"You know what. Hayaan mo na sila sa susunod. Imagine, they treated you na parang others ka lang? Anong klaseng pamilya ang mayroon ka?" galit na galit na sabi ni Gwyneth habang nagmamaneho ng sasakyan pauwi ng unit ko.
Hindi na lang ako kumibo sa kanya. Pagkatapos kasi nila akong paalisin ay wala man lang silang sinabi sa akin na iba pa. Dala ngayon sa sasakyan ni Gwyneth yung gowns at suits na kailangan kong i-alter.
"Can you drop me in my shop na lang?" tanong ko sa kanya.
Malapit lang din naman kasi yung shop sa bahay ko. Mas mabuting doon na lang para magawa ko na kaagad yung mga kailangan at hindi ko na kailangan i-uwi sa bahay.
"Gagawin mo na kaagad?" inis na tanong pa rin niya sa akin.
Tumango na lang ako sa kanya. Wala namang nagawa si Gwyneth kung hindi ihatid ako doon sa shop. Alas-tres na rin ng hapon at wala pa akong lunch. Wala akong gana na kumain dahil sa nangyari.
After thirty minutes of driving ay tinulungan ako ni Gwyneth na maglabas ng damit sa sasakyan niya. She kissed me on my cheeks before leaving me. Ramdam ko hanggang ngayon ang inis ko sa nangyari kanina. How could they treat me like that? Anak nila ako. Hindi ako isang mananahi lang o anuman.
Wala na rin tao sa shop. Wala na yung mga staff ko, umuwi na rin siguro sila at hindi na ako hinintay pa. May mga kailangan kasi kaming gawin na designs and I want it to be done agad dahil malaki ang fund na naka-allot for that dress.
Establishing my own name for business was really hard for me. Walang nandyan na kapamilya ang sumuporta sa akin. Lahat ng ipon ko mula sa pagtatrabaho sa ibang bansa pati na rin mga allowances na hindi ko nagalaw noon ay dito ko pinundar.
My parents attended my graduation para lang makipag-socialize but they have no interest sa awards na nakuha ko. Sabi nila, I can do better than being a fashion designer. Hindi naman nila ako maiintindihan dahil para sa kanila ang pinakamaganda na maabot ng isang tao ay ang pagiging politician.
Sa lahat ng gowns na nasa harapan ko na kailangan kong ayusin para sa kanila, ni isa ay wala sa akin. Masakit man ay ganun naman ata talaga.
Hindi na lang ako naghahanap ng kung anuman. Pero hindi ko pa rin maiwasang masaktan.
My phone beeped at lumabas ang pangalan ni Enrique. I rolled my eyes. Kanina pa siya text nang text at tawag nang tawag sa akin. Wala naman akong planong sagutin iyon.
Hindi ko naman binubuksan dahil ayoko na makinig sa mga walang kwentang excuses niya. My decision about him will never change at all.
Around 8 in the evening ay natapos ko na rin ang mga kailangan nilang isuot. Rush daw kasi kaya kailangan magawa. Lagi naman nila kailangan ng madalian lahat.
Masakit ang balikat at batok ko pagkatapos ko. Ngayon lang din ako nakaramdam ng gutom sa lahat.
Naglakad ako papunta sa pinakamalapit na bukas na fast food. Wala na ako sa sariling katinuan ng may humawak sa kamay ko.
Sisigaw na sana ako ng makilala ko kung sino ang humawak sa kamay ko.
He's wearing a red button down shirt habang naka tuck-in iyon sa pants niya. He looks so neat and fresh. Agad na dumapo ang mata ko sa labi niya kahit bawal.
The flood of memory that happened to us fill my mind. Nakaramdam ako ng pamumula sa mukha kaya iniwas ko kaagad ang tingin ko sa kanya.
"W...what are you doing here?" tanong ko sa kanya.
"I texted you. Hindi ka sumagot." sagot niya sa akin.
I tried to pull away my hand from him pero mas hinigpitan niya ang kapit sa akin. "Baby," tawag niya sa akin.
The chill of his voice sent waves inside of me.
"We have no relationship, Hunter. You have to stop calling me baby and you have to stop showing yourself here," sabi ko sa kanya bago sinubukan ulit na hilahin ang kamay ko.
Mabuti na lang at hindi na siya pumalag at binitawan ang kamay ko.
