IKINAGULAT ni Mauve ang kaniyang ginawa, ngunit mas nagulat siya sa naging pagtugon ng lalaki. Ang buong akala niya ay natutulog na ito. Isang malaking katangahan nanaman ang kaniyang nagawa. Sinubukang kumawala sa mahigpit na yakap ng lalaki ngunit tila nanghihina ang kaniyang buong katawan na hindi niya mapaliwanag. Palagi na lamang siyang nanlalambot tuwing nadidikit sa lalaking ito. Ano bang meron si Eros at palagi siyang ganito? Lalong namilog ang kaniyang mga mata nang gumalaw ang lalaki at mabilis na pinagpalit ang kanilang posisyon. Pumangibabaw si Eros sa kaniya habang pupungay-pungay ang mga mata at titig na titig sa kaniya. “E-Eros…” wala siyang ibang masabi kundi banggitin lamang ang pangalan ng lalaki. Ang mga kamay ay pinagsalikop sa dibdib habang iniiwas ang mga mata na