Rain: LUMIPAS ANG MGA araw na mas naging magkalapit kami ni Collins. Araw-araw na rin itong pumapasok ng hospital. Nagiging headlines tuloy kami lagi dito sa hospital dahil lantarang pinapakita ni Collins sa lahat ang paglalambing nito sa akin. Kahit na wala pa naman kaming label ay masaya na rin akong kahit paano ay ako lang ang kinaka-date nito kahit na kaliwa't kanan ang naghahabol sa kanyang mga sikat na babae. Minsan may mga katrabaho pa rin ako dito na tinataasan ako ng kilay at sinasadyang paringgan ako tungkol sa namamagitan sa amin ni Collins na president namin pero pinapalagpas ko na lang. Naiintindihan ko namang insecure lang sila at 'di maiwasang pag-initan ako dahil hindi naman kasi nagbago ang pakikitungo ni Collins sa lahat maliban sa amin nila kuya. Napaka-arogante niya