"Bakit mainit ata ang ulo mo ngayon?" usisa niya pa sa akin.
"Why are you being nosy? What we had was a plain s*x nothing more. Kaya don't ask anything about my life." Hilagpos ko sa kanya bago lumakad palayo sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit nagalit ako sa kanya gayung wala naman siyang ginagawa na masama sa akin. Mainit lang talaga ang ulo ko at nabubwisit lang talaga ako sa nangyayari sa buhay ko. Nadamay lang siya. I know that I should have apologize pero sumobra rin naman si Hunter.
We barely know each other para magtanong sa nangyayari sa akin. Ayoko sa lahat ang pinakikialaman ako tungkol sa buhay ko.
Dumiretso ako sa loob ng fast food chain at nilingon kung kasunod ko pa siya. Wala na siya.
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Yeah, it's better to avoid him. Hindi naman ako pwedeng umasa na laging nandyan siya sa akin.
"One piece chicken na may rice tsaka regular iced tea." Order ko sa counter.
Mabilis ko namang natanggap ang order ko lalo na at wala naman masyadong tao. Marami rin vacant seat pero ang pinili ko ay ang corner. Ayokong may kausap na ibang tao.
"Hindi mo naman ako hinintay."
Nag-angat ang tingin ko kay Hunter na biglang umupo sa harapan ko. My eyes squinted to him. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.
"Waiting for you. Masyado ka atang mainit ngayon, baby. I want to be there for you para naman may paglabasan ka man lang ng sama ng loob." dire-diretsong sabi niya sa akin.
"We don't know each other." sagot ko naman.
He cleared his throat before looking at me, "Pierce Hunter Sevilla, call me Hunt or Hunter whichever you prefer, born on August 5, I'm 26 years old. I'm currently managing an elite security agency. I formerly work as a Lieutenant from U.S Navy before going back to the Philippines. I have no girlfriend nor wife at all. 5,9 and 80 kg. I graduated at NYU, I took up Engineering pero mas nag-enjoy ako sa pagiging Navy. And yes, I'm an American citizen by birth dahil pinanganak ako doon ng Nanay ko. Where are my parents? They're dead. Anything else?" Nakangiting sabi niya sa akin.
Hindi ko naman inaasahan ang lahat ng iyon from him. I took a spoonful of food in my mouth tsaka ko siya tinignan.
"Why are you telling me those information?" tanong ko sa kanya.
"Because you want to know more about me. I gave you the information...don't you think na masama naman kapag hindi mo rin shinare yung iyo?" tanong niya sa akin.
I rolled my eyes to him, "I don't share my personal information to strangers." sagot ko sa kanya.
His smiling lips disappeared and turned into a grim line, "We are more than strangers, Amara. Just want to remind you that we had more than that. We had sex." Mahinang sabi niya sa akin.
Talaga ngang pinagdidiinan niya na tutuparin niya yung sinabi niya na hindi siya aatras sa kontrata naming dalawa.
I sighed before replying to him, "Can you just let it go? Wala ako sa huwisyo ng sinulat ko yung contract. It was me on my drunk state and not on my sober state. I have no intentions of jumping to bed with you again." mariin kong sabi sa kanya.
What happened to us was a mistake. Isang pagkakamali na hindi dapat maulit.
Umiling siya sa akin. "I made myself exclusive to you, Amara. You just can't push me away." seryosong sabi niya sa akin.
Dahil sa isang tao ay mas ginusto ko na lang din na huwag kumain. Wala na ako sa mood na kumain pa.
"And you can't force me to do that dahil ayoko na. Now go find some other woman that you can f**k with whenever you want. I'm sorry to burst your bubble but I won't be that person." Uminom lang ako mula sa iced tea bago naglakad palabas ng store.
Ang kulit naman niya masyado. Wala ba siyang ibang babae at kailangan ako ang guluhin niya? Hindi ba siya makalimot sa nangyari sa amin?
Ayoko na nga. Hindi ko na gusto. Ano ang hindi niya maintindihan sa mga salitang iyon?
Ang dami ko na ngang iniisip ay dumaragdag pa siya. Wala naman kaming dapat pag-usapan pa. What happened between us was a simple s*x insisted by some drunk woman who can't even think straight last night.
Sapat na yung nakuha niya yung virginity ko. Tama na iyon.
Papasok na sana ako ng building ng unit ko nang mamataan ko naman si Enrique na balisang nakatayo doon at hindi makapasok. Pina-ban kasi siya ni Gwyneth sa buong building kaya hindi siya makakapasok.
His eyes met mine at tumakbo agad sa direction ko. He hugged me so tight pero hindi man lang ako makaramdam ng kakaiba sa yakap na iyon.
"Anong ginagawa mo dito?" malamig na tanong ko sa kanya.
"Hon, sorry. Inakit lang talaga ako ni Yen. What you saw was nothing. Nalasing lang ako." sagot naman niya.
Pumiksi ako sa pagkakayakap niya. Ang liwanag na dulot ng mga lamp post ay ang nagpakita sa akin ng itsura niya. Mukha siyang walang tulog. Sabagay sino nga naman ba ang makakatulog kung aalisan ka ng lahat ng kailangan mo.
"Save your explanations dahil wala akong planong pakinggan iyan. Kailangan ko yung mga binigay ko sa'yo kaya ibalik mo." tugon ko pa sa kanya.
Tears roll down from his eyes to his cheek. Lumuhod pa siya sa harapan ko at yumakap sa binti ko.
May mangilan-ngilan na taong nakakakita sa aming dalawa. Huwag na lang sana ako kunan ng larawan dahil baka makarating pa sa media ang nangyayari ngayon.
"Tumayo ka diyan, Enrique." galit na sabi ko sa kanya.
"No! Nagmamakaawa ako sa'yo, hon. Patawarin mo ako. Nag-usap na kami ni Yen na hindi na siya lalapit sa akin para hindi ka na magselos--"
I chuckled when he said that, "Ako nagseselos? No, Enrique, mali ka diyan." sabi ko habang pinipilit na matanggal ang braso niyang nakayakap sa akin.
"Hindi ako nagselos sa babaeng iyon. You know what I feel? I'm angry, I'm mad. I trusted both of you pero ano ang ginawa mo? Ano ang ginawa niyo? You both betrayed me! You were screwing her behind my back dahil hindi mo pa nakukuha ang virginity ko. Kasi hindi ko mabigay sa'yo ang kailangan mo and that's s*x! Pinagpalit mo ako para sa isang babae na kaya kang pasiyahin sa kama? Paano ako? Kahit kailan ba hindi kita napasaya ha?" malakas na sabi ko sa kanya.
Tumingala sa akin si Enrique habang nagbabagsakan pa rin ang luha sa mata niya. Kung dati ay nakukuha niya ako sa mga luha niya, ngayon ay hindi na.
"Lalaki lang din ako, AL. May pangangailangan din ako--"
"Cut that bullshit! I won't buy it! Laging ganyan ang excuses niyo kapag nahuhuli kayo!"
"AL, hon. Please...believe me. Hindi ko ginusto iyon. Inakit lang talaga ako ni Yen kaya naabutan mo kaming dalawa na may nangyayari sa amin. Pero seryoso---wala akong gusto sa kanya. Hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya kasi ikaw ang mahal ko. Mahal na mahal kita, AL!" Malakas na sabi naman niya tsaka nangunyapit ulit ng yakap sa akin.
"Mahal mo ako? Ngayon mahal mo naman ako? Kasi ano? Kasi kukunin ko yung bahay, sasakyan, damit, mga gamit na binigay ko sa'yo? Mahal mo na ako ngayon kasi mawawalan ka ng sustento buwan-buwan? Siya nga naman, talagang mamahalin mo ako kasi one hundred thousand ang mawawala sa'yo every month. Mahal mo ako ngayon kasi na-realize mo na bawat ungot mo sa akin ng bagay na gusto mo ay nakukuha mo kaagad? Ganun ba iyon, Quen? Ha?" sunod-sunod na sabi ko sa kanya.
Malakas naman ang palahaw ng iyak ang pinakawalan ni Enrique habang nakatingin sa akin. Tama nga ako. Iyon lang ang habol niya kasi kahit kailan ay hindi ko naman narinig mula sa kanya na mahal niya ako.
"I've been fool for so long. I won't ride on your explanations anymore. Go ahead, have a lots of s*x with Yen. You have my f*****g permission kasi we are over. Hiwalay na tayo kaya sa ayaw at gusto mo ay kukunin ko lahat ng gamit na binigay ko sa'yo. Don't even try to hide kasi mahahanap at mahahanap kita." mariin kong sabi sa kanya tsaka bumitaw sa pagkakayakap niya.
"AL! Hon!" Malakas na sigaw niya habang papalayo ako.
Ayoko na. Nakakapagod na magmahal. Lahat ng minamahal ko ay iniiwan o gagawan din ako ng kasinungaling. I can't trust anyone easily anymore. Pagod na akong pagkatiwalaan sila.
Ang bigat ng loob ko habang hinihintay na dumating ang elevator. Hindi ko naman hilig ang makinig ng usapan pero narinig ko na lang yung pag-uusap ng dalawang naghihintay din sa elevator.
"Kawawa naman yung lalaki na naka-puti na iyon," Narinig kong sabi ng isang babae.
Naka-puti? Si Enrique lang naman ang alam kong naka-puti,
"Mabuti na lang at dumating kaagad yung security kung hindi napatay siya nung gwapong lalaki na iyon." Dagdag naman nung isa.
Ayokong mag-assume na si Enrique iyon. Wala namang ibang lalaki na pwedeng manakit sa kanya. Kinalimutan ko lahat ng iyon hanggang makarating ako sa bahay.
Pagod na pagod ako ngayong araw kaya pagkatapos kong maligo ay nahiga na agad ako sa kama. Ang antok na akala ko dadalaw sa akin ay hindi nangyari. Dilat na dilat pa rin ang mata ko at kung ano-ano ang iniisip.
My phone beep and this time ay inabot ko na iyon nagbabakasakali na baka makatulog kapag nabasa ko na ang mga nakakabwisit na mensahe sa akin.
Marami sa mga iyon ay ang message ni Enrique. Dapat pala baguhin ko na yung pangalan niya or i-block na dahil pagkabasa ko pa lang sa pangalan na nakalagay doon ay kinilabutan na agad ako.
From: Hon
-Let's talk please.
-Hindi na kami magkikita pa ni Yen, hon. Hihingi rin daw siya ng sorry sa'yo. Patawarin mo ko, hon.
-Hon, ang daming bashers. Kung ano-ano ang sinasabi nila sa akin. Please ask Mia and Gwy to take down the videos. Tinatawagan na ako ng boss ko, hon. Tatanggalin daw ako sa trabaho. Alam mong ako lang ang inaasahan ni Nanay.
-Hon, please answer my call.
-Hon?
-Hon, mali ako, alam ko. Pero huwag niyo na idamay si Yen. May pamilya rin siyang binubuhay.
-Hon, mahal kita. Loyal ako sa'yo.
-Hon, pakakasalan na kita basta huwag mo lang ituloy yung sinabi mo. Hindi ko na alam kung saan ako pupulutin kapag nagkataon.
-Hon, I'm waiting for you outside. Hindi ako makapasok sa building mo. Giniginaw na ako dito, hon. Hindi ka ba naaawa sa akin?
-Hon, three hours na akong naghihintay dito.
-Hon?
-I'm really sorry, AL. I know that I'm such a jerk. I hope you could find it in your heart to forgive me. Hindi na kita guguluhin pa.
My brow arch sa huling mensahe niya. Iyon ang latest na message niya.
May dalawang unknown message naman na naroon. Binuksan ko rin iyon.
From: Unknown
-Save my number, baby.
-He won't disturb you anymore. I assure you na hindi na siya lalapit sa'yo.
Ang huling mensahe rin na isang oras na ang nakakalipas ang nagpataas ng curiousity ko. Alam ko na kaagad kung sino iyon. Siya lang naman ang pwedeng tumawag sa akin ng baby.
Agad kong tinawagan ang number na naroon. Ilang ring lang ang tumagal bago sumagot sa akin.
Walang sumagot na boses sa kabilang linya pero dinig na dinig ko ang malakas na tugtog mula sa kung saan. Halo-halo ang ingay.
"Hello?" sabi ko.
Pero walang sumasagot.
"I know that you can hear me. What did you do to Enrique?" tanong ko sa kanya.
I heard a deep sigh before his voice. "Worried about him?" tanong niya sa akin.
"No. Nagtataka lang ako sa kung ano ang ginawa mo kaya sagutin mo ko," sabi ko sa kanya.
"Nothing. Simple punch and kick. Buti na lang at hindi ko siya binunutan ng baril. I heard your conversation with him. A total jackass like him should stay in hell." mariing sagot niya sa akin.
"You have a gun?" tanong ko sa kanya.
"Yes, baby." He whispered.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ngayon ko lang na-realize lahat ng sinabi niya. He was a former lieutenant of US Navy and he owns an elite security agency in the Philippines.
"Where are you?" tanong ko bigla.
He chuckled before answering me, "Worried about me now, eh?" aniya sa matigas na Ingles.
"No!" agap na sagot ko.
"Then you don't need to ask if where am I now. You told me remember, we have no obligations of asking each other's personal life. This is my personal life now." sagot niya sa akin.
Napapikit naman ako nang mariin sa sinabi niya. Bakit nga naman kasi tinatanong ko kung nasaan siya. Wala naman dahilan para alamin ko pa.
"Fine---"
"I'm at the place where I met you. Any questions?" sabi niya sa akin.
I swallowed hard. "N...No more." Hindi ko na hinintay na sagutin pa niya ako. Tinapos ko na lang kaagad ang tawag.
Masyadong maraming nangyayari sa bawat araw ko. Nagsimula lang lahat iyon kahapon at hindi pa rin natatapos ngayon.
Hindi naman din ako nakatulog kaagad kaya nag-stay na lang muna ako sa salas habang umiinom ng gatas. Baka sakaling makatulog ako.
Ang daming eksena ang pumapasok sa utak ko. Sa huli ang ginawa ko na lang ay nag-scroll ako sa social media accounts ko.
I tried to post new sketch designs sa page ng shop ko. Bihira lang akong gumamit ng social media dahil hindi ako mahilig dito lalo na at abala ako.
Pumunta naman ako sa Photogram account na mayroon ako. It's my personal space at iilan lang ang may alam. I rarely post there anyway.
Nanibago pa ako dahil nag-iba ang itsura ng feed nito. Ang last post ko sa Photogram ay two years ago pa and that's my picture and Enrique during our anniversary.
Lahat ng pwedeng magpaalala sa kanya ay binura ko. Pinalitan ko rin ang profile picture ko. I chose my latest one at kuha iyon sa kasal kahapon ni Bea at Francis. Selfie lang naman.
Pati sa Mood book account ko ay tinanggal ko ang mga pictures namin ni Enrique pati na rin ang relationship status namin. I unfriend and block him as well.
Agad akong nakakuha ng sangkaterbang likes and comment mula sa pagpapalit ko ng profile picture sa f*******:.
Gwyneth Mau Mercado: Ang ganda naman! Yan ang hindi ipinapalit!
Bea Reyes-Guzman: So pretty talaga! I love you, AL!
Mia San Juan: Best girl ever!
Francis Guzman: Iba ang ganda ni kumare.
Bea Reyes-Guzman @/Francis Guzman: Iba kapag broken hearted, Daddy. Hahahaha!
Francis Guzman: Uwi na ba kami ni Bea para makapag-kwento ka.
Gwyneth Mau Mercado: Gawin niyo pong GC ito. May GC naman tayo mga haliparot!
Hindi ko na binasa pa ang ilang mensahe nila dahil may biglang nag-pop na notification galing sa Photogram.
hunt.sevilla wants to send you a message.
Kumunot ang noo ko pagkakita doon. Agad ko namang binuksan iyon.
hunt.sevilla: Do you need a drinking buddy?
Nag-reel kasi ako ng gatas na hawak ko. May nalalaman pa siyang drinking buddy. Hindi naman alak ang iniinom ko.
amara.louise: Magkaiba ang gatas sa alak. Thanks but no, thanks.
hunt.sevilla: Really? Well I like your milk than this alcohol.
amara.louise: Gross
Hindi naman na siya sumagot sa akin at hindi na rin ako nag-abalang mag-message sa kanya. Tinignan ko na lang ang account niya.
Iilan lang din ang pictures na naroon niya. Halos paligid at isang barkada picture from his US Navy Troop. Picture ng Empire State at New York ang naroon.
Tinignan ko ang reel niya at isang baso na may lamang scotch glass ang hawak niya. May iba't ibang liwanag ang naroon at nakasentro iyon sa isang upuan.
You were sitting here last night baby.
Ang nakalagay sa maliliit na text na naroon.
Ako ba ang tinutukoy niya? Ayokong mag-assume pero hindi sana ako.