Patamad na tumatayo ako mula sa aking kama. Hindi pa sana ako babangon kaso may makulit na tao ang kumakatok sa labas ng kwarto ko. Nakapikit pa nga ako ng buksan ko ang pinto. "Bettina, akala ko ba ay ikaw ang mag-aalaga kay Jeff?!" Lumaki ang mga tama ko nang mabungaran ko si Kuya Billy, halos mabingi rin ako sa lakas nang sigaw nito. Nawala tuloy bigla ang antok ko at alanganin akong ngumiti. "Ano'ng oras na ba, Kuya?" tanong ko. Tumingin muna sa akin si Kuya bago muling nagsalita. "Alas-otso na ng umaga Bettina, bilisan mong kumilos dahil walang nag-aasikaso kay Jeff," wika ni Kuya Billy. "Sige, Kuya, maliligo lamang ako at pagkatapos ay pupunta na sa bahay ni Jeff," sagot ko sa kapatid ko. Agad akong tumalikod at nagmamadali pumasok sa loob ng banyo. Gusto ko tuloy matawa sa kl