Chapter 9

2066 Words
Masakit ang ulo ng magising si Diesel. Pagmulat niya ng mata ay napansin agad niya ang hindi kilalang kwarto. Napasapo pa siya ng ulo ng mapansing nasa loob pa rin pala siya ng bar ng makita ang pangalang 'PHOENIX' na nakaukit sa pintuan ng kwartong iyon. Nagtaka din siya sa kalagayan niya, wala siyang saplot. Napatawa na lang si Diesel sa sarili, dahil malamang ay may isa na namang prosti na lumapit sa kanya, kaya nangyari na naman na magigising siya sa kwartong hindi kilala. Wala na naman siyang pakialam sa sarili niya, kung ano ang mangyari sa kanya. Buhat ng mangyari ang panloloko sa kanya ng ex-girlfriend niya. Kaya lang naman siya lumalaban ngayon sa buhay, dahil sa pamilyang kinalakihan niya. Alam naman niya kung gaano nag-aalala ang mga ito sa kanya. Tatayo na sana siya sa kama ng bigla lang pumasok sa isipan niya ang pangyayari noong nagdaang gabi. "I love you Honey! I love you my Shara." Bulong ni Diesel dito, ng simulan niyang ihanda ang sarili para angkinin ang babaeng mahal pa rin niya hanggang ngayon, kahit niloko siya. Pero ang hindi niya napaghandaan ay ang nalaman niya. "You're a virgin." Mahinang wika ni Diesel sa babaeng nakahiga sa ilalim niya. Ramdam na ramdam niya ang masarap na pakiramdam habang niyayakap ito. Pero hindi niya talaga makilala ito, lalo na at okupado ng utak niya na ang nakikita niya ay si Shara kahit galit siya dito, at sa kaibigan niya. Pero dahil sa kalasingan, hindi niya makita ang tunay na mukha ng babae. Pero alam ng puso at isipan niya, na hindi talaga si Shara ang kasama niya, kahit ito ang nakikita ng kanyang mga mata. Napansin din ni Diesel ang pagluha nito, kahit nakapikit ang mga mata. Kaya naman, hinintay muna niyang maging okey ito at dahan-dahan lang ang pag-ulos niya hanggang sa masanay ito sa kanya. "You're so tight, Babe, ahhh... I love you." Bigla niyang sambit hanggang sa sabay nilang, marating nila ang rurok ng kaligayahan. Hanggang sa lamunin na rin siya ng antok. "Hindi s'ya isang babaeng bayaran. Why I call her Babe? Why I tell her I love her? Haist! Sabagay wala nga akong alam sa nangyari kagabi." Wika ni Diesel sa sarili, at napailing na lang. Dahil may ilang part pala ng nangyari kagabi ang maaalala niya. Pero ang mukha nga babaeng iyon, hindi man lang niya nakita. Ramdam na ramdam pa niya ang inosente nitong katawan na dinungisan niya. Lalo na ng mapatunayan niyang siya ang unang lalaki sa buhay nito. Patunay ang pulang mantsa, na ngayon ay nasa cover ng kamang kinahihigaan nila kagabi. Pero ni isang bakas ng babaeng nakasama niya ay wala siyang makita. Nagmadali siyang nagbihis at lumabas ng VIP room. Nagpunta din muna siya sa counter ng bar. Nagtanong din siya kung may nakita silang babaeng lumabas ng VIP room na sinabi niya, pero wala silang nakita. Wala ding cctv ang part na iyon. For privacy purposes daw. Kaya imposibleng mahanap niya agad ngayon ang babaeng kasama niya kagabi. Matapos makipag-usap at makapagbayad ay nagmadali na siyang umalis. Hindi niya malaman kung bakit nanghinayang siyang hindi nadatnan ang babaeng nakaniig niya ng nagdaan gabi, paggising niya. Pero hiling pa rin niyang sana mapatawad siya nito at sana magtagpo silang muli. Pagkarating ni Diesel sa bahay, ay naabutan niya sa living room si Lucas at ang Mommy Antonia niya na kausap sa laptop ang Daddy Rodrigo niya. "Good morning mommy, daddy, Lucas." Bati niya sa mga ito. "Saan ka natulog kuya. Kagabi pa kitang tinatawagan, pero hindi ka naman sumasagot. Noong una ay hindi talaga kita macontact pero hindi nagtagal nag ring na rin cellphone mo." Wika ni Lucas na biglang ikinaupo ni Diesel sa pang isahang sofa. "Nakatulog ako sa VIP room ng Phoenix. Hindi ko naman balak maglasing, kaso noong tamaan na ako ng alak. Hindi ko na rin napigilan, pa ang pag-inum. Pero hindi ko talaga sinasadya ang mga sumunod na pangyayari." Sagot ni Diesel na ikinabuntong hininga nito. "Anong nangyari Diesel?" Tanong ng Daddy Rodrigo niya na nakikinig pa pala sa kabilang linya, via video call. "I saw Shara, not the literal Shara. Siguro