Chapter 14: The Result of Their Mistake

1379 Words

LABIS ANG pagduduwal ni Mauve nang magising siya kinabukasan. Umiikot ang kaniyang paningin at hinang-hina ang buong katawan. Sa pakuwari niya ay dala ito ng kaniyang mga nainom kagabi, ngunit hindi niya maintindihan kung bakit ngayon niya ito isinusuka at hindi kagabi? Naupo siya sa gilid ng pintuan ng bathroom. Hindi niya na inisip pa kung marumi o malinis ang inupuan. Namilog ang kaniyang mga mata nang mapagtantong nakahubad siya at tanging ang mga panloob na damit lamang ang suot. Malakas siyang napasigaw. “Mauve, bakit?” Nagmamadaling lumapit ang kaniyang ina na nakahiga sa sofa at doon nakatulog. “Anong nangyari?” Yumuko ito at hinawakan ang magkabila niyang balikat. “May masakit ba sa ‘yo? Tatawag ako ng doctor.” Sunod-sunod siyang umiling. “Mom, b-bakit ganito lang ang suot ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD