Chapter 15 My Ulan

1362 Words

Rain: NAKAYUKO AKO HABANG nakatitig sa mga paa kong nababad dito sa pool. Pasado alasdyes na rin ng gabi pero hindi pa ako dalawin ng antok. Matapos naming magkakakilanlan nila Collins at kuya ay masaya naming in-celebrate ang muli naming pagkikitang apat. Panay din ang paumanhin ni Collins na hindi niya kami nakilalang magkakapatid. Kahit paano ay naglahong parang bula ang inis ko dito sa pagiging presko at arogante niya sa akin nitong mga nagdaang linggo. Hindi ko naman siya masisisi kung hindi na niya kami nakilala agad dahil tanging mga alyas lang naman namin nila kuya noong mga bata pa kami ang alam nitong pangalan namin. At inakala din nila na posibleng wala na kami kaya siguro hindi niya naisip na nakakasalamuha na pala niya ang mga dati niyang kaibigan. Para akong nabunutan ng ti

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD