Hindi nagsalit ang lalaki sa tanong ko, bagkos tuloy-tuloy lang siyang pumasok sa loob ng banyo. Hindi naman nagtagal ay bumalik din si Jeff. "Bilisan mong maligo Bettina at ihahatid na kita sa bahay ninyo," wika ni Jeff sa akin. Nalungkot ako, wala man lang lambing ang tono nang pananalita ng lalaki. Sabagay ganyan naman talaga si Jeff. Para laging galit. Pumasok na lang uli ako sa loob ng banyo upang tuluyan nang naligo. Hinatid nga ako sa bahay ng lalaki. Ngunit para naman may kasama akong pipi. Wala man lang kaimik-imik ang lalaki. Pagpasok pa lang sa loob ng bahay ay bumulaga kaagad ang mukha ng inay at dalawa kong kapatid. Bumaling ang tingin ko kay Ate Jessica. Parang nang-uusig ang tingin niya sa akin. Gayundin ang Inay at kapatid kong lalaki. "Mabuti naman at dumating na kay