Tatlong araw ang lumipas na walang Jeff ang pumupunta rito sa bahay namin. Gustuhin ko mang magtanong kay Kuya Billy, ngunit inaabot naman ako ng hiya. Napatingin ako pintuan ng biglang iyong bumukas at bumulaga sa harap ko si Kuya Billy. "Bettina, kailangan mong sumama sa akin dahil pupunta tayo sa hospital," wika ni Kuya na hangos na hangos. Kumabog ang dibdib ko nang marinig ko ang hospital na binanggit ni Kuya Billy. "K-kuya, sino ang pupuntahan natin sa Hospital?" tanong ko. Matagal bago umimik si Kuya Billy. Pansing kong kabado rin ang aking kapatid. "Si-si Jeff," mahinang wika ni Kuya. Parang biglang nanlambot ang mga tuhod ko nang bangitin ni Kuya Billy ang pangalan ni Jeff. "Kuya, alam kong nasa Hospital ni Jeff dahil isa siyang doctor," wika ko at ngumiti pa nga ako ng