Rain: MABILIS LUMIPAS ANG mga araw. Nanatili naman kami ni Collins sa Palawan. Sinusulit bawat oras. Minsan nakakatampo pa rin dahil hindi naman maiwasang kiligin sa kanya ang mga kapwa namin turista dito sa resort na tinuluyan namin. Kahit nga ang mga staff dito ay lantarang nagpapa-cute sa kanya kahit hindi sila pinapansin ni Collins at proud pinapakita sa lahat na taken na ito. Napakamaasikaso niya na kulang na lang ay siya na rin ang ngunguya sa kakainin ko. Lalo tuloy bumibigat ang katawan ko sa panay ang palamon nito sa akin. Ang daya lang na sa aming dalawa ay ako lang ang tumataba dahil maalaga naman kasi ito sa katawan kahit panay din ang lamon na sinasabayan ako lagi lalo na sa mga cravings namin ni baby. Ibang-iba na nga siya sa dating Collins na napaka-arogante sa lahat. N