Rain: MABUTI NA LANG napapayag ko din si Collins na magbalik trabaho na ako ng hospital nila. Kaya naman tuwang-tuwa sina tatay, nanay Elsa at tatay Edgar na siyang tagapangalaga kay baby Chloe namin kapag nasa trabaho kami ni Collins. Nakakalungkot lang na hindi pa kami nagkakausap ni kuya Cloud. Magmula nang mabugbog ito ni kuya Typhoon sa unit noong kararating ko ay lumipat na sila ni Charrie sa France. Ni hindi ito nagpaalam sa amin ni kuya Typhoon. Kung hindi pa sinabi ni tatay na nagpaalam na si kuya Cloudy noon na lilipat na sila sa ibang bansa ay hindi ko pa malalaman na wala na pala sila dito sa bansa ng asawa nito. Naiintindihan ko naman kung umiiwas pa rin ito. Hindi naman ako galit sa kanya. Nauunawaan ko kung bakit siya naghihigpit sa akin kahit na minsa'y nakakasakal na an