Candis' POV
Kunot noong tinignan ko ang isang papel na may nakasulat na WANTED MAID. Masyado na kasing malaki ang tyan ni Mimi kaya kailangan na nitong magpahinga hanggang sa araw nang panganganak nito. Ayaw kasi nitong umalis hangga't walang nahahanap na kapalit.
"Mimi naman, hindi mo na kailangang gawin 'to. Okay lang naman na matagalan bago ako makahanap ng makakapalit mo. Wag kang mag-alala, kayang kaya ko ang mga gawain dito sa bahay!"
"Naku, Candis, hindi pwede. Ang likot likot na ni baby Travis kaya imposibleng kaya mo ng wala kang katulong dito. Naku, kung ako lang ang masusunod, tsaka na ko magpapahinga pag kabuwanan ko na eh! Kayang kaya ko pa naman. Kayo lang ni Sir Mavy ang mapilit na pagpahingahin agad ako," reklamo nito. Napailing ako. Malalagot ako kay Mavy kapag hindi ko napilit si Mimi na magpahinga na muna. 'Yong asawa ko kasi ang nangungulit sa akin na kumbinsihin s'ya dahil baka daw mapano ang dinadala nito. At isa pa, pamilya na ang turing namin kay Mimi at napakalaki ng utang na loob namin sa kanya dahil katulong ko s'ya sa pag-aalaga sa kambal noong maliliit pa ang mga ito.
"Oh s'ya, halika at idikit na natin ito sa labas ng bahay," wala na akong nagawa dahil sa kakulitan nito.
"Ayos!" sabi pa nito nang maidikit namin 'yong.
***
Dave's POV
Kasalukuyan akong nagbabasa ng libro nang may nagtakip bigla sa mga mata ko. Amoy pa lang n'ya ay alam ko na kung sino. Tss! Inis na tinanggal ko ang kamay nitong tumakip sa mga mata ko. Nakita ko naman s'yang nag-pout. This girl. Wala na s'yang ginawa kung hindi ang magpapansin sa akin. Ayaw ko pa naman sa lahat ay ang kinukulit ako.
"Just go upstairs, Kylie. Vincent is still sleeping," taboy ko sa kanya at lumayo ng bahagya sa kanya. Kylie and Vincent are best of friends. Kylie is the only child of Tito Lyndon and Tita Lyndsay. We're just neighbors kaya halos walang araw na hindi s'ya pumupunta dito.
"Let him sleep. It's you that I want to talk with," sabay baba nito ng isang box ng pizza sa side table. Itinuon ko na lang ulit ang pansin sa librong binabasa ko.
"About what?" tinatamad kong tanong.
"About us," kunot noong nag-angat ako ng tingin. Mukhang hindi ko magugustuhan ang kakahinatnan ng usapan namin.
"What about us?"
"I mean, you and me. I'll turn 18 next month. Sabi ni Daddy, pwede na raw akong magboyfriend kaya, pwede na tayo," lalo akong napakunot noo dahil sa sinabi n'ya. What the heck is she talking about? Nasisiraan na ba s'ya ng bait?
"What did you say? Are you out of your mind, Kylie? Me and you? How the heck would that be possible? We are cousins, for Pete's sake!" napatayo na ako. I don't wanna talk to her.
"No we're not. My Dad isn't a legitimate son of Lolo. Ampon lang ang Daddy ko, Dave," pagpipilit pa n'ya. I closed my eyes in frustration.
"The hell I care. As long as we have the same surname, you will always be my cousin," finality was in my voice. I hate this kind of arguments.
"But, I love you, Dave!" she shouted. Tinalikuran ko na agad s'ya.
"I don't feel anything for you. Para sa akin, pinsan kita at pinsan lang ang turing ko sa'yo. Just forget about that stupid feelings," hindi ko na hinintay ang sagot n'ya. I can't believe that she'd confess about her feelings na ganoon kadali. And to think that she's a girl. Geez! Isa pa, kung meron mang may gusto sa kanya, si Vincent 'yon. Bakit di na lang s'ya kay Vincent magconfess? The possibility of success was high, I'm sure!
Pag-akyat ko sa itaas ay nakatayo si Vincent, ang kakambal ko, sa tapat ng kwarto n'ya. I can't read the expressions in his eyes. Narinig n'ya kaya ‘yong sinabi ng bestfriend n'ya? Tss! The hell I care about them. Patay malisyang nilagpasan ko lang s'ya pero nagsalita s'ya bago pa man ako makapasok sa kwarto ko.
"Why did you say that to her?"
So, he heard us.
"You know I have no time for stvpid stuff, Vince,"
"Take back what you have said!" mariing utos nito.
"I can't," sabi ko at pumasok na sa loob ng kwarto pero sinundan n'ya ako at hinawakan sa damit. "Get your hands off me," kalmado ko pa ring sabi sa kanya.
"Hindi mo ba narinig 'yong sinabi n'ya? She loves you, d*mn it!"
"Didn't you hear what I've said? I don't feel anything for her. Bakit hindi na lang s'ya sa'yo magconfess? Tutal naman, mahal mo s'ya—" tinulak n'ya ako.
"You listen to me, Dave! Kapag may nangyaring masama kay Kylie dahil sa sinabi mo, kalimutan mo ng kakambal mo ako!" galit na sabi nito at dali daling lumabas sa kwarto ko. Inis na umupo ako sa kama at napasabunot sa buhok ko. D*mn this life! Hindi n'ya ako mapipilit sa isang bagay na hindi ko gusto. Hindi ko sinabing mahalin n'ya ako kaya I don't fvcking care if she'll get hurt because of that! Love? That's stvpid!