Chapter 8 Arrogant

1138 Words
Rain: KABADO AKONG nakaupo dito sa silyang kaharap ng swivel chair ni sir Collins habang hinihintay ito. Narinig pala ang nasabi ko kay Aya na napaka-arogante niya at mukhang pinaglihi sa sama ng panahon ni tita Liezel. Haist! Napahamak pa tuloy ako dahil sa bibig kong walang preno kung magkomento. Napaayos ako ng upo ng bumukas ang pinto at niluwal non si sir Collins. Haist kung gaano siya kagwapo ganon din kabaliktaran ng sama ng ugali sa kanyang kasungitan. Salubong na naman ang mga kilay na tila galit sa mundo. Yawa naman oh! Crush ko pa naman ito pero 'di bale na nga. Ekis na siya sa listahan. Napaka-arogante. Porke't siya na ang bagong president ng hospital nila kabanas! "Do you know who am I young lady?" anito sa baritonong boses na naupo sa swivel chair dala ang kape nitong hanep starbucks pa. Napatikhim akong tumuwid ng upo. "Yes Sir" mahinang sagot ko. Hindi ako makatingin sa kanyang mga matang napakatiim kung makatitig. Buti sana kung nakangiti at 'di salubong ang mga kilay para naman nakakakilig hindi.....nakakakilabot. Kusa tuloy umaangat ang pwet ko sa kinauupuan kong parang gusto ng maunang umalis at kumaripas ng takbo palayo sa Collins na 'to. Napangiti ako ng maalala ang kapangalan niyang si Coyens na kababata ko. Malamang ay binata na siya ngayon at baka mas gwapo pa sa Collins na kaharap ko ngayon. Buti pa iyon at saksakan na ng kagwapuhan ay saksakan pa ng bait at hindi matapobre hindi tulad ng isang 'to! Naku! Kung hindi ko lang ito boss minalditahan ko na bweset siya. Pagalitan ba naman ako. Ako pa tuloy ang kauna-unahang naipatawag dito sa opisina ng president namin kay bago-bago ko pa lang dito sa hospital. Nakakahiya! "Tss crazy" napalis ang ngiti ko ng marinig ang pag-ismid nito at ang pagtawag sa akin ng....crazy!? Sinamaan ko ito ng tingin na napataas ng kilay sa akin. "May sasabihin ka pa? Kasi kung wala na aalis na ako. Sir." pabalang at may kadiinang saad ko. Napangisi ito na tila ikinatuwa pang makitang umusok ang butas ng ilong ko sa sinaad nito. Napasandal ito ng swivel chair at ipinatong sa rectangle glass table nito ang mga paa na napadekwatro! Napataas kilay ako sa kintab ng itim nitong leather shoes. "Palaban ka yata ms Del Mundo. Baka akala mo ay dahil konektado ka sa pamilya ko ay may especial treatment ka dito sa hospital ko" kalmado pero buong-buo ang boses nitong ikinalunok ko. "Matuto kang lumugar. Palalagpasin ko sa ngayon ay paga-attitude mo sa akin pero sa susunod....malalagot ka na" anito na naka-pokerface at salubong muli ang mga kilay. "Copy Sir. Maari na po bang umalis?" magalang kong saad na matamis itong nginitian. Natigilan itong napatitig sa mga labi ko....at or should I say....sa kabilaang dimples kong litaw na litaw sa pagkakangiti ko. "Sir" untag kong ikinatikhim nito na napairap tss. Kalalaking tao ang hilig umirap. Mabuti na lang maganda ang mga mata nitong chinito at makakapal ang pilikmata at mahahaba kaya kitang-kita kapag napapairap. Haist. Mas maganda pa ang mga mata niyang kulay dark ashe ang kulay kaysa mga mata kong chinita din pero kulay brown. Half korean kami nila kuya. Pure korean si nanay Elijah Park kaya sa kanya namin namana ang singkit naming mga mata at ang natural na makinis at maputing kutis. Habang ang ama namin na 'di ko na matandaan ang pangalan ay purong pilipino at sa kanya namin namana ang aming malalalim na biloy.. Sina kuya Cloud at Typhoon ang nakalakihan ko dahil bata pa lang kami ng mamatay na si nanay Elijah Park dahil sa karamdaman. Kaya nga na-inspired kami ni kuya Cloud na maging nurse at doctor para manggamot sa mga taong walang kakayanang magpatingin ng karamdaman. Namatay kasi si nanay na hindi manlang namin naipapatingin sa doctor noon dahil napakawalang kwenta ng aming naging ama na inabandona kami. Naibarkada at nalulong sa pagsasabong kaya maging kaming mag-iina niya ay pinabayaan niya. Kung hindi dahil sa pamilya ni ate Samantha na siyang umampon sa aming tatlo noong mga bata pa kami nila kuya ay baka nasa kalye pa rin kami hanggang ngayon na mga walang narating sa buhay. Dahil kina tita Selena at tito Nathan ay nagkaroon kami ng pangalawang tahanan. Pangalawang pamilya. Kaya nagsumikap kaming tatlo nila kuya na makapagtapos ng pag-aaral para masuklian namin ang malaking utang na loob namin sa pamilya Alcantara. Ang pamilya ni ate Sam na asawa na ni kuya Khiranz Montereal. Ang isa sa quadruplets na kuya nitong mokong na Collins na 'to! "What are you waiting for? Chupi shooo shooo" napakurap-kurap ako sa pagtataboy nitong animo'y isa lang akong pusa na pinapalayas nito. Pagak akong natawa na napailing. "Ginawa pa akong aso" ismid ko at pabalang tumayo. Napapangisi naman itong marinig ang sinaad ko. "Hindi ka ba natatakot sa akin hmm?" tinaasan ko ito ng kilay. "Hwag mo akong kausapin. Hindi tayo close. Hambog" ismid kong tinalikuran na ito. Napatikom ako ng bibig at pigil-pigil ang sariling mapangiti ng malutong itong mapamura. Nakahinga ako ng maluwag pagkalabas ko ng opisina nito. Para akong nakapasa sa isang pagsusulit na nakaharap itong masinsinang nakausap. Napapilig ako ng ulo habang naglalakad ng hallway. "Bakit parang pakiramdam ko.....matagal ko na siyang kilala. Hindi ako naiilang sa kanya kahit pa.....napakasungit niya...Siya nga kaya si Coyens ko? Imposible... napaka-arogante kaya niya kumpara kay Coyens na masayahin, makulit at mabait" napapailing akong pilit winaksi sa isip ang naiisip kong posibilidad. Natigil ako sa paghakbang na inalala ang mukha nitong napakaamo at gwapo. Napapikit akong iniisip ito. Napangiti ako ng may sumagi sa isip ko kaya tumuloy na lamang ako ng rooftop total naka-break naman ako. Naupo ako sa lilim ng pinetree kung saan may mga bench ditong pasadya para pahingaan. May mga kasama din ako ditong kapwa ko nurse at doctors. Inilabas ko ang pen at pad ko sa shoulder bag ko. Napapapikit ako sa tuwing inaalala ang mukha nitong kay amo habang ginuguhit ito sa pad ko. Ilang minuto lang ay tapos ko na itong maiguhit at sinulatan ng 'Ulan loves Coyens' bago kunan ng litrato at in-edit sa face app kung saan pwede mong patandain ang itsura nito. Nangingiti akong tumayong nagtungo ng railings at dito napasandal. Pero napalis ang ngiti ko ng makita ang result at mukha ng aroganteng si Collins Montereal ang resulta ng binatang version nito!!? Natulala ako kasabay ng pagbilis ng t***k ng puso ko. "Ayt!!" nanlulumo akong napanguso ng mabitawan ko ang in-sketch kong mukha ni Coyens sa pagkakatulala ko sa naging resulta ng matured version nito sa face app na in-edit ko. "Bweset naman oh! Tss.. Imposible. Hindi siya ang Coyens ko" parang hibang pagkausap ko sa sarili na nagdadabog nagtungo ng elevator para makapag-duty na. Mahirap ng pagalitan na naman ako ng hambog na Collins Montereal na 'yon! Hmfpt! May araw din siya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD