Hindi na ito nagsalita sa aking mga sinabi. Ngunit napansin kong madilim ang awra ng mukha nito. At tila gusto akong sakmalin, napaismid na lamang ako sa inaakto ng lalaki. Tama naman kasi ang aking mga tinuran dito. Kaya wala itong karapatang magalit sa akin kung gabihin man ako nang pag-uwi. "Baba!" singal nito sa akin pagkarating namin sa tapat ng bahay namin. "Talagang bababa ako, noh. Dahil ayaw kong makasama ang isang ulad mo na pangit ang pag-uugali na kasing sama ng mukha mo!" sigaw ko rito at mabilis na lumabas ng sasakyan. Pabalibag ko ring isinara ang pinto ng kotse niya. Sobrang nanggigigil ako sa lalaki. Kung puwede lang itong pagsasampalin ay ginawa ko sana. Malapit na ako sa bahay nang may humiklas sa braso ko, agad akong bumaling sa taong may gagawan ngunit sinalubong