Hndi ko alam kung ipipikit ko ang aking mga mata. Lalo at nakikitang kong papalapit na ang labi ni Jeff sa akin. Hindi puwedeng magpatanga'y na naman ako sa bugso ng damdamin ko, baka sa bandang huli ay ako pa rin ang uuwing luhaan. Baka hindi ko na kayanin ang lahat ng sakit na dulot ng pag-ibig ko kay Jeff. Hindi na ako nag dalawang-isip na umiwas. Ibinaling ko ang aking mukha pakaliwa upang hindi ako tuluyang mahalikan nito. Ngunit sadyang tuso yata ang binata, sapagkat mabilis na gumalaw ang isang kamay nito at muling pinaharap sa kaniyan, ang aking mukha. Hindi ako makahuma nang tuluyan na ngang maglapat ang aming mga labi. Pigil ang hininga ko habang sinasamba ni Jeff ang aking labi. Pakiramdam ko tuloy ay gusto na rin nitong lunokin iyon dahil sa tindi ng paghalik niya. Mas