Rain: NAPAKUNOTNOO AKONG nakapa ang mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib ko. Namilog ang mga mata kong napadilat ng makapa kong may kamay na nakadakma sa kanang dibdib ko! Napakusot-kusot pa ako ng mga mata na mapansing wala akong saplot at may malaking kamay ang nakasapo sa s*so kong mula sa likuran ko! Dahan-dahan akong napapihit at lalong nanlaki ang mga mata na malingunan si Collins na himbing na himbing pa rin pero heto at trespassing naman ang maligalig niyang kamay. Kahit nakatulog ito ay kusang naglalakbay ang kamay nito haist! Nangingiti akong maingat na nahiga patagilid dito at napahaplos sa makapal niyang kilay na pinaresan ng mahahaba at malalantik niyang mga pilikmata. Napakaamo niyang pagmasdang payapang nahihimbing pero ibang-iba kapag gising na ito. Napakasungit ng