5

3212 Words
Hinatid ako ni Hunter hanggang sa condominium ko. Sa labas lang naman at sa parking area lang. Ayoko kasing makitang magkasama kaming dalawa. Magkakaroon ng issue kapag nakita ng mga tao na magkasama kami. "See you around, baby." He said before giving me a mind blowing kiss again. Napatitig na lang ako sa kanya habang tinatanggal ang seatbelt ko. Napakalakas ng kabog ng dibdib ko habang nakatingin sa kanya. "Do you need more kiss?" Nakakalokong tanong niya sa akin bago pahiran ang gilid ng labi ko. Sunod-sunod ang naging pag-iling ko habang pinipilit na buksan ang sasakyan niya. "Bababa na ako." sabi ko sa kanya. "When should we meet again?" tanong niya sa akin. "I said bababa na ako." Pag-ulit ko sa sinabi ko sa kanya "I asked you, kailan tayo magkikita?" sabi niya sa akin. I breathe out a sigh. Hindi talaga niya makalimutan. "I...I'll text you okay?" I said defeatedly. "You don't know my number, baby." aniya sa akin. Bumaba ang tingin ko sa labi niya ulit. Why the hell it's so addicting to kiss him? "Then let me have your damn number!" sabi ko sa kanya without breaking my gaze on his lips. Mukhang nakita naman niya iyon kaya he cupped my face again and gave me a deep and long kiss again. Napapikit ako sa paghalik niya...bakit parang uhaw na uhaw ako doon? Tinapos niya ang paghalik sa akin tsaka ako tinignan, "I'm getting addictive to you." Bulong niya sa akin. I feel the same way to him pero hinding-hindi ko sasabihin iyon sa kanya. Binigyan niya ulit ako ng isang halik at kung hindi pa tumunog ang cellphone ko ay hindi kami mabibitaw sa isa't isa. I tapped him to set me free. Nagkatinginan kaming dalawa matapos ay kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko. Si Gwyneth ulit ang tumatawag sa akin. "Answer the call." sabi niya. Napabuntong hininga ako at sinagot iyon. "Hello?" Nailang pa ako sa pagsagot matapos niyang ayusin ang buhok ko. Hindi ako makahinga sa ginagawa niya. Sobrang lapit namin sa isa't isa na para na akong makakapusan ng hininga. "Asaan ka na?" bungad niya sa akin. "I'm at the building na. Ikaw nasaan ka?" tanong ko. I motioned to him na bababa na ako. Tamad siyang tumango bago pinindot ang button sa gilid niya. "Nasa tapat ng unit mo. Come quickly. I'll wait for you here." sabi niya sa akin bago binaba ang tawag. Napatingin naman ako sa phone ko matapos ang tawag. Kailangan ko na umalis dito. Lalabas na sana ako ng hawakan niya ang palapulsuhan ko. "What?" tanong ko. "Number, baby." saad niya. Napabuntong hininga ako. Yeah, he needs my number nga pala. Hinawakan ko ang phone ko at pinakita ko sa kanya ang numero ko. Hindi naman niya sinulat or kinopya sa phone niya basta nakatingin lang siya. "HIndi mo isusulat?" takang tanong ko. He looked at me and grin, "No need." sabi niya sa akin. "Aalis na ako." Paalam ko sa kanya tsaka ako tuluyang lumabas ng sasakyan niya. Akala ko nga ay pipigilan pa niya ako para halikan pero hindi na. Masakit pa rin ang pagitan ng mga hita ko kaya hindi ko magawang lumakad ng maayos. Tinignan ko ang sasakyan na pinanggalingan ko at bumusina lang siya sa akin. Siya lang naman ang nag-enjoy sa nangyari at hindi ako. Damn alcohol. Hindi na talaga ako iinom pa nun kahit kailan. Napapahamak ako sa nangyari. Napapailing na lang ako habang naglalakad papasok sa building. Mabuti na lang at mag-isa lang ako sa loob ng elevator kaya nagawa kong makaupo sa lapag. Ang sakit kasi talaga. Isa pa, kailangan kong ayusin ang paglalakad ko dahil mahahalata ni Gwyneth ako pag nagkataon. She can notice me easily. Tumayo na ako matapos kong makita na malapit na ako sa palapag ko. I stood properly and act like normal. Pagkabukas na pagkabukas ng elevator ay nakita ko kaagad si Gwyneth sa tapat ng unit ko. Her eyes drifted to me habang nakapamaewang. I act like normal. Maayos na paglalakad kahit sobrang sakit talaga. "You took so long para sa isang nasa building na." sabi niya sa akin. I ignored her at inabot ang susi na nasa loob ng purse ko. I opened the door para makapasok kami. "What happened to you? Bakit ganyan ka maglakad?" tanong niya habang nasa likuran ko. Napatigil naman ako sa paglalakad at napatingin sa kanya. Her eyes widen kahit hindi pa ako nagsasalita. "Bruha ka! Did you have s*x?" gulat na tanong niya sa akin. "Make it a little louder, Gwy. Baka hindi pa narinig ng buong building." sabi ko sa kanya tsaka ko siya inirapan. Finally! I don't have to pretend kaya I walked limping papunta sa couch at umupo doon. God! The pain...kakaiba talaga siya. "Shuta ka, mare! Sabi ko na nga ba at hindi friend yung kasama mo. Ako pa lolokohin mo? Wala kang male friend maliban kay Francis. So based sa way ng paglalakad mo mukhang daks ang nabingwit mo," Nakangising sabi niya habang nakatingin sa akin. "Anong daks?" tanong ko sa kanya sabay abot ng unan sa gilid ko at niyakap iyon. "Daks! You know...big, huge, long, pulsating! Ganun! Positive ako na daks ang naka-chenes mo kagabi dahil para kang lumpo. Hindi mo maitatago ang katotohanan na nasarapan ka," dagdag pa niya. I frown, "I can't remember what happened okay? Kaya I can't tell kung nasarapan ba ako or what. Basta ang alam ko I'm sore right now." reklamo ko sa kanya. "Sana all sore. Ako hindi naging sore kay Julius. Juts kasi yung animal na iyon kaya hindi masaya. Gumamit ka ba ng protection? Ano yan, ONS lang ba?" tanong niya sa akin. Napapikit ako sa sunod-sunod na tanong niya. Hindi ko magets yung mga sinasabi niya. "Anong ONS?" tanong ko. "One Night Stand! Gaga ito. Papasok ka sa ganyan ng hindi mo alam ang pinagsasabi ko." Umirap pa siya sa akin. Hindi ko naman kasi talaga alam iyon. "Ano nga! Gumamit ka ba ng protection? Baka pinutok sa loob mo yan!" dagdag niya sa akin. Nilingon ko siya. "Hindi ko nga matandaan. I can't remember what happened last night. Okay na?" sabi ko sa kanya. Naramdaman ko ang masakit na hampas ni Gwyneth sa hita ko. "Aray!" sigaw ko sa kanya. "Nakipag-s*x ka ng hindi gumamit ng protection? Nag-condom ba si Mr. Daks para maging kampante ka ha?" sabi niya sa akin. Napabangon ako sa kinauupuan ko at masamang tingin ang pinukol s akanya, "Make it a little more louder, Gwyneth." Wala naman kasi talaga akong maalala. Bago lang naman sa akin ang lahat ng ito. Hindi pa rin naman nag-su-subside sa akin yung epekto ng alak kaya baka mamaya ko pa maalala lahat or hindi na. Mas maganda nga siguro kung hindi na. I have no intentions of thinking of it anymore. "Eto may pills ako dito pero dapat mag-ask ka pa rin sa OB mo kung anong mas maganda. Now that you have tasted s*x, I'm sure na hahanap hanapin mo rin iyon." sabi niya sa akin bago inabot ang pills na dala niya. "Why do you have these?" takang tanong ko matapos basahin ang label nito. "Girl scout ako, mare. Handang-handa ako in case na kailanganin ko. Ikaw lang naman ang sumasabak sa giyera ng walang armas. Boba!" Tumayo ito at lumapit sa refrigerator ko para kumuha ng bottled water. "I'm not sure lang kung may effect pa rin yan ah. Let's assume na lang na matalino si Mr. Daks kaya nagsuot siya ng condom." Inabot niya sa akin ang bote ng tubig. Tinitigan ko muna iyon bago tinanggap at uminom ng isang tableta. "Aalis ka rin di ba?" sabi niya sa akin pagkaraan ng mahabang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Napatingin ako sa kanya at nanlaki ang mata. Bigla akong tumayo kaya lang napahawak ako sa sofa dahil sumakit na naman yung hita ko. Isang malakas na tawa naman ang pinakawalan ni Gwyneth pagkakita sa akin. "Oh! Geez! I really want to see the guy who rip your ripped fruit!" Anito habang tumatawa. Inirapan ko na lang siya bago nagpunta sa banyo upang maligo. Kailangan ko nga pala kasing umuwi sa bahay. Sa susunod na araw na ang birthday ni Daddy at kailangan kong i-alter yung mga susuotin nila. Hindi naman ako ang gumawa pero ako ang inaabala nila. Kumuha lang ako ng isang puting blouse at maong jeans at pair ng fresh set of underwear bago maligo. Gwyneth will come with me dahil siya ang nag-aayos ng venue for Daddy's birthday. They paid her a lot compared to me. God! Hindi porket anak ako ay hindi nila babayaran ang service ko! The cold water runs through my body at parang pelikula na pumasok sa utak ko ang nangyari kagabi. I muffled a scream when I remember na hindi kami gumamit or siya ng protection. But the heat between my thighs can't be ignored dahil habang pumapasok sa utak ko yung paraan ng paghalik niya mula ulo hanggang paa partikular na sa gitna ko, at kung paano siya pumasok sa akin...hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha. "Fuck..." bulong ko sa sarili ko. Nangyari ba talaga iyon? Ang shower na inaasahan kong mabilis lang ay naging matagal dahil sa memoryang iyon. Sa bawat pagpikit ko ay nakikita ko ang mukha niya, ang katawan niya, kung paano siya gumalaw sa ibabaw ko at kung paano ako magmakaawa na huwag siyang huminto. "Amaranthine!" sigaw ni Gwyneth mula sa labas ng kwarto ko. "Tatlumpung minuto ka na diyan! Plano mo bang lumabas pa?" narinig kong sabi niya. Para akong nakabalik sa katinuan at agad na tinapos ang pagligo. Sinuot ko na lang ang damit ko. Naglagay lang ako ng pabango bago ako lumabas ng kwarto. Hindi na ako nag-suklay pa ng mabuti dahil aayos din naman iyon mamaya kapag natuyo. "Sorry," sabi ko sa kanya habang sinusuot ang isang flat shoes sa shoe rack ko. "Muntikan na akong makatulog, mars. Next time inform mo naman ako kung magtatagal ka sa shower ah?" sabi niya sa akin. I waved my hand to her bago kami sabay na lumabas ng unit ko. We are going to use her car dahil sabi niya baka may hang-over pa ako at kung ano pa ang mangyari sa akin sa daan. We drive thru sa isang coffee shop dahil hindi pa naman din ako kumakain ng maayos. Gwy ordered a flat bread and hot coffee for me, frappe naman ang sa kanya dahil hindi naman daw siya lasing. Kung ano-ano ang kinuwento niya sa akin habang nasa daan. Nandyan yung nagwala sa dance floor si Mia kasi nakita niya yung boyfriend niya na sumasayaw kasama yung ibang babae, after nun nagwalwal na lang din daw ng alak si Mia. Tapos kung paano raw niya ako hinanap kahapon. Lahat iyon ay detalyado niyang sinabi sa akin. Gusto ko mang sagutin siya ay hindi ko magawa. Nasa ibang tao kasi ang utak ko. Hindi maalis sa isipan ko yung nangyari sa amin ni Hunter. Nakarating na kami lahat sa Quezon City ay wala pa rin ako masyadong imik. Nakita ko na lang na nasa tapat na kami ng mansyon ng pamilya namin. Ako lang naman ang hindi nakatira dito kasi hindi ako politician. My whole family lives here while I don't. Sila rin kasi ang nagdesisyon na mas mabuting wala ako dahil daw puro meetings about politics ang maririnig ko doon. Hindi naman daw ako interested doon, alam nilang sa tela, sinulid, at karayom ang focus ko. At the age of eighteen kung saan walang magarbog debut ang naganap sa akin dahil busy raw sila sa pangangampanya ay umalis na ako ng bahay. I told them naman kung saan ako lilipat but they never bother asking me kung kumusta na ako. They throw big parties for my siblings habang ako yung yaya ko lang ang kasama ko that time. Hindi ko naman masama si Nanay Lita sa nilipatan ko dahil ayaw siyang pakawalan nina Mommy at Daddy. According to them, they need Nanay Lita more than I need her I worked abroad for two years and they never contacted me for that two years. Nagulat pa sila na nasa Paris ako ng dalawang taon dahil ang akala raw nila ay nasa Taguig lang ako. They never care about my career kasi hindi naman ako politician. My siblings seek a campaign fund to me. Kahit ayaw ko ay wala akong magawa dahil sabi nila babayaran naman nila. My siblings owe me ten million each of them for their funds. Hanggang ngayon ay hindi pa nila nababayaran sa akin. When Ate LJ got married ay naging laman ng balita ang kasal niya with Kuya Geoffrey. Sabi pa nga sa media na isang anak lang daw si Ate LJ kaya ganun ang attention ng mga magulang ko. I can still remember na tatlong wedding gowns ang palit-palitan na sinuot ni Ate LJ at lahat iyon ay galing sa akin. She never thank me tho. Mananatiling responsibilidad ko ata sila. My parents were crying while handing Ate LJ to Kuya Geoff that time. Noon ko lang sila nakitang umiyak na ganun. When Kuya Sorrel got married to Ate Monica ay ako rin ang gumawa ng couture nila that time. Wala naman akong reklamo at nanahimik na lang dahil wala akong karapatan na magsalita. Ang mga magulang ko ang punong-abala para sa kasal ni Kuya Sorrel na isa pa lang konsehal that time. Kuya Cedar's wedding is by next month. Katulad ng ginawa ko sa mga una kong kapatid ay ako na naman ang gagawa ng isusuot nila. Ate Cayla's wedding gown is on me, katulad dati. Again, wala naman akong choice. Kapag tumanggi ako ay kung ano-ano ang sasabihin nila sa akin. They will tell me na hindi ko naiintindihan kasi hindi naman ako politician. I don't need to understand them. Ayoko na rin silang intindihin dahil wala naman akong panahon na ipaliwanag pa ang sarili ko laban sa kanila. Mapapagod lang ako. Bumaba na kami sa sasakyan ni Gwy. Ang bahay na ito ang naging saksi sa bawat pag-iyak ko, paghihintay sa mga magulang ko at kung paano ako umalis dito. Lahat iyon ay dito nakaukit. Sa bawat poste ng bahay na ito ay nakaramdam ako ng p*******t mula sa mga magulang ko. "Back to the hell." Narinig kong sabi ni Gwyneth. Nilingon ko siya sabay kibit balikat. No choice again. Pumasok na kami sa loob ng bahay at katulad ng dati ay wala akong ibang nakita maliban kay Nanay Lita na niyakap ako pagpasok ko. "Louise, mabuti naman at nakauwi ka ngayon anak, " Naiiyak na sabi ni Nanay Lita sa akin. Yumakap naman ako ng mabuti sa kanya. I treat her as my mother dahil ganun naman talaga siya sa akin. Naging anak na rin niya ako matapos niyang makita lahat ng nangyari sa akin. Without her ay baka hindi ko na alam kung saan ako pupulutin ngayon. "Yes, Nay. Nalate lang po talaga kami ni Gwyneth." sabi ko kay Nanay Lita. "Luh? Bakit nadamay ako?" tanong niya habang nakaturo sa sarili niya. Hindi ko na lang siya pinansin at sumama na kay Nanay Lita. Nasa likuran daw ang buong pamilya ko. Alam ko naman na every weekend ay ginagawa nila ito. They never invited me kaya hindi na ako pumupunta pa. Ngayon lang talaga dahil may kailangan sila sa akin. Kung wala naman akong kailangan ay hindi nila ako tatawagan para pumunta dito. There, I saw my family including my in-laws, niece and nephew na lumalangoy sa pool. One of my pamangkin saw me kaya tinuro ako at doon lang napalingon ang mga kapatid ko. My Dad never gave me a look habang tumayo naman si Mommy at lumapit sa akin. "What took you so long? Kanina pa kami. We need to attend to Senator Rodriguez birthday and we are going to be late because of you. " sabi agad niya sa akin. Naramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Gwyneth sa tagiliran ko. Sanay naman na ako kaya lang hindi ko maiwasang hindi masaktan lalo na at limang buwan na mula noong huli kaming magkita and that was my birthday last May 10 pa! "Naku sorry na Tita. Traffic kasi sa Edsa tapos nalate din ako ng sundo kay AL. Alam niyo naman po na galing kami sa kasal ni Bea tsaka ni Francis kahapon." pagsabat ni Gwy tsaka siya lumapit kay Mommy. Tinignan naman ako ni Mommy bago tinignan si Gwy. "You saved her again, Gwyneth. Ano na lang ang mangyayari kung wala ka? Palibhasa kasi wala sa isipan niya ang pagiging po---" "Asaan na yung mga kailangan kong i-alter?" pagsabat ko naman. Ayoko na marinig ang iba pa niyang sasabihin. Ipamumukha na naman nila sa akin na wala akong silbi dahil hindi ako politician. "Nasa taas," sabi ni Ate LJ sa akin. Tinignan ko silang lahat at nakita na nakatingin na rin si Daddy sa akin. "Please wear you gowns and suits para alam ko yung ibabawas ko. Mahirap hulaan yung sukat ninyo since hindi ko naman kayo nakakasama sa bahay." sabi ko sa kanila. Ako lang ang literal na malayo ang bahay. Ang mga kapatid ko ay kapitbahay ang mga magulang ko at halos ilang lakad lang ay nandito na sa bahay. "I'll be staying in my room muna. Kung tapos na kayong magbihis tell me." Tatalikod na sana ako ng marinig ko ang boses ulit ni Ate LJ. "Your room has been renovated to become the room of the kids." sabi niya. Natigilan ako sa sinabi niya, napalingon din naman sa akin si Gwyneth at halos malaglag ang panga sa narinig. Grabe talaga. Wala man lang abiso na aalisan na ako ng kwarto. "Where are my things then?" tanong ko. May naiwan pa akong mga gamit dito! "We auctioned some of them. Your siblings need a fund. Hindi mo rin naman binabalikan at hindi ka rin sumasagot sa tawag---" "Nobody called me! At least inform me na aalisin niyo yung gamit ko at ibebenta niyo man lang. I don't care kung ano ang plano niyo but inform me lalo na kung related sa akin!" malakas na sabi ko sa kanila. "Louise," tawag ni Kuya Sorrel sa akin. Masamang tingin lang ang pinukol ko sa kanila. "Can I stay here instead? Baka dito pwede na ako since wala naman akong lugar sa bahay na ito?" tinuro ko ang sunlounge na bakante sa gilid. "That's Geoffrey's sun lounge," sagot ni Ate LJ sa akin. I rolled my eyes, "Great! Kitchen then. Call me when you're all done because I want to leave this place immediately!" Iniwan ko sila tsaka ako pumunta sa kusina. Nakita ko doon si Nanay Lita na malungkot na nakatingin sa akin. Yumakap ako kaagad sa kanya. Hindi ako umiyak ako pero ang sakit-sakit ng dibdib ko sa ginagawa nila sa akin. "Mahal kita, Louise. Nandito lang ako para sa'yo, anak." bulong ni Nanay Lita sa akin. Tumango ako habang nakayakap sa kanya. Mabuti na nga lang din na wala na ako dito sa bahay na ito. Hindi ko na talaga masikmura ang ginagawa nila sa akin. They don't have remorse at all. Hindi man lang sila nagsisisi sa ginagawa nila. Mas mabuti pa nga sana na hindi na lang nila ako pinanganak o kaya binuhay kaysa nararanasan ko ang ganito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD