Collins:
NAPAPANGUSO AKONG hinahayaan si nanay Elsa na ayusin ang necktie ko dahil ito ang araw na ipapakilala ako ni daddy na bagong president ng hospital namin. Ang Montereal's Hospital. Ayo'ko sanang tanggapin pero ayon naman sa kanila ay pwede pa rin naman ako sa nakasanayan kong buhay basta sa tuwing kailangan ako ng mga board ay magpapakita ako.
Bakasyon lang dapat ang pag-uwi namin dito sa pilipinas para sa kasal ni kuya Khiranz pero nagkasunod sila ni ate Catrione nagpakasal kaya wala akong choice kundi manatili na rin dito sa bansa.
"Hay nako Collins, binata ka na pero hanggang ngayon hindi ka pa rin marunong magkabit ng necktie mo" naiiling panenermon ni nanay habang bahagya akong nakatingala at hinahayaan itong ayusin ang necktie ko.
"Nay, hindi ko naman kasi pangarap magsusuot ng ganto. You know me Nay. Mas sanay ako sa tattered jeans at t-shirt lang" reklamo ko. Napahagikhik itong sunod na inayos ang pagwa-wax ng buhok ko. tsk. Napakamaasikaso talaga ng nanay ko. Kaya mahal na mahal ko ito eh. Dahil siya na ang tumayong ina ko mula pagkabata hanggang ngayong pwede na akong gumawa ng bata tss.
"Anong nginingiti-ngiti mo dyan" napabungisngis ako sa paninita nito. Daig na rin niya si mommy Liezel kung sermonan ako. Yumapos ako sa baywang nito dahil nakaupo ako at nakatayo siya sa harap ko. May kaliitan siyang babae na napakalusog lang naman. Hanggang baba ng dibdib ko lang ito pero bilugan ang pangangatawan. Para siyang bareles haha!
"Wala po. May naiisip lang Nay" pinaningkitan ako nito na tila binabasa na naman ang nasa utak ko.
"Collins huh? Umayos ka mamaya sa hospital. Hwag mong ipahiya ang daddy mo"
"Opo" ngumiti itong humaplos ng baba ko patingala sa kanya.
"Mabait naman ang alaga ko 'di ba? Ayaw mo namang pagalitan ako nila ma'am Liezel hmm?" napaikot na lamang ako ng mga mata kaya nakurot ako nito sa hita na ikinaiktad ko.
"Hahaha! Nay naman masakit!" natatawang daing ko ng inulit-ulit nitong kinurot ako sa hita. Napakapino pa naman niyang mangurot na tila nabawasan na ang hita ko. Haist. Magkakapasa na naman ang hita ko.
"Umayos ka. Baka akala mo dahil binata ka na hindi kita kukurutin sa singit mo damay pati itlog mo!" pagmamaldita nitong ikinabungisngis ko kaya natatawa na rin itong hinampas ako sa braso.
"Aww! Nay naman ang bigat huh? Diet-diet din kasi" natatawang saad kong tumayo na habang himas ang braso kong hinampas nito.
"Gusto mo 'to?"
"Hehe" napangiwi akong humalik sa noo nito ng iumang ba naman sa mukha ko ang kuyom niyang kamao.
"I love you Nay. Alis na po ako" pamamaalam kong ikinangiti at tango na nito.
PAGKABABA KO NG sala ay nakaabang na si daddy na nakapang-business suit din tulad ko.
"Let's go Dad" napapihit itong napalapad ang ngiti na mapasadaan ang ayos ko. Minsanan lang akong magsuot ng formal dahil wala naman akong pakialam sa mga negosyo nila daddy at mommy. Kaya nga may mga employee na sinasahuran para magtrabaho. Bakit kailangan magpagod ang amo 'di ba?
"That's my son. Pwede na" natatawang komento nitong ikinakamot ko sa kilay.
"Nagmukha tayong tao ah dude!" napaismid akong pinaningkitan si kuya Khiranz na nakapang-business suit din pero may sarili na itong kumpanyang pinapatakbo.
"Tss. Ikaw nga dyan ang hindi mukhang tao" mahinang sagot kong ikinabungisngis ni daddy na siyang nakarinig dahil kinakausap na nito ang anak na si Kieanne. Limang taong gulang pa lang pero napaka-bibo na nitong parang matanda kung magsalita tsk.
"Let's go son" pilit akong ngumiti at nagpatiuna nang lumabas ng mansion. Hindi ako ganon kalapit kina mommy at daddy. Kahit sa dalawang kuya ko. Mula naman pagkabata ay malayo ako sa kanila. Kaya sanay na sila na hindi ako 'yong tipo na nakikipagkulitan sa kanila. Mas malapit pa ako kay nanay Elsa at tatay Edgar na dati kong yaya at driver. Dahil mas naging pamilya pa sila sa akin mula pagkabata kaysa sa totoo kong pamilya. Noong una nagseselos ako. Naiinggit ako. Dahil laging una ang quadruplets at ang bunso naming si Charrie kina mommy at daddy. Na halos magmistula na akong hangin sa paningin nila. Pero habang nagbibinata ako ay unti-unti ko nang natanggap ang lahat. Kaya nga malayo ang loob ko sa kanila dahil, sanay ako. Nasanay na akong.....malayo sa kanila. Kung hindi lang sumama sa akin ang mga kapatid kong babae sa France ay baka pati sila ay malayo ang loob ko.
MATUWID AKONG naglakad kasabay ni daddy na pumasok ng hospital. Nakangiting bumabati ang lahat sa amin na nginingitian at binabati pabalik ni daddy maliban ako. Naka-pokerface lang ako sa lahat na ultimo tumango sa kanila ay hindi ko ginagawa.
Tumuloy kami sa conference room kasama ang lahat ng staff at board ng buong hospital para pormal akong ipakilala ni daddy sa lahat na ako na ang papalit sa kanya bilang bagong president ng hospital.
Nakapamulsa akong walang kangiti-ngiti kaya bakas ang takot, kaba at pagkabahala sa mukha ng mga kaharap ko at ang bulungan nilang tinatawag akong arogante. Tsk. Pagtatanggalin ko kayong lahat eh!
Aminado naman ako. Arogante ako sa lahat at nabibilang lang sa mga daliri ko ang mga taong hindi ko sinusungitan at malayang pinapakita ang paglalambing sa kanila. Si nanay, tatay, ate Catrione, Cathleen, si Charrie at si Axelle na bestfriend ko. Sila lang ang nakakapagpatawa sa akin at ang may lakas loob makipagkulitan sa akin dahil kabisado nila ako. Ang totoong ako.
"Good morning ladies and gentlemen. I would like to introduce my youngest son... Collins Montereal, your new.... president. Let's welcome and gave him around of applause!" napabalik ang ulirat ko sa masiglang pa-welcome ni daddy. Nagtayuan ang lahat na ngayo'y nakangiting pinapalakpakan ako na tumayo na at lumapit sa gitna nitong stage kung saan nakatayo si daddy. Nakangiti itong tinapik ako sa balikat habang pinapalakpakan kami. Tipid akong ngumiti na tinapik siya pabalik.
"Thank you" tipid kong sagot sa sunod-sunod nilang pagbati sa akin at isa-isang kinamayan na tinatanggap ko lang at tipid na tumatango kahit napakalapad ng ngiti nila sa akin.
PASIMPLE KONG ginagala ang paningin habang tino-tour ako ni daddy sa pasikot-sikot nitong hospital matapos akong dalhin sa magiging opisina ko dito. Nababagot na ako pero dahil unang araw ay kailangan kong tiisin muna hanggang magamay ko na ang buong hospital lalo na't malaki din naman itong hospital dito sa syudad. Panay ang bati ng mga nasasalubong namin at nagkukumahog pang napapayuko sa amin ni daddy na nakangiti sa lahat. Napapairap na lamang ako sa isip-isip na impit na napapairit at kinikilig ang mga nadadaanan naming nurse at doctor na malamang ako na ang bagong president ng hospital. Tsk. As if namang magkaka-interest ako sa kanila.
Nadako kami sa gawi ng ob gyne kung saan ang mga bagong panganak. Agad nagsitayuan ang mga nurses na naka-duty pagkakita sa amin ni daddy na magalang bumating ginantihan ni daddy.
"Collins ngumiti ka naman anak. Baka matakot sila sayo" natatawang bulong ni daddy habang dahan-dahan kaming naglalakad dito sa hallway at nililingon-lingon ang mga babies na bagong panganak katabi ang kanilang mga ina.
"Tss hindi ko sila ka-close Dad" ismid ko. Napailing naman itong nilapitan ang ginang na umiiyak ang baby na kanyang kinarga at maingat inihele at napatahan.
Akmang lalapit ako sa kanila ng may makabunggo akong muntik mawalan ng balanse kaya nakabig ko at napatili pa itong napasubsob sa dibdib ko!
"Sorry sir! Sorry po!" panay ang sorry nito na napapayuko. Napatingin na tuloy ang mga nandidito sa gawi namin at nagbubulungan. Binitawan ko itong umayos ng tayo.
"Rain ano ka ba...'di ka naman nag-iingat beshy. Bagong president pa natin ang nabangga mo" mahinang bulong ng katabi nitong panay ang siko sa kasamang nakayuko. Bahagyang kumunot ang noo ko na hindi pa umaalis ang mga ito.
"Are you on duty?" pagsusungit ko sa mga itong napaayos ng tayo at tumingala sa akin. Bahagya akong nagulat ng mapatitig sa nurse na nakabangga sa akin. It's her. Ang kinakapatid ni ate Sam na napangasawa ni kuya Khiranz. Nakilala ko siya sa kasal nila lastweek sa Ilocos kung saan ginanap ang kasal nila kuya. Nangunotnoo ako lalo. So ibig sabihin ipinalipat sila nila daddy dito sa hospital namin. Kay bago-bago pa niya pero heto at binangga ako? Nagpapapansin ba siya dahil lang nakausap niya ako at naging ka-partner lastweek sa kasal ni kuya? Tsk. Mga babae talaga.
"Sorry sir. Naka-duty po" mahinang sagot nito na bahagyang ngumiti pero nanatiling salubong ang kilay ko na naka-pokerface sa mga itong halatang kabado.
"What are you waiting for? Back to work" may kadiinang asik kong ikinataranta ng mga itong napapayuko.
"Yes sir!" panabay nilang sagot na bahagyang ngumiting pinaningkitan ko lang kaya napangiwi ang mga ito.
"Tsk." napairap akong ikinalunok pa nilang dalawa.
Tumalikod na agad ang mga ito na nagbubulungan.
"Ano bang problema niya may regla ba siya?" dinig ko pang inis na bulong ni Rain na pagak kong ikinatawa sa loob-loob ko.
"Kilala mo personally si sir Collins? Ang gwapo niya 'di ba? Bagong president natin. Excited na tuloy akong pumasok araw-araw!" impit na tili ng kasama nitong nagbubulungan habang inaasikaso ang mga babies. Napailing na lamang akong nakapamulsa dito sa gitna ng hallway na hinihintay si daddy na isa-isang kinakarga ang mga babies dito at bakas ang tuwa sa kanyang mga mata. Tsk. Ano bang nakakatuwa? Nakakarindi nga sa tainga ang iyak nila. Nakakabagot!
"Oo kilala. Gwapo nga arogante naman. Mas bet ko si kuya Khiro at Khiranz noh, saksakan na ng kagwapuhan, saksakan din ng kabaitan at laging nakangiti hindi tulad niyan. Mukhang pinaglihi ni tita Liezel sa sama ng panahon kaya ultimo ngumiti ay hindi magawa" nagpantig ang panga ko sa narinig na sinaad ni Rain sa kasama na ako ang tinutukoy.
"What is your name again you lady in white?" baling ko sa may kataasang tono na sa kanya nakatingin kaya nanlalaki ang mga mata nila ng kasama nitong napatingin sa akin. Umayos ito ng tayo na namumutla.
"Ahm...Rain ho. Rainy Del Mundo sir"
"Tsk. ms Del Mundo. At my office. Now!"