SUMIMANGOT ang mukha ni Mauve nang dahil sa salbaheng lalaking nakaharap nang lumabas sa sasakyan nito. Hindi siya makapaniwalang ito pa ang may lakas ng loob na pagsabihan siya ng ganoong masasakit na salita matapos itong makagawa ng kasalanan sa kaniya. Itinayo niya ang maleta niyang mitumba rin at naniningkit ang mga matang tinignan ang lalaking nasa harapan. “And who do you think you are to talk to me that way, huh?” Wala siyang pakialam kung anak ito ng presidente o kung sino mang bilyonaryo! Hindi niya gusto ang masamang tabas ng dila ng lalaking ito. “Sino ba ang nagmamaneho rito nang hindi tumitingin sa daan?”
Nang dahil sa sinabi naman ng babae ay mas lalong nag-init ang ulo ni Eros. Inis na nga ito sa matinding traffic sa kalsada at sa nangyari sa opisina, dumadagdag pa sa sakit ng ulo si Mauve. Pumasok sa sasakyan ang lalaki at itinabi ito sa gilid. Galit na bumaba at muling pinagbalingan ng galit ang babae. “Do you know who I am?” aroganteng tanong at inayos ang suot na coat.
Umiling siya. Pinag-ekis ang braso sa dibdib. “Hindi,” aniya, “And I have no time to know who ever you are. I don’t care who you are, but you whether you like it or not you have to apologize on me!” Halata ang inis sa mukha ng lalaki ngunit wala roong pakialam si Mauve. Siya nan ga itong kamuntik nang mabangga, ito pa ang may lakas ng loob na magalit. Hindi siya papayag na pagmalakihan ng lalaking ito.
Napailing ang lalaki. Napahilamos ng palad sa gawing baba nito at pumameywang. Hindi makapaniwalang may isang babae ang sasagot-sagutin lamang ito nang ganoon. “Give me your name!” inis na wika ni Eros. Tumaas na rin ang boses. Hindi na makakuha pa ng kahit na anong sasabihin. Hindi na nais pang makipagtalo, kailangan pa kasi ni Eros sunduin ang bunsong kapatid. Tiyak na naghihintay na ito kung saan mang bahagi ng airport.
“And why would I give my name? No!” Mauve rolled her eyes. “Apologize now!”
“You don’t know how much is my apology. So, back off.”
“What?” Napanganga si Mauve. Hibang na ba ang lalaking ito? At kailan pa nagkaroon ng presyo ang paghingi ng tawad? Hindi siya makapaniwala na makahaharap ng ganitong tao sa tanang buhay niya. “You’re unbelievable!”
“Tsk!” Tumikhim si Eros at tumingin sa suot na wrist watch. “Darn! Nakakainis!” Masamang tinignan ang babae. “Hindi pa ako tapos sa ‘yo—”
“Kuya, what took you so long?”
Natigilan si Eros nang marinig ang boses ng kapatid na si Emerald mula sa likuran niya. Naglalakad ito papalapit at kalalabas lamang din mula sa exit ng naturang gusali. “Emerald…” Dali-daling lumapit at kinuha ang mga dala nitong luggage.
Tumingin si Emerald kay Mauve at ngumiti. “Hi,” bati nito sa kaniya at tumingin sa masungit na lalaking tinawag nitong ‘kuya’. “Is she your girlfriend?”
“What?!” Hindi maipinta ang mukha ni Eros. “Of course not!” mariing itinanggi na kasintahan ang babae dahil hindi naman talaga. “She’s not my girlfriend and she will never be, hindi ang tipo niyang babae ang gugustuhin ko.”
Napanganga si Mauve. Isang malaking insulto sa kaniya ang sinabi nito. “Ha!” She could not believe of this man! Pumameywang siya. Ngayon niya naramdaman ang matinding init sa Pilipinas, dahil nag-iinit na rin ang kaniyang ulo nang dahil sa salbaheng lalaki na ito. Nagdesisyon siyang huwag na lamang itong patulan. Inis siyang dinampot ang hawakan ng kaniyang maleta at dali-daling naglakad.
“Kung ganoon sino siya?” tanong ni Emerald kay Eros habang ang lalaki ay sinisimulan nang ikarga sa compartment ng sasakyan ang mga luggage ng dalaga.
“I don’t know, and I don’t care. Huwag lang magtama ulit ang landas naming, hindi-hindi ko na siya pagbibigyan.”
“Para ka namang hindi lalaki niyan, Kuya Eros. Pumapatol ka sa babae.”
“Ah, nonsense.”
Napailing na lamang si Emerald. May ugali kasi talaga paminsan-pinsan ang kapatid na panganay, ngunit hindi naman ito ganoon sa kanila. Hinayaan na lamang at kaagad na silang byumahe pauwi. Nadaanan pa nila si Mauve sa gilid na nananatiling nakatayo at naghihintay.
Nag-book na lamang siya ng taxi at hindi na hinintay pa ang kaniyang ama na sunduin siya. Siguradong mayroon itong importanteng nilakad at hindi nakarating sa oras na napag-usapan nila. Wala naman siyang ibang matawagan dahil ang kapatid ay abala. Ang mommy niya naman ay nais surpresahin sa pag-uwi. Marami pa naman siyang biniling pasalubong para rito. Next week pa kasi ang inaasahan na uwi niya, napaaga lamang at ang dad niya ang unang nakaalam. Wala kasi siyang maitagong sikreto rito. Aminin man niya o hindi, isa siyang daddy’s girl. Paano ay sinanay rin naman siya ng ama. She was his princess and their mom is his queen.
Habang naghihintay sa kinatatayuan ay hindi niya maalis sa isip ang masungit na lalaki. Hindi siya makapaniwala sa mga salitang binibitawan nito. “Mayroon pa lang lalaking gano’n? Ang sama ng ugali. Siya na nga ang may kasalanan, siya pa ang galit.” Malalim siyang bumuntong hininga. “Ngayon ko lang nalaman na may bayad pala ang paghingi ng pasensiya. Feeling VIP! Hmp! Bayad siguro pati laway ng lalaking ‘yon. Arrogant!” Maya-maya ay napaisip siya. Naalala niya ang wangis ng lalaki. Kahit nakasimangot ang mukha nito ay may angkin pa ring kaguwapuhan. Hindi niya iyon maitatanggi. “Sayang, may hitsura pa naman—” Pinamulahan siya ng pisngi. Mahina niyang tinapik ang magkabilang pisngi. “That arrogant man, kapag nagkita kami ulit… I will make sure he will apologize.”
Habang magkaekis ang braso sa dibdib ay idinampi niya sa baba ang kaniyang kanang hintuturo at nag-isip. “Hmm… sino kaya siya? Anak kaya ng hari?” She chuckled. “He’s a jerk. I don’t want to see him again.”
Kaagad namang dumating ang kaniyang nai-book na taxi. Sumakay siya at huminga nang malalim upang alisin ang masamang pakiramdam na idinulot ng lalaking iyon. Kailangang maging masaya lamang siya ngayong araw. Tiyak na matutuwa ang kaniyang ina sa surpresa niyang pag-uwi.
Samantala, iritable pa rin si Eros ngunit habang nasa byahe ay hindi maalis sa isip ang babae. “She looks familiar,” bulong niya. Tila nakita niya na ito noon. Sinimulan niya tuloy isipin kung kailan at saan ngunit hindi lubos maisip. Dali-dali siyang umiling at inalis ito sa kaniyang isip. Walang lugar ang babaeng iyon sa kaniyang isip. Such a waste of time!