"Hindi ka puwedeng lumabas ng bahay, Bettina," wika ni Jeff sa akin. "Bakit?! Saka puwede ba? Ibaba mo ako!" sigaw ko sa lalaki. "Huwag ka ngang makulit, Bettina!" asar na wika nito sa akin. Tuloy-tuloy kaming pumasok sa loob ng bahay, dinala rin ako sa aking kwarto at ibinaba sa kama. Masamang tingin ang ibinigay ko sa lalaki. Ngunit hindi man lang siya tinablan ng tingin kong nanlilisik. "Ano bang problema mo, Jeff?!" pasigaw na tanong ko sa lalaki. "Wala akong problema Bettina! Ikaw ang may problema, iyang pagiging isip bata mo!" bulalas nito. Napanganga ako sa mga sinabi ni Jeff. Wala akong ginagawang masama. Paano ako naging isip bata? "Hoy, Mr. Luwes! Umayos ka nang pananalita mo dahil wala akong ginagawang masama sa 'yo!" bulyaw ko sa lalaki. Hindi ito nagsalita, bagkos ay t