"Huwag ka na kasing umangal pa, Bettina. Alam ko naman gusto mo ang ating gagawin, dapat nga magdiwang ka pa dahil ako na mismo ang lumalapit sa 'yo at hindi ka na magpapakahirap na gumawa ng gayuma para sa akin," usal nito na aking kinagulat. "A-Ano'ng ibig mong palabasin, Mr. Luwes? Saka hindi pa ako gumawa ng gayum para sa 'yo! Kaya puwede tigilan mo ako!" sigaw ko sa mukha nito. "Bettina, kahit 'di mo sabihin ay alam na alam ko na ang iyong mga pinaggagawa noong tatlong buwan ang nakakaraan. Kaya huwag na tayong maglokohan pa," nakangising sambit nito. Ngunit hindi ako nagpatalo sa lalaki. Nanlilisik ang aking mga mata natumingin dito. "Bitawan mo ako! Wala akong pakialam sa mga pinagsasabi mo na walang katuturan!" sigaw ko sa mukha nito. "Talaga lang, ha?" Mas nagulat ako at hi