sa sobrang kalasingan ay napagkamalan kong si Shara ang babaeng kasama ko kagabi. Noong pagkagising ko, binaliwala ko lang kasi nasa isip ko mga babaeng bayaran lang iyon sa Phoenix, pero nagulat akong full battery ang low battery kong cellphone at ang lahat ng pera at wallet ko nasa bulsa pa rin ng aking pantalon. Hindi man lang siya nag-atubili na kumuha ng pera sa akin. Kaya nasisigurado kong hindi iyon babaeng bayaran. Lalo na at ako ang unang lalaki sa buhay niya. Patunay ang pulang marka na naiwan sa kama, dahil sa nagdaang gabi na namagitan sa aming dalawa." Mahabang paliwanag ni Diesel ni ikinabuntong hininga ng tatlo niyang kausap. "Anong plano mo kuya?" Tanong ni Lucas na ikinatitig naman ni Diesel dito. "Hindi ko alam. Pero siguro naman kung magbunga ang gabing iyon, hahanapin ako ng babaeng iyon, siguro naman ay makikilala niya ako kahit papano." Wika ni Diesel na ikinatango na lang ni Lucas. Matapos ikwento ni Diesel ang nangyari sa kanya ng nagdaang gabi, ay hindi mawala sa isip niya ang pakiramdam habang kaniig ang babaeng iyon. Hindi niya maalala ang mukha nito, lalo na at si Shara ang nakikita niya. Pero may parte sa puso niyang hindi mawala sa sistema niya ang presensya ng babaeng nakaniig niya. Sa ngayon ay hihintayin muna niyang may maghanap sa kanya. Lalo na at nag-iwan naman siya ng contact number sa Phoenix kung sakaling may babaeng maghanap sa kanya. Isang buwan ang mabilis na lumipas buhat ng mangyari ang gabing iyon. Walang nakakaalam at walang pinagkwentuhan si Gia. Ang nasa isip lang ni Gia ay ibaon sa limot ang gabing minsan niyang ipinagkaloob ang sarili sa estrangherong iyon. Hindi na rin muna siya nagpalipat sa bar, ang katwiran niya ay need niya ng pera. Kaya aasa muna siya sa mga tip ng taong nagtatable sa kanya. Pero ang totoo ayaw niyang muling makita ang mukha ng lalaking nakaniig niya ng gabing iyon. Baka kasi bumalik ito at mamukhaan siya. Day off niya sa trabaho ng araw na iyon kaya naman nagpasya siyang bisitahin ang kanyang mga magulang. Madami siyang dalang pagkain at mga gamit para kay Glenda. Pagkakita pa lang niya sa kanyang inay at itay ay nagmano muna siya. Bumalik naman sa kusina ang kanyang ina at nagluluto ito ng agahan. Nasa labas naman ang kanyang itay at nagkakape. Nagwawalis si Glenda sa loob ng bahay. Lalo na at Sabado naman at walang pasok. Tumuloy muna siya sa kwarto nila ng kapatid para makahiga sa kama. Ilang sandali pa ay naamoy ni Gia ang pritong tuyo na niluluto ng kanyang nanay, na nagpabalikwas sa kanyang pagkakahiga. Mabilis niyang hinayon ang banyo para doon sumuka ng sumuka. Narinig naman siya ng kanyang nanay, kaya mabilis siyang pinuntahan nito. "Gia okey ka lang?" Nag-aalalang tanong ng kanyang nanay. "Okey lang ako Nay, pero hindi po ba bulok na ang niluluto ninyo? Sobrang baho po kasi." Wika ni Gia na ikinataas ng kilay ng nanay niya. "Gia, bago lang iyong niluluto ko at napakabango. Ikaw nga ay magsabi sa akin ng totoo? Pagwiwaitress ba talaga ang trabaho mo doon sa Phoenix o babaeng nagbibigay ng panandaliang aliw?" Mariing tanong ng nanay niya. Napapikit naman si Gia ng maisip niya ang gabing iyon na nakipagniig siya sa hindi niya customer, hindi niya kilala, pero nadala siya sa init ng katawan na ipinaramdam nito sa kanya. 'Isang putok lang, bata na talaga, kaagad?' Tanong pa ni Gia sa isipan ng bigla na muling nagsalita ang nanay niya. "Tumayo ka diyan Gia, at sumama ka sa akin sa ospital, kailangan kong mapatuyan kung hindi ka talaga nagsisinungaling sa amin ng tatay mo. Pinagkatiwalaan kita Gia, kaya ako pumayag sa gusto mo. Sana mali ako." Galit na wika ng nanay niya na halos ikapatak ng luha ni Gia. Dahil sa mahigpit nitong paghawak sa kamay niya. Pagdating ng ospital ay dinala agad siya ng nanay niya sa clinic kung saan nakasulat ang OB-Gyne. Napalunok naman si Gia ng makita kung saan siya dinala ng nanay niya. Walang pila kaya naman, mabilis siyang naasikaso ng doktor na nasa loob. Matapos ang ilang laboratory test ay bumalik ang doktor na susuri kay Gia. Malaki ang ngiti nito, habang hawak-hawak ang resulta ng test niya. "Congratulations hija. You're four weeks pregnant. Nanay magiging lola na po kayo." Nakangiting sabi ng doktor na hindi pansin ang pagkuyom ng kamao ng nanay ni Gia. Binigay pa nito ang resita ng mga vitamins na pwedeng inumin ni Gia, at ilan pang mga paalala. Alam ni Gia na galit ang nanay niya, ayaw lang nitong gumawa ng eksena sa pampublikong lugar kaya tinitiis ng nanay niya na hindi siya imikan. Pero ang mga daliri nito sa kamay, ay halos bumaon na sa kanyang braso. Pagkarating nila ng bahay nila ay doon lang siya binitawan ng nanay niya at binigyan kaagad siya ng isang malakas na sampal na halos ikaluhod niya sa sahig. "Ngayon mo patunayan, na mali kami ng iniisip sayo?! Ngayon mo patunayan na hindi pagiging isang babaeng bayaran ang trabaho mo sa club na iyon?!. Hindi ka na nahiya Gia. Mahirap lang tayo, pero pinangarap ko ding magkaroon kayo ng magandang buhay! Hindi iyang mahirap na nga tayo, nagpabuntis ka pa kung kani-kaninong mga lalaki.! Kilala mo ba ang ama ng dinadala mo!? Malamang hindi! Kasi Malandi ka.!" Mariing wika ng kanyang nanay, na ikinailing niya. "Madumi kang babae ka! Wala kang kahihiyan! Wala kang delikadesa! Para magpabuntis kung kani-kaninong lalaki lang!" Sigaw ng kanyang nanay na siya namang pasok ng kanyang tatay. "Anong nangyayari dito Gina?! Kailan ka pa natutong manakit ng anak mo?" Tanong ng kanyang ama na wala pang alam sa mga nangyari. "Iyang magaling mong anak, nagpabuntis sa mga lalaki doon sa bar! Walang maiturong ama ang ipinagbubuntis niya. Malamang kung kani-kaninong lalaki iyan nagpapakama, kaya hindi malaman kung sino ang ama ng ipinagbubuntis niya. Wala akong anak na malandi! Lumayas kang babae ka.! Mula ngayong araw na ito, hindi na kita anak.!" Wika pa ng kanyang nanay at sinabunutan pa si Gia ng buhok, habang hila-hila siya palabas ng bahay. "N-nay.... T-tay...." Nauutal na wika ni Gia, ng bigyan siyang muli ng isang sampal ng nanay niya. Napaigik naman si Gia, sa sobrang sakit ng sabunotan siyang muli ng kanyang nanay. Napaupo siya sa lupa, ng mawalan siya ng balanse, habang sabunot pa rin ng nanay niya ang buhok niya. Wala namang nagawa ang tatay niya, kundi panoodin lang silang mag-ina. Kita niya ang sobrang disappointment sa mukha ng kanyang ama. Pinagtitinginan man sila ng kapitbahay ay wala siyang nagawa. Bagkus ay tinanggap na lang niya ang mga mapanghusgang tingin ng mga ito. Umiiyak man at nanghihina ay pinilit ni Gia na makatayo, mula sa pagkakasalampak sa lupa. "LUMAYAS KA NG BABAE KA DITO! AT WAG NA WAG MO NG TANGKAIN PANG MAGPAKITA SA AMIN. HINDI NAMIN KAILANGAN ANG PERA MONG, NAGMULA SA PAGPAPAGAMIT MO SA KATAWAN MO. WALA AKONG ANAK NA MALANDI!." Buong lakas na sigaw ng kanyang nanay. Bago nito hinila ang kanyang tatay na nakatayo malapit sa pwesto niya, at tumuloy sa loob ng kanilang bahay. Pagkapasok ng mga magulang niya sa bahay nila ay padabog pa siyang pinagsarhan ng pinto. Nakita din niya ang kanyang kapatid na nakasilip sa may bintana habang umiiyak. Alam niyang pinagtitinginan na siya ng mga tao, sa lugar na iyon. Kaya naman pinilit niyang makapaglakad, para na rin makalayo sa lugar na iyon Mali ang ginawa niya, noong panahong nagpadala siya sa init ng halik, ng lalaking nakaniig niya, kaya naman nadarang din siya sa apoy na sinindihan nito. Pero kahit isipin niya ang galit sa kanya ng mundo. Hindi niya magawang pagsisihihan, na ibinigay niya ang sarili dito. Mali man ang magiging simula, pero masaya pa rin siyang, hindi pa rin siya nag-iisa. Nandoon na ang walang kamuwang-muwang niyang anghel na nasa kanyang sinapupunan. Sa mali man siya nagmula. Ipaparamdam niyang wala mali, na ito ay nabuo sa kanyang sinapupunan. Kahit sa pag-aalaga dito at buong pagmamahal ay ipaparamdam niya ditong walang kulang. Kahit siya lang ang magsilbing, nanay at tatay nito. Nilisan ni Gia ang lugar kung saan naroon ang mga magulang niya. Gusto niyang magsimula ng panibagong buhay, kasama ang bagong buhay na nasa kanyang sinapupunan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD