pinakagwapo ay ako lang naman po ang anak mo nanay. Wala ka naman pong pagpipilian." Wika ni Gael na ikinatawa naman niya at ni nanay Tessie.
"Ang anak ko talaga. Ay s'ya nay aalis na po ako baka malate na po ako. At iyong pangako ko sayo bukas. Kakain tayo ng ice cream kasi birthday mo." Wika ni Gia na ikinayakap pa ni Gael sa kanya.
"Thank you nanay." Masayang wika naman ni Gael"
Kinabukasan ay nagtungo sila ni Gael sa mall. Kahit pang window shopping lang ang meron silang mag-ina ay masayang masaya na si Gael na makapamasyal. Minsan lang iyong mangyari kaya naman sinusulit ni Gael pag nagmamasyal sila. Nasa bookstore sila ngayon ni Gael, ng hindi niya napansin na nawala na ito sa kanyang tabi.
Binundol naman ng kaba si Gia ng hindi niya ito makita, ng mahagip ng kanyang mga mata ang naiinis na sales lady at ang kanyang anak na buhat-buhat ng isang lalaki.
Hindi niya malaman ang gagawin lalo na at nalaman niyang nakasira pala ng libro ang kanyang anak. Hindi naman niya iyon kayang bayaran kaagad lalo na at masyadong mahal ang libro. Doon niya nalaman na ang lalaking may buhat sa kanyang anak ay ang may-ari ng mall.
Noong una ay natakot talaga siya kasi baka ipakulong siya nito lalo na at wala siyang pambayad pero nakahinga siya ng maluwag ng bayaran nito ang librong nasira ni Gael, at dinala pa sila nito sa opisina nito.
Pinilit din siya nitong umalis na sa trabaho at maging katulong na lang sa bahay nila. Noong una ay ayaw sana niya. Lalo na at hindi niya alam kung saan iiwan si Gael. Pero ng sinabi nito na stay in sila kasama si Gael na sinang-ayunan pa ng kaibigan nito. Kaya naman ay pumayag na rin siya. Masaya siya sa kahit na anong trabaho. Mahalaga ay kasama niya ang kanyang anak.
Bumalik sila ng bahay, para magpaalam kay Nanay Tessie. Nakakalungkot mang iwan ang matanda ay wala naman siyang magawa. Mas magiging maayos kasi kung magkakasama sila ni Gael at hindi na niya kailangang umalis tuwing gabi para magtrabaho.
Pinuntahan din niya ang fastfood kong saan siya nagtatrabaho. Dahil sa loob ng ilang taon. Ang mga ito ang naging kasama niya. Kahit papano ay naging maayos ang pagpapaalam niya. Lalo na at sa trabaho niya ngayon ay kasama na niya si Gael.
Matapos nilang idaan sa tinutuluyan nito ang kaibigan ni Sir Lucas na si Sir Andrew ay pupuntahan na daw namin kung saan ito nakatira. Matagal din ang naging byahe namin.
Pumasok sila sa isang kilalang subdivision. Malalaki ang mga bahay dito. Pagpasok pa lang sa gate ay namangha na kaagad si Gia sa laki ng bahay ng mga ito. Nakilala din niya ang mga katulong doon at nakita din niya ang mommy ng kanyang boss. Hindi naman niya ito nakausap lalo na at dinala siya ng mga kasama niyang katulong sa silid kung saan sila ni Gael matutulog.
Maganda ang kwarto at malinis. Nahiya pa siya at sila lang mag-ina ang ookupa sa kwartong iyon. Habang sabi ni Manang Fe, ito at si Liza at may isa pa si Anna ay sama-sama sa isang kwarto, kaya naman nahiya siya na sila lang ni Gael ang matutulog sa kwartong iyon. Pero sabi ni Manang Fe na mas okey na iyon ng komportable si Gael.
Kaya naman mas lalong natuwa si Gia, hindi niya akalaing màbabait ang mga taong natagpuan niya ngayon. Masaya siyang hindi man lang siya nakakita ng panghuhusga kahit sabihing may anak na siya, sa pagkadalaga at dating waitress sa club.
Samantalang magkausap si Lucas at si Maam Antonia sa library tungkol sa pagsasama ni Lucas kay Gia sa bahay.
"Sino anak ang babaeng kasama mo?" Tanong ni Mrs. Antonia sa anak.
"Nakita ko siya sa mall, at ang anak niyang si Gael ay pinapagalitan ng isang sales lady dahil nakasira ng libro. Tapos naawa ako dahil walang pambayad ang nanay ng bata na si Gia. Birthday pa ngayon ni Gael." Paliwanag ni Lucas na ikinatango pa ni Mrs. Antonia.
"Kaya sinama mo na lang ang mag-ina dito? Hindi ako naniniwala na iyon lang ang dahilan mo anak. Magsabi ka sa akin ng totoo Lucas. Anak mo ba ang batang iyon? Naanakan mo ba iyong si Gia?" Tanong ni Ginang Antonia na wari mo ay tuwang-tuwa kung sasabihin niyang anak nga niya si Gael. Pero nagkakamali ang mommy niya.
"Sisirain ko na ang pangarap mo mommy. Hindi ko anak si Gael. Pero baka matuwa ka pa rin sa nalaman ko." Seryosong wika ni Lucas. At nakikinig lang naman ang mommy niya.
"Remember, ang kwento ni kuya Diesel, na may babae siyang nakasama sa Phoenix. Tapos sabi niya akala niya talaga ay babaeng bayaran. Tapos hindi niya maalala ang mukha,kasi si Shara lang nakikita niya noon?" Kwento ni Lucas na ikinatango lang naman ng Ginang.
"Ano namang connection noon anak, doon sa babaeng kasama mo na may anak pang dal-." Hindi natapos ng Ginang ang sasabihin dahil sa gulat. Si Lucas naman at tumango dahil gets na niyang nakuha na ng mommy niya ang ibig niyang sabihin.
"Yes mommy. Gia and kuya Diesel have a same story. Sabi ni Gia tinulungan lang daw niya iyong lasing na lasing na lalaki kaya dinala niya sa VIP room ng Phoenix kasi hindi naman daw niya alam kung saan ito dadalhin. Kaso napagkamalan daw yata siya noong lalaki na iyon na girlfriend nito. Tapos iyon hindi na rin daw naiwasan ni Gia iyong lalaki hanggang sa naganap ang hindi dapat maganap. We're not sure kung si Gia nga ang nakasama ni Kuya. Pero malakas ang kutob kung siya iyon." Mahabang wika ni Lucas na ikinatango naman ng Ginang.
"Kailangan lang nating mapauwi ang kuya mo. Para naman mapatunayan natin kung tama ang hinala natin tungkol kay Gia. Pero masasabi kong, maganda si Gia, kaya naman masaya akong maging manugang ko din si Gia pagnagkataon. Nakakatuwa naman." Masayang sambit ng Ginang na ikinailing na lang ni Lucas.
"Hay naku mom, masaya din ako para kay kuya pagnagkataon." Wika ni Lucas na ikinatawa ng mommy niya.
"Mas masaya ako, kung magkakatuluyan kayo ni Anna, at kung anak nga ni Diesel si Gael kay Gia. Mas masaya lalo na at matagal na pala kami may apo, ng daddy mo.." Masayang wika ng mommy niya na ikinailing lang ni Lucas.
Mabilis namang hinayon ng Ginang ang pintuan at na nagtungo sa kusina, dahil naririnig na niya ang boses ng bata na hinihiling nga niyang apo nga sana niya iyon kay Diesel.