“SASAMA ka ba?” tanong ni Mauve kay Eros nang lumabas siya ng kanilang kuwarto habang sinusuklay ang kaniyang buhok. Nakabihis na rin siya at handa nang umalis. “Magpupunta ako maya-maya sa bahay ng kaibigan ko rito, pero bago ‘yon balak kong maglibot-libot muna rito sa hotel at sa ilang store.” Talagang hindi makakatakas sa kaniya ang pagsho-shopping sa tuwing siya ay namamasyal sa iba’t ibang lugar. Pakiramdam niya ay hindi kumpleto ang bakasyon kapag wala siyang nabiling kung ano sa lugar na pinuntahan. Ginagawa niya iyon para mayroong matawag na souvenir o maalala ang lugar na pinuntahan kapag nakikita ang gamit na binili mula roon. ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ Sandaling nag-isip ang lalaki at tumango. “Magpapalit lang ako.” Nagtungo ito sa kanilang silid upang magpalit ng damit datapwat